ROWAN'S P.O.V
Dahan dahang nagmulat ako ng mata pero nang maalala ko ang kapatid ko ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Napapikit ako ng maramdaman kong parang idinuduyan ang aking ulo. Damn! Subrang sakit ng ulo ko. Makailang pilig pa ang ginawa ko bago ako nakaipon ng konting lakas.
"Angela!" Para akong pinagsakluban ng langit pagkakitang wala ang aking kapatid. Kahit masakit ang buo kong katawan ay pinilit kong tumayo at hinanap siya. Paikot-ikot lang ako ro'n at panay tawag sa pangalan niya pero walang Angela na lumabas. Halos lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay pinagtatanungan ko na pero wala akong nakuhang tamang sagot sa mga ito.
Napapikit ako at naramdaman ko na lamang na tumulo ang aking mga luha. Kahit lalaki akong tao ay naramdaman kong walang tigil ito sa pagsitulo. Sila lang ang mundo ko at ang rason para mabuhay ngunit heto wala na sila, pinatay ng mga demonyong alien na napadpad dito sa mundo ng mga tao. Kumuyom ang aking mga kamao at halos lumabas na ang mga ugat ko sa leeg sa nararamdaman kong galit.
Nagmadali akong lumabas sa malaking mall na 'yon. Biglang humarap sa'kin ang masakit na sinag ng araw at ang mainit na singaw ng hangin. Wala na. Sirang sira na ang lahat. Pero pakiramdam ko, ang pagkatao ko ang nasira sa oras na ito. Wala na rin ang mga pesteng alien na minsang pumatay sa pamilya ko.
"Aaahhh!" ubod lakas akong napasigaw sa kawalan at napaluhod. Ibinuhos ko na sa palad ko ang sakit na aking nararamdaman sa pagkawala ng dalawang taong pinakaimportante sa'kin.
Dala ang tinding galit at pagkawala ng dalawang taong importante sa'kin ay tumayo na ako. Pinuno ko ng hangin ang nagsusumikip ko pa rin dibdib. Ramdam ko ang sakit ng pagkawala nila pero nangyari na ang lahat. Tatanggapin ko ito kahit labag sa kalooban ko ang lahat.
Sa paglalakad ko, nadadaanan ko ang mga taong umiiyak, naghahanap sa kanilang pamilya, nagnanakaw, nababaliw sa pagkawalan ng negosyo, tumatawa na parang nawalan ng pag-iisip at napatulala. Sandali akong natigil nang matanaw ko ang isang batang lalaki. Sa tantiya ko, nasa sampung taong gulang pa lamang siya. Tulala siya sa isang tabi habang kaharap niya ang isang bangkay. Nakikita ko ang namumuo niyang mga luha na ilang segundo lang ay bibitaw na ang mga 'yon.
Parang kinuyom ang puso ko nang lagpasan ko siya. Nakikita ko ang sarili ko sa kawawang batang 'yon na namatayan dahil sa mga lintek na alien na sumugod kagabi.
"K-kuya... pwede ba isama niyo na lang ako?"
Bigla akong natigil sa paglalakad at mabilis na napalingon kung sino ang nasalita at humawak sa kamay ko. Nakita ko ang kawawang bata na nilagpasan ko kamakailan lang. Nakikita ko sa kanya na isa siyang matapang na bata dahil pinipigil niya ang sarili na umiyak. Kinakaya niya ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta, boy." Hinarap ko siya at kapagkuwan ay ginulo ang kanyang buhok.
"Okay lang po. Basta isama niyo lang po ako. Mag-isa na lang po ako ngayon, patay na ang lahat ng pamilya ko. Iniwan na nila ako." nanginginig na saad niya sa'kin kasabay ng pagbagsak ng luha niya.
Ayaw ko sana siyang kupkupin pero nahabag ako sa hitsura ng batang ito kaya tumango ako bilang pagtugon. Kahit ang totoo, 'di ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na ito. Bahala na! Pupunta siguro ako sa lugar na hindi nasira ng mga pesteng alien. Magsisimula sa panibagong buhay at pipiliting makabangon na mag-isa.
"Pangalan mo, boy?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Christian Phol, po," kiming sagot niya sa'kin.
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakbay sa mundong ito na sirang-sira na. Akala ko sa pelikula lang ito nangyayari, pati rin pala sa totoong buhay. Kung sana'y inalam ko kay itay kung ano ang pwedeng gawin kapag dumating ang ganitong pagkakataon.
-
CAULI'S P.O.V
Kanina pa kami lakad nang lakad. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta. Nakakarindi rin sa teynga ang mga sigawan at iyakan sa paligid. Parang mas lalong kinukuyom ang puso ko sa mga iyakan ng mga tao. Bakit, sila lang ba ang nawalan? Pati rin naman kami ah. Pero hindi ko nalang pinansin, nanahimik na lamang ako. Habang si papa naman ay nanatiling tahimik at malalim ang iniisip. Gusto ko nga sanang kulitin siya kung paano niya nalaman na mangyayari ang lahat ng 'to pero tulad ng una, tahimik pa rin ako.
Kapagkuwan ay humugot ako ng malalim na hininga. Parang gusto kong sumigaw ng malakas para ilabas ang bigat ng dibdib na nararamdaman ko saka ako napatingala sa kalangitan nang biglang nagdilim.
Ayon na naman ang mga kidlat at kulog! Hindi namin namalayan na bandang hapon na pala at ilang oras lang ay magdidilim na. Parang kanina lang ay nakikita ko pa ang mataas na sikat ng araw pero bakit ngayon, biglang umiba ang timpla ng panahon.
"Ito na nga ang sinasabi ko. Doon tayo sa lumang building!" Si Papa na halatang nagpapanic ang boses niya ng humarap sa'min sabay turo sa building na sirang sira na pero pwede pagtaguan kahit papaano.
"Eh papa, sa supermarket na lang para may pagkain," si Kiely ang sumagot.
Gusto ko tuloy tumawa pero pinigilan ko dahil mukhang nagalit si papa sa sinabing 'yon ni Kiely.
Ilang sandali pa ay tumakbo na kami papasok sa lumang building na 'yon. Hindi naman 'yon luma, mukhang nasira lang dahil sa mga pesteng alien na walang awang umatake.
"God!" napapiksi ako ng mas lalong lumakas ang kidlat at kulog sa labas. Nagsisimula ng uminog ang paligid pero 'di tulad kagabi na malakas.
"Saan ba tayo magtatago?" pagtatanong ni mama kay papa.
"Relax Genaphie. Tinatakot mo ang mga anak natin." kalmadong sagot na ni papa. But I know deep inside, nagpapanic na ang loob niya. Hindi niya lang pinakita sa'ming mga anak niya.
"Eeiingghh!" malakas na alingawngaw sa paligid. Nakakatakot at nakakakilabot ang tunog na 'yon. Gusto ko tuloy maging bingi para hindi na marinig pa ang sabay-sabay nilang alingawngaw.
Kung ako ang tatanungin, mukhang hindi ito kakayanin ng mga kasundaluhan kahit pa ang Us Navy. Sa galamay pa lamang at peligrong dalang ginagawad nito, tiyak na walang pag-asa. Sa tingin ko malalakas ang uri ng pagpasabog ng mga extra terrestrial na ito. Sa lakas ng impact na pagsabog na ginawad nila kagabi, masasabi kong parang katapusan nang lahat.
Ilang sandali pa ay tumigil na kami. Hindi ko alam kung nasa pinakailalim na ba kami ng naturang building na ito. Basta ang tanging nasa isip ko ng mga oras na ito ay makaligtas sana kami sa pagsabog na ibibigay na naman nila.
"Dito muna tayo. Safe na tayo rito kahit papaano," biglang tugon ni papa.
Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabing 'yon ng aming ama. Naghanap agad ako ng mauupuan at ipahinga muna 'tong isip at katawan ko sa mga nangyayari ngayon.
"Cauli," napabaling ang tingin ko kay papa ng tawagin niya ang pangalan ko. "Bantayan mo ang mga kapatid mo. Maghahanap lang ako ng pagkain saglit."
Nagdikit ang aking mga kilay pagkarinig no'n at bigla akong napatayo. Against ako sa planong 'yon ni papa, pakiramdam ko may 'di magandang mangyayari.
"Papa, pwede naman sigurong ipagbukas na lang 'yon." sansala ko pero ang totoo, nangangamba ako para sa'king ama.
"Di na pwede ipagbukas iyang tyan ng mga kapatid mo. Sige na, bantayan mo ang dalawang kapatid mo kasama ang 'yong ina."
"Mag-iingat ka at ipangako mo na babalik ka sa'min." Si Mama na niyakap si papa ng mahigpit.
"Kayo rin, mag-iingat kayo rito. Babalik agad ako pagkalipas ng dalawang minuto."
"Pero papa..." Hindi pa ako tapos sa pagtutul kay papa ay tumalikod na siya. Humugis na lamang sa labi ko ang ano man sasabihin ko.
"Ate makakabalik pa si papa, diba?" si Kiely 'yon. "Ang totoo niyan, okay lang naman sa'kin na hindi kumain kahit ngayon gabi lang. matibay naman sikmura ko. Iyan si ate Daisylee kasi, eh. Panay reklamo kaya tuloy umalis si papa. Sana makakabalik siya rito nang maayos."
Hindi ako tumugon sa sinabi niya. Nag-alala ako kay papa at sa sumusunod pa na mangyayari. Lihim akong nagdarasal na sana bukas ay kompleto pa rin kami tulad ng dati.
"Ate, nauuhaw na talaga ako at ihing-ihi na." kangiwing saad sa'kin ni Daisylee ng lumapit siya sa'kin. "Puputok na yata ang ano ko!"
Parang gustong umusok ng ilong ko sa sinabing 'yon ng kapatid ko. Sa gitna pa talaga ng nowhere magrereklamo 'tong babaeng ito gayong maski posporu, wala kaming dala. Mabuti nga at may emergency light na napulot si papa kanina at dalawang flashlight.
"Samahan mo naman ako ate, oh." pakiusap pa niya sa'kin. "Iihi lang ako diyan sa may labas at pangako babalik agad tayo bago makabalik si papa."
Napilitan akong tumango kahit ang totoo, gusto ko siyang kurutin sa singit. Hindi kami napansin ni mama na lumabas kami saglit ni Daisylee. Sasama sana sa'min si Kiely pero umayaw na ako dahil walang kasama si mama. Hindi ganun kadilim ang pasilyo ng building na tinatahak namin ngayon. May flashlight kami ni Daisylee na itinabi kaya nakikita namin ang kabubuan ng palibot.
"Tiyak na magagalit si papa sa'ting dalawa pag nalaman niya ito," anas ko.
"Eh sa nauuhaw na talaga ako ate at ihing-ihi na. Saka kaninang umaga pa tayo' di kumakain. Kahit tubig lang, okay na ako ro'n." kandangusong paliwanag naman niya sa'kin kaya pinag-ikutan ko na lang siya ng eyeball at nagsimula na kaming maglakad.
"Narinig mo 'yon?" Sandali akong napatigil sa paglalakad kaya natigil din si Daisylee sa tabi ko.
"Oi ate, 'wag ka ngang manakot d'yan!"
"Hindi ako nanakot. Ba't pa kita tatakutin, halos tayo na yata ang natira pa sa mundong ito," wika ko ng tingnan ko siya.
Nakiramdam pa ako ng ilang segundo sa paligid, puro mga ingay at malalakas na sabog sa labas lang ang maririnig at pag-inog sa bawat tabi.
"Nakakainis ate! Uhaw na uhaw na talaga ako," maktol niya sa'kin. "Diyan ka lang, iihi muna ako do'n sa sulok." Turo nito sa may kalayuan.
Tumago ako at mabilis siyang tumakbo. Naghintay naman ako ng ilang minute bago siya bumalik na ngiting-ngiti na.
"Tubig naman ang hanapin natin, ate. Hindi ko na matiis 'tong lalamunan ko at gutom."
Napailing-iling na lamang ako at nagsimula na kaming humakbang. Hindi namin namalayan na napalayo na kami sa paghahanap ng tubig.
"Hala ate! Mukhang naligaw na tayo nito, ah." Napahawak siya sa'king braso.
"Ikaw kasi, eh. Basta last na ang silid na 'yan, ha. Pag wala pa tayong mahanap na tubig, babalik na talaga tayo," tugon ko.
Mayamaya pa ay pumasok kami sa silid na nasa unahan. At dahil sinwerte kami ng panahon, may isang ref na nakatayo sa unahan. Dagli kaming lumapit do'n at mabilis naming binuksan ang naturang ref. Lumarawan sa'ming mukha nang makita ang mga pagkaing nandun at tubig.
Para namang 'di nakakain ng isang taon ang kapatid ko. Agad niyang nilantakan ang mga pagkain na nakalagay. Ako naman, tubig lang ang kinuha ko at nilagok 'yon.
"Ggrriihh!"
God! Mukhang hindi maganda ito. Nanayo ang aking mga balahibo nang marinig ang nakakatakot na tunog na 'yon. Parang nasa malapit lang. Parang nasa...
Walang pagdadalawang hinila ko agad patakbo si Daisylee upang magtago sa ilalim ng desk pagkakita ko sa may pintuan ang nakapangit na nilalang na hindi ko pinangarap makita pa. Mabuti na lang at hindi niya kami nakita dahil nanatili lamang siyang nakatayo ro'n. Agad ko namang sinenyasan ang kapatid ko na 'wag maingay. Mula sa kinalalagyan namin, pansin ko ang apat nitong mata na naglilikot na ngayon. God! Biglang umakyat ang napakalamig na bagay sa buo kong katawan. Kinilabutan ako sa hitsura nito. Sinenyasan ko rin si Daisylee na patayin ang ilaw ng flashlight niya dahil pansin kong pahakbang na nang pahakbang ang nakakadiri at nakakatakot na nilalang na ito sa'min. s**t! Hindi lang pala isa, kundi apat silang pumasok at patingin-tingin sa bawat sulok.
Napayakap kami ng mahigpit sa isa't isa nang magsimulang pinaghahagis ng mga ito ang ibang desk at kagamitan. Ano na lang ang gagawin namin kapag makita kami? Mariin akong napapikit ng mata at nanalangin na sana ay makaligtaan ng mga ito ang desk na pinagtataguan namin ngayon ng aking kapatid.