"Gusto mo na ba umuwi?" tanong ni Jo sabay hikab pa. Mukhang inaantok siya sa kalalakad namin. Wala naman kasi kaming masyadong ginawa. Mas masaya sana kung nandito kaming lahat ng barkada. Mas marami kaming mapupuntahan. Nauna na rin si Grasya sa 'min dahil may iba pa siyang lakad. Matagal na naman kaming hindi magkikita dahil may iba pa siyang misyon. "Tara na. Pagod na rin naman ako," sabi ko. Naglakad na kami pababa ng elevator. Uuwi na lang muna ako. "Tara muna sa CR. Magpapalit lang ako ng T-shirt. Hindi na kasi ako komportable," sabi ko. Sumama naman siya sa'kin sa loob dahil magc-CR din daw siya. Agad akong nagpalit sa isang cubicle at saka sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Pagkatapos ay lumabas na kami ng mall para makauwi na. Sa sakayan kami naghiwalay ng daan. Hihinto