Chapter 4

1766 Words
Chapter 4 "Kumusta ka na, insan?" tanong ng pinsan kong si Graciano. "Grasya! Ikaw pala iyan. Ngayon lang kita nakita, a? Kanina pa ba kayo?" pagtuon ko ng pansin sa kaniya. Suot niya ang paborito niyang white t-shirt na may mata ng lobo sa bandang dibdib. Itim na fitted shorts naman ang kaniyang pang-ibaba at isang puting converse. Ngayon na lang kami ulit nagkita. Nagkaroon kasi sila ng misyon kasama ang kapatid niyang si Graciella. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagkalayo kami ng halos kalahating taon. Maikling panahon lang pero sobrang na-miss ko siya! "Kararating lang din namin. Nandoon sa loob sina mama," aniya habang tinuturo ang banda nina tita Gretchen. Binati rin niya si kuya Mat na tinuon lang ulit ang atensyon sa PSP. Ganito naman si kuya sa kahit kaninong pinsan ko kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito siya kay Grasya. Minsan na niyang pinagselosan ang pagiging malapit ko sa kaniya. "Pati si Gracie kasama mo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya sabay halukipkip. "Andie, ngayon gaganapin ang monthly game ng pack. Paniguradong nandito sina mama." Napanganga ako. Naiwang nakatulala sa kaniya habang umiiling siyang tumayo. Omg! Bakit ko iyon makakalimutan? Ang monthly game na ginagawa ng pack ay ngayong gabi sa may kakahuyan! Paano ko nakalimutan ito? "Grasya, saglit!" tawag ko kay Graciano. Inakbayan ko siya habang nakalagay ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng shorts niya. Nakangisi pa rin siya at hindi umangal. "Hi, tita Gret!" bati ko sa mama ni Graciano. "Hi, Andie baby! Kumusta na? Lalo kang sumesexy, a? Mana kay tita!" aniya sabay beso sa akin. Napailing na lang si Grasya sa tabi ko. "Tita naman! Syempre! Kaya lang kay mame ko namana ang pretty face ko," nakangusong sabi ko. Napatingin sa mukha ko ang pinsan kong akbay ko habang nakakunot ang kaniyang noo. "Ano?" tanong ko habang nagtatakhang nakatingin sa kaniya. "Wala naman. Hinahanap ko lang kung nasaan ang pretty face mo, insan." Inipit ko kaagad ang ulo niya sa kili-kili ko gaya nang ginagawa ni kuya sa akin tuwing nagre-wrestling kami. Natatawa lang siya at hindi naman nasaktan sa ginawa ko. "Lumabas na raw po ang lahat!" Naputol ang paghaharutan at pagtatawanan namin nang marinig namin si uncle Seb. "Nasa kakahuyan na si Freidrich para sa gaganaping traditional game ng pack." Freidrich is our pack's leader. Napalunok ako dahil sa ibinalita niya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. This is my first time joining them! Football ang traditional game ng aming pack. Tulad lang iyon ng laro sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi iyon ang ikinakakaba ko. May mas malala pa! Ang paglalaro nito ay pisikalan talaga kaya hindi maiiwasan ang magkasakitan. Isa pang rule ay kailangang nasa anyong wolf ka habang naglalaro nito kaya mas lalo akong kinabahan. Pero ang pinakanakapagpakaba sa akin ay dahil lahat ng nasa tamang edad ay dapat maglaro -- mapababae man o lalaki! "Hey, boss. Alam kong babae ka pero I badly want to win," bulong ni kuya Max sa aking tainga habang nakaakbay sa akin. Napalunok ako sa kaba. "Well, kuya. This is my first time playing so I'll surely win this," matapang na sabi ko kahit sa loob ko ay gusto ko nang magmura. Kalaban ko siya! "Okay, then! May the best pretty face win!" aniya sabay takbo sa kakahuyan at nagpalit na ng anyo. Para bang nanghahamon? Pero halos mapangiwi ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman mapagkakailang baby face siya pero grabe kasi ang hangin niya. "Players take off your shirts before entering the woods!" utos ni uncle Seb na host sa gabing ito. Monthly ang game na ito at laging host ang isa sa mga parents namin. Players must be 17 to 29 kung hindi ay hindi ka nila pasasalihin. I turned 17 already last two weeks kaya ito ang first game ko. May kaba pa akong nararamdaman pero hindi nawala ang excitement sa loob ko. Sa wakas! Mailalabas ko na ang pagbubugbugan namin ni kuya Max tuwing gabi! Nakasando lang ako na manipis ang strap at saka shorts. Ang mga lalaki sa grupo namin ay naka-topless na at shorts dahil matatanggal din naman iyon mamaya sa game. Nasa gilid ang parents namin at nanonood sa game, ganoon din si Freidrich. Bawal silang makisali, kung hindi ay matatanggal ang anak nila sa game. Hindi pa naman iyon nangyayari kaya kampante pa kami. We want to fight without their help this time! "Same rules! Fight until you get your opponent's flag and protect to prevent your enemy from getting yours. Beware of the balls as well! Fight all you want! Fight, all out!" Iyon ang naging hudyat para umungol kaming lahat. Ganoon din ang ginawa ko dahil sa excitement. Naiinip na ako! Kakampi ko si kuya Matthew. The twins and kuya Max are all on the opponent's team. Kasama ko si Grasya sa team kaya nakahinga ako nang maluwag. Seeing him fight before makes my heart stop. His sister's not yet allowed, though. May sakit kasi ito. "Game, set, growl!" Agad sumugod sina kuya Matthew, Grasya at iba pang mga agresibo sa team namin. Nanatili ako roon para magbantay. Iyon ang natanggap kong utos kay Loki, ang leader namin. Sinubukan kong umabante sa harap upang pagmasdan sila. Ayoko rito! Wala akong ginagawa kun'di ang panoorin sila sa ginagawa nila. Nakakainip! Nangangati na ang mga kuko ko! Stay there, Drea! – f**k! Ayon sa tono nang kaniyang pananalita ay si kuya Matthew iyon. Hinanap siya ng mga mata ko at dinadaganan na siya ng kambal ngayon. Pinagtulungan na siya! I want to fight, too! No! f*****g stay there! – I'll kill you Marvin, you bastard! – Follow our leader, Drea! Napapangiwi ako dahil sa mga daing niya pero hindi makalusot ang kambal sa kaniya upang makalapit sa flag namin. Pero kuya! Shit! Maxwell is there! Agad kong nakita ang paglapit niya pero imbis na sa flag ay hinarap niya ako. Dalawa kami ni Callix na humarang sa kaniya, pinsan ko rin na kasasali lang. The older ones are fighting and depending the flag not far from where we are. Hi, boss Callix! Pwede ba kami mag-one on one ni Drea? Promise, wala akong balak kunin ang flag niyo. Nagkatinginan kami ni Callix. Kahit ako naman ay naguluhan sa gusto niyang mangyari. Why the hell would he want to fight me alone? O baka strategy niya lang ito? No! Baka nililinlang mo kami! sabi ko. Come on, Drea! Kung gusto ko kunin iyan ay kanina ko pa ginawa. Just wanna have a duel with you without Mame at Puppy meddling with us. What? Dali! Decide now. Hangga't nakakulong pa si kuya Matthew! Napatingin ako sa gawi ni kuya at tatlo na ang nakaharang sa kanila. Malapit na si Grasya sa flag nila pero tumigil din siya habang sumusulyap sa gawi namin. Shocks! Plano ba niya ito? Hindi ba kami patitigilin ni Freidrich sa ginagawa namin? Okay! Callix, pigilan mo iyong iba. Ako bahala sa kumag kong kuya! That's more I like it! Tumango si Callix sa akin at hinarangan ang babae kong pinsan. Nawala na ang tingin ko sa kanila nang inambahan ako ni kuya. Don't look away, boss. Ginawa ko ang gusto niya. Hindi ako lumingon sa iba at tinuon ang pansin ko sa kaniya at kung paano ko siya tatalunin. He jumped again to block me on the ground but I dodged. This time, ako naman ang tumalon at dinaganan siya. I bit one of his arm pero natanggal niya lang iyon nang walang kahirap-hirap. Tinulak niya ako dahilan para makatayo na naman siya. I growled bago sumugod ulit. I didn't hold back this time. I wanted to prove him na lumakas na ako at kaya ko na protektahan ang sarili ko. Isa pa, I wanted to win against him this time. Palagi na lang ako ang talo. Nang sugurin ko siya ay siya naman ang umilag. Naramdaman ko agad ang matulis niyang mga kuko sa pagitan ng dibdib ko at saka ako idiniin sa lupa. Para akong patatas na dumikit sa lupa dahil sa ginawa niya. You, bastard! I'm gonna kill you, Maxwell! Dumaing ako dahil sa sakit. Nakaipit pa rin ako sa ilalim ng kaniyang mga kuko. Hindi man lang siya natinag sa banta ni kuya sa kaniya. That's all you've got, Drea? Hindi ko siya pinakinggan. Sinipa ko siya dahilan para mawala ang pagkakahawak niya ngunit hindi siya nawalan ng balanse. Pagkatayo ko ay nasalubong ko na naman ang panibago niyang pag-tackle sa akin sa sahig. Sinipa ko siya ulit pero sa tiyan naman ngayon. Gamit ang buo kong lakas ay binundol ko ang aking katawan sa mas malaki niyang katawan. Ganoon din ang ginawa niya kaya naramdaman ko ang sakit kaya napadaing ako. Naging mas maingat na ako sa paglapit sa kaniya. Siya ang inabangan kong sumugod para counter na lamang ako. Hindi naman nagtagal ang nasa isip ko. Ginawa ko iyong atake niya sa akin madalas. Ikinulong ko ang leeg niya at inipit iyon para hindi siya makagalaw. Idiniinan ko ang katawan niya para hindi siya makagalaw o makaapila man lang. Pero isang tulak lang niya ay umangat ako kaagad sa lupa at tumilapon sa pinakamalapit na puno. Dumaing ako sa sakit ng likod ko. Hindi pa ako agad nakakatayo nang ayos ay tumakbo siya palapit sa akin -- a predator catching its prey. Sadly, I'm the prey. Sumugod agad siya at tumalon sa ibabaw ko. Hindi ako umilag, hinintay ko siyang bumagsak sa katawan ko. Drea! s**t! Narinig ko rin ang pagtawag ng kambal pero hindi ko sila pinansin. They worry about me too much. It's time to prove them I can protect myself. I used all of my strength to tackle him in the ground. Nagawa ko iyon pero hindi man lang siya dumaing. Ni hindi man lang natinag sa buo kong lakas. Ginamit ko na lahat ng kaya ko but here he is, still holding back. Gusto kong maiyak! We won! ani Callix sa aming tabi. Nanalo kami! But I'm defeated. That doesn't make me feel a little bit happy. Umalis ako kaagad at hindi na nakisali pa sa pagdiriwang nila. Naiinis akong bumalik sa loob mag-isa. Napaiyak na lang ako dahil sa kahinaan na ipinakita ko sa labas. Kahit na bata pa lamang ako ay nakikipagbugbugan na ako, wala pa rin akong magawa. I did my best to tackle him but it was not enough! The game was all about tackling the opponent. Iyon ang tanging paraan para hindi makalusot ang kalaban at para makalusot sa kalaban. Kailangan kong maipit ang ulo nila upang hindi siya makakilos. Nagawa ko iyon kay kuya kanina. Pero nakawala naman din siya. Ibig sabihin ba nito ay mahina ako? Ibig sabihin ba nito ay hindi ko pa rin kayang iligtas ang sarili ko? I wanted to punch someone to make me feel better! Nagbihis ako agad ng damit ko pagkapalit ko ng anyo. Gusto kong umuwi nang mag-isa ngayon. Ayoko silang makita at makasabay, lalo na si kuya Max. That bastard! Gusto niya lang ako mapahiya. "Nice one, Drea! Didn't thought you'll win against your brother," ani ng aking pinsang si Ynah. "Did you see that one last tackle, Ynah? I want to learn that, too! Teach me, Drea!" ani Margie. Sila ang mga pinsan kong may lahing Ingles. Their family is living outside country pero every month ay nandito sila. For wolves, traveling is just a piece of cake. Paris is just kilometers away. Nginitian ko lang sila dahil hindi ko alam ang gagawin. I can't say thank you dahil baka sabihin nila ay nagmamayabang ako lalo na kapag nalaman nilang wala namang epekto iyon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD