Nakatulog lang ako at nang magising na ay nasa ibang bansa na ako!
What the heck!
"Dad! Hinayaan mong tangayin ako nang kung sino papunta sa–"
"Come on, sweetheart ... Freglio are considered part of our family," malumanay putol ni Dad Klaus sa litaniya ko sa kabilang linya.
Mariin kong nsipikit ang mga mata sa galit bago nanlilisik na minulat ang mga ito at tumuon sa kawalan na para bang makikita ng kausap ko ang ekspresyon ko ngayon.
Agad kong tinawagan si Dad Klaus nang magising ako kanina sa isang 'di pamilyar na silid at makausap ko ang halatang foreigner na katulong at sabihin nitong nasa Austramica ako.
Pero nang sabihin ng katulong kung saan mismo ay umusok ako sa galit. Nandito ako sa bahagi ng Austramica kung saan nasa kabilang dulo ang bahay at lupain ng mga Carson.
"Freglio?! Sa pagkakaalam ko isang Quinn ang nagdala sa'kin dito sa kabilang dulo ng mundo at hindi isang Freglio!" halos pasigaw kung sagot bago nagpalakad-lakad sa kinaroroonan kong silid.
Hindi ko na na-appreciate ang gara ng buong lugar dahil mas nanaig ang nararamdaman kong galit sa taong basta-basta na lang ako dinala rito tapos wala pa ito nang magising ako.
Gusto kong makausap si Shawn pero iyong katulong lang ang nagisnan ko kanina habang tinatanong ako kung may kailangan ba ako.
Damn it! Ang kailangan ko ay paliwanag at eroplanong magbabalik sa'kin sa Pilipinas!
At ngayon ay lalo akong naguguluhan sa kinalaman ng Freglio kay Shawn.
"Oo nga, Quinn de Freglio!" narinig kong wika ni Dad sa kabilang linya bilang sagot sa katanungan k .
Quinn de Freglio?
Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pintuan at ang paghagip ng mga mata ko sa pamilyar na desinyo ng isang flag.
Ngayon ay naalala ko na kung saan ko unang nakita ang flag na minsan kong nakita sa opisina ni Shawn at lagi ko ring nakikita sa mga panaginip ko.
Iisang lugar lang ang may ganoong desinyo ng flag, sa bansang katapat ng Austramica, sa mismong Freglio Castle!
Paano ko nakalimutang walang ibang tao na pwedeng magmamay-ari ng ganoon karaming dyamante ba basta-basta na lang idesinyo sa isang flag kundi ang mga Freglio.
The f*cking Freglios who rule their own kingdom!
" Dad, call you later," paalam ko kay Dad Klaus bago pinatay ang tawag at hindi na hinintay ang tugon nito.
Salubong ang kilay na sinalubong ko ang paningin ng bagong dating na si Shawn Quinn or tamang sabihing Shawn Quinn de Freglio!
Nabubwesit ako kasi di niya makikita kung gaano ako kagalit ngayon!
"You're angry," pormal niyang sabi.
" No s**t! I'm not angry! I. Am. Mad!" nagtagis ang bagang kong sagot.
Gusto kong tusukin ang mga mata niya nang nagawa pa niyang ngumiti sa'kin kahit galit na galit na ako.
Pigilan ni'yo ako, bubulagin ko ulit ang bulag na ito!
"I want the project to start as soon as possible kaya dinala kita rito," bigla ay seryoso niyang pagayag.
Nagugulugan akong napatitig sa kanya.
"P-project?" nagtataka kong tanong.
Saglit kong nakalimutan ang naramdamang galit habang iniisip kung anong project ang tinutukoy niya.
" Yes, the project! Ang project na pinagkasunduan ng mga kompanya natin... The project is here."
Agad umasim ang mukha ko. Pisteng lalaking ito! Kaya pala kami nandito dahil sa business at kaya pala pumayag sina Dad na dalhin ako rito ng lalaking ito dahil nandito pala ang lintek na project na iyon.
Akala ko pa naman...
Wala akong ibang inakala!
Nagulat lang ako! At— iyon na iyon!
"Next time, Mr. Quinn de Freglio... huwag kang magdesisyon nang walang pahintulot ko," mariin kong sabi habang pilit na kinakalma ang sarili.
Galit ako sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko. Dapat pala ay binasa ko man lang iyong tungkol sa proyekto ng kompanya namin kasama ang QUINN.
" I don't like your tone," malamig niyang pahayag.
"And I don't like you bringing me here," di nagpapatalo kong saad.
" Watch your mouth, Carson! You are at my territory," babala niya.
Iningusan ko lang siya at pinamaywangan kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"You are the one at my territory, baka nakalimutan mo, I am a Carson and this is Austramica!" taas noo kong pahayag.
Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Lintek! Dinadaan ako ng isang ito sa kagwapuhan niya! Marupok ako!
" How I wish to see your face right now," anas niya habang naglalaro pa rin ang kakaibang ngiti sa mapupula niyang mga labi.
Ramdam ko ang pangungulila sa bakante niyang mga mata. Dahil siguro sa lighting ng silid kaya nagmukhang transparent ang abuhin niyang mga mata.
May konting kirot akong naramdaman sa loob ng puso ko. I don't like seeing him like this. Para kasing ang lungkot niya sa mahabang panahon.
"Dinner is ready, see you downstairs."
Napakurap-kurap ako nang makitang sumara iyong pinto na nilabasan ni Shawn.
Wala sa loob na napahawak ako sa tapat ng puso ko.
Bakit, ako nasasaktan sa pangungulilang nakita ko sa mga mata niya?
Marami naman siyang pera, bakit di niya napagamot ang mga mata niya?
"He has a rare case."
"Oh s**t!" gulat kong mura nang biglang may magsalita sa likuran ko.
Nalingunan ko ang isang dalagita na nakangisi habang nakapatong sa railings ng balkonahe ng kinaroroonan kong silid.
" Sorry...I am just curious about my brother's visitor," nakangisi nitong sabi sabay talon papasok sa silid.
Ako iyong natakot sa ginawa niya dahil natanaw ko kanina kung gaano kataas itong silid na kinaroroonan ko mula sa baba.
" Hi, I'm Gresh Quinn de Freglio...so you are Khaila Carson?" magiliw nitong pakilala sa sarili sabay salampak ng upo sa kamang kinahihigaan ko kanina nang magising ako.
"I never knew that Shawn has a sister," wala sa sarili kong sabi.
Well, wala naman talaga akong alam sa lalaking iyon!
Muli ay ngumiti lang ito sa'kin at tuluyang humiga sa kama.
" Back to my brother's eye defect... I already told you that it's a rare case kasi wala naman talagang deperensiya iyong mga mata niya."
Di ko alam kung saan ako nagulat, sa sinabi niya or sa pagtatagalog niya.