5 - First Encounter

2422 Words
Ang tanging narinig na lang namin sa mga sandaling ito ay ang pagwawala ng mga alien sa paligid namin. Hindi namin sila nakikita dahil madilim lang ang paligid. Parang kasing dilim lang ng takot at pagkasindak namin sa mga oras na ito na ilang segundo ay tutupukin kami. "Ggrriihh!" Ito ang boses na narinig ko at pinilit kong 'wag makalikha ng anumang ingay sa nakakasakit teynga na tunog na 'yon. "Ggrriihh!" narinig kong tugon naman ng isang alien na parang nag-uusap sila sa lenggwaheng 'yon pagkatapos ay naging patlang. Biglang tumahimik ang paligid pero ang lakas ng tambol at tahip ng dibdib namin ng mga sandaling ito ay sapat lang upang marinig ko. No! Napahiyaw ako sa'king isip ng marinig ko ang dahan-dahan nilang paghakbang sa pwesto namin. 'Wag naman sanang ipahintulot ng Diyos kung sakaling totoo siya. Ayaw ko pang mamatay sa kamay ng mga ito. Pero parang nananadya ang pagkakataon, mas lalong papalapit ang mga ito sa'min. Rinig ko ang kanilang mga hakbang at malalim na buntunghinga na parang nasa lupa nanggagaling. Nang marinig kong nagsiunahang lumabas ang mga nilalang na 'yon, nakahinga kami ng maluwag. Ilang minuto pa kaming nagparamdam kung nasa paligid pa ba sila pero sa tingin ko, wala na. "Cauli! Daisylee! And'yan ba kayo?" Bigla kaming nabuhayan ng loob ng kapatid ko nang marinig ang boses ng aming ama. Mabiliskaming lumabas sa pinagtataguan namin at tinungo ang aming ama. Akala ko magagalit siya sa'ming dalawa pero nagkamali ako. Niyakap lang niya kami at nagpapasalamat na hindi kami pinatay ng mga alien. Pero nagkakamali pala kami ng inakala na umalis na ang mga ito. Dahil sa mismong paglabas namin ng silid na 'yon ay nakaambang na sila sa pasilyo at nakalabas ang kanilang mga ngipin na parang nagagalit sa'ming presinsya. "s**t! Akala ko nagsialisan na ang mga iyan!" napamura si papa habang pinapaatras niya kami sa kanyang kamay patungo sa kanyang likod. "Papa, anong gagawin natin?" mahinang tanong ko sa kanya ng makitang papalapit na ito sa'min. Ang iba'y pagapang, ang iba'y naglalakad. Ang apat mata nitong mata ay wari nag-aabang sa anumang gagawin namin. Mula sa flashlight na hawak namin ngayon ay kitang-kita namin ang nakapangit nilang hitsura na parang handang lumapa anumang oras. "Kailangan nating tumakbo... Daisylee, dito ka sa kabilang kamay ko," wika ng aking ama at marahan namang humakbang ang kapatid ko ayon sa utos niya. Paatras kami nang paatras ngayon. Naghihintay sa sasabihin ni papa kung tatakbo na ba kami. Sana, makaligtas kami ngayon dahil nagsimula na naman akong matakot. Alam ko natatakot na rin si papa pero hindi niya lang pinapahalata para di siguro kami matakot. Ngunit heto na ang mga alien sa aming harapan. Pahakbang na papalapit sa'min. Lumingon ako sa'ming likuran. Walang alien na nag-aabang dun kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya. "Pagbilang ko hanggang tatlo, deritso tayong tatakbo. Isa... dalawa..." mahinang pagbibilang ni papa. "Tatlo!" Sa huli niyang bilang ay pumihit kami at mabilis na ginamit ang lakas para makalayo sa mga nakakatakot na alien. Ngunit mabilis din ang mga nilalang na ito. Kung anong bilis ng takbo namin para makawala sa kanila, gano'n din ang bilis ng paghabol nila sa'min. Apat sila na handang papatay sa'min kapag oras na maabutan kami. "Kahit anong mangyari, 'wag kayong tumigil!" malakas na sigaw ng aming ama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil pakiramdam ko, mauubusan ako ng hangin sa bilis na ginawa naming pagtakbo. God! And'yan na sila sa likod namin. Ang iba ay dumaan sa kesame at dingding habang humahabol sa'min. Pakiramdam ko ilang segundo na lang at aabutan na kami ng mga hinayupak na mga nilalang na ito. Ayaw ko pang mamatay! Takbo kami nang takbo. Walang katapusang katakbuhan. Ngunit ang mas hindi ko inaasahan sa lahat ay 'yung mahubad ang suot kong dalshoes sa paa at dahilan no'n napatigil ako sandali sa pagtakbo. "Cauli! Iwanan mo na iyan!" pagalit na sigaw ni papa nang balak ko pa sanang isuot ang natanggal na dollshoes. Tumango na lang ako at iniwan 'yon pero ang malaking malas lang naman, may mga bubog ng salamin ang hallway na tinapakan ng aking mga paa ngayon. "Argh!" Napahiyaw ako sa sakit at tumigil ng may isang bubog ang tumusok sa talampakan ko. Swerteng sumabit pa talaga! Narinig kong sabay na sinambit nila papa ang pangalan ko. Ako naman ay halos maiyak dahil sa subrang sakit no'n. Pero gayon na lang ang paglaki ng aking mata nang makita ko ang dalawang alien na handang lulusob sa'king kinatatayuan ngayon. "Aahhh!" napatili ako ng malakas nang akmang kakalmutin na ako ng mga matatalas nilang kuko ngunit agad akong nahila ni papa at pinukol niya ito sa hawak niyang flashlight. At sa mga sumusunod pang pangyayari ay hindi na halos pumasok pa sa isipan ko. Para na akong nabaliw sa kasisigaw at iyak sa'king mga nakita. "Tumakas n-na kayo... B-bilis!" nahihirapang bigkas ni papa ng makipag-away siya sa mga ito. Kitang-kita ko kung paano pinagkakalmot ang katawan niya at tila masayang-masaya naman ang mga alien sa mga ginagawa nila sa'king ama. Pikit ang mata at tiniis ko ang sakit ng tumakbo kami ulit. Hinila ko na si Daisylee na parang natulala na sa mga pangyayari. Ako naman ay parang pinagbagsakan ng langit at walang puwang ang pagpatak ang aking mga luha. - ROWAN'S P.O.V Ito na naman ang mga peste na pumatay ng pamilya ko. Bumalik sila. Akala ko wala na ang mga ito pero nagkakamali lang pala ako. Heto at sakay sila sa machine nilang 'di ko alam kong ano ang pangalan. Nagsimula na silang maglakad sa kabuuan ng lugar. Namiminsala at minsan pa'y kumukuha ng tao. Agad kong hinila si Christian Phol sa kamay at pumasok kami sa lumang building. Mas mabuting dito muna kami para kahit papaano ay ligtas kaming dalawa. "Damn!" Nakuha kong magmura ng mula sa pinagtataguan namin ni Phol ay kitang-kita ko ang pagbaba ng isang nakakatakot na alien sa entrance door. Malaki ang pangangatawan nito. Hinuha kong nasa 5'5 lang ang eksaktong height ng nilalang. Mula sa kidlat at kulog ay nakikita ko ang kabubuan nito. May apat itong mata na magkadikit-dikit. Mahahaba ang apat na kamay na parang palaka pero mahahaba ang mga kuko at matutulis. Ang mga ngipin naman ay parang 'di pangkaraniwan sa tulis at haba. "Mga delthan, kuya!" Biglang yumakap sa'king braso si Christian. Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang pangalan ng nilalang na ito, na nagsisimula na ngayon sa paglalakad gamit ang kaniyang mga kamay at paa. Kailangan naming makaalis sa pinagtatayuan namin ni Phol. Mariin kong hinawakan ang kamay niya at sinenyasan siyang 'wag maingay. Mabilis kami at walang ingay na nagsimulang humakbang papalayo. Abot-abot ang aking hininga na sana 'di kami mapansin ng nilalang na ito. "Ggrriihhh!" Napakislot kaming dalawa nang sumigaw ito. Nakakarindi sa teynga at nakakapagtayo balahibo sa katawan ang boses na pinakawalan nito. "Kuya, magtago na po tayo. Mga Delthan po ang mga iyan. Pumapatay po sila ng mga tao dahil para sa kanila, ang tao ay kalaban at basura. Wala silang awa sa katawan. Papatayin nila tayo," mahina pero mariin na saad sa'kin ni Christian. Tango lang ang tanging sagot ko sa sinabi niya. Mamaya na lamang ako magtatanong kung paano niya nalaman ang ganitong bagay. Dahan-dahan kaming humakbang na walang ingay. Mahirap na at baka matyempuhan kami ng isa niyang mata na parang duling kung tumingin. Parang nasa south, east, north and west kung tumingin ang mata nitong kulay itim ang buong palibot. Naglilikot ang mga 'yon na pati ako ay gustong mainis sa naglilikot na mga mata nito at sarap na saksakin ng kutsilyo. Napahawak ng mahigpit sa'king kamay si Phol ng magsimula ng mangialam ang alien. Pinaghahagis nito ang mga bagay na nahahawakan at sa tingin ko, malalakas ang uri nila. Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kamay niya ng magtago kami sa likod ng malaking pader. Mas lalong naging hyper ang alien sa may kalayuan at sumisigaw pa ito ng nakakakilabot na para bang tumatawag ng mga kasamahan. "Ggrriihh!" Napapikit ako ng mariin nang marinig ang paulit-ulit na sigaw nito. Subrang sakit sa teynga at gusto ko yatang sugurin at patahimikin iyo para tumigil na. "Kuya, tumatawag po siya ng kasamahan." Kalabit sa'kin ng batang kasama ko ngayon. Nanlalaki ang kaniyang mata nang sinabi 'yon. "Wag kang maingay. Parang naririnig niya tayo," sinenyasan ko agad si Phol nang makita kong sandaling tumitigil ang nilalang at mukhang pinapagana nito ang teynga na ngayon ko lang nakita. Nakasabit ang teynga nito na parang antena sa ulo. Humahaba ang mga 'yon at parang sa direksyon namin nagturo. "Damn!" napamura ako sa inis. Pakiramdam ko, alam na nito na 'andito kami sa likuran ng pader at nagtatago. Walang alinlangang hinila ko na ang batang kasama ko at tumakbo na kami sa maluwang na hallway ng building na 'yon. Dapat maunahan namin siya sa pagtago at patay ang kababagsakan namin. Habol namin ang aming hininga ng magtago kami ni Phol sa loob ng isang silid. Walang nakapansin sa'min na Delthan pero sinigurado ko muna ang buhay naming dalawa. Kung sakaling mamatay man ako, mamatay akong lumalaban at naipaghigante ang aking pamilya. Hindi ko alam kung ilang Delthan na ang pumasok sa lumang building na ito. Basta ang tanging naririnig ko lang ay nagpapalitan sila ng sigaw sa isa't isa na para bang nag-uusap sila sa ganitong uri ng lenggwahe. Kapagkuwa'y napakislot kaming dalawa ni Phol nang may bumayo sa pintuan ng silid na kinapaslakan namin ngayon. Walang duda na ang mga alien ang nasa labas kaya nagtago kami agad sa pinakasulok na isa pang opisina. Halos abot ko na ang aking hininga ng mga oras na ito. Ilang segundo pa ay narinig kong bumitiw na ang pintuan sa labas. Ang lakas ng pinakawalan nitong ingay kung kaya napayakap sa'kin ng mahigpit si Phol. At gaya narin ng inaasahan ko, nagwawala na namana ng alieng nasa labas at nag-iingay sa paghagis ng mga bagay. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakawak ko sa baseball bat na hawak ko ngayon. Nasa pintuan kaming dalawa ni Phol at oras na magkakamali sila sa pagpasok, sisiguraduhin kong babasagin ko ang kanilang mga ulo. Gaya nga ng inaasahan ko, papalapit sila sa'ming kinalalagyan. Rinig ko ang kanilang mga kaluskos na ginawa at pagpapalitan ng pag-uusap sa kasama. Ilang beses akong napalunok at humugot ng mga malalalalim na buntonghinga. Alam ko naman wala kaming kalaban-laban pero wala na akong pakialam. Ayan na, papalapit na sila. Mga ilang hakbang na lang at... inumang ko na ang batutang hawak ko para sa kung sinong maunang pumasok. Muntik ko ng mabitiwan 'yon nang malakas na itulak ng alien ang pintuan. Tuluyan itong bumagsak at lumikha pa ng ingay na parang gusto kang traydurin anumang sandali. Sa pagbagsak ng pintuan ay hinihintay ko na lang silang pumasok. Isa... dalawa... tatlo... Akmang hahatawin ko na sana ng malakas ang alien na nauna nang biglang may parang tumawag sa mga ito dahil nagsikiripas ang mga ito sa pagtakbo agad palabas. Kahit papaano, nakaramdam ako ng ginhawa na muntik ng sumakal sa leeg ko kanina dahil sa naramdamang tensyon. Walang pagdadalawang hinila ko na agad ang batang kasama ko at lumabas kami sa naturang silid at baka ilang sandali lang ay magbabalik pa ang mga 'yon. Nakalabas na kami ng naturang silid na 'yon ng lumang building ay nakarinig ako ng mga yabag na tumatakbo papalapit sa'min. s**t! Mukhang binalikan kami ng mga hinayupak na Delthan. Singbilis na hinila ko si Phol para tumakbo na kami at magtago sa kabilang silid. Laking tuwa ko at bukas na 'yon at eksaktong pagpasok namin ay may namataan akong dalawang taong tumatakbo sa gawi namin. Tiningnan ko ng maigi 'yon at tao nga ang mga ito ayon na rin sa hawak nilang flashlight at anyo. Mabuti na lamang at wala akong nakitang alien na sumusunod sa kanila kaya nang nasa harapan na namin sila ay bigla ko silang hinila. "H'wag kang maingay! Tao kami!" mabilis kong sambit nang akmang magwawala siya at magpupumiglas sa pagkakahawak ko. Pagkakita niya sa'kin ay bigla siyang umiyak at yumakap. Sandali naman akong natigilan sa ginawa niya. Unang pagkakataon sa'kin ang yakapin ng isang babae. "Kalma lang," wika ko at agad na isinirado ang pintuan. Sa sinabi ko naman 'yon ay agad siyang kumalma at nahimasmasan sa pag-iyak niya. "Si papa... p-pinatay nila." nagpatuloy sa pagpatak ang kaniyang mga luha ng bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. Para naman akong kinuyom ng awa sa mga sandaling ito dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan. "Isintabi mo na muna iyan. Ang mahalaga, buhay pa kayo ng kasama mo." mabilis na sagot ko na lamang at nagsimulang mag-ikot sa loob ng silid na kinahantungan namin ngayon. Apat na pala kami. Apat na buhay ang mawawala kapag makita kami ng mga Delthan. At kung minamalas naman, walang maski kagamit gamit ang napasukan namin na silid. Tanging mga tambak na papeles lamang ang nando'n. Hinalukay ko na ang buong silid na 'yon. Wala talaga akong makita. Parang gusto ko tuloy isipin na minalas na naman ako. Anong gagawin namin sa mga papeles? Wala. Damn! Lihim na bulong ko ng maulinigan ko ang mga yabag ng mga Delthan na papalapit. Sana'y 'di ito pumasok sa silid na pinagtataguan namin, kundi patay kaming lahat. Ang ginawa ko ay sinensyasan ko silang huwag maingay at lumayo sa pintuan. Naramdaman ko namang yumakap sa braso ko ang babaeng ngayon ko pa lang nakita. Gusto ko sanang paalisin siya sa pagkakapit sa'kin dahil parang nahahawaan ako sa nerbiyos ng babaeng ito pero nanahimik na lamang ako, nangatal na kasi siya. Damn! Kahit niyakap kami ng kadiliman ng mga oras na ito at tanging malalim na buntonghinga lang ang nagpapatunay na buhay pa kami, hindi namin mapigilan ang sabay na mapakislot sa lakas na bayo na ginawa ng mga Delthan sa labas. Ito na nga ang sinasabi ko! Kung minamalas ka lang talaga sa pagkakataong ito at mukhang magiging biktima kami oras na bumigay ang pintuan. Isa... dalawa... "Eeiinngghh!" malakas na alingawngaw at kahit pati kami na nasa loob ay rinig na rinig naming ang alingawngaw na 'yon at nakakakilabot ang tunog na 'yon. Ilang sandali pa ay nakiramdam kami. Natigil na ang pagbabayo sa pintuan at dinig na dinig namin na nagsikiripas sila sa pagtakbo na para bang tinatawag na sila. Napahigit ako ng malalim na buntunghinga at nagpasalamat dahil umalis na ang mga nilalang na malapit na sanang gawing biktima ang buhay namin. Agad kong kinapa ang flashlight at binuksan 'yon. Deritsong tumama ang liwanag nito sa dumudugong talampakan ng babaeng kasama namin ngayon sa silid.  "Dumudugo ang talampakan mo," mahinang saad ko. "Nakuha 'yan ni ate kanina," agad na sagot ng kasama niyang dalagita na tingin ko ay kapatid niya. Namumula ang mata nito at halatadong galing din ito sa pag-iyak. Bigla akong nakaramdam ng awa nang tingnan koulit ang kaniyang sugat. Halos dugo na pala itong pinagtatayuan namin kaya naman ay nag-volunteer na ako na gamutin ang kaniyang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD