Wala na naman akong magawa ngayong araw. Late ako nagising dahil sa antok. Wala na si kuya pagkagising ko. Naglaro na raw sila ng kambal sa field. Si Kuya Matthew naman daw ay may sariling lakad. Napaisip tuloy ako. Ngayon kaya niya ipagpapaalam si Mea? Malapit na naman kasi ang fiesta sa barangay namin. Next week na halos iyon. Lalo tuloy akong na-curious kung ano talaga ang mayroon sa kanila. Hindi ko in-expect. Pareho silang dalawa; tahimik at madalas walang pakialam sa paligid. Hindi sila mga palangiting tao at hindi makuwento. Kaya ang pinagtataka ko ay kung paano sila nagkakilala at nagkausap na sila lang na dalawa? Ano iyon? Telepathy gaya ng mga lobo? Pero hindi naman lobo si Mea, ah? Pusa kaya iyon! Hindi ko talaga mahanap ang dahilan. "Doon ka pala natulog sa kwarto ng kuya