Chapter 6

1947 Words
6 Habang nasa van kami ay tahimik lang ang lahat. Mga tulog na kasi sila. Mukhang napagod ang kambal sa pakikipaglaro kanina. Kasalukuyan silang nakaupo sa likod namin. Magkapatong pa ang mga ulo nila habang natutulog. Ang cute lang! Ang Kuya Max ko naman ay nag-tetext sa tabi ng drayber namin. Hindi na naman mawala ang ngiti sa mukha niya.  Napailing na lang ako. Mukhang may bago na namang ka-text. Para bang walang nangyari kanina sa bahay nina tita at bumalik na naman kami sa dati. Sana nga ay ganito na lang palagi. Ayos na rin naman ito sa akin. Naiilang kasi ako sa kaniya ngayon. Hindi ko inaasahan na siya ang papalit. Nakagugulat lang talaga iyong mga nalaman ko kay Kuya Matthew. Tumingin ako sa labas ng bintana ng van at tinatanaw ang labas nang may naalala ako. Hinarap ko si Kuya Matthew na nakatulala lang sa kawalan. "Kuya, may itatanong sana ako sa 'yo." Napatingin siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Mukhang naputol ko pa ang pag-iisip niya o kung anuman ang ginagawa niya. "Ano?" mahinang tanong niya na medyo inaantok na rin. Gabi na rin naman kasi kami nauwi galing sa handaan. Kung hindi pa nag-aya si Puppy ay baka inumaga pa kami roon. Madalas naman silang magkita-kita kaya minsan ay hindi ko alam kung bakit kailangan nila magtagal sa pag-uusap. Siguro maraming nangyayari sa bukid kaya marami silang napag-uusapan. Hindi ko na masyadong pinansin. Binaling ko kay kuya ang buo kong atensyon. "Hindi ba naglalaro ka ng football sa school? May kilala ka bang Sarmiento ro'n?" Napakunot ang noo niya sa naging tanong ko at medyo napaisip pa. Biglang nagliwanag ang mukha niya na para bang may naalala siya. "Si Devin Sarmiento? Iyon lang kilala ko." Pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib niya at saka tumingin ulit sa harap. Itinaas ko ang pareho kong paa sa upuan dahil medyo hindi ako kumportable. Hindi ko pa rin tinigilan si kuya sa mga tanong ko. "Anong year na ba iyong sinasabi mo?" tanong ko. Hindi ko man sigurado kung siya nga ba iyon o hindi, nagbaka sakali pa rin ako. Malay mo ay iyong kasama ni Ger at ang tinutukoy niya ay pareho lang. "Ka-batch mo lang. Iyong pinsan ng kaklase mong si Perez." Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Pareho nga lang ang tinutukoy ko sa tinutukoy niya. Mas lalo tuloy ako ginanahan magtanong. "Magpinsan? Bakit hindi naman 'ata naikwento ni Ger na may pinsan siya? Akala ko pa naman ay only child ang pareho niyang parents," sabi ko. Iyon kasi ang sinabi ni Ger noong isang beses na pumunta ako sa bahay nila. "Magulo ang buhay nila. Iyon lang ang alam ko. Ayoko makichismis dahil hindi naman ako malapit kay Sarmiento," aniya. "Bakit mo pala naitanong, boss?" "Wala naman." Napatigin siya dahil sa naging sagot ko. Na-weirduhan yata siya sa sinabi ko. Kunot-noo niya akong hinarap. Naku po! Mukhang wala akong kawala rito, ah? "Gusto mo si Sarmiento?" tanong niya. "Give it up! Ayoko sa lalaking iyon."  Napatingin ako dahil sa sinabi niya. "Bakit naman? Ako naman ang may gusto. Hindi mo kailangang gustuhin din siya," nakapamaywang na sabi ko.  Humalukipkip si kuya at tamad akong tiningnan sa mga mata ko.  Napalunok ako dahil sa tingin niya. "Gusto mo nga siya," pahayag niya. "Chick boy ang isang iyon. Kaya hangga't maaga ay layuan mo na."  Napahinto ako. Napaisip ako sa sinabi ni kuya. Alam ko na naman iyon. Sa guwapo ba namang nilalang n'on ay hindi maging chick boy? Magtaka ka na kung hindi, baka bakla pa iyon. "Crush lang naman, 'no! Isa pa, aware naman akong chick boy iyon dahil guwapo." Humalukipkip din ako tulad niya at tumingin sa labas. "Good. Kung gusto mo nga talaga siya, siguraduhin mo munang naka-move on ka na," aniya. This time, napahinto na talaga ako sa ginagawa ko. Napahinto nga rin yata ako sa paghinga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Tiningnan ko si Kuya Matthew at nakapikit na siya, mukhang matutulog na. Muli akong tumingin sa labas ng bintana para makapag-isip. Alam ko naman sa sarili kong hindi pa ako nakakapag-move on. May feelings pa rin akong natitira sa kaniya. Hindi naman iyon talaga nawala. Naghanap lang talaga ako ng pagkakataon para makahinga.  Nasakal ako noon kaya tumakas ako. Masyado pa siguro kaming mga bata para sa isang seryosong relasyon. Kailangan naming mag-mature pareho. Enjoy-in na muna ang buhay-malaya. Kung kami talaga para sa isa't isa, magiging kami pa rin. Iyan ang matagal ko nang itinatak sa isip ko. "Isa pa, hindi ka puwedeng magmahal ng isang tao. Alam mo ang patakaran ng pack natin," aniya. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Ang mga babaeng tulad ko ay dapat makapag-asawa ng isang katulad ko para mapanatili namin ang lahi namin. Iyon ang utos galing sa aming pinuno. Pero sabagay, crush ko lang naman iyon. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok agad kami. Umakyat ako sa kuwarto ko para maligo at saka para makatulog na. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang mahiga at makipag-text. Na madalas puro si Tine at Belle lang ang nakakausap ko at ilan sa mga kaklase ko. Sinuot ko ang terno kong pantulog na may disenyong spongebob. Halos lahat ng pantulog ko ay terno. Puro cartoon ang print. Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko. Tapos na akong mag-shower kaya nakapantulog na ako. Nahiga na ako at saka itinuon ang atensyon sa selpon. Ito lang ang way ko para makapagpaantok kaya sinulit ko na. From: Belle Good Evening! Malapit na swimming natin. So excited ^^  Sent 9:37 pm I replied. To: Belle Kita kits! Sent 9:38 pm Nakatanggap din ako ng ilang mensahe sa mga kaklase ko. Iyong iba ay matutulog na, kaya hindi ko na ni-reply-an. Mga busy na ang halos lahat sa kanila. Puro mga gala rin at ang iba ay nag-eenrol na nang mas maaga. Malas lang dahil may mga nag-summer classes. Belle: Daanan ka raw namin sabi ni Limea sa araw ng swimming natin. Gamitin van ng parents niya. Me: Sige! Maaga sana magising. Belle: Bubulabugin ka namin kapag na-late ka! Me: Mas ayos yata kung gano'n. Kaysa gisingin ako ni Kuya Max ng bugbog niya. Marami kaming napag-usapang bagay-bagay tulad ng ano'ng mga ginawa sa buong araw at madalas puro kumustahan lang. Nang mawalan kami ng ibang topic ay naisipan kong magtanong sa kaniya. Me: May kilala ka bang Devin? Devin Sarmiento? Iyong football player ng school natin. Belle: Oo naman. Sino ba hindi makakakilala sa lalaking iyon? Hunk!  Me: Ah. Kilala mo ba siya personally? Belle: Not really. Bakit? Interesado ka? Gusto mo ilakad kita?  Me: Hindi 'noh!  Belle: Ah! E 'di crush mo. Gusto mo nga? Ipagtatanong ko sa mga kakilala ko. Sabihin ko sa 'yo bukas 'pag may nalaman ako tungkol sa kaniya.  Me: Hindi mo naman kailangan gawin 'yon! Crush ko lang naman.  Belle: Nag-text si Joanna! Kilala yata ng kuya niya personally. Tanong natin kay Kuya Fret kapag nakita natin.  Me: Natin? Interesado ka rin?  Belle: Ayan! Syempre, future BF ng kaibigan ko. Kailangan makilala ko rin. Ano ka ba!  Me: Tumigil ka nga! Para kang timang. Wala akong balak na ganiyan. Tutol na nga agad si Kuya Matthew eh!  Belle: Ay bakit naman? Kilala ba ng kuya mo? Bakit hindi mo sa kaniya itanong?  Me: Ayon! Hindi niya nga gusto kaya wala na siyang ibang sinabi. Saka bawal, alam mo naman ang pack namin.  Me: Ui! Matutulog na ako. Inaantok na ako!  Belle: Ayan ang aga pa!  Me: Inaantok na nga ako.  Belle: Last na!  Belle: Ano 'ng gamit mong deodorant? Puti ng kilikili mo, e!  Kinabukasan, maaga akong nagising. Tumayo agad ako para makapag-jogging. Kailangan kahit hindi ako naglalaro ng kahit anong sports ay physically fit pa rin ako. Kailangan ko i-maintain ang katawan ko. Sayang din. Hirap kayang magpa-abs! "Saan ka pupunta?" bungad ni Kuya Max. Halos sabay kaming lumabas ng kuwarto namin. Pareho kaming naka-jogging pants kaya mukhang pareho kami ng balak. Hinila niya ang batok ko at saka ikinulong sa kili-kili niya. "Kuya, ano ba! Umagang-umaga naman, o! Gusto ko mag-jogging," sabi ko habang pababa kami ng hagdan. Naabutan namin sa ganoong posisyon ang mga kuya ko, si Mame at Puppy na nasa harap ng hapag, nag-aagahan na. "Oh? Gising na pala kayo. Halika na't kumain na kayo," ani Mame. Napatingin si Puppy sa ginagawa ni kuya sa 'kin. Ginulo pa niya lalo ang buhok kong nakatali. Napasigaw na lang ako sa inis. "Itigil ninyo na nga iyan. Baka mapilayan pa iyan, Brice. Tumabi na kayo rito," utos ni Puppy. Agad na sumunod si kuya. Brice ang second name ni Kuya Max. Uminom si kuya ng kape samantalang gatas ang iniinom ko. Hindi ako nagkakape. Sumasakit ang tiyan ko kapag nagkakape. Silang lahat naman ay puro kape. Kaya mga nerbiyoso. Inom nang inom ng ganoon. "Mukhang may lakad kayong dalawa, ah?" patungkol ni Mame sa 'ming dalawa ni Kuya Max. "Mag-jojogging talaga ako, Mame. Nakita ko, mag-jojogging din si kuya," sabi ko sabay kagat sa toasted bread na niluto ni Mame. Sinabayan ko naman iyon ng gatas. May bacon, hotdog at egg ding inihanda si Mame para kay Puppy. Hindi kasi nakapagtatrabaho nang ayos si Puppy kapag hindi nag-aagahan. "Sasama ako. Hintayin ninyo ako. Doon ako sa field hihinto," sabi ni Kuya Matthew na patapos na sa pagkain. Mukhang kagigising lang din niya. "Plano rin naming mag-jogging bago maglaro sa field!" sabi ni Kuya Marvin. "Sabay-sabay na tayo para masaya," sabi ni Kuya Mervin. Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya. Binilisan na namin ang pagkain para makaalis na kami. Mas masarap magbilad sa araw kapag ganito kaaga. Kapag mamaya pa kasi ay masakit na sa balat ang sinag ng araw. "Una na kami, Puppy! Mame!" pagpaalam namin. Tumango naman si Mame samantalang sumabay sa 'ming lumabas si Puppy. Nakita kong nakaparada na ang 2020 Toyota Granvia namin. Paalis na rin si Puppy patungo sa bukid namin sa Capital ng probinsya namin. Doon marami siyang kasosyo sa bukid namin. Mga mababait na tao ang mga iyon kaya minsan ay nakakaasaran ko rin. Nagpalit na sila ng jogging pants para makatakbo nang ayos. Naka-headphones na itim si Kuya Matthew na may kalakihan. Nakasabit iyon sa kaniyang leeg. Magpapaka-loner na naman yata mamaya. "Mag-ingat kayo! Huwag ninyo hahayaang humiwalay sa inyo si Drea," paalala ni Puppy. Hinalikan niya ako sa noo. Niyakap naman nila ito pati si Mame bilang paalam. "Kami na bahala kay boss! Hindi namin hahayaang may lalaking lumapit," sabi ni Kuya Marvin. Humalakhak pa silang dalawa ni Kuya Mervin dahil sa sinabi niya.  Siniko ko na lang siya. "Sige! Baka mawala ang sikat ng araw. Mas masustansya iyon bago mag-alas nuebe," ani Mame. Nagsimula na kaming mag-jog. Dumaan ang van kung nasaan si Puppy. Kumaway lamang kami roon. Madalas kasama ni Puppy ang katulong niya sa bukid. Si Jeremy yata, iyon ang pangalan niya sa pagkakaalala ko. Pagdating namin sa field ay nagpahinga muna kami. Nakaupo kami sa upuang gawa lang sa pinagpatong-patong na katawan ng puno. Itinali lang iyon para hindi tumumba.  Sa harap namin ay ang malawak na field. Tr-in-im talaga ang parteng ito para sa mga players. Dati kasi itong bukid. Puwedeng pang-Basketball, Volleyball, Football o Soccer. Kasalukuyan ding may mga naglalaro ng Badminton. "Tara, Kuya! Laro tayo!" yaya ni Kuya Max. Tumayo siya at nanghiram ng bola ng football. Pinanood ko silang nilaro iyon pero si Kuya Matthew ay nakaupo lang. "Hindi ka ba sasali sa kanila, Kuya?" tanong ko. "Ikaw na lang muna. Panonoorin ko muna kayo." Nilagay niya ang headphones sa tainga niya at saka pinagkrus ang dalawang braso. "Sige! Tayo ka lang kung gusto mo sumali," sabi ko. Narinig ko ang tilian ng mga babae sa paligid. Pinanood nila ang mga nag-babasketball sa field. Pagod na ang iba kaya sa tingin ko ay malapit nang matapos. "Sali ako!" sigaw ko kina kuya at nakiagaw na ng bola. Habang naglalaro kami, nalipat ang atensyon sa 'min ng mga babaeng nagtitilian kanina, iyong nag-babasketball at nag-babadminton. Tsk. Kahit na marami ang nanonood at tumitili sa amin, hindi pa rin nakatakas sa paningin ko si Kuya Matthew. Tumayo siya at saka umalis. Patungo sa kung saan. Kaya ba ayaw niya maglaro? Dahil sa mga tilian? Tss. Masyadong anti-social. Hindi naman siya ganiyan dati. Siya pa nga ang madalas magyaya sa amin na maglaro. Hindi siya magkaka-girlfriend kapag ganiyan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD