chapter 16

1006 Words
Mula sa site ng construction ay dumiretso kami ni Kuya Kiro sa restaurant ng tinutuluyan niyang hotel. Tinanggihan niya raw ang offer ng mga Freglio na roon siya tumuloy kasama ko sa bahay ng mga ito rito sa Austramica. Matapos naming magkumustahan at makapag-usap ni Kuya Kiro tungkol sa kasalukuyang project na ginagawa ng Carson Builders para sa QUINN ay inihatid na niya ako pauwi. Natagalan din kami dahil ipinapaliwabag ko pa sa kanya ang mga detalyeng dinagdag ni Shawn. Nabanggit ko rin ang tungkol sa 24 hours na trabahong hiniling ng client namin. Nangako si Kuya Kiro na siya na raw ang mag-aayos ng bagay ba iyon. Nang makarating kami sa bahay ng mga Freglio ay nadatnan namin ang ilang mga katulong na naghahakot ng mga gamit papasok ng bahay. "Mukhang may bagong dating yata kayong bisita," komento ni Kuya Kiro matapos ihinto ang sasakyang minamaneho sa likuran mismo ng sasakyang pinaghahakutan ng mga gamit ng mga katulong. "Bisita lang nila," pagtatama ko. "Hindi ko naman bahay 'to," nakaismid kong dugtong. Nagdududang tumuon ang mga mata ko sa mga maletang halatang pambabae kaya isa lang ang ibig sabihin, babae ang bisitang nagmamay-ari sa mga ito. Agad pumasok sa isip ko iyong babaeng dumating kanina sa site, iyong parang hubadera na mapapangasawa ni Shawn. Masama ang kutob ko na pagmamay-ari nito ang mga gamit na hinahakot ng mga katulong. Parang sagot sa pagdududa ko ang biglang pagsulpot ng pamilyar na babae sa bukana ng nakabukas na main door ng bahay ng mga Freglio at kinausap ang isa sa mga naghahakot na parang minamanduhan. "Wow, look at that," nakangising sabi ng katabi kong si Kuya Kiro. Nang lingunin ko ito ay nakatingin ito sa babaeng tinitingnan ko rin. Nagsalubong ang mga kilay kong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ng babaeng mapapangasawa ni Shawn. "Anong nakaka-wow riyan?"nayayamot kong tanong. Basta ba halos nakaladlad na iyong buong katawan ay wow na? Halos wala na ngang maiiwan sa imahenasyon ng mga makakita rito! Hindi ibig sabihin na maganda ang katawan mo ay magpa-pre-view ka na sa kung ano ang aasahang makita ng madla kung sakaling maghubad ka. "The boobies, and everything else," tugon ni Kuya Kiro sa tanong ko habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang tinatanaw. Gusto kong mantakwil ng kapatid! "Ang cheap ng taste mo," mapanlait kong wika. "Kita mong halatang nagpadagdag at nagpaayos iyan." "But still it looks good on her," anito. Sinamaan ko ito ng tingin perp di nito napansin iyon dahil nakatutok pa rin ito sa babaeng umaalog-alog iyong dibdib sa simpleng galaw. Nakasimangot akong padabog na bumaba ng sasakyan. Ayokong nakikitang nakuha ng halos nakaluwang dibdib ng mapapangasawa ni Shawn ang atensiyon ng sarili kong kapatid. "Sunduin mo ako bukas," masungit kong bilin sa kay Kuya Kiro bago pabagsak na sinara ang pinto ng kotse nito. Sasakyan nito ang ginamit namin kanina at naiwan ang sasakyan ko sa site. "Easy, witch," natatawa nitong sabi. "Ba't bumaba ka pa? Pagod ka 'di ba? Dapat ay bumalik ka na sa hotel," halos pasinghal kong sabi sa kanya. "Gusto ko lang makita nang malapitan ang dahilan ng nakikita kong insecurity sa mga mata ng nag-iisang prinsesa ng pamilya." Lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "What do you mean?" nagtagis ang bagang kong tanong. "I'm not insecure with anybody," matigas kong dugtong. Matapang kong sinalubong ang mapanuri niyang mga titig. "Kilala kita, Khaila—" "Pero pinagkamali mo ngayon ang naramdaman kong pagkairita," putol ko sa sasabihin pa sana niya. "Ano mang napansin mo ay malayo ito sa sinasabi mong insecurity,"taas-noo kong dagdag. Mula sa'kin ay marahang bumaling ang tingin ni Kuya Kiro sa direksiyon ng babaeng dahilan ng ngitngit ko ngayon. "Hey, it's you...Kiro Carson." Bahagyang nagtagis ang bagang ko nang marinig ang pamilyar na nakakairitang boses ng nagsalita. Nang lingunin ko ang pknanggalingan nito ay bigla nasa malapit na ang babaeng kanina lang ay tinatanaw lang namin ni Kuya Kiro mula sa malayo. Saglit na nagtama nag paningin namin ni Kuya bago tumuon ang atensiyon nito sa bagong dating. "Hello, gorgeous... Have we met before?" magiliw na bati ni Kuya sa nakangiting babae. "Remember the grand opening of Elle Museum?" matamis ang ngiting sagot ng babae. Gustong umikot ng mga mata ko sa tono ng babae na para bang dapat ay maalala siya ni Kuya. Sino ba siya para tandaan ng isang Carson? "Oh! I remember," bigla ay pahayag ni Kuya. Gusto kong matawa dahil alam kong nagsisinungaling ito pero iyong babae ay nangingislap pa ang mga matang paniwalang-paniwala na naalala nga ng kausap ang tungkol sa kanya o sa sinasabi niyang grand opening. "That's why you look familiar. I may have forgotten your name but I'll never forget your beauty." Mahinhing tawa ang tugon ng babae habang napamaamg naman ako sa kapatid ko. Ganito ba ang galawang Kiro-monster? Gusto ko biglang magtakip ngvtainga at baka kung anong nakakahiyang bagay pa ang sunod kong marinig. "You're quite a charmer." Nalukot ang mukha ko habang pinagmasdan ang bahagyang pamumula ng pisngi ng babaeng hulog na hulog sa hirit ni Kuya Kiro. Parang uto-uto pala itong mapapangasawa ni Shawn. "I'm Lizia, don't forget it next time," malambing na pakilala ng babae kay Kuya sabay lahad ng palad nito. Simpatikong ngumiti naman dito si Kuya Kiro na muntik ko nang ikaduwal. Nakakasuka ang parang landian nila sa mismong harapan ko! "It's my pleasure meeting you again, Lizia." Parang kinikilig na humagikhik pa si Lizia nang abutin ni Kuya ang palad nito upang gawaran ng halik sa palapulsuhan. "Oh gosh, that's enough," di ko napigilang bulalas at mabilis na hinatak ang kamay ng malandi kong kapatid upang mabitiwan nito ang mas malanding babaeng ikakasal na nga pero kilig na kilig pa rin sa ibang lalaki. "Oh," taas-kilay na usal ni Lizia at pinasadahan ako ng tingin. "You, again." Talaga bang sobrang tanga ng babaeng ito at ngayon lang ako napansin? "Aalis ka o aalis ka?" nandidilat kong tanong kay Kuya Kiro. Nagbabanta ko itong siniringan ng mga mata dahil kung hindi ito aalis ay bibingo na talaga ito sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD