Chapter 2

1443 Words
Chapter 2   "Drea, anong course balak mo kunin sa college?" Napatigil ako sa naging tanong ni Reima sa 'kin.   Dalawang taon na lang ay college na kami. Mga nakapili na sila at dahil gusto nilang mag-Nurse ay STEM ang kinuha nila. Pero hanggang ngayon ay undecided pa rin ako sa magiging future ko. Hindi naman ako tinatanong ng mga magulang ko kaya hindi ko rin naiisip. Hindi ko rin naman daw kailangan magtapos sa pag-aaral dahil hindi naman daw iyon kailangan sa aming pack.   Pero gusto kong mabuhay na parang normal na tao.   "Honestly, hindi ko pa alam. Kukuha na lang din siguro ako ng Nursing gaya niyo ngayong senior high," walang ganang sabi ko.   Napailing na lang si Reima. Ganoon din sina Christine at Belle na nakanguso. Tinitigan naman ako ni Limea na parang binabasa ang isip ko.   Hindi ko naman sila masisisi. Lahat sila ay final na ang gusto. Pare-parehong Nursing ang kinuha pero iba't ibang specializations.   Marami pang pwedeng mangyari, oo. Pwede pang magbago ang mga plano nila habang dumadaan ang mga araw. Pero sa 'kin ay walang magbabago kasi wala pa namang nasisimulan. Ayoko sanang seryosohin ang pag-isip sa future ko pero gusto ko talagang mabuhay nang normal.   Sasabay na lang ako sa agos. Bahala na...   "Bye! Kita-kits na lang tayo sa outing ng section natin!" paalam ni Belle.   Kumaway kami sa kanila. Magkasabay sila ni Reimalyn samantalang pare-pareho ang daan namin nina Belle at Limea. Si Christine naman iba ang kasabay. Malayo-layo rin kasi ang bahay nila. Kailangan niya mag-Jeep simula school.   "Lagot ka sa 'kin, Christine! Hindi pa ako nakakaganti sa pangangagat mo," pahabol pa ni Reimalyn habang hinihimas ang braso. Tumawa lang si Tine. Mga isip-bata talaga.   Nagkaniya-kaniya na kami. Tapos na ang ceremony na ginawa sa room namin, ang Moving up. Hindi na kami mga bata. Malapit na kaming mag-college.   Naglalakad lang kami nang tahimik. Ganito naman palagi. Ano ang aasahan mo kapag nagsama-sama kami? Mabuti pa sana kung nandito sina Reima at Tine na parehong maingay. Sila lang naman kasi ang nagse-set ng mood namin kapag magkakasama kami.   Wala naman ako sa mood. Hindi ko na aasahang magsasalita ang mga ito. Napakatahimik at madalas nakatulala lang.   "Sigurado ka na bang maging Nurse gaya namin?"   Napatingin kami ni Joanna kay Limea. Ito yata ang unang beses na siya ang nag-open ng topic. Pero hindi iyon ang mahalaga.   Napabuntong-hininga ako.   "Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko. Mas mabuti na iyong kasama ko pa rin kayo. Ayokong maligaw," mahina ang pagkakasabi ko sa huling linya.   Alam kong naiintindihan nila ako. Ayokong piliin ulit ang maling desisyon. Kung hihinto ako at pag-iisipan muna kung ano ang gusto ko, baka kung saang daan ako mapunta. Siguro tama na muna itong pagiging Nurse gaya nila. At least may tinatahak ako.   Ayoko na ulit pagsisihan ang mga maling bagay na nagawa ko na. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagsisisi. At hindi ko iyon gusto.   Napahinto ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kanila na masayang nagtatawanan. Naka-akbay siya sa bago niya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot at manghinayang. Hindi rin nakatakas ang paninikip ng dibdib ko.   Nakikita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Hindi ko maiwasang mapangiti rin pero iyon nga lang, mapakla iyon.   Buti pa siya masaya na, nakatatawa na at higit sa lahat ay may iba ng nagpapasaya sa kaniya. Bakit nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?   Dahil sa 'kin..   Hindi naman nila ako masisisi nang buo dahil alam nilang gusto ko lang maging malaya. Nakakasakal na kasi kung minsan. Lalo na kung napaka-protective niya at seloso. Kaunting kibot ko, damit na sinusuot ko at taong nakakasalamuha ko, nagagalit siya o naiinis.   Madalas din siyang magselos kapag may mga lalaki akong kinakausap. Ano ang magagawa niya? Mas malapit ako sa mga lalaki. Apat ang mga kuya ko, naging kaibigan ko rin siya. Tanging sina Limea lang ang naging kaibigan kong babae.   Ipiniksi ko ang ulo ko.     PAGDATING SA isang kanto ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Kinawayan ko lang silang dalawa habang tumango lang sila pabalik. Napailing na lang ako. Kapag mayroon talagang tao na makakapagpasalita sa kanila nang matino at matagal, hahalikan ko sila sa paa!   Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa isang kanto pa ako sasakay dahil medyo malayo rin ang bahay namin. Kaya naman siya ng isang tricycle para deretso na sa 'min.   Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binuksan ang message.   From: Mameee   Nak. Bilisan mo at may pupuntahan tayong handaan. Overnight din tayo doon kaya hindi pwedeng hindi ka kasama. Wala kang kakainin sa bahay. Alam ko namang hindi mo kaya. Bilisan mo! Huwag na gumala kung saan.   Received 5:36pm   Napanguso na lang ako sa sinabi ng nanay ko. Pero laking pasasalamat ko na rin dahil hindi jejemon si Mame mag-text.   Padalas nang padalas na rin ang mga handaan na pinupuntahan namin habang nagbabakasyon. Hirap tuloy mag-adjust. Buti last day na ng school. Ang dami naman kasing nalalamang mga gala. Paniguradong wala naman akong magagawa lalo na kapag pack namin ang may handaan.   Nang makarating ako sa sakayan ay agad akong tumawag. Iisa na lamang iyon at may sakay na dalawang varsity. Varsity ito sa school namin pero hindi ako pamilyar sa mukha. May tatak ang isa sa likod ng jersey na Perez habang ang isa naman ay Sarmiento. Magkaiba nga lang ang style ng damit. Pareho silang nakatalikod sa akin at pasakay na sa tricycle.   Napapadyak ako dahil sa inis. Kung kailan nagmamadali ay saka pa nawalan ng tricycle. Napairap na lang ako sa kawalan.   "Miss, saan ka?" tanong ng driver na may sakay na dalawang varsity.   "Sa Mais con Yelo street lang po sana. Pwede po pasabit? Sa likod na lang ako." Tiningnan ko kung pu-puwede. Baka tustahin ako ni Mame ko kapag naghintay pa ako.   "Sige! Dadaan naman ako sa street na iyon. Sakay na!"   Bago pa ako makasakay sa likod ay nagsalita iyong isang varsity na may Perez sa likod. Bumaba pa ito dala ang bag niya.   "Dito ka na sa loob. Ako na riyan sa likod."   Bago pa ako makaangal ay nasa harap ko na siya at umupo na sa likod. Nagpasalamat na lang ako at pumasok sa loob.   Tahimik lang kami. Hinahangin ang buhok ko kaya inipon ko iyon at itinabi sa kanan kong balikat. Medyo nagkatinginan pa kaming dalawa. Naramdaman ko agad ang pagwawala ng puso ko pero kumulubot ang ilong ko kaya naputol iyon.   Amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi ko maiwasan ang pagbahing dahil masyadong matapang. Dahil na rin siguro sa sensitibo ang mga ilong namin ay hindi ko maiwasan.   "Ay palaka!"   Nasa gitna ako ng pag-amoy sa kaniya nang tumunog nang malakas ang cellphone ko.   Panira!   Naramdaman ko ring nagitla siya sa pagtunog ng cellphone ko kaya agad akong nag-sorry.   Nginitian niya lang ako kasabay ng paglabas ng dimple niya sa pisngi. Parang pamilyar ang mukha niya!   Pero hindi, kakaiba ang amoy niya. Hindi siya iyon, sigurado ako.   "Mame!" bulalas ko.   Nakakainis naman kasi! Nakakahiya tuloy sa katabi ko. Napairap ako nang may narinig na tawanan sa kabilang linya. Nandoon na pala ang makukulit kong pinsan. Ang lalakas kasi ng mga boses.   "Aba't anong oras na? Iiwan ka namin, bahala ka! Isang gabi, umagahan at tanghalian ka lang naman hindi makakakain." Agad nanlaki ang mga mata ko. Akala ko bukas din ng umaga ang uwi namin.   "Lang? Mame naman! Baka bukas magulat ka laman na ako ng balita. Wait niyo 'ko! Malapit na."   Narinig kong muli ang boses ng isa kong pinsan. Mukhang naka-loud speaker.   "Drea! May litson din doon. Saka iyong paborito mo... ano nga ulit 'yon? Ah! Leche flan." Alam talaga ng lalaking ito ang kahinaan ko, ah?   "Sige na. Lagot ka sa'kin, Marcus! Malapit na 'ko. Kita ko na nga iyong malapad mong noo," pang-aasar ko na sinabayan ko pa ng tawa.   Alam kong ayaw na ayaw niyang pinagdidiskitahan ko ang noo niya. Naaninaw ko na sina Manong Nestor sa bukid namin kasama ang iba pang trabahador.   "Anong—" pinatay ko na ang tawag at saka pumara. Nagbayad na ako. Tumungo ako sa gate namin pero sinulyapan ko pa ulit ang tricycle na binabaan ko.   Nakita kong nginitian at kinawayan ako ni Perez. Napangisi na lang ako. Bakit nga ba ngayon ko pa siya nakalimutan? Gerardo Perez. Siya iyong una kong kinausap noong Grade 7 ako sa school. Naalala ko pa na ni-recommend niya ako noon sa mga kabanda niya noong nalaman na nage-electric guitar ako.   Basketball player na pala siya ngayon? Pero hindi basketball ang laro ng isa niyang kasama. Hindi naman kasi bola ang dala. Malaking bag na parang gitara ang laman. Hindi naman ako ignorante sa laro niya at alam kong Football iyon. American Football.   Sarmiento...   Sino kaya iyong kasama ni Ger?   Para kasing siya 'yong nakita ko noon pero hindi naman siya maalala ng pang-amoy ko. Iyong pagtibok lang ng puso ko nang magtama ang tingin namin ang hindi ako pwede magkamali. Ang werewolf instinct ko na ang nagsabi na siya nga ang nakita ko noon sa gubat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD