chapter 15

1006 Words
Magaling ngang tunay ang isang Shawn Quinn del Freglio , pero mas magaling yata ako sa ganitong lokohan. Hindi sa pagmamalinis pero kahit mahilig akong makipag-s*x ay hindi pa naman ako pumatol sa lalaking malinaw na may sabit. Kung meron man akong pinatulang gano'n ay nilinaw ko sa kanilang hindi pang-third party ang taglay kong ganda at lalong wala akong balak manira ng relasyon. Sa totoo niyan ay nakatulong pa kao sa mga karelasyon nilang babae upang mamulat na isang pagkakamali ang lalaking napili nila... dahil makakita lang ng mas maganda at mas sexy ay agad nagloko. Pero iba rin itong si Shawn sa lahat ng mga nakilala kong manloloko. Well, iba naman talaga siya dahil isinalang siyang royalty. Uso sa bansang pinagmulan niya ang concubine. Matagal nang in-abolish ang batas nila tungkol sa pagkakaroon ng maraming asawa ng mga namumuno sa bansa nila lalo na no'ng kumalat ang tungkol sa Freglio na iisang babae lang ang minamahal. Kalokohan lang pala lahat iyon dahil heto ang isang Freglio... nangako ng kasal sa isang babae habang ibang babae naman ang diniskartehan upang makasamang maglaro ng bahay-bahayan. Ano mang laro ang gusto ni Shawn ay swerte siya dahil magaling akong kalaro pero iyon nga lang... lagi rin akong nanalo kaya sa huli ay malas din siya. "Who is she?" taas-kilay na baling ng babae sa akin. Tinaasan niya pa talaga ako ng kilay? Huwag niya akong simulan dahil hindi siya maililigtas ng malabundok niyang dibdib mula sa kukong agila ko kung gusto ko siyang kalmutin. Sa halip na ipakita nag iritang naramdaman ko sa retokada niyang mukha ay nginitian ko siya nang matamis. " Me?" nakaplaster ang matamis na ngiti sa labi kong itinuro ang sarili. "Don't mind me, I am just your future husband's business associate," may kariinan kong dugtong sa kabila ng magiliw na bukas ng mukha ko. Di ko na tinapunan ng tingin si Shawn at taas noong sinalubong ang mapanuring tingin ng babaeng parang butiking nakakapit pa rin sa kanya. "If you'll excuse me, I still have some important things to do." Kabaliktaran ng matamis kong ngiti at mapang-uyam kong tono. "Khaila..." tawag sa'kin ni Shawn nang makailang hakbang na ako paalis. May kung anong pumintig sa loob ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Unang beses niya akong tinawag sa pangalan ko. "It's, Miss Carson for you Mr. Quinn," magiliw kong paalala salungat sa matalim na tinging pinukol ko sa kanya bago tuluyamg lumabas ng silid. Nasa labas na ako nang maalala ko na temporary office ko pala iyong nilisanan ko at dapat pala ay silang dalawa iyong pinalayas ko! Lintik! Ano bang nangyayari sakin at nagpapatalo ako sa emosyon ko? Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa naramdamang pagngingitngit. Mabilis ang mga hakbang na binaybay ko ang daan papunta sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Ayoko munang nasa iisang lugar kasama ang Shawn na iyon at ang babaeng butiking kasama niya! " Miss Carson, tumawag po si Sir Kian," salubong sa'kin ng assistant ko na itinalaga ni Shawn kahit di ko naman kailangan. Saglit akong tumigil sa paglalakad upang harapin ito. "Thank you," magiliw kong pasasalamat bago tinangagp ang inabot niyang wireless phone. Nakita kong naka-hold iyong tawag kaya pinatay ko ito at ibinalik sa kanya."And you're fired! Bumalik ka sa kung sinong nag-hire sa'yo dahil di kita kailangan!" poker faced kong dugtong bago siya tinalikuran at tinungo ang lugar kung saan ko makikita ang ilang mga tauhan ko. Change of plan, hindi na pala ako aalis dahil ayokong ipakita kay Shawn Quinn de Freglio na apektado ako sa biglang pagsulpot ng babaeng pakakasalan niya na nangangamoy naman ka-cheap-an! Papaliko na ako sa isang pasilyo nang makasalubong ko ang huling taong inaasahan kong makita ngayong araw. " What are you doing here Kiro-monster?" nakapamaywang kong tanong sa isa sa kambal kong kapatid. "Giving you a hand, witch," nakangisi nitong sagot. Agad ay nawala ang anumang pinagdamdam ko at ibang mga iniisip dahil sa presensiya nito. Mabilis kong tinakbo ng yakap ang isa sa pinakagwapong lalaki ng buhay ko. " Sinong umaway sa prinsesa ng Carson?" agad nitong tanong. Kiro has this special sensor na laging nadi-detect ang anumang nararamdaman ko. Mula noong mga bata pa kami ay ito ang laging kakampi ko kahit nga iyong kaaway ko ay ang kakambal nitong si Kenzo. "No one dares," pagsisinungaling ko. Talaga namang walang nang-aaway sa akin. Di naman kasi ako nagpapatalo sa kahit na anong awayan. Marahan nito akong inilayo mula sa kanya at mapanuring sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. Paismid ko itong inirapan na tinawanan lang nito bago tinapik ang ulo ko na para bang aso lang ako na agad nitong itinigil nang umani ng masamang tingin mula sa'kin. " Buti naman, alam mo namang handa kami ni Kenzo para rumisbak." Kumindat ito sa'kin. Sabay kaming nagtawanan habang parehong naalala ang masungit na mukha ni Kuya Kenzo. Imposible nanan kasing makisama sa kalokohan naming dalawa ni Kuya Kiro ang masungit nitong kakambal. "Halika, ilibre mo ako dahil napagod ako sa byahe." agad ay aya sa akin ni Kuya Kiro. Umakbay agad siya sa'kin at iginiya ako sa direksiyong balak kong puntahan kanina. Mukhang matutuloy yata ang balak kong pag-alis pero hindi dahil kay Shawn at sa kung sino pa man kundi dahil ay dahil kay Kuya Kiro na mahilig sa libre. " Tawagan mo si Daddy, na-miss ka na niya." Paalala ni Kuya Kiro habang patungo kami ng parking area. "May kasalanan siya sa'kin. Hinayaan niya akong mapunta dito," pairap kong sagot. " Nagalit nga si Dada, ayon di sila bati ni Dad," pagbabalita nito. "Masyadong clingy si Dada," nakaingos kong komento. "Alam mo namang ayaw no'n na di ka makita nang matagal dahil ayon sa kanya, malapit ka daw mag-asawa kaya dapat daw habang wala pa iyong lalaking kukuha sa'yo sa amin ay di ka raw mawala sa paningin niya. Ayon, umuungot ng isa pang anak kay Mommy," patuloy na kwento ni Kuya Kiro. Naiiling na natatawa na lang ako. Gano'n talaga si Dada, ayaw yatang mag-asawa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD