chapter 17

1032 Words
"Aalis na," natatawang tugon ni Kuya Kiro. "Susunduin kita bukas," dagdag pa niya sabay tapik ng ulo ko. Di pa siya nakontento at ginulo pa ang buhok ko na nakasanayan na niyang gawain noon pa tuwing inaasar ako. Nayayamot kong pinalis ang kamay niya habang hindi pa rin nagbabago ang tingin sa mapang-asar niyang mukha. "Pakabait ka rito, baka makagat mo si Miss Puro s**o," pabulong niyang sabi bago bumaling sa tinutukoy na babae at matamis itong nginitian na para bang walang sinabing masama patungkol dito. Lalong sumama ang tingin ko rito nang kumaway pa ito sa babae bilang pamamaalam. Miss Puro s**o raw pero halata namang gustong-gusto rin niya ang s**o nito! Hinatid ko ng tanaw ang sasakyan ni Kuya at nang tuluyan itong nakaalis ay tsaka pa lang ako nagpasyang pumasok sa bahay ng mga Freglio. Nagulat pa ako nang pagpihit ko ay sumalubong agad sa'kin ang nakapamaywang na si Lizia. Sinadya talaga nitong humarang sa daraanan ko na para bang maratakot ako sa nagmumura niyang hinaharap. "Itabi mo nga iyang dyoga mo at baka pumutok ang silicon niyan kung aksidenti kong mabangga," sarkastiko kong sabi rito. Napasinghap ito at maarteng napatakip sa sariling bibig na para bang naintindihan ang sinabi ko. "How dare you! These are real!" gilalas nitong pahayag. Napakurap-kurap ako dahil naintindihan nga talaga nito ang sinabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nalaman dahil hindi na naman iyon nakapagtataka dahil iyong mga Carson kong pinsan na lumaki rito sa Austramica ay pawang magagaling din magtagalog at kahit ang mga Freglio ay gano'n din. Nang-uuyam na itinutok ko ang mga mata sa malaki niyang dibdib bago muling tumingin sa mukha niya. "Ay, sorry... akala ko kasi pinagawa mo lang," walang pagsisisi kong pahingi ng paumanhin. Bago pa ito nakahuma ay nilampasan ko na ito at dire-diretso na akong pumasok ng bahay. Parang gusto kong maghotel na lang katulad ni Kuya Kiro lalo na at mukhang dito na rin tutuloy ang Lizia na iyon. Ayaw kong masira pa nang tuluyan ang gabi ko kaya mas maigi sigurong manatili na lang ako sa silid ko. "Khaila, mabuti naman at dumating ka na," magiliw na bati sa'kin ni Mamita nang masalunong ko ito sa sala. "Good evening, Mamita," bati ko bago humalik sa pisngi nito. "You're so sweet," matamis ang ngiti niyang komento na ikinatigil ko saglit. Napatingin ako kay Gresh na nakasunod kay Mamita bang mahina itong humagikhik. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang maalalang isang royalty si Mamita at hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagbati. "I-I'm sorry," nautal kong paumanhin. "It's okay, Khaila. You're part of the family... I'm just overwhelmed because not everyday that someone will greet me just like the way you did," agad na wika ni Mamita at magiliw na ginagap ang isa kong palad. Waka talaga akong ideya kung anong pagbati ang dapat gawin kapag kaharap ang mga royalty na katulad ng pamilya Freglio. "Besides, we're not in Freglio Kingdom. This is Austramica and Carsons dominate this state," natatawa nitong dagdag. "Would you like to join us for dinner?" bigla ay singit ni Gresh. Tatango na sana ako kahit tapos na akong kumain kasama si Kuya Kiro pero nahagip ng paningin ko si Shawn at Lizia na papasok. May sa butiki talaga ang babaeng puro s**o dahil dikit na dikit kay Shawn. "I'm sorry, Gresh, but I've already eaten with my brother," tanggi ko sa paanyaya nito. "Sayang naman, sana niyaya mo rito ang kapatid mo," anito. Ngiti lang ang naging tugon ko dahil nadi-distract ako sa malanding hagikhik ni Lizia. "If you don't mind, Mamita, mauuna na po ako dahil kailangan ko pang tawagan si Daddy," pagdadahilan ko upang makaalis na agad bago pa tuluyang makalspit sa'min ang paparating na lovebirds. "Ikumusta mo na lang ako sa mga magulang mo," magiliw na tugon ni Mamita. Isang ngiti naging tungon ko rito bago tinanguan si Gresh bilang pamamaalam. Agad akong humakbang patungo sa hagdanan bago pa makalapit sina Shawn at Lizia. Salamat na lang at napakalawak ng receiving area ng bahay ng mga Freglio at pwedeng makipaghabulan o taguan dito. Bago tuluyang makaakyat ay umabot pa sa pandinig ko ang maarteng boses ni Lizia na bumati kay Mamita. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan nang maisipan kong tapunan ng tingin ang mga nasa baba. Agad na sumalubong sa'kin ang seryosong mukha ni Shawn habang pasimple itong nakaakbay kay Lizia na kausap si Mamita. Pinandilatan ko siya ng mga mata bago inirapan nang bonggang-bongga! Isang nakakalokong ngisi ang sinagot niya sa'kin bago kinabig si Lizia palapit habang hindi hinihiwalay ang tingin sa'kin. Ano iyan, PDA? O painggit? Wala sa hinagap ko na mahilig pala sa PDA si Shawn. Di bagay sa reputasyon niya! Nasaan na ba ang sinasabi nilang THE DEVIL ? Eh hindi ko naman nakikita ang pagiging demonyo niya maliban na lang sa pagiging demonyo niya sa kama. Inikutan ko siya ng mga mata bago pinagpatuloy ang naantalang pag-akyat. Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang malakas niyang tawa pero 'di na ako nag-abala pang alamin kung ano ang dahilan niyon. Padabog akong pumasok sa silid ko at pabagsak na sinara ang pinto. Siguro kaya naging bugnutin ako nitong mga araw at madaling nag-init ang ulo ko dahil kulang ako sa s*x. Nahahadlangan kasi presensiya ni Shawn ang active s*x life ko! I need a dose of orgasms to release my pent-up energy and stress! Simula no'ng may nangyari sa amin ay nawalan na ako ng gana sa ibang lalaki pero tuwing naalala ko naman siya ay pakiramdam ko tigang na tigang ako. Nasa gitna ako ng mga pagmuni-muni nang biglang bumukas ang pinto ng silid ko. Napataas ang kilay ko nang makita kong pumasok si Shawn. Just thinking of the devil, and here he comes! "You're invading my privacy," paingos kong sabi sa kanya. Di niya ako sinagot sa halip ay isa-isa niyang binuksan ang mga butones ng suot niyang damit at mabilis itong hinubad. Basta-basta na lang niya itong itinapon sa kung saan habang humahakbang palapit sa'kin. Kusa naman akong napahakbang paatras mula sa kanya. " W-what are you doing?", nautal kong tanong nang dumako sa suot niyang sinturon ang kanyang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD