chapter 13

1039 Words
Isang malaking shopping mall na may sariling theme park ang sinasabing project ng kompanya namin sa kompanya ni Shawn. Wala akong sinayang na panahon at mabilis na pinag-aralan ang plano buong magdamag matapos mapagtantong iyon ang pinakamainam gawin gayong nandito na ako. Alangan namang ipagpilitan kong ibalik ako sa Pilipinas! Ilang araw na simula noong umuusad ang operasyon. Ang Carson Builders ang may hawak ng project kaya nandito ngayon sa Austramica ang best engineers namin. No'ng sumunod na araw matapos akong dumating dito ay pinasunod ko na agad sila para masimulan ang trabaho. Sa loob ng maikling panahon ay nainhanda ng mga architects namin ang lahat ng designs at lahat iyon ay naaprobahan na ni Shawn. Speaking of Shawn...ilang araw ko siyang di nakikita. Huli naming pag-uusap ay no'ng ipinresent ang designs. Ayaw ko rin namang magtanong-tanong dahil baka mamaya niyan ay ano pa ang iisipin ng lalaking iyon at aakalain pa niyang na nami-miss ko siya? Impossible! Wala akong naramdamang gano'n! Hinahanap ko lang siya dahil naiinis lang ako. Sino namang hindi maiinis gayong matapos niya akong itinalin dito sa trabaho ay bigla siyang missing in action at kung saan-saan naggagala! Dapat ay binabantayan niya ang trabaho namin dahil baka mamaya niyan ay may bagay pala kaming namali nang pagkaintindi sa nabuong plano. Saglit akong natigilan sa sariling iniisip. Bigla ko kasing nakalimutang bulag pala ang lalaking iyon at wala ring kwenta kung babantayan niya kami. Marahas akong napabuga ng hangin bago pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa silid na inuukopa ko rito sa bahay ng mga Freglio. Nitong mga nakaraan ay napapansin kong naaging mainitin na iyong ulo ko at pati trabaho ko ay naapektuhan na. Tulad ngayong araw, ilang tauhan ang umani ng talak mula sa'kin dahil sa konting pagkakamali. Siguro ay nanibago lang ako sa klima ng bansang ito. Pagkapasok ko ng silid ay pagal ang katawang agad kong ibinagsak ang sarili sa ibabaw ng kama. I'm so damn tired! Iyong pagod ko ay hindi lang sa katawan kundi ay pati sa isip. Agad kong ipinikit ang mga mata at ilang sandali pa ay dama kong hinihila na ako ng antok. Nasa ganoon akong estado nang maramdaman kong may mainit na palad na humahaplos sa mukha ko. Para ang hinehele ng mga pamilyar na haplos na nakasanayan ko na rin dahil lagi itong nangyayari tuwing papatulog na ako. Napakaimposibleng panaginip lang ito tulad nang lagi kong akala dahil wala naman sigurong panaginip na paulit-ulit at talagang damang-dama ko. Pero dahil lagi akong pagod ay di ko man lang nagawang alamin kung sino ang nagmamay-ari ng mga pangahas na palad. Wala rin akong naramdamang threat mula rito kaya hinahayaan ko na lang ito sa kapangahasang ginagawa. "Good night , little lamb." Masyadong mahina ang bises mg nagsasalita kaya hindi ko ito nabosesan pero parang may bahagi ng pagkatao ko ang nagsasabing kilala ko ito. Ang tanging malinaw ay isa itong lalaki. Sa inaantok kong diwa ay nagawa ko pang imulat ang namimigat na mga mata upang alaman ang pagkakilanlan ng taong nandito sa silid ko. Tanging ang pamilyar na bulto ng papalayong lalaki ang naaninag ko bago sumara ang pinto at kasabay din niyon ay ang tuluyang paggapi sa'kin ng antok. Damn it! Wala talaga akong kalaban-laban kapag iyong antok na ang kumakalabit sa'kin. ============ Isa na namang busy na araw ang sumalubong sa'kin kinabukasan. Gustuhin ko mang balikan ang nangyari kagabi bago ako tuluyang nakatulog ay hindi ko na nagawa dahil maaga akong kinakailangan sa site. Busy ang lahat nang makarating ako. Dumating na ang mga kulang na materyales para sa construction kaya mabilis na naisagawa ang mga pundasyon ng proyekto. Aligaga lahat ng mga engineers, at alam kong dala na rin iyon ng presensiya ko. Umaga pa lang ay medyo uminit na iyong ulo ko dahil sa sinalubong sa'kin ng isa sa mga katiwala ko. Natulog lang ako pero pagkagising ko ay may nakialam na sa trabaho ko. "Gusto mo bang malibing ng buhay rito sa Austramica?" malakas kong singhal sa isa sa mga site engineer namin. " P-pero Miss Carson...si Mr. Quinn po ang nagbigay ng utos t-tungkol sa–" "Bullshit! Sino ba ang nagpapasahod sa'yo? Ang Quinn na iyon o ang Carson Builders?"matigas kong putol sa sasabihin sana nito. " P-pero–" "Shut up Engr. Gomez! Kung gusto ng Quinn na iyon na 24 hours ang trabaho ay dapat isinangguni niya muna ito sa'kin dahil wala sa kontrata na mag-overtime ang mga tauhan natin!" matigas kong pahahag. Namumutlang napalunok ang kausap ko at napayuko naman iyong ibang naroon. 24 hours na trabaho tapos iyong mga tauhan namin ang day shift at obligadong magtrabaho ng overtime dahil mas maikli ang oras ng mga nasa night shift. Nagtagis ang mga ngipin ko habang nanlilisik ang mga matang tumuon sa mga trabahanteng hindi galing sa Carson Builders pero nakatokang rerelyibo sa mga tauhan namin. Ang pinakaayaw ko ay iyong may ibang nakikisawsaw sa trabahong nasimulan ko! Wala akong pakialam kung padala ba sila ni Shawn Quinn o ng hari ng Freglio! " Miss Carson, may problema ba?" Nag-aapoy ang mga mata sa galit na napabaling ako sa bagong dating na nagtanong. Buti naman at dumating ang lalaking ito! Tinatanong pa talaga niya kung may problema ba? Bwesit na Shawn na ito! Gusto niya bang siya ang ihalo ko sa masa ng semento upang nas tumibay ang pundasyon nitong mall niya? "Everybody, get out," kalmado pero mariin kong pahayag. Di ko na kailangang magdalawang salita dahil agad ay aligaga na nagsipag-unahan sa paglabas ang mga naroon hanggang sa kaming dalawa na lang ni Shawn ang naiwan. Namumuro na sa'kin ang bulag na lalaking ito! " Napupuno na ako sa'yong lalaki ka! Sinong may sabi sa'yong pakialaman mo ang trabaho namin!" gigil kong sikmat sa kanya. Sayang lang at di niya nakikita ang matalim kong tingin. Saksakin ko na lang kaya siya para maramdamam niyang nakakamatay na iyong paraan ng pagkakatitig ko sa kanya? "It's my business Carson! You're just working under me," di natitinag niyang sagot. " Bullsh*t!" pasinghal kong mura sa kanya. "Di ba gusto mong mapadali ang trabahong ito? Kaya hayaan mo kami sa trabaho namin at ipull-out mo iyong mga tauhan mo na nakikialam sa mga trabahon namin dito," nanggalaiti kong dugtong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD