"I mean, oo nga at 'di siya nakakakita pero walang makitang problema iyong mga doctor ! Successful iyong operation niya years ago pero 'di pa rin siya nakakakita. Sabi ng doktor niya ay kusa lang daw babalik iyong eyesight niya. But until now ay bulag pa rin ang masungit na iyon," mahaba nitong kwento.
"Naoperahan iyong mga mata niya?" tanong ko.
" Oo, six years ago... Masyado kasi siyang reckless kaya ayon naaksidenti at kailangang operahan iyong dalawa niyang mga mata, at first ay nakakita naman siya pero six years ago ay biglang nawala ang paningin niya. Ewan ko, siguro karma na iyan ng kasungitan niya," himutok nito pero dama ko ang pag-alala nito sa kalagayan ng kapatid.
Six years ago... naalala kong iyon din ang unang beses kong pagpunta rito sa Freglio Castle.
Iyon din ang beses na naranasan kong maging ganap na babae sa bisig ng isang di ko nakikilalang lalaki.
"How old are you?" bigla ay tanong sakin ng kapatid ni Shawn.
Nakadapa na ito sa kama habang nakatuon sa'kin ang mga matang katulad nang kay Shawn pero mas matangkad lang iyong kulay nito kaysa kay Shawn.
" Twenty-one," maikli kong sagot.
Salubong ang mga kilay at nakanguso itong nagbilang sa mga daliri.
"You're so young, ten years ang gap ninyo ni Kuya," mangha nitong sabi sabay bangon at baba sa kama.
" Gutom na ako, halika na sabay tayo bumaba... ikukwento ko sayo ang tungkol sa Freglio Kingdom," masaya nitong pahayag sabay hila sa'kin palabas ng silid.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dito.
Napakadaldal nito. Ayaw ko sa maiingay pero gusto ko ang pagiging madaldal nitong babaeng ito.
Dahil sa pakikinig sa mga kwento nito ay 'di ko namalayang nakapasok na kami sa napakagarbong dining area.
Ngayon lang tuluyang nagsink-in sa utak ko na royalty ngang tunay ang mga Freglio.
"Hello, everybody! Kasama ko si Khaila Carson!" anunsiyo bigla ng kasama ko.
Nanigas ako nang mabungaran ang ilang mga di ko kilalang taong nasa hapag kainan kasama ang walang kangiti-ngiting si Shawn.
Ngayon ko lang napagtantong, bagay siyang maging royalty.
Iyon nga lang, may kasungitan ang bukas ng aristokrato niyang mukha.
" Come take your seat, Khaila. Baka bintangan pa ako ni Niña na ginutom ang apo niya," magiliw na aya sa'kin ng pinakaaristokratang matandang babaeng nakilala ko maliban kay Grandma Niña.
"Thank you po," magalang kong sabi.
" Siguro di mo na ako natatandaan dahil huling kita ko sayo ay 6 years ago. Fourteen or fifteen ka noon at sa Freglio Castle tayo huling nagkita no'ng isama ka ng Tito Xander mo," magiliw na sabi nito." I am Mathilde Quinn de Freglio, just call me Mamita," dagdag nito.
"And, I am Safrina Quinn de Freglio , just call me ate Rin," pakilala ng isang babaeng siguro mas matanda lang sa'kin ng ilang taon.
" She's our youngest aunt. Still single... and a candidate of being an old maid," nang-aasar na sabat ni Gresh na nakaani ng isang matalim na irap mula kay Ate Rin.
" Gresh, mind your manners," saway dito ni Mamita.
"My apology, your highness..." nakangising paumanhin ni Gresh na nakaani ng sapok mula kay Ate Rin na siyang pinakamalaapit dito.
" Aray! Mamita oh! Nawalan na naman ng manners ang bunso ninyo," sumbong nito.
"Magsitigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata," nakaingos na sabi ni Mamita.
" Of course bata pa ako. I'm still 16, di tulad ng iba riyan–"
"Hoy! Hindi pa matanda ang 29!" depensa agad ni Ate Rin.
Twenty-nine na ito? Hindi halata dahil ang bata pa nitong tingnan!
" Di nga matanda, di rin naman bata," nakangising pang-aasar dito ni Gresh.
"Abat–"
" Magsitigil nga kayo."
Malamig na sabi ng taong kanina pa tahimik simula ng dumating ako.
Himala namang sabay na nagsitahimik iyong dalawang nagbabangayan sa isang salita lang ni Shawn.
Nang sulyapan ko si Mamita ay nakangiti lang itong naiiling habang nagpatuloy sa pagkain habang nag-irapan naman ang dalawang nagbabangayan.
Nang dumako ang tingin ko kay Shawn ay agad bumilis ang t***k ng puso ko.
Shit! Alam kong di niya ako nakikita pero literal na diretsong nakatutok sa'kin ang abuhin niyang mga mata na para bang pinag-aralan niya ang mukha ko.
Eksaherado akong napalunok upang lumuwang ang paghinga ko pero muli ay nahigit ko ang hininga nang isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya at umabot iyon hanggang sa kislap ng kanyang mga mata.
Napainom tuloy ako ng tubig nang wala sa oras!
Kainis hah, di pa nga siya nakakakita ay parang binabasa niya pati ang nasa loob ng kaluluwa ko.
"Khaila, are you okay?"
Napakurap akong napaabaling sa tanong ni Mamita.
"P-po?" utal kong tanong.
" You're drinking the wine like it's water," nagtataka nitong sabi.
At tsaka ko lang napansing hindi baso ng tubig iyong nasa kamay ko kundi iyong goblet ng wine.
Unti-unti ring gumuhit sa lalamunan ko ang pamilyar na init ng alcohol kasabay ng paglaganap ng lasa ng wine sa bibig ko.
Damn it!
Bago pa ako makasagot ay nabaling ang atensiyon naming lahat sa malakas na tawa na nagmula kay Shawn.
Tinatawanan ako ng gago!
Buti na lang di niya nakikita ngayon kung gaano ako kapula!
Sino ba namang matinong tao ang mapagkamalang tubig ang wine? Ako lang siguro iyon at dahil iyon sa lalaking kasalukuyang gwapung-gwapo sa paningin ko habang tumatawa.
"Gresh, end of the world na ba? Tumatawa ang masungit mong Kuya," narinig kong bulalas bigla ni Ate Rin.
" Makainon na nga rin ng wine!" usal naman ni Gresh.
Si Mamita naman ay nakangiti lang habang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ng apo niyang patuloy pa ring tumatawa.
Ako naman, heto ... nangangating batuhin ng baso ang gwapong mukha ni Shawn. Asar na asar na ako at lahat pero napapansin ko pa rin kung gaano siya kagwapo. Gusto ko nang maasar pati sa sarili ko!
Hindi pa nga ako nakaisang-subo ng pagkain ay bigla akong nawalan ng gana.
Mas gusto ko na lang uminom ng wine upang maglasing at nang magkaroon ako ng dahilan na mag-astang lasing at magwala.
Ang galing mang-asar mg bulag na ito! Ginigising niya ang natutulog kong kamaldithan!