Chapter 1

1628 Words
Chapter 1   Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin at pinagmasdan ang mga tigyawat kong hindi matanggal-tanggal. Mahal na mahal ako ng mga ito kaya hindi ako iniiwan kahit na sawa na ako sa kanila. Tsk! Nakaka-stress naman kasi sina kuya.   "Zen! Tulinan mo kaya riyan, 'no? Pabebe ka na naman diyan! Siguro nagpapa-cute ka na naman sa salamin mo!" sigaw ng pinsan kong si Kuya Genesis. Ang banal ng pangalan niya pero hindi naman nagsisimba. Siya ay pinsan ko sa side ni Puppy.   "Ito na po! Huwag mo akong iwan."   Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag sa tabi ng kama. Muli ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting blouse na mayroong berdeng ribbon. Kulay berde rin ang palda namin na hanggang tuhod. Sinuot ko na ang leather shoes kong nasa tabi ng pinto at saka lumabas.   Nakatira ako ngayon sa tita ko dahil bumalik ang buo kong pamilya sa gubat. Ako lang ang pumili na tumira dito kasama ang mga tao. My pack, especially my parents, is against it pero wala naman silang magagawa.   Paminsan-minsan ay pumupunta sina kuya rito sa bahay pero hindi naman nagtatagal. Paniguradong sa bakasyon ay roon ako magi-stay sa gubat. Naiinip na nga ako. Gustong-gusto ko nang magbakasyon.   "Ang kupad mo! Hindi ka naman naliligo," tukso ni kuya.   Natawa naman si Ate Kiara, kapatid ni Kuya Genesis, na prenteng nakaupo sa sofa habang nagtitipa sa kaniyang cellphone. Mukhang ka-text na naman niya ang boyfriend niya.   "Nagsalita ang naliligo. Huwag ka nga, Kuya!" sigaw ko pabalik. Lakas kasing mang-asar eh ganoon din naman siya.   "Tara na nga!" bulalas niya saka kinuha ang bag ko.   Ayan! Diyan siya magaling. Siya ang unang manunukso pero magagalit kapag siya na ang tutuksuhin. Sobrang mainitin ang ulo!   Nagpaalam na kami kay ate na busy pa ring nakaharap sa cellphone niya at medyo napapangiti pa. Tumango lang siya para sabihing narinig niya kami.   "Nag-iingat ka ba sa school mo?" tanong ni kuya habang lumiliko patungo sa school namin.   "Kasama ko pa naman doon sina Limea kaya ayos lang," sabi ko.   "Iyong mga kaibigan mong shapeshifters din?"   "Oo! Kaya huwag kang OA kasi kahit ano ang mangyari ay nandiyan naman sila para ipagtanggol ako sa mga bashers ko."   "Kahit na! Ano naman ang magagawa ng mga kaibigan mo?"   "Eh, ano rin bang magagawa ng mga salita nila sa 'kin? Doon lang naman sila magaling. Sanay na 'ko!"   Senior high school na ako next school year kaya hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Madami akong pwedeng maranasan kaya kailangan ko ring mag-ingat. Kailangan ko ring umiwas sa gulo.   "Drea!" sigaw ng maingay kong kaibigan, si Belle. Isa siyang Cheetah. High breed ang isang 'to, chumi-Cheetah.   "Hi, Belle! Kumusta?" tanong ko sabay beso sa kaniya.   Ngumiti siya nang malapad sa akin at sinabi, "Ayun! Masaya kasama ang boyfie ko."   "Halata nga," sabi ko. Ngiting-ngiti kasi siya at mukhang good mood. "Nasaan na iyong iba?" tanong ko sa kaniya. Siya lang kasi ang nakasalubong ko habang papasok sa campus.   "Nasa canteen sila at kumakain."   Nagtungo kami sa canteen at nakita sina Limea sa isang lamesa na kumakain. Nilapitan namin sila.   "Hi, guys!" masayang bati ni Belle. "Nandito na si Drea."   "Hi, Drea!" bati nila sa akin pagkaupo ko sa tabi nila.   "Kumusta ang weekend?" tanong ni Reima, the Lion. Siya ang pinaka-chubby sa amin at isa sa mga pinakamaloko.   "Ayon! Tambay kami sa pack namin nina kuya. Lagi kaming naglalaro sa gubat kaya ito at ang dami kong pasa," sabi ko sabay pakita sa braso ko.   Hindi nga kami nagkakasugat dahil gumagaling iyon agad pero may mga pasa pa ring naiiwan sa tuwing naglalaro kami.   "Hindi ka pa namin napapanood maglaro, ever! Pero nakita ka na naming makipagbugbugan sa mga kuya mo. Hindi ko keri!" bulalas ni Christine, the Crow.   Siya ang umaaktong leader sa grupo namin dahil bossy siya kung minsan. Matalino rin siya pero medyo slow sa ibang bagay tulad ng mga jokes.   "Hindi pa naman kasi ako pwedeng sumali. Pero malapit na!"   "Nanalo ka naman ba sa laro niyo?" tanong naman ni Limea, the Cat. Kumakain siya ngayon sa isang styro gamit ang dalawa niyang kamay. Siya ang pinakatahimik sa 'min pero minsan naman ay napagsasalita na namin siya.   "Hmm... isang beses?" hindi siguradong sagot ko.   Natawa naman si Joanna sa sinabi ko. "You still have so many ways to go, Drea." Si Joanna naman ang Tigre sa amin. Siya ang pinakamatalino pero isa ring maloko.   "I know right," sabi ko.   Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa tumunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Nagtayuan kami para hanapin ang magiging room namin.   Hindi talaga kami magkakaklase noon pero dahil sa isang anonymous chat ay nagkakila-kilala kami. Madalas namin pagkwentuhan ang mga nangyayari sa amin tulad ng mga bullies. Pare-pareho kasi kaming biktima niyon. Hanggang sa napagpasyahan ni Christine na magkita kaming lahat. At ito kami ngayon, magkakasama sa iisang school. Sabay-sabay kaming nag-enroll.   Agad kaming pumasok sa room at nauna naman ako sa likod na bahagi ng silid. Sumunod lang sila sa akin at umupo na rin sa tabi ko. Si Limea ang katabi ko sa kanan, ang katabi naman niya ay si Belle, Reima, Joanna at Christine.   Hindi nagtagal ay dumating na ang aming guro na medyo may katabaang babae. Nakasalamin siya at seryoso ang mga tingin. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil naalala ko sa kaniya si Sadness ng Inside out. Kamukhang-kamukha niya talaga!   Nang matapos ang klase namin sa buong araw ay gumala pa kami. Ang tagal din naming hindi nagkita-kita dahil busy. Kahit na may mga pagkakataon na nago-overnight sila sa amin ay hindi pa rin iyon sapat dahil masyado naming nami-miss ang isa't isa.   Nang matapos kaming gumala ay napagpasyahan kong pumunta sa gubat nang mag-isa. Susurpresahin ko sana sina Mame at Puppy, pati na rin ang mga kuya ko. Ang alam kasi nila ay tuwing weekends lang ako uuwi kaya paniguradong wala silang alam sa gagawin ko.   Nang nasa kalagitnaan na ako ng gubat ay may narinig akong kakaibang kaluskos. Dahil na rin sa pagiging alerto ko ay pinagmasdan at inamoy ko ang paligid.   May tao...   "Nasaan na ba ako?" rinig kong bulong niya sa sarili niya.   Dali-dali akong umakyat sa puno para hindi niya ako makita at para mapagmasdan ko kung sino siya.   "Naliligaw pa yata ako," sabi na naman niya sa sarili niya.   Hindi ko alam pero imbis na iwan siya roon ay mas pinili kong samahan siya at panoorin. Palapit kasi siya nang palapit sa aming pack kaya baka mabisto siya.   "Tsk! Mali naman ang mapa na binigay ni Lyra sa akin," bulalas ng lalaki.   Sinubukan kong tingnan ang itsura ng lalaki pero nabigo lang ako. Napapadyak siya dahil sa irita. Mukhang kanina pa siya lakad nang lakad.   Tiningnan ko ang mapa niya at dahan-dahan na lumambitin sa sanga sa kaniyang likuran. Halos matawa ako dahil hindi naman iyon ang mapa ng gubat na ito.   Mukhang naliligaw nga siya.   Bago pa niya ako makita ay nagtago akong muli sa likod ng sanga. Mukhang naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa kaya inilibot niya ang tingin sa paligid.   "Nakakatakot naman dito. Malapit na rin maggabi. Baka abutan ako ng dilim."   Pakiramdam ko ay baliw ang isang ito. Kinakausap kasi ang sarili. Pero ganito rin naman ako minsan para mawala ang takot ko. Baka iyon lang din ang ginagawa niya.   Kinabahan na ako nang malapit na siya sa pinaka-base namin. Kapag naapakan niya ang lugar namin ay paniguradong maaamoy na siya ng mga katulad ko. Baka kung mapaano pa siya. Mukha pa naman siyang mabait at naliligaw lang talaga.   Nadaan siya sa isang pababang lupa kaya bigla siyang nagpagulong-gulong. Bago ko pa mapigilan ang paggulong niya hanggang sa ibaba ay nakaapak na siya sa pinaka-border namin.   Naramdaman ko agad ang kilos nila.   Nagpalit ako ng anyo. Naramdaman ko ang sakit sa katawan ko habang ginagawa iyon. Lumagutok ang mga buto ko, normal na nangyayari sa tuwing nagpapalit ako ng anyo. Nang dinamba niya ang lalaki ay dinamba ko rin siya.   Pareho kaming bumagsak sa lupa. Akmang susugurin niya ako nang makilala niya kung sino ang dumamba sa kaniya.   "Drea? Ano 'ng ginagawa mo?" tanong ni Grasya mula sa mind link na tumutulong para mag-usap kami.   Bago ko pa siya masagot ay nakita ko ang kasama niyang si Kuya Matthew na nasa anyong lobo rin.   "Drea! Bakit mo tinulungan ang mortal na ito? Balak niyang pumasok sa teritoryo natin!"   Napatingin ako sa lalaking nanlalaki ang matang nakatingin sa amin. Pinagpapawisan siya ngunit hindi magawang umalis dahil may sugat siya sa paa. Dahil siguro iyon sa pagkakahulog niya kanina.   Kung titingnan niya kami ay para lang kaming nag-aangilan dahil walang boses na lumalabas sa aming bibig. Ayoko sana siyang takutin pero ayoko rin namang ipakita sa kaniya kung ano ang itsura ko. Hindi malabong hindi kami magkita sa labas ng gubat.   "Ako na ang bahala sa kaniya. Mukhang naliligaw lang naman siya at kanina ko pa siya sinusundan."   Nagpalit ng anyo si Grasya at saka siya kinausap. "Ano 'ng ginagawa mo rito, mortal?" bulalas na tanong ni Grasya.   Kaya hindi siya pinapayagan ng mga magulang niyang manatili kasama ang mga tao ay mainitin ang ulo niya. Kapag hindi siya nakapagpigil ay baka bigla na lang siyang magpalit ng anyo sa harap nila. Parati rin niyang kasama ang mga magulang niya sa tuwing may misyon siya. This time, si Kuya Matthew lang ang kasama niya.   Tinulak ko si Grasya nang bahagya gamit ang ulo ko. Wala siyang saplot ngayon dahil kagagaling niya lang sa pagiging werewolf. Minsan ay hindi talaga siya nag-iisip. Sanay na 'kong makita silang ganito pero paano itong lalaking nasa harapan namin?   Lumapit ako sa lalaki na mukhang natatakot pa rin sa amin. Dinilaan ko ang sugat niya. Iniwas niya iyon dahil siguro sa naramdamang sakit. Idinikit ko ang pisngi ko sa mukha niya kaya napapikit siya.   Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. Wala nang bakas ng takot sa mga iyon kaya nakahinga ako nang maluwag.   Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Mas mabilis kaysa normal na t***k ng mga puso ng mga lobo.   "Seriously, Drea?" ani Grasya ngunit hindi ko siya pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD