MABILIS na itinulak ni Isabella si Travis dahil sa gulat sa ginawa nitong paghalik sa kaniyang mga labi. Ngayon lamang naranasan ni Isabella ito. Ito ang kauna-unahang beses na hinalikan siya ng isang lalaki. Kailanma'y hindi niya naranasan iyon sapagkat hindi naman siya nagkaroon ng karelasyon. Maspipiliing ni Isabella na magtrabaho kaysa pumasok sa isang relasyon na sa tingin niya noo'y wala namang importansya sa buhay. Sisirain lang nito ang buhay niya kaya mas inisip na lang niyang tumulong sa kaniyang magulang sa palayan. Nakapako si Isabella ng mga sandaling iyon sa kinatatayuan habang gulat na gulat pa ring nakatingin kay Travis. Nakangisi ito na para bang sayang-saya pa sa ginawa sa kaniya. Kabaligtaran ang nararamdaman ni Isabella sa lalaki ngayon. Inis na inis siya rito at gusto