chapter 14

1015 Words
Bahagyang ikiniling ni Shawn ang ulo na para bang tinantiya ang sitwasyon. "Di ako satisfied sa takbo ng trabaho ni'yo kaya ako nakikialam." Maang akong napapalatak sa narinig. Pigil na pigil ko ang sarili upang hindi siya physical na masaktan. Sa unang pagkakataon ay may isang taong minaliit ang kakayahan ko at kakayahan ng kompanyang namayagpag sa larangang pinagdalubhasaan namin! "Wow! Just... wow! Kung gano'n naman pala, bakit ka pa pumayag na mapasaamin ang kontratang ito? Wala ka naman palang tiwala sa amin pero bakit dinala mo pa ako rito?" sumbat ko sa kanya. "I didn't say that." Lalo akong nanggagalaiti sa galit dahil sa kalmado niya pa ring disposisyon gayong halos sumisigaw na nga ako. "You don't have to say it, iyon ang pinapahiwatig nang pakikialam mo!" singhal ko sa kanya. " You're hot when you're mad," nakangiti niyang pahayag. Saglit akong natigilan bago ko naramdaman ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa trumipleng galit na nararamdaman. Halos magbuga na ako ng apoy sa galit pero heto at nagawa niya pa akong ngitian. Talagang nanggagago ang hayop! "F*ck you–" "I love to do that right now," nakangisi niyang sansala sa pagmumura ko. "You look so sexy that I want to bend you and f*ck you until you feel sore,"mapanghibo niyang dagdag. Bigla kong nahigit ang paghinga nang makita ang paglalakbay ng mga mata niya mula sa aking mukha pababa at tumigil sa tapad ng dibidib ko sabay kagat niya sa kanyang mapupulang mga labi. Mabilis ang naging reaksiyon ng katawan ko at agad namigat ang dalawa kong dibdib na para bang tinutupok sila ng mga titig ni Shawn. P*ste! Itong kakaibang init na bigla kong naramdaman ay nasisiguro kong hindi ito dahil sa galit. Pero! Sandali! Nakikita niya ba ako? Bigla ay namilog ang mga mata ko at naramdaman ko ang pangangatog ng sariling mga tuhod. "I can see you trembling my little lamb," parang naaaliw na anas ni Shawn bago humakbang palapit sa'kin. " Y-you can see me?" utal kong tanong. Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa'kin at pinagpatuloy ang paglapit hanggang sa nasa mismong harapan ko na siya. "Very clearly," tugon niya sabay haplos sa pisngi ko. Isang singhap ang namutawi sa mga labi ko habang nakipagtitigan sa abuhin niyang mga mata na para akong nilulunod. Makakakita na siya! Parang gustong bumigay ng mga binti ko sa intensidad ng mga titig niya. " So, beautiful... " parang nahipotismo niyang anas habang pinagmamasdan ang buo kong mukha. " P-paano?" di ko napigilang bulalas. Namamangha ko pa ring pinagmasdan ang mga mata niyang wala naman akong makitang kaibahan sa dati maliban sa puno nang paghangang naglalakbay ang mga ito sa buo kong mukha. "Wala naman talagang defects ang mga mata ko. It's in our bloodline that every de Freglio first born will lost his eye sight and will just gain it back when he will find his other half. And, I guessed I have found mine," seryoso niyang pahayag habang nasa mukha ko pa rin ang tingin. Bigla ay naalala ko iyong kwento noon ni Grandpa Nix about sa mga Freglio na isang beses lang daw umibig ang mga ito at ang babaeng nakatakda raw sa bawat panganay na lalaki na Freglio ay ang magdadala ng liwanag sa mundo nito. Liwanag, p*ste literal na liwanag pala ang tinutukoy ni Lolo dahil nabubulag pala talaga ang mga panganay na Freglio at nakakita lang sila kung matagpuan nila ang kanilang soulmate. Totoo pala ang kwentong iyon? Akala ko gawa-gawa lang iyon ng mga matatanda! " D*mn! I never believed the legend to be true," naiiling na pahayag ni Shawn. " All this time, I believed that we have this inherited eye problem but now, damn it to hell... the f*cking legend is happening to me!" Kitang-kita ko ang kakaibang kislap ng kasiyahan sa kulay abo niyang mga mata. Lintik! Di ba niya alam na it will never be called a legend if it was proven? Legend nga di ba? "So long, my little lamb...ang tagal mong dumating," muli niyang anas na nagpabalik sa nagliwaliw kong isip. "Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong. Narinig ko na naman ang little lamb na iyan at bakit parang ako iyong kinakausap niya? Kinakabahan na ako sa lalaking ito ah! Ang gwapo naman niyang masiraan ng ulo. Sayang naman! " Baby!" Kapwa kami natigilan nang biglang may magsalita mula sa pintuan. Agad dumako roon ang paningin ko at di ko mapigilang magtaas ng kilay ng makita ang bagong dating. Pasimple kong pinaraanan ng tingin ang halos wala nang saplot niyong katawan dahil sa suot na seksing damit. Alam kong liberated country ang Austramica pero kung katulad ng suot nitong babaeng dumating ang fashion trend dito ay salamat na lang... nagsasayang lang ako ng pera para sa kapiranggot na tela kaya mas pipiliin ko na lang na maghubad. Pareho kaming 'di pa nakahuma ni Shawn dahil sa biglaang pagsulpot ng babae nang bigla ay patakbo itong lumapit sa kanya at yumakap nang mahigpit. Lihim akong napangiwi habang pinagmasdan kung paano naipit ang malaki nitong dibdib sa pagitan nilang dalawa ng nagulat na si Shawn. "I missed you, baby!" Baby? Yuck! Tinawag niyang baby ang damulag na si Shawn Quinn de Freglio? Kahit mukha siyang nanay na nagpapadede dahil sa laki ng hinaharap niya ay di naman siguro makatarungang tawaging baby itong damulag na si Shawn. "Lizia...,what are you doing here?" nahimasmasan sa gulat na tanong ni Shawn dito kapagkuwan. " I'm here for our wedding!" nangislap ang mga matang pahayag ng babae. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan dahil sa narinig. Wedding? Teka...ikakasal sila? Kakaibang bigat ang naramdaman ko sa loob at may konting kirot na pumipintig sa puso ko. Suddenly, I feel betrayed! Naikuyom ko nang mahigpit ang mga palad. Agad kong inalis ang anumang ekspresyong pwedeng makita sa mukha ko. No one fooled a Carson and get away with it! Ikakasal na pala ang lalaking ito pero nagawa pa akong ikama at sa paraan nang pahaplos-haplos niya sa'kin kani-kanina lang ay malinaw na may balak pa siyang ipagpatuloy ang anumang namagitan sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD