3 - Remnant

1128 Words
CAULI'S P.O.V Ilang ulit akong napakurap. Inisip kung anong nangyayari sa'king paligid at kung saan ako ngayon. Biglang sumikdo ang dibdib ko pagkaalala kay Paul John. "Paul!" Diritso akong napabangon at inilibot ko ang aking paningin pero pawang kadiliman lang ang nakikita ko.  Kapagkuwan ay naramdaman kong humapdi ang bandang noo ko. Agad ko itong dinama at 'di ko mapigilang mapangiwi sa sakit nang matantong may sugat pala akong natamo. Nararamdaman ko pa ang dugo no'n na dumikit sa daliri ko. "Huh!" Bigla akong napamulagat sa'king kinauupuan. Hindi ko alam kung saang direksyon ako napatingin sa mga sandaling ito. Basta tanging narinig ko ay parang nahuhulog na mga bagay. Mayamaya ay biglang may lumitaw na siwang ng liwanag. Napakunot ang noo ko at tinitigan lamang 'yon. Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan sa sakit na natamo. Gusto kong lumapit sa siwang na 'yon pero parang may pumipigil sa'kin. Nahigit ko ang aking hininga at nagpasyang 'di na lang 'yon lapitan. Pero hindi ko na pala kailangang lumapit pa rito dahil kusa na itong bumukas o ang literal na pagkabigkas ay bumagsak. Unang tumambad sa'kin ang maaliwalas na kalangitan at ang malakas na simoy ng hangin. Umaga na pala. Ngunit agad din akong natigilan pagkakita sa aking kapaligiran. "Hindi!" 'yon nalang ang naibulas ko at diridiritsong pumatak ang mga luha sa mata ko. Do'n ko lang lubos naisip at nalaman na sira na pala ang dating matayog na paraisong nakagisnan ko. Mas lalong bumalong ang aking luha pagkaalala sa'kin pamilya at Paul John.Wala na ba sila? Iniwan ba nila ako lahat? Dahan-dahan akong tumayo at saka ko lang nakita ang buong sarili ko. May mga munti akong sugat at pasa sanhi sa pagkakahulog ko sa may hagdanan pero hindi ko na inintindi 'yon. Walang mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon oras na ito. "Paul! Papa! Kiely!" nilakasan ko ang aking boses sa pagtawag sa kanila habang patingin-tingin sa bawat paligid na sirang sira na sa mga oras na ito. Ang dating bahay namin malaki ay tila kalansay na lang na nakatayo sa kawalan. Ngayon lang naging malinaw ang lahat sa'kin na minsan malabo sa'kin kanina. Pinigil ko ang hindi maluha ulit at mula rito sa'king kinatatayuan, kitang kita ko ang mga taong hati ang mga katawan at pinapyepyestahan ng mga uwak. Mga taong tila nawalan na pag-asa. Mga taong nagsiiyakan sa mga kalsada at mga taong hinahanap ang bawat pamilya. Parang gustong manginig ng aking katawan ng mga oras na ito pero pinili kong maging matatag. Panalangin ko ay makita man lang kahit isa sa myembro ng aming pamilya. Nagsimula na akong maghanap sa kanila. Kahit na ang underground na sinasabi ni papa ay hindi nakaligtas. Pero hindi naman nasunog dahil ito nga at buhay pa ako. Pero bakit di ko sila makita? Mayamaya'y nakarinig ako ng munting iyak. Agad ko itong hinanap.  "Kiely!" Lumarawan sa'kin ang saya ng lapitan ko siya at yakapin. "Ate!" Ito lang ang narinig ko sa kanya nang gumanti siya ng yakap. "Saan sila?" mabilis kong tanong nang bitawan ko siya. "Hindi ko alam ate. Pag gising ko, nag-iisa na lamang ako." humihikbing saad niya kaya napapikit na lamang ako at niyakap ko siya ng mahigpit.  Kanina pa kami paikot ikot samin bahay na nagmistula ng kalansay ngayon. Ang mahapdi na sikat ng araw ay tumatama sa'min mga balat ngunit hindi na namin inintindi 'yon. Kapagkuwan ay nakarinig kami ng boses sa pinakasulok ng underground. Dagli kaming napapunta roon ni Kiely. Medyo natabunan ito ng mga bubong at kung anu-ano pang kagamitan. Ganun na lang ang saying naramdaman ko nang makitang kompleto ang pamilya ko. Mabuti na lang at nakaligtas ang mga ito. Salamat sa Diyos! Kahit naman kasi madalang akong pumasok ng simbahan, kilala ko pa rin siya. "Papa!" Si Kiely 'yon at tumakbo upang yakapin ang aming ama at ang pinakahuli ay nagyakapan kaming pamilya. Tanda na masaya kami para sa isa't isa. "Papa, bakit iniwan niyo ako?" "Hindi kita iniwan. Sumunod ka sa'kin at pagkatapos no'n, naghiwalay ang daan natin. Sa kabila ako dumaan pabalik sa inyo kasabay ang malakas na pagsabog at bigla nang naging dilim ang lahat." mahabang paliwanag naman ni papa kay Kiely. Tumahimik naman ang kapatid ko pagkatapos sambitin 'yon ni papa pero ako, agad akong natigilan. "Paul!" hintakot na napatingin ako sa kung saan. Bakit wala siya? Biglang pumitik ang kaba sa'king puso at ang lakas ng tahip ng aking dibdib.  "Hindi kayo magkasama?" Si mama ang nagtanong. Tumingin naman ako sa kanya at kasabay ng pag-iling ko ang mga luha kong nagsiunahan ng pumatak. Ngayon lang pumasok sa'king isip ang reyalidad na wala na ang taong minahal ko! Kasabay ito sa nasusunog namin bahay. "H-hindi—" Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak at patakbong tinungo kung saan huli kaming magkahawak kamay. "Paul!" Tuluyan na akong humagulhul sa sakit na aking naramdaman. Nakita ko ang isang sapatos niya na kalahating sunog at ang kwentas na lagi niyang suot. Parang dinurog ang puso ko sa mga oras na ito at 'di ko mapigilan ang aking sarili.  Kung alam ko lang na 'yon na ang huli naming pagsasama, sinulit ko na sana ang panahon ngunit heto, wala na ang lalaking aking minahal. "Cauli..." Hinaplos ni papa ang aking buhok at niyakap ako. Hinayaan niyang ilabas ang lahat ng sakit na nasa dibdib ko ngayon.  "Kailangan natin umalis dito, anak. Hahanap pa tayo ng pagtataguan mamayang gabi." Bigla akong natigil sa pag-iyak at napatingin sa'king ama. Pagtataguan? bakit pa kami magtatago? Wala na ang mga pesteng sumira sa lugar namin kaya bakit kami magtatago? "Muli silang lilitaw pagsapit ng gabi. Hindi sila nakakakita kapag nakalabas pa ang araw kaya sa gabi sila lumalabas."  Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni papa pero nanatili akong tahimik at hinihintay ang iba pa niyang sasabihin. Mukhang alam na ni ama na mangyayari ang lahat ng ito. Sana nalaman ko rin na mangyayari ang lahat ng ito para nakapaghanda man lamang ako. Hinintay ko pa ang ibang sasabihin ni papa pero hanggang doon lang ang kanyang sinabi. Hindi ko alam tuloy kung ano ang iisipin ko sa mga oras na ito. "Tayo na." Saka siya tumalikod. Hindi ko makuhang tumango pero sumunod na lang ako. Ngunit bago 'yon, inabot ko muna ang tanging naiwan ni Paul John; ang kwentas. "Papa, nagugutom na ako," pagrereklamo ni Daisylee sa'ming ama at nasa tabi ito ng aking ina. "Ako rin nagugutom na," mabilis na dugtong pa ni Kiely, na nasa tabi ko at hawak ko sa kamay. "Mamaya na tayo maghahanap ng pagkain. Sa ngayon, pagtataguan ang kakailanganin nating mahanap," Si mama naman ang biglang sumagot. Ako naman ay nanatiling tahimik lang. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom tulad ng mga kapatid ko. Ang tanging nag-sink in sa isip ko ay walang iba kundi ang lalaki. Pipilitin kong tanggapin ang pagkawala niya pero may bahagi talaga sa puso ko ang masakit. Parang kinukuyom at gusto ko na naman bumunghalit ng iyak pero pinigilan ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD