Rowan's P.O.V Iniwan ko muna si Cauli malapit sa entrance door. Sinundan ko lang ang dalawa na sina Phol at Kiely na nag-unahan sa pagtakbo. Baka may kung ano pa silang makita kaya sinundan ko na lang. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya roon saka wala na rin bakas ng mga Hellions. Habang palakad-lakad ako, pinapagana ko ang pandinig at talas ng mata ko sa mga sandaling ito. Tingin ko'y 'di lang kami nag-iisa sa loob ng supermarket na ito, parang may kasama kami pero binalewala ko na lang. "Kuya! May nakita akong bata roon." Si Phol ang lumapit sa'kin mula sa kung saan at hinablot ang aking kamay para sumama sa kanya. Unang tumambad sa'ming dalawa ang isang pintuan na sira na ngayon. Tumingin ako sa kanya na may pagtatanong ang mata. "'Asan?" "Sa loob kuya. Isang batang