CHAPTER 10: Allure

2083 Words
Danica DALAWANG ARAW pa ang lumipas ay tuluyan na nga akong gumaling. Pilat na lamang ang mayroon sa paa ko at wala na rin akong nararamdamang kirot sa p********e ko. Nakakaihi na ako ng maginhawa. Bumangon ako at bumaba ng kama. Inayos ko muna ito bago ako pumasok sa loob ng banyo. Mas maaga pa ring nagising sa akin si Dave. Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Pero hindi ko pa rin makakalimutan na magdamag pa rin siyang nakayakap sa akin kagabi. At naramdaman ko rin ang paghalik-halik niya sa akin. Baka akala niya ay hindi ko alam 'yon. Nagkukunwari lang ako laging tulog, no. Naghilamos ako at nag-toothbrush ng mga ngipin ko. May mga pambabae na rin akong mga gamit dito sa banyo niya. Maayos silang nakatabi sa mga hygiene personal care niya. Hindi ko alam pero parang dito na talaga ako mananatili sa room niya habang dito kami nakatira ni Lance sa kanya. Pero ayaw ko pa ring umasa at maging panatag. Balang-araw ay aalis din kami dito, kapag nagawa na niya ang mga naisin niya sa buhay niya. Nagpunas na ako ng basang mukha ko at isinampay ng maayos ang tuwalya sa isang hanger. Isinabit ko ito dito sa towel rack. Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa katabi nitong pinto kung saan siya palaging kumukuha ng mga damit namin. Pero pagpasok ko sa loob ay may dalawang pinto pa rin pala dito. Isa dito sa kanan at isa sa dulo sa kaliwang bahagi. Ngayon pa lang kasi ako pumasok dito. Sinubukan kong buksan ang nasa harapan ko. Sumilip ako sa loob ngunit may kadiliman. Naghanap ako ng switch sa gilid at may nakapa naman ako doon. Kaagad ko itong pinindot at segundo lang ay sumabog ang liwanag sa buong paligid. "Wow..." Napanganga akong bigla. Damitan pala ang laman ng mga ito. Isang malaking silid na puro mga damit lang ang mga laman. May malaking cabinet din na puro mga sapatos ang laman at maayos silang nakasalansan. Napahakbang ako papasok sa loob. Napaikot ang mga mata ko sa buong paligid. Para lang akong nasa loob ng isang boutique sa mall. Maayos na mga naka-hanger ang mga damit niya dito at naririto rin ang mga damit ko! Kasama ang mga ito ng mga damit niya. Ito 'yong mga pinamili niya sa akin noong mga nakaraang araw lang. Nandito rin ang mga bago kong sapatos na pinamili niya rin para sa akin. Kakaunti pa lang ang mga ito kumpara sa kanya na napakarami. May carpet din ang sahig. May sofa at mini table dito sa gitna na yari sa salamin. Sa paglinga ko ay biglang naagaw ang pansin ko ng isang cabinet na nahaharangan ng makapal na salamin. Sa loob nito ay naroroon ang mga alahas at mukhang mamahaling mga relo. Nilapitan ko ito at isa-isang pinagmasdan. May makakapal na mga kwintas, bracelet, anklet at kung ano-ano pa. May mga pabilog din na hikaw. Sinusuot din ba niya ang mga 'yan? At lahat sila ay gold. Grabe... Naalala kong bigla 'yong kwintas na ninakaw daw ni Kaleb sa kanya. Paano ba siya nanakawan ng kwintas ni Kaleb? Nakapasok ba siya dito sa silid niya para magnakaw? Kasasabi lang niya na secured ang lugar niyang ito. "Huh!" Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok siya dito sa loob! Kaagad siyang napatingin sa akin at sa cabinet na nasa harapan ko. "D-Dave... t-tinitingnan ko lang." Bigla na lamang kumabog nang napakalakas ang dibdib ko. Patay na. Sana'y hindi na lang ako pumasok dito sa loob. Baka pagbintangan pa niya ako. "It's locked." "Ha? T-Tiningnan ko lang. K-Kasi maghahanap sana ako ng damit ko na pamalit." Kaagad akong lumayo sa cabinet na 'yon. "A-At saka naalala ko 'yong kwintas na sinasabi mong kinuha ni Kaleb. N-Napapaisip lang ako kung paano ka niya nanakawan." Sobra akong nag-alala at natakot na baka pag-isipan niya ako ng masama at paalisin na kaagad niya kami dito ni Lance. Hindi naman siya sumagot. Naglakad siya palapit sa cabinet na 'yon. Nakita kong inilapat niya ang thumb finger niya sa gilid niyon na parang may machine. Umilaw ito at bigla na lamang kumawang ng bahagya ang salamin ng cabinet. Tuluyan na niya itong binuksan at kumuha doon ng isang kumikinang na gintong kwintas. Nagtaka ako ng lumapit siya sa akin at nagtungo sa likod. Napayuko akong bigla nang isuot niya sa leeg ko ang kwintas. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Binalot ako ng pagtataka. "For you. It suits you." "B-Ba... P-Pa... B-Bakit? H-Hindi naman ako---H-Hindi ko naman kailangan 'to. H-Hindi ako humihingi." Hindi ko malaman ang sasabihin sa kanya. "T-Tiningnan--" Naputol ang sinasabi ko nang bigla na lamang niyang inangkin ang mga labi ko. Marahan niya akong hinalikan. "No more questions. That's for you." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Isinara na niyang muli ang salamin ng cabinet. "Your undergarments is here." Tinungo niya ang isang drawer sa kanang bahagi at binuksan ito. "And here are the rest of your clothes." Itinuro niya rin ang iba pang mga nakapatas na mga damit, ganundin ang iba pang mga naka-hanger. Maayos ang pagkakasanlansan nilang lahat na sigurado akong siya lang ang gumawa. "S-Salamat." "Let's have breakfast in the kitchen. Kaya mo na bang bumaba ngayon ng hagdan?" Lumapit na siyang muli sa akin at hinawakan ang kamay ko. "O-Oo. K-Kaya ko na." Napatitig ako sa mga kamay namin. Bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko. Dama ko ang init ng kamay niya sa akin. Hinila na niya ako palabas ng malaking closet na 'yon. Napahawak na lamang ako sa suot kong kwintas. Bigla akong napangiti. "I-Iingatan ko 'tong kwintas," ani ko sa kanya. Bahagya niya lang akong nilingon at hindi sinagot. Medyo nauuna siya sa akin. Tuluyan na rin kaming lumabas ng silid niya at bumaba ng hagdan. "S-Si Lance?" Bigla kong naalala ang kapatid ko na kamuntik ko nang makalimutan. Napalingon akong bigla sa kinaroroonan ng silid nito sa taas, dahil nandito na kami sa gitna ng hagdan. "Nasa kitchen na." Nakahinga naman ako ng maluwag. Maaga rin talagang nagigising ang kapatid kong 'yon. Tuloy-tuloy na kaming bumaba ng hagdan hanggang sa makarating na kami sa baba. "Boss..." Isa sa mga tauhan naman niya ang nasa front door ng bahay niya. "Mauna ka na sa kitchen," turan sa akin ni Dave. "S-Sige." Doon pa lamang nagbitaw ang mga kamay naming dalawa. Nilapitan niya ang tauhan niya. Napalibot namang muli ang mga mata ko sa buong paligid. Ngayon lang ulit ako nakababa dito matapos ang apat na araw. Talagang hindi ako hinayaan ni Dave na bumaba hangga't hindi ako magaling. Naalala ko tuloy noong unang pasok pa lang namin dito ni Lance. Para kaming mga basang-sisiw ni Lance na iniwan ng mga magulang. Nakasuot pa ako noon ng isang puting dress at may makapal na makeup ang mukha. May sugat pa noon ang paa ko pero ngayon ay magaling na magaling na. Hindi pa namin alam ang gagawin namin noon. Pero si Dave 'yong sumalba sa amin. Kahit may kapalit ang ginagawa niyang ito sa amin, ipinagpapasalamat ko pa rin na mayroon kaming nasilungan ng kapatid ko at maayos ang kalagayan namin dito. Dahil kung hindi, baka sa kalsada na kami natutulog ngayon, sa ilalim ng tulay o nakikipagpatintero sa mga pulubi o mga adik sa kalye. Wala kaming makain at namumulot na lamang ng basura. Kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran ko siya. Hindi naman sarili ko ang iniisip ko dito kundi ang kapatid ko. Nakakapag-aral pa siya ngayon ng dahil sa kanya. Napakaswerte na namin kung tutuusin. Tuloy-tuloy na akong nagtungo sa kusina. Naabutan kong naghahalo ng mga gatas at kape si Lance sa tatlong tasa. "Ate! Magaling ka na?!" Kaagad siyang sumalubong sa akin at pinagmasdan ako. Lumarawan ang saya sa kanya. "Oo, magaling na magaling na. Anong ginagawa mo?" Nakahanda na rin pala ang mga pagkain sa mesa. "Nagtimpla ako ng gatas natin at kape ni Kuya Dave." "Marunong ka na niyan?" "Opo. Tinuruan ako ni Kuya Dave." Nilapitan ko ang mga tinimpla niya. Kumutsara ako ng kaunti sa tinimpla niyang kape at tinikman ito. "Hmm..." Maayos naman ang pagkakatimpla nito at katamtaman lang ang pait at tamis. "May pangtakal 'yan, Ate. Ito, oh. Tinuro sa akin ni Kuya ang takal." Ipinakita niya sa akin ang mga garapon ng kape at asukal. "Hmm... kaya naman pala. Ang galing mo, ah." Ginulo ko ang buhok niya. "Tapos dito kukuha ng tubig sa airpot. Sasahod lang 'yan, tapos pipindutin dito." Itinuro niya rin sa akin kung paano 'yon ginagawa. "Ang galing mo na pala." "Tinuro yan sa akin ni kuya Dave, eh. Marami siyang tinuro sa akin. Madali lang gawin." "Wow. Hindi ba mahirap?" "Hindi po." "Sino ang nagluto." Humarap na akong muli sa mesa. May iba't ibang klase ng mga ulam dito. May hotdogs, bacon, pritong itlog, may toasted bread, may iba't ibang klase ng palaman, may sinangag pa na kanin. May kamatis at sibuyas at kung ano-ano pa. "Si Kuya Dave lahat nagluto niyan. Ako lang nag-toast ng bread. Doon niluluto, Ate." Itinuro niya sa akin ang isang appliances. "Nakasaksak sa kuryente. Sinu-shoot lang doon ang tinapay, tapos ilulubog." "Ang galing mo na talaga. Natandaan mo silang lahat?" "Opo. Tinuro lahat sa akin ni Kuya." "Dinaig mo pa ako. Hindi ko pa alam gamitin ang mga 'yan." "Tuturuan din kita, Ate." "Oh, sige. Sa susunod na lang, ha?" "Opo." Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Dave dito sa loob. May dala siyang isang brown envelope at 'yon kaagad ang nakaagaw ng pansin sa akin. "I now have both of your birth certificates." Ibinaba niya ang envelope na 'yon sa gilid ng table. "P-Pati sa akin?" tanong ko sa kanya. "Yeah." Humila na siya ng silya at naupo. Naupo na rin kaming dalawa ni Lance. Gusto kong magtanong kung bakit kumuha din siya ng birth certificate ko, pero wala akong lakas ng loob. Siguro ay kinunan niya rin ako ng impormasyon tungkol sa buhay ko. Hindi na rin naman siya nagsalita pa, hanggang sa magsimula na kaming kumain. Sa buong oras na 'yon ay halos wala kaming imikan. Nahihiya pa rin ako at hindi pa rin ako sanay. Hindi ko pa rin alam kung papaano ako kikilos sa harapan niya at paano ko siya tatratuhin. Mataas pa rin ang tingin ko sa kanya at boss namin siya dito ni Lance. Siya ang masusunod sa lahat ng bagay. Matapos naming kumain ay ako na ang umako ng mga hugasin. Kailangan ko namang bumawi ngayon mula sa apat na araw kong pagiging senyorita sa bahay na ito. Sila naman ngayon ang pagsisilbihan ko. "Maligo ka na, Lance. May klase ka pa," utos naman ni Dave sa kanya. "Opo, Kuya Dave!" Kaagad namang tumakbo palabas ng kusina si Lance. Alas siete ng umaga ang umpisa ng online class ni Lance. Pinaliligo daw muna siya ni Dave bago tumutok sa laptop para presko ang pakiramdam niya at buhay na buhay ang dugo niya. Makakaya daw niyang sumagot sa klase. Tama naman 'yon. Marunong na rin daw siyang magbukas ng laptop niya. Tinuruan din daw siya ni Kuya Dave niya niyon. Nakakatuwa lang na mabilis siyang matuto sa mga itinuturo sa kanya. Matalino siyang bata at sana ay magkaroon siya ng medalya sa school. Nagpatuloy naman ako sa paghuhugas ng mga plato dito sa sink. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsara ni Dave sa pinto nitong kusina. Bigla akong kinabahan, lalo na nang maglakad siya palapit sa akin at huminto sa likuran ko. Bumalot na lamang sa akin ang mga braso niya hanggang sa sapuin nito ang magkabila kong dibdib. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nakaramdam nang kakaibang init sa loob ko. "I'll be working later in my office. Can you give me at least a moment?" bulong niya sa batok ko kasabay nang pagdampi na doon ng mga labi niya. Binigyan niya ako doon nang maiinit na halik, na naghatid sa akin nang nakakalasing na pakiramdam. "Aah..." Napasandal na lamang akong bigla sa dibdib niya. Ang mga kamay naman niya ay nagsisimula nang pumisil sa dibdib ko habang ang isa naman ay humahaplos na rin pababa sa p********e ko. "D-Dave..." "Damn. I can't resist your allure every time I lay eyes on you," bulong niya bago niya mabilis na hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. Segundo lamang ay maalab na niyang inaangkin ang mga labi ko. Nasa loob na rin ng panty ko ang kamay niya at mainit nang humahaplos doon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD