Napadaan ako sa cottage nina Sarmiento at Jackson pero hindi ko na pinansin. Mas mahirap kung mag-aaway kami ni kuya sa harap mismo nila. Lalayo na muna ako para mas ayos. Ang ganda-ganda na naman kasi ng mood ko kanina. Tsk! "Drea! Mag-uusap pa tayo," ani kuya. Hinawakan ni kuya ang braso ko at hinatak ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya napasimangot ako. "Sorry, boss. Mainit lang talaga ulo ko. Hindi ko talaga sinasadyang sigawan ka kanina." This time, ang hinahon na ng tono ng boses niya. Tono nanlalambing na. Kilala ko na naman ang kuya ko. Mainitin talaga ang ulo niya lalo na kapag sa mga kakilala niya. Sa mga pag-aari niya. Kapag may gumalaw nga ng gamit niya, naiinis agad siya. Kaya kailangan ay magpaalam ka muna sa kaniya. "Akala ko hindi mo napansin. Kani