Habang pinapanood ko silang maglaro, hindi ko maiwasan ang mapagmasdan siya. Siya ang nagtatakbo ng bola papunta sa kabila habang ang iba ay hinaharangan ang mga kalaban na sinusubukan siyang harangan. May tagabigay rin ng bola sa runner which is si Kuya Matthew. Hindi ko maiwasang mapa-aray sa sarili ko kapag tinatalon siya ng kalaban para lang mapigilan siya. Nadadaganan siya ng mga malalaki nilang katawan. Halos magkakalaki lang sila pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiwi habang nanonood. He's just a human, kumpara sa mga kuya kong mas immune na sa sakit. Tumatawa-tawa pa sila kapag nagkakadaganan. Parang wala lang sa kanila. Kailangan talaga ay malalaki ang katawan niyo para sa sports na ito. Kaya siguro walang babae ang naglalaro nito. Hanggang paghawak lang naman ng bola ang kay