Danica NAGISING AKO na para akong dinuduyan. Idinilat ko ang aking mga mata. May kadiliman ngunit naaaninag ko naman ang leeg at mukha ni Dave. Huli ko na namalayan na buhat na pala niya ako. Hindi rin nagtagal ay bumaon ang katawan ko sa malambot na kama. Umayos ako nang pagkakahiga at muling ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa pisngi ko. "Your requested apple mangoes are now here," bulong niya, na siyang ikinahinto ko. Naidilat kong bigla ang aking mga mata at nilingon siya. "Nasaan?" Ipinakita naman niya sa akin ang isang wicker tray basket na puno ng mga nagbibilugan at naglalakihang mga mangga. Bigla akong napabalikwas at pinagmasdan sila. Dumampot ako ng isa at inilapit sa lampshade upang makita ko ito ng mas malinaw. At totoo ngang apple