CHAPTER 9: Pizza

2151 Words
Danica "Matulog ka na, Lance. Nine o'clock na. Bukas ka na lang ulit manood ng tv," ani Dave kay Lance na ngayon ay nasa harapan ng tv dito sa silid niya. Hinahayaan naman niya palagi dito si Lance kaya masayang-masaya na ako do'n. "Opo. Goodnight, Ate." Kaagad siyang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko. Nakaligo na rin siya at nakapag-toothbrush matapos nilang mag-dinner kanina sa baba. Tinuruan naman daw siya ni Dave sa mga gagawin niya. May sarili din namang banyo ang silid niya. Nagtulong din sila kanina ni Dave sa paglo-laundry ng mga bago naming damit. Automatic waching machine naman daw ang gamit. Pag-stop daw ng machine ay tuyo na ang mga damit. Ang galing lang. Hindi ganun kahirap ang mga gawaing-bahay dito. "Goodnight, bunso. Kaya mo na ba?" Humalik din ako sa pisngi niya. "Opo, Ate. Big boy na ako, eh." Napangiti ako sa sinabi niya. Nagmula daw sa kuya Dave niya ang salitang 'yan. Big boy naman na talaga siya. Eight years old na siya, eh. Dapat ay grade 2 or grade 3 na siya sa edad na 'yan. Pero ni kinder ay hindi man lang siya nakakapag-aral pa. Marunong naman na siyang magsulat, magbasa at magbilang. Marami na siyang alam dahil palagi ko naman siyang tinuturuan. Para kung sakaling pumasok na siya sa school, hindi na siya mahuhuli sa mga classmate niya. Tuluyan na siyang tumakbo patungo sa pinto. Hinatid naman siya ni Dave patungo sa silid niya. Katatapos lang ding maligo ni Dave. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na naman maipaliwanag itong nararamdaman ko. Ilang sandali na lang kasi ay makakatabi ko na naman dito sa kama si Dave. Dito na nga yata ako matutulog gabi-gabi. Kapag gumaling na ako, dito pa rin kaya? Baka ilipat na rin niya ako sa silid ni Lance. Hindi nagtagal ay muli na siyang bumalik. Pinatay na niya ang mga ilaw sa kisame kaya bahagyang dumilim ang buong paligid. Naiwan na lamang nakabukas ang dalawang lampshade sa magkabilang tabi nitong kama at ang tv sa harapan namin. Isinara na rin niya ang pinto. "O-Okay lang ba do'n si Lance? Nakahiga na ba siya?" nag-aalala ko pa ring tanong sa kanya. Hindi pa rin kasi ako sanay na hindi ko kasama sa pagtulog ang kapatid ko. "He's fine. At nakahiga na rin siya. Manonood ka pa ba ng tv?" Dinampot niya ang remote control ng tv mula sa sofa na nasa paanan ng kama namin. "H-Hindi na. Matutulog na ako." Kaagad din niyang pinatay ang tv kaya mas lalo pa ngayong dumilim ang buong paligid. Umayos ako nang pagkakahiga sa gilid ng kama. Siniguro kong malaki ang space niya sa tabi ko kahit malaki naman itong kama. Kasya pa nga siguro ang dalawa pa dito. Itinaas ko ang kumot hanggang sa leeg ko. Nagtungo na rin siya sa kabilang bahagi nitong kama. Tanging white robe lang ang suot niya ngayon. Ipinikit ko na ang aking mga mata habang nakatihaya, ngunit nararamdaman ko ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko. Naramdaman ko na ang pag-uyog ng kama sa tabi ko at siguradong humihiga na rin siya. Gumalaw din ang kumot na gamit ko. Mukhang hinila niya rin at share din kaming dalawa dito. Iisa lang naman kasi ang kumot dito sa kama niya. At bago din ito dahil namantsahan ko rin pala ng dugo 'yong gamit naming kumot kagabi. Bigla akong may naalala kaya muli kong idinilat ang aking mga mata at nilingon siya. Nabungaran ko naman siyang nakahiga na rin sa tabi ko at kaharap ang phone niya. "Ahm, p-pwede ba akong magtanong tungkol kila Tiyong Kanor? May alam ka ba kung ano nang nangyari sa kanila ngayon?" "They are in jail now, along with his wife. Pero nakatakas si Kaleb at ang mga barkada niya," sagot niya nang hindi ako nililingon. Namilog bigla ang aking mga mata sa balitang 'yon. "T-Talaga?" "Yeah, and he's looking for us now." Bigla akong kinabahan habang nakatitig sa kanya. "P-Paano kung makarating sila dito? P-Paano kung sugurin niya itong bahay mo at makapasok sila dito?" "That will never happen. Mahigpit ang seguridad sa subdivision na ito. We also have a lot of guards outside. Huwag na huwag niyang susubukan dahil sisiguraduhin kong hindi na siya makakalabas pa ng buhay." Natahimik akong bigla sa sinabi niya. Parang yan din 'yong sinabi ni Kaleb sa kanya noong sinugod din nila ang lamay sa amin. Nakalabas pa rin naman sila ng buhay. Pero kung sila naman ang susugod dito, kaya ba niyang pumatay ng tao? "Kaya wala pa ring chance na makapag-aral si Lance sa school. Pero posible kung dito lang sa bahay gagawin." "Ha?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Hindi pa rin niya ako nililingon at tutok pa rin ang mga mata niya sa phone niya. "I'll just get him a tutor and take an online class. He can still study that way. Hindi masasayang ang taon niya." Doon pa lamang niya ako nilingon at tinitigan. "P-Pwede ba 'yon? H-Hindi ba mabigat na 'yon sa iyo?" "We have an agreement, right? Susundin mo rin ang mga iuutos ko. Pero nasa sa 'yo kung ayaw mo." "G-Gusto ko. Matagal nang gustong mag-aral ni Lance. Naaawa na ako sa kanya." "I heard your conversation earlier. Gusto ko ring makapag-aral siya. That's the only way we have right now, para hindi na siya lalabas pa ng bahay. Siguradong kukunin siya ng hayop niyong kapatid sa oras na makita siya nito sa labas." "H-Hindi ko kapatid si Kaleb. Kapatid siya ni Lance sa ama. Si Lance naman ay kapatid ko sa ina." Hindi naman siya sumagot. Muli siyang bumaling sa phone niya. Kinakabahan din ako. Sana naman ay tumigil na si Kaleb. Pero sigurado din akong hindi lalo't nakulong si Tiyong Kanor. Siguradong maghihiganti 'yon. "Bukas ay darating ang tutor ni Lance. Ipapamili ko na rin siya ng mga gamit niya bukas na bukas din." Muli akong napalingon sa kanya. "S-Salamat. Pangako, gagawin ko ang lahat ng mga iuutos mo sa akin. Susuklian ko ang lahat ng ito bilang kapalit." Hindi naman siya sumagot. Ibinaba na niya ang phone niya sa bedside table. Umayos na rin akong muli nang pagkakahiga. "Sleep now. Goodnight," aniya na siyang ikinalingon kong muli sa kanya. Bigla naman siyang tumalikod sa akin. "G-Goodnight," mahina kong sagot sa kanya bago ko ipinikit na rin ang aking mga mata. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Sinubukan ko na ring matulog. Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kanina kasing hapon at napahaba ang tulog ko, kaya marahil ay wala na akong maitulog pa ngayon. Sinubukan ko pa rin at hindi na kumilos pa sa kinahihigaan ko. Maya-maya'y nakaramdam ako nang pagkilos sa tabi ko. Siguro ay umayos nang pagkakahiga si Dave. Hindi ko na siya sinilip pa. Pinanatili ko na lamang nakapikit ang aking mga mata. Ngunit maya-maya'y nagulat na lamang ako nang may mainit na hininga nang dumadampi ngayon sa pisngi ko. Segundo lamang ay may mainit na bagay nang lumapat sa mga labi ko. Shit. Hinalikan ba niya ako? Nanigas akong bigla sa kinahihigaan ko, ngunit pinanatili ko na lamang nakapikit ang aking mga mata ay kunwari'y natutulog na. Hindi rin naman iyon nagtagal, ngunit naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin. Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko sa mga sandaling ito, at sana ay hindi niya 'yon marinig. Hindi na siya kumilos pa sa tabi ko. Maya-maya'y naramdaman ko na ang malalim niyang paghinga. Naririnig ko na rin ang mahina niyang paghilik. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Labis ang sayang nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Pinakalma ko na ang sarili ko habang nakakulong sa mainit niyang bisig. Isinandal ko na rin sa kanya ang sarili ko. Hindi rin nagtagal ay namigat na ang pakiramdam ko, ganundin ang talukap ng aking mga mata. Naging kumportable akong bigla, hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Sa madaling-araw ay ilang beses akong nagigising sa tuwing kumikilos siya. At namamalayan ko na lamang ding nakayakap na rin ako sa kanya ng mahigpit. Hinahayaan niya lang naman ako. May oras na sa braso na niya ako nakahiga habang dalawang bisig na rin niya ang nakayakap sa akin. Magkaharapan kaming dalawa at nakasuksok ako sa leeg niya. Masarap naman ang naging tulog ko. Napakahimbing. Feeling ko nga ay nakangiti ako habang natutulog. Hanggang sa sumapit nang muli ang umaga. *** KINABUKASAN ay dumating nga ang tutor ni Lance. Isang babae. Pero hindi na ito pinaakyat pa ni Dave dito sa room niya kaya hindi ko rin ito nakaharap. Sinabi lang din ito sa akin ni Lance. Teacher Shiela daw ang pangalan ng tutor niya, pero Teacher Lala na lamang daw ang itawag sa kanya. Tuwang-tuwa nga ang kapatid ko dahil maraming mga gamit daw sa school ang dala nito na para daw sa kanya lahat. Mayroon ding mga libro. Binilhan din siya ng bagong laptop ni Dave, kaya ngayon ay makakapag-aral na siya through online. Inasikaso na rin ni Dave ang enrollment niya sa isang online elementary school kahit wala pang birth certificate. Madali lang daw namang makakuha niyon at ipapasa na lang daw niya sa school. Siya na daw ang bahala sa lahat. Ngayong araw ding ito ay sinimulan nang turuan ni Teacher Lala si Lance, at doon ito ginawa sa room ng kapatid ko. Bukas naman siya magsisimula sa online class niya. "Mabait siya, Ate. Pero madaldal siya," kwento sa akin ni Lance pagsapit ng hapon. Four hours silang nag-aral kanina ng teacher niya. Natawa akong bigla sa kwento niya. "Paano mo naman nasabing madaldal? Tinuturuan ka nga niya, 'di ba? Ano bang mga itinuro niya sa iyo kanina?" "Tanong siya nang tanong kay Kuya Dave tungkol sa atin. Sinabi ko kasi sa kanya na may ate ako at nandito ka sa kwarto ni Kuya." "Anong sabi niya?" Bigla tuloy akong naging interesado. "Parang nagulat siya, Ate. Lumaki 'yong mata niya. Ganito, oh." Pinalaki niyang bigla ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Natawa naman ako sa hitsura niya. "Gusto ka niya makita, pero bawal daw sabi ni Kuya Dave sa kanya dahil may sakit ka. Tanong siya nang tanong kung girlfriend ka ba raw ni Kuya. Pinagagalitan naman siya ni Kuya Dave. Hindi ko maintindihan sinasabi niya. English, eh." Natahimik ako sa mga sinabi niya. Sino naman kaya 'yong Lala na 'yon? Shiela? Wait. Hindi kaya iyon 'yong bestfriend ni Sheila dati noong nag-aaral pa kami ng high school? Baka nga siya! Lala din kasi ang tawag ni Sheila sa bestfriend niya dahil Shiela din ang pangalan no'n. At siyempre, magkakilala din sila ni Dave. Kaya siguro siya na lang ang kinuha niyang tutor ni Lance. Pero sa pagkakaalam ko ay malaki din ang gusto ni Lala noon kay Dave. Halata naman sa tuwing tumititig siya kay Dave. Hindi kaya girlfriend na siya ngayon ni Dave? Biglang pumasok dito sa silid si Dave. May dala itong dalawang box ng pizza at mga platito. "Mirienda." Ibinaba niya ito sa paanan ng kama namin. "Wow! Pizza po 'yan, Kuya Dave?!" Tuwang-tuwa naman si Lance. "Yeah. Kumakain ka ba nito?" tanong naman sa kanya ni Dave. Mukhang close na sila ngayong dalawa. "Opo! Pero minsan lang kami makakain niyan. Wala kaming pambili, eh." "Kumain ka na." Mabilis nabuksan ni Dave ang isang box at bumungad na nga sa harapan namin ang laman niyon. Isang makapal na pizza na overloaded. Marami itong sangkap na gulay, beef at cheese. "Wow! Ang bango!" Nanlalaki ang mga mata ni Lance habang nakatitig doon. Excited na excited siya. Napatitig naman akong muli kay Dave habang inuumpisahan na niya itong pilasin at ilipat sa mga platito. Paano ko ba itatanong sa kanya ang tungkol kay Lala? Hindi ko pa rin kasi alam hanggang ngayon kung natatandaan ba niya ako bilang classmate niya noong first year pa lang kami. Nahihiya kasi akong magtanong sa kanya. "Here. Eat that." Ibinigay niya sa akin ang isang platito na naglalaman ng isang slice ng pizza. "T-Thank you." Binigyan niya rin si Lance. "Salamat po, Kuya Dave!" "You're welcome. Kumuha ka lang dyan hangga't gusto mo." "Opo!" Kaagad na rin namang inumpisahan ni Lance ang pagkain sa pizza niya. "Kukuha lang ako ng inumin sa baba," paalam naman ni Dave sa amin bago muling lumabas ng silid. Ang sipag talaga niya. Sana ay gumaling na ako para ako naman ang kikilos dito sa bahay. Kahit papaano naman ay nabawasan na ang kirot ng pwerta ko. Gumagaling na rin ang sugat ko sa paa. Maliit na bandage na lang ngayon ang nakatapal dito. Kahit papaano din ay naiiapak ko na siya sa sahig. Kunting tiis na lang. Gagaling na rin ako. Pero baka kapag magaling na ako ay maulit nang muli ang pag-angkin sa akin ni Dave. Hindi ko alam pero ... nakakaramdam ako ng excitement sa dibdib. Hindi na rin ako makapaghintay pa. Gagawin pa nga kaya niya ulit sa akin 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD