Danica
KAAGAD ngang dumating ang isang Doctor na babae dito sa bahay ni Dave at sinuri ang kalagayan ko. Ayon naman sa Doctor ay normal lang daw ang pagdurugo ko. Hindi naman ito ganun karami at nagmumula lang daw ito sa napunit kong hymen sa loob ng pwerta ko.
Niresetahan na lang din ako nito ng pain reliever kung sakaling hindi ko raw makaya ang sakit. Nakakaya ko naman, basta huwag akong gagalaw. At kumikirot lang din ito ng husto sa tuwing ako ay umiihi.
Kusa din daw itong naghihilom at hindi na nangangailangan pa ng surgical intervention. Ilang araw lang din daw naman ang itatagal nito. Lumiwanag nang bigla ang anyo ni Dave matapos nitong marinig ang mga paliwanag ni Doktora Bautista.
Hindi rin naman nagtagal si Doktora dito sa bahay. Inihatid din ito ni Dave sa baba. Naiwan ako dito sa kama niya habang nakahiga at nagpapahinga. Balot ng kumot ang buo kong katawan.
Pumasok si Lance dito sa loob at lumapit sa akin.
"Okay ka lang, Ate? Anong sakit mo?" Ipinatong niya ang likod ng kamay niya sa leeg ko at noo ko. Alam na alam niya ang ginagawa ko sa kanya sa tuwing may sakit siya.
Napangiti naman ako habang nakatitig sa kanya.
"Kaunti lang naman. Masakit lang ng kaunti ang ulo ko." Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na 'yong pwerta ko ang masakit dahil pinasok lang naman ng dambulang alaga ni Dave. Hiyang-hiya nga ako kanina habang sinusuri ito ng Doktora, at nandyan pa si Dave at sinisilip din niya!
"Hihilutin kita, Ate." Sumampa siya sa ibabaw ng kama at nagtungo sa ulunan ko.
Napangiti ako nang hilot-hilutin niya ang ulo ko. "Ang sarap niyan, ah. Parang makakatulog si Ate niyan."
"Iinom ka din ng gamot, Ate?"
"Mamaya. Hindi ko alam kung nagpabili ba si Dave ng gamot ko."
Maya-maya'y pumasok nang muli si Dave dito sa loob at may bitbit na siya ngayong isang baso ng tubig. May maliit na supot din siyang dala. Napatingin lang siya kay Lance na abala sa paghilot sa ulo ko. Mukhang ayos naman sa kanya na nandirito din ito sa kama.
"Take this medicine to reduce pain." Umupo siya sa tabi ko. Siya na ang naglabas ng isang piraso ng gamot sa supot at tinanggal ito sa lagayan.
Bahagya naman akong bumangon. Inalalayan niya rin ako sa pag-inom, kahit kayang-kaya ko na ito.
"T-Thank you."
"Don't force yourself to stand up if you can't. Just call me. Magtatrabaho lang ako sa office."
"A-Aalis ka?"
"I'm just inside." Isinenyas niya ang pintong kanina ay pinasukan niya para kumuha ng damit na ipinasuot niya sa akin kanina.
"O-Okay."
Ibinaba na niya ang baso sa ibabaw ng bedside table. May tira pa itong kalahati. Siya naman ay nagtungo na sa office niya. Muli namang hinilot ni Lance ang ulo ko.
"Matutulog ako, Lance, ha. Huwag kang maglilikot."
"Opo, Ate. Maglalaro lang ako ng car ko."
"Oh, sige."
"Di na tayo magtatabi sa pagtulog, Ate?"
"Bakit?" Bigla akong napalingon sa kanya.
"Sabi ni Kuya Dave, doon daw ang room ko sa tinulugan ko kagabi. Dito ka daw sa room niya."
"Sinabi niya 'yon?"
"Opo."
Hindi ako nakaimik. Nasanay kasi siya na magkatabi kami sa pagtulog. Nakayakap pa siya sa akin palagi at ngayon pa lang kami magkakahiwalay.
"Masasanay ka rin. Lumalaki ka na kaya kailangan mo nang masanay na may sarili ka nang silid. Solo mo ang kama mo. Masarap naman matulog sa kama, 'di ba? Malambot."
"Opo. Haba nga ng tulog ko, Ate, eh. Ang lalaki pa ng unan. Ang babango nila."
Napangiti naman ako.
"Magiging mahimbing na lagi ang tulog mo simula ngayon. At saka, kumain ka palagi ng marami para tumaba ka na rin, okay?"
"Kailan ako papasok, Ate?"
"Sa school?"
"Opo. Nag-aaral na sila. Ako hindi pa."
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi siya nakakapasok sa school dahil nga palipat-lipat kami ng tahanan. Ni hindi man lang 'yon naiisip ni Tiyong Kanor.
Ang katwiran niya ay pwede namang hindi na mag-aral dahil hindi rin naman daw nakakakuha ng magandang trabaho ang mga katulad namin. Nakapagtapos nga daw siya noon pero hikahos pa rin sa buhay hanggang ngayon. Eh, paano naman kasi uunlad kung puro siya sugal, alak at sigarilyo ang ginagawa niya. Puro panloloko at panggagantso lang ang alam niya.
"Eh, hindi ka pa pwedeng mag-aral sa ngayon dahil pinagtataguan pa natin sila Papang mo at Kuya Kaleb mo. Paano kung makita ka nila at kunin ka nila? Gusto mo bang bumalik sa kanila?"
"Ayoko, Ate. Dito lang ako. Ayoko na bumalik sa kanila." Bigla siyang yumakap sa akin at umiyak.
Hindi ko rin mapigilang maiyak dahil sa awa sa kanya. Niyakap ko rin siya at hinagod ang likod niya.
"Pangako, kapag maayos na ang kalagayan natin, mag-aaral ka rin sa school. Gagawin ni ate ang lahat para makatapos ka. Hintay ka lang ng ilang panahon pa. Magiging okay din ang lahat. Naniniwala ka ba kay Ate?"
"Opo. Sa susunod na lang, Ate. Baka makita nila ako."
"Oo, sa susunod na lang. Makakapag-aral ka pa rin naman hanggang sa college. Hindi pa nga lang sa ngayon."
Hindi naman na siya sumagot pa. Humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin habang nakahiga sa tabi ko.
Ano nga kaya ang balita kila Tiyong Kanor? Hindi kaya may alam si Dave? Siguradong meron dahil hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nitong maibalik sa kanya ang kwintas niya.
Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin.
MAGHAPON nga lang akong nagpahinga. Wala akong ginawa kundi ang matulog at kumain lang. Si Dave pa rin ang nagdala sa akin ng pananghalian ko dito sa silid niya. Siya din ang nagluto. Kumain sila ng sabay ni Lance sa kusina.
Tulong din silang dalawa sa pagliligpit. Nagtataka lang ako kung bakit wala siyang kasambahay, gayung napakalaki nitong bahay niya. Siguro ay siya lang ding mag-isa ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay.
Pagkatapos ng pananghalian ay muli din siyang nagkulong sa opisina niya. At kinahapunan ay nagtulong muli sila ni Lance sa pag-aasikaso ng pagkain.
Nahihiya na ako dahil para akong pabigat sa kanila. Maghapon lang akong nakahiga dito sa kama. Kailangan pang buhatin sa tuwing kailangan kong magbanyo. Wala din naman akong magawa dahil si Dave din mismo ang nagpipigil sa akin na kumilos.
Kararating lang namin sa bahay na ito pero problema pa yata ang inihatid ko sa kanya. Pasanin pa niya ako.
"P-Pwede ba akong maligo?" tanong ko sa kanya nang pumasok siyang muli dito sa silid, na may dala ng tray at puno ito ng pagkain.
"It's late. Kailangan ba?"
"A-Ako lang ang magliligo sa sarili ko doon sa tub. Kaya ko naman." Nahihiya kasi ako dahil gabi na at siguradong magtatabi na naman kaming dalawa dito sa kama niya. Kung dito pa rin niya ako patutulugin mamaya. Hindi naman niya siguro ako gagalawin ngayon dahil masakit pa ang pwerta ko.
"Have dinner first. Your food will get cold."
"S-Sige. Kumain na ba kayo ni Lance."
"Kakain pa lang. Babalik ako pagkatapos naming mag-dinner." Muli na siyang tumalikod at lumabas ng silid.
Hayst! Nahihiya na talaga ako. Para akong senyorita dito sa taas na kailangang pagsilbihan. Hindi naman niya ako kaano-ano. Andito pa ako sa room niya at nakabukas pa itong tv sa harapan ng kama.
Nang mapagod akong matulog kanina ay nanood naman ako ng tv. Sarap talaga ng buhay ko ngayon.
Nagi-guilty ako pero inumpisahan ko na ring kumain. Masarap itong niluto niya ngayon. Kare-kare. Ang galing naman pala niyang magluto. Hindi na talaga niya kailangan pa ng kusinera.
Mas lalo pa yata akong nahuhulog sa kanya ngayon. Ang dami niya ring nilagay na kanin. Kailangan ko itong ubusin. Nakakahiya kung magtitira ako. Siguradong mapaparami din ang kain muli ni Lance ngayon.
MAKALIPAS ang thirty minutes ay muli siyang bumalik dito sa loob. Saktong tapos na akong kumain.
"You're done?" Lumapit siyang muli sa akin.
"T-Tapos na." Nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Do you still want to take a bath?" Inalis niya ang tray sa harapan ko.
"O-Oo sana. Mayroon namang hindi malamig na tubig."
Hindi siya sumagot. Ibinaba niya sa mini table na nasa harapan ng tv ang tray at muling lumapit sa akin. Hinawi ko naman ang kumot sa mga hita ko. Wala pa rin akong suot na panty hanggang ngayon dahil nahihirapan akong magsuot kanina. Huhubarin din naman sa tuwing iihi ako.
Maingat niya akong binuhat at dinala sa loob ng banyo. Marahan niya akong ibinaba sa bathtub. Naglagay siya ng sabon, shampoo at body scrub sa gilid. Pati na rin toothbrush at toothpaste. Siya na rin ang nag-set ng temperatura ng tubig.
"Okay ka na dyan?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
"O-Oo, kaya ko na. Pwede mo na akong iwan."
"I'll be back after 10 minutes. Don't move. Just wait for me."
"Oo. Salamat."
Hindi na siya sumagot pa. Muli na siyang tumalikod at lumabas ng banyo. Sinimulan ko naman nang hubarin ang polo dress shirt kong suot.
Hindi naman ako nahirapan sa paliligo. Ang tubig na ginagamit ko ay dumidiretso na sa butas nitong tub. Kinuskos ko ang buong katawan ko at nag-shampoo ng mabuti. Maingat ko ring hinugasan ang p********e ko. Nag-toothbrush na rin ako ng mga ngipin ko.
Nabasa nang muli ang may sugat kong paa. Papalitan ko na lang din mamaya ang bandage. Wala naman na akong nararamdamang kirot. Sana naman ay magaling na siya.
Wala pa sigurong ten minutes ay natapos na ako. Ang problema ko ay walang tuwalya sa malapit. s**t. Paano ako makakapagpatuyo nito?
Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas, at bumungad doon si Dave. Napatakip akong bigla sa dibdib kong tayong-tayo.
"Are you done?" Tumitig naman siya sa akin.
"O-Oo. Hindi ko makuha 'yong towel."
Kaagad din siyang pumasok sa loob at kinuha ang dalawang nakasampay na towel sa towel rack. Lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang punasan niya ang basa kong buhok.
"K-Kaya ko na--"
"Don't move." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa buhok ko.
Ano ba itong ginagawa niya? Hindi naman kailangan na ganito ang pag-aalagang gawin niya sa akin. Baka singilin niya ako dito ng mas mahal pa. Siya na nga ang nagsabi na wala nang libre ngayon.
Matapos niyang punasan ang buhok ko ay ibinalot niya rin ito dito. Kinuha niya ang isa pang tuwalya at ipinunas sa likod ko at harapan ko. Napatingala na lamang ako nang umabot ito sa leeg ko pababa sa dibdib ko. Nakita na naman niya ngayon ang boobs ko at ramdam kong nakatitig na naman siya doon.
Hindi nga nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagsakop ng mainit niyang bibig sa kanan kong n****e. Bigla akong napasinghap nang supsupin niya 'yon at maghatid ito sa akin ng kakaibang kiliti at sensasyon.
Para akong nauuhaw...
Ilang sandali ang itinagal niya doon bago umangat sa mukha ko ang mga labi niya at sinakop din ang mga labi ko. Binigyan niya ako ng maalab na halik, na hindi rin naman nagtagal.
"I'm sorry. I can't help myself," bulong niya sa akin.
Hindi naman ako nakasagot at nanatili lamang nakatitig sa kanya. Binuhat na rin niya ako at inilabas na ng banyo.
Ibinaba niya ako sa kama. Ang buong akala ko ay itutuloy niya dito ang pag-angkin sa akin, pero tinulungan pa niya akong magbihis. Siya rin ang nagsuot ng isang puting boxer short niya sa mga paa ko.
Nakaramdam ako nang paghihinayang, pero mas okay na rin 'yon dahil hindi pa talaga ako magaling.
"Ito na muna ang isuot mo. Ilo-laundry ko muna ang mga damit mo."
"N-Nakakahiya na sa iyo."
"No big deal. It all comes with a price."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Siya na rin ang gumamot sa sugat ko sa paa na medyo tuyo naman na. Nilagyan niya itong muli ng bagong bandage.
Pero bakit iba ang nakikita ko sa kanya? Sobra-sobra itong pag-aalaga niya sa akin. Pwede naman niya akong bayaran na lang ng pera at hindi na asikasuhin pa.
Nahihiwagaan na tuloy ako sa kanya.