6 - Survival Mode

1062 Words
CAULI'S P.O.V Nakaramdam ako nang ginhawa ng umalis na ang mga alien at kasabay ang pagkirot ng aking paa. Para bang hinintay muna ng paa niya na magsilayo ang mga nilalang bago siya bumigay sa sakit. Tiniis ko na lamang ito at wala na sa huwisyo ang aking pagtayo. Ramdam kong kumikirot ang mga bubog sa talampakan ko pero mas makirot at masakit ang pagkawala ni papa. Nanlalamig na rin ang aking pakiramdam ng punain ako ng binatang nasa aking tabi ngayon. Nakita niyang may sugat ako at mukhang nag-alala ang kanyang hitsura. Kapagkuwan ay nag-volunteer siyang gamutin na ang paa ko. Pumayag ako dahil pakiramdam ko, nanlalamig na ang sikmura ko at batok. "Aray!" nakagat ko ang aking labi sa sakit. "Phol, hawakan mo nga ang flashlight." utos niya sa batang kasama niya at agad naman itong tumalima. "D-dahan-dahan..." "Umupo ka muna sa lapag para maayos ko sa pagkuha ang mga bubog at magamot agad ito," wika niya sa mahinahong boses na agad ko sinunod. Hindi ko na siya tatanungin kung paano niya ito gagamutin dahil wala naman kaming medicine box at alcohol para pampalis sa maraming dugo na nasa paa ko. Natigilan ako nang tumayo siya bigla at humugot ng buntunghinga. Tinungo niya ang pintuan at parang sumisilip doon at lumabas. Napatingin ako sa batang kasama niyang si Phol pero nagkibit balikat lang ito. Saan siya pupunta? Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na siya at may bitbit na siyang medicine box. Wala siyang sinayang na oras kundi ang gamutin ang paa ko. Ako naman ay tiniis ko ang sakit kahit parang gusto kong manipa sa kanya dahil ang sakit-sakit talaga ng paggagamot niya sa paa ko. Subrang kirot pa dahil nilagyan niya 'yon ng alcohol at pagkatapos ay betadine. Kapagkuwa'y binendahan na niya 'yon. "Salamat," kiming lumabas 'yon sa bibig ko. Isang tango namang ang nakuha kong kasagutan sa kanya. Tahimik na ang paligid at hindi na gaanong masakit ang paa ko. Hindi ko rin namalayan na nakatulog pala ako na nakasandig lang sa dingding at katabi ko ang kapatid ko. Umaga na siguro dahil wala na ang mga alingawngaw ng alien. Marahan kong ginising ang kapatid ko para puntahan na namin si mama. "Sa'n siya?" Bigla akong napalinga-linga ng mapansing wala na ang binatang gumamot sa paa ko. Iniwan na kaya niya kami? Agad akong nakaramdam ng lungkot sa paglisan niya na 'di ko man lang alam. "Pasikat na ang araw. Wala na ang mga Delthans." Mula sa labas ay pumasok ang lalaking tumulong sa'min kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita siya pero agad akong napakunot noo sa kanyang huling sinabi. "Delthan?" pag-uulit ko. "Yong mga alien. Isa silang mga Delthan." walang kaemosyong saad niya sa'kin lalo na sa huling part na binanggit niya. Para bang may tinatago siyang sakit pero ayaw lang niya ilabas. Gayon na lang ang tuwa ko nang makita kong buhay pa sina Mama at Kiely. Nagyakapan kami sa saya pero nang malaman nila na wala na patay na si papa ay labis din nilang ikinalungkot 'yon pero nangyari na ang lahat, kailangan na namin tanggapin na wala na ang isang taong importante sa'min kahit sobrang labag sa puso namin na wala na si papa. Binaybay na namin ang daan papalabas sa naturang building na 'yon. Lahat tahimik. Walang gustong magsalita. Habang nakaalalay sa'king tabi si Daisylee upang makalakad ako. "Salamat nga pala hijo sa pagtulong mo sa anak ko," wika ni mama sa malungkot na boses sa lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpakilala. Mukhang wala siyang panahon na magpakilala kahit pangalan man lang. "Walang anuman po," tipid lang din na sagot ng estrangherong kasama namin. Eksaktong paglabas namin ay sumalubong ang mainit na simoy ng hangin. Wala pa rin pinagkaiba. Malalanghap mo ang pagkasira ng mundo dahil sa mga ito. Kung pagmamasdan, mukhang wala ng buhay pa ang natira. Mga sasakyan ng militar na sirang-sira at sunog na sa mga tabi. Wala na talaga. Wala ng rason pa mabuhay kong iisipin ko. Ang masakit pa, nawalan pa kami ng isang importanteng tao sa buhay namin. Ngayon, paano na kami? Anong gagawin ko sa malupit na mundong ito na ngayon ay sinira na ng mga nilalang sa ibang planeta gamit ang mga sasakyan nila. "Hanggang dito na lang po tayo magkakasama." Napalingun ako sa estrangherong lalaki kasama namin ngayon. Tama ba ang narinig ko? Nakita ko silang tumalikod na sa'min at aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot ngunit agad ko na ng binalewala at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ilang sandali pa ay may nakita akong nilalang na nagsilabasan sa ilalim ng lupa kasabay ang pag-inog ng malakas. Hindi! 'Yong mga nilalang na minsan ko rin nakita sa panaginip ko ngayon ay nagkatotoo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga sandaling ito lalo na at napakapit sa'king braso ang kapatid ko at nagsimulang mag-panic. "Cauli! Magsitago na tayo!" Si mama ang humila sa'king kamay nang hindi ako gumalaw at natulala na lang na nakatingin sa mga ito na ngayon ay nagsimula ng maglakad sa ibabaw ng lupa. "Ate, ano ba!" malakas na sigaw ni Kiely sa'kin kung kaya bumalik ang aking gunita at tumakbo na kami upang makapagtago. Pero dahil may sugat ang aking paa at hindi pa ito totally healed ay nawalan ako ng lakas at nadapa ako. Masakit pa kasi ito at makirot pa para sa'kin. "Ate!" Alalang tinulungan ako ni Daisylee upang tumayo. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa pagkakataong ito. Pakiramdam ko mamamatay na yata kami ngayon. "Mauna ka na! Iligtas mo sarili mo!" mariing sigaw ko sa kanya at itinulak siya papalayo sa'kin. Ayaw ko siyang mapahamak. Lalo na at nasa aking likuran na ang isang napakapangit na nilalang at patungo sa'king direksyon. Nakaumang ang tatlo niyang kamay na nakakatakot pagmasdan at handang kikitil sa buhay ko kapag maabutan ako. "Hindi ate! Hindi kita iiwan!" nakita ko siyang umiyak at pilit lapitan ako pero itinulak ko siya ulit palayo. Gusto kong siguruduhin na lang niya ang kanyang kaligtasan. Kapag alalayan pa niya ako, alam kong mahuhuli kami ng mga ito dahil hindi maayos ang paglalakad ko. "Sige na, magtago na kayo nila mama." pumatak ang mga luha ko ng umiyak siyang tumakbo papalayo na sa'kin. Alam kong ayaw niyang pumayag pero kagustuhan ko 'yon. Tumayo ako. Nagsimulang humakbang. Makirot ang aking paa pero tiniis ko ang sakit no'n. Napalingun ako sa'king likuran. Andiyan na, malapit na ito sa'kin. Isang hakbang na lamang ng paa nito papunta sa'king gawi ay katapusan ko na. "Atee!" "Aahhh!" Isang tili ang kumawala sa'king bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD