CHAPTER 7: Panic

2005 Words
Danica MALIWANAG na nang magising ako kinabukasan. Bigla na lamang akong napabalikwas nang maalala ko ang nagdaang magdamag. Lumingon ako sa tabi ko ngunit tanging mga unan na lamang ang kasama ko dito sa kama. Wala na si Dave. Napayuko ako sa katawan ko. Namilog bigla ang mga mata ko nang makita ko ang tayong-tayo kong dibdib. Kaagad kong hiniklas ang kumot at mabilis na itinabing dito. Aalis na sana ako ng kama ngunit naramdaman kong bigla ang pananakit ng kaselanan ko. Hindi ko halos maigalaw ang mga hita ko! Diyos ko. Parang may binibiyak sa loob ko! Ang sakit! Naipikit kong bigla ng mariin ang mga mata ko. Hindi ko malaman kung saan ako hahawak. Naalala kong kaninang madaling araw ay nagising akong inaangkin na naman ni Dave. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi siya nakakaraos muli. Kaya marahil ay mas nadagdagan pa ngayon ang pananakit nito. Baka nga namamaga na ito ngayon! "Are you okay?" Bigla kong naidilat ang mga mata ko at naaktuhan ko ang pagpasok ni Dave dito sa loob. Napakarami niyang bitbit na paper bag at dinala niya ang lahat ng 'yon dito sa gilid ng kama sa sahig na malapit sa tabi ko. May nakapatong ding malapad na tray sa kaliwa niyang palad kung saan may lamang mangkok at isang baso na mukhang gatas ang laman. "S-Si Lance? Gising na ba siya?" Tanging white robe lang ang suot niya ngayon. "Yeah. Binubuksan ang mga gamit niya." "Gamit?" Hindi siya sumagot. Inilabas niya ang mga paa ng tray niyang dala at inilapag ito sa mismong harapan ko. Napagitnaan ako nito at hindi ako makakilos. Napatitig ako sa laman ng mangkok at kaagad ko ring nalanghap ang napakabango nitong amoy. "How are you feeling?" Napatunghay naman akong muli sa kanya, hanggang sa magsalubong ang aming mga mata. Nailang ako sa masyadong pagkakalapit niya sa akin. Wala naman akong mabasang anumang emosyon mula sa kanya. "Aah, m-masakit. H-Hindi ko maigalaw ang mga hita ko." Gumapang ang init sa mukha ko at hindi ko makayang salubungin ang mga titig niya. "You can just rest for a few days. Take care of yourself, dahil marami tayong gagawin. Enjoy your breakfast." Umalis na siya sa harapan ko at nagtungo sa isang pinto nitong silid. Malapit ito sa pinto ng banyo. "P-Pwede ko bang makita si Lance?" Nag-aalala ako sa kapatid ko. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko rin naman siya makita dahil nasa loob siya ng silid na 'yon. Ano kayang meron do'n? Napatitig naman ako sa umuusok pang pagkain sa harapan ko. Noodles ito na may mga beef, shomai at mga gulay. Ang bango! Kumulo na lamang bigla ang sikmura ko sa gutom. Kakaunti lang kasi ang nakain ko kagabi dahil nahihiya pa ako at kinakabahan kay Dave. Pero bakit ngayon ay parang pinagsisilbihan pa niya ako? Kagabi ko pa nga 'yon naramdaman mula sa pagbuhat-buhat niya sa akin. Kahit galit siya ay hindi siya ganun kasama pagdating sa amin ni Lance. At saka, ipinagtataka ko kung bakit hindi niya pinapansin ang pagtawag ko sa kanya sa pangalan niya, kahit hindi pa naman kami nagpapakilala sa isa't isa. Hindi kaya natatandaan niya rin ako? Kilala na kaya niya kung sino ako? Bigla siyang lumabas ng pintong 'yon na may dala ng isang white long sleeve dress shirts. Lumapit siyang muli sa akin. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. "Wear it." Ibinuka niya ito sa harapan ko. Nagtataka man ay ipinasok ko pa rin sa mga manggas na 'yon ang mga braso ko. Hanggang sa maisuot na niya ito sa akin. Ako na lang ang nagsara ng mga butones nito sa harapan ko. "Eat that food and check your new stuff in those paper bags. I'll call Lance." Kaagad na rin siyang tumalikod at lumabas ng pinto. Napatitig na lamang ako doon at hindi kaagad nakakilos. Napayuko ako sa suot ko at sa pagkaing nasa harapan ko. Sinilip ko rin ang mga paper bag na nasa gilid ng kama sa sahig. Inabot ko ang isa at sinilip ang laman niyon. Nangunot ang noo ko nang may makita akong mga tela sa loob. Inilabas ko ang mga ito mula sa loob at doon ko napatunayang mga bagong damit ito. At ang gaganda! Mukhang mga mamahalin! "Ate!" Napalingon akong bigla kay Lance na tumatakbong pumasok dito sa loob. Nagulat ako dahil bago na ang damit niya! May suot na rin siya ngayong magandang slipper sa mga paa niya. May bitbit pa siyang laruan na kotse. Tuwang-tuwa siyang lumapit sa akin. "Ang daming binili sa akin ni kuya Dave, Ate! May car pa ako, oh. Umaandar ito, Ate. May remote. Ito, oh!" Kaagad niyang ibinaba sa sahig ang blue car na 'yon at sinimulan niyang paandarin gamit ang remote control na hawak niya. "Siya ba ang namili niyan? Ibinigay niya sa iyo?" Hindi ko pa rin mapigilan na magtaka. "May nagdala lang, Ate, mga lalaki. Boss ang tawag sa kanya. Parang sila 'yong nagpunta doon sa bahay natin kagabi." "Talaga?" "Opo." "Kumain ka na ba?" "Tapos na po ako, Ate. Ang dami ko ngang nakain. Sabay kami ni Kuya Dave kumain. Siya ang nagluto niyan. Tinulungan ko lang siya maghugas ng mga gulay." "T-Talaga? Sabay pa kayong kumain?" "Opo." Hindi ko na naman maiwasang magtaka. Pero bigla kong naalala 'yong pinag-usapan namin kagabi. Siguro ay ito na ang kapalit ng mga ipapagawa niya sa akin. Pagiginhawahin niya ang buhay naming magkapatid sa piling niya. Hindi na rin masama. Magiging maayos ang buhay ng kapatid ko dito kung ganun. Pero hanggang kailan naman kaya? Baka kapag nagtagumpay na siya sa paghihiganti niya ay bigla na lamang niya kaming palayasin ditong magkapatid. Pero ang sabi naman niya ay babayaran niya ako. Siguro ay iipunin ko na lang ang mga ibabayad niya sa akin, para kung sakaling dumating na ang araw na 'yon ay hindi na ako mag-aalala pa na umalis dito. May magagamit na kaming pera ni Lance para makapagsimula ulit ng bagong buhay. Inumpisahan ko nang kainin ang noodles. Namilog ang mga mata ko sa kakaibang lasa nito. "Ang sarap." "Masarap, Ate? Parang gusto ko pa ulit kumain niyan." "May tira pa ba nito sa baba?" "Meron pa po. Kain lang daw ako sabi ni kuya Dave kapag nagugutom ako." Napangiti naman ako. Mukhang mabait naman siya sa kapatid ko. Nakilala ko naman talaga siyang mabait kahit hindi niya ako napapansin noon sa school. Pero siyempre, iba pa rin ngayon na may ginawang hindi maganda sa kanya si Kaleb at naaktuhan pa niya ang mga panlolokong ginagawa namin sa mga tao. Alam kong nawala ang tiwala niya sa amin. Gagawin ko na lang ang lahat upang pagkatiwalaan niya kami ni Lance. Pagtatrabahuhan ko ang magandang buhay na ibibigay niya sa amin ngayon dito. "Tutulungan natin siya sa paglilinis nitong bahay, ha. Huwag kang magpapasaway sa kanya. Susundin mo ang lahat ng mga iuutos niya." "Opo. Nagwalis nga ako kanina, Ate, eh. Saka nagpunas ako ng mga alikabok." "Inutusan ka ba niya?" "Hindi po. Sinabi ko lang." "Ang galing naman." Napangiti ako habang patuloy ako sa pagkain nitong napakasarap na noodles. Malalaki ang laman niyang baka. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito. Ang sarap din ng shomai. Kaagad ko na rin itong naubos. Ininom ko rin ang isang baso ng gatas. Kapag ganito palagi ang makakain ko dito, siguradong tataba na kami ni Lance. Masyado rin kasing payat si Lance dahil bukod sa kulang kami sa pagkain sa poder ni Tiyong Kanor, madalas pa siya magkasakit. Napahinto ako nang maalala ko si Lorna. Naku, may utang pa nga pala ako sa kanya! Siguradong hinahanap na rin niya ako ngayon at siguradong alam na rin niya ang kalokohang ginawa namin. Naalala ko pa noong dalawin niya ako habang nakaburol ako. Binulungan pa niya ako, bakit daw hindi muna ako nagbayad ng utang bago namatay. Natatawa na lamang ako noon sa loob ng kabaong. Babayaran ko na lang siya kapag nagkita kaming muli. Hindi ko naman kakalimutan ang utang na 'yon. Umabot na yata ng mahigit limang libo 'yon. Kunsabagay, malaki din 'yon. Napakahirap hanapin no'n. Bibigyan ko na lang siya ng interest. MATAPOS kong kumain ay si Lance na ang nagbaba ng tray sa kusina. Hindi pa rin ako makakilos sa kama. Napakasakit pa rin ng pwerta ko. Hindi ko naman nakita ang hitsura no'ng alaga ni Dave kagabi pero ramdam ko na napakalaki niyon at mahaba. Malayo sa punggok na ari ni Kaleb na lagi nitong sinasalsal. Hindi siguro 'yon makapasok sa ari ng babae dahil maliit. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-imagine na inangkin ako ni Dave ng hindi lang isang beses, kundi tatlong beses pa kagabi. Hindi ako makapaniwala. Dati-rati ay tinititigan ko lang siya sa school pero kagabi ay natikman ko at nalasahan ng maraming beses ang napakasarap niyang mga labi. Ang lalambot ng mga 'yon at hindi ko rin mapaniwalaan na hahalikan niya rin ako ng ganun. May panggigigil at tila sabik na sabik. Lahat ng sulok ng katawan ko ay hinalikan niya. s**t. Parang nag-iinit na naman ang p********e ko ngayon. May kakaiba akong nararamdaman sa puson ko na para akong maiihi. Eh, paano naman ako makakapunta nito sa banyo? Gusto ko sanang maghugas ng pwerta ko dahil nanlalagkit ako, pero hindi ko naman maigalaw ang mga hita ko. Sinubukan ko muling igalaw ang mga ito. Pumihit ako patungo sa gilid ng kama. Inilabas ko ang mga hita ko mula sa kumot at dahan-dahan ang mga itong ibinaba. Ngunit napakagat-labi ako sa tindi ng kirot na naramdaman ko. May sugat pa ang paa ko kaya mahihirapan din akong maglakad. "What are you doing?" Bigla naman akong napalingon kay Dave na muling pumasok dito sa loob. "M-Magbabanyo sana ako. N-Naiihi na ako, eh." "Come on." Lumapit naman siya sa akin at marahan akong binuhat. Napahinto ako nang maagaw ng pansin ko ang mga pulang mantsa sa kama. Mga dugo ko yata 'yon! "D-Dugo ba 'yan? S-Sa akin yata galing." Oh, Diyos ko. Kaya pala sobrang sakit! "I'll just replace it with a new bedsheet." Dinala na niya ako sa loob ng banyo. "P-Pasensiya na." "Not a problem." Hindi ko na naman mapigilang mapatitig sa kanya. Napakasarap na naman sa pakiramdam na naririto ako ngayon sa mga bisig niya. Sa bathtub niya ako marahang ibinaba. "You can pee here." Itinaas ko naman ang suot kong damit niya upang hindi ito mabasa. Ibinuhol ko ito sa ilalim ng dibdib ko kaya naman ngayon ay nakikita na naman niya ang ibabang bahagi ko at nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Kinuha niya ang isang shower na may hawakan at binuksan ito. Kaagad na sumirit doon ang tubig. "A-Ako na. Kaya ko na." Inagaw ko na ito mula sa kanya. "Let's set it in warm water," aniya naman bago siya may pinihit sa gilid ng tub kung saan ito naka-kunekta. Segundo lang ay naging warm nga ang temperatura ng tubig na lumalabas dito sa maliit na shower na ito. Idinampi din niya ang mga kamay niya sa tubig para siguro ay masiguro niya ang katamtamang timpla nito. Hindi ko alam kung bakit, pero pinagtatakhan ko na ang masyado niyang pagki-care sa akin. Oh, baka talagang ganito ang ugali niya. Hindi ko naman talaga lubos pang kilala ang ugali niya, lalo na sa loob ng bahay. Dahil noon ay sa school ko lang siya nakikita at nakakasama. Itinapat ko na ang tubig sa p********e ko. Sinabayan ko na ito nang pag-ihi. Ngunit napadaing ako sa labis na kirot na naramdaman ko doon. "Are you alright?" Muli akong napatingala sa kanya. May nababanaag naman ako ngayong pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "O-Oo, k-kaya ko..." Tiniis ko ang kirot na nararamdaman ko. Ipinagpatuloy ko ang muli kong pag-ihi. Sabay kaming napayuko sa tub. May nakita akong sumamang dugo sa ihi ko. "Oh, s**t. I'm going to call a doctor, to check you." "H-Ha?" Napalingon akong muli sa kanya nang bigla itong umalis sa tabi ko. Nagmamadali itong lumabas ng banyo at iniwan ako dito sa loob. Para siyang natarantang bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD