Cauli's P.O.V Hindi ko alam kung anong plano ni Rowan ng mga sandaling ito nang nasa harapan na namin ang mga alien. Nasa pintuan sila at sa'ming direksyon sila nakaharap habang nakalabas sa bibig ang matatalas na ngipin. Diyos ko! Bakit ba sinusundan kami ng mga ito na wala yatang planong buhayin kami. Hanggang sa sinabi niyang ililigaw niya ang mga ito saka naman humawak sa'king kamay si Michael. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa kamay niyang humawak sa'kin. Isa... Dalawa... Tatlo... Hindi ko na alam ang sumusunod na pangyayari. Mabilis pa sa segundo ang pagtakbo ni Rowan at ang pagsunod ng mga Hellions dito. Kasabay no'n ay ang pagbiglang buhat sa'kin ni Michael para itakbo kami papalabas. Gusto ko pa sanang umayaw at iniisip ko ang kalagayan ni Rowan. Paano kung hindi siya