KABANATA 3

2451 Words
"ANONG GINAGAWA MO rito, Albert?" kaagad niyang tanong dito. Nandito ba ito para kulitin siya? Kung oo, wala siyang oras. Mahalaga ang oras para sa kaniya ngayon kaya ayaw niya muna nang makulit. Pero minsan ay sobra na talagang kulit ni Albert, iyong tipong mapapasigaw ka na lang. Bakit ba sa lahat ng lalaki, ito pa ang magkakagusto sa kaniya? Puwede naman itong magkagusto pero hindi iyong ganito, na kukulitn siya nang kukulitin. "Nabalitaan ko iyong nangyari sa nakakabata mong kapatid, Isabella kaya napagdesisyunan kong ibigay ito sa iyo." May inilabas ito sa bulsa at nanlaki ang mata mata niya nang makita ang hawak nito— pera iyon— isang libong piso. "A-Ano kamo?" Parang nabingi siya sa sinabi nito kaya gusto niyang ulitin nito. "Kako, nabalitaan ko iyong nangyari kay Ivan at para makatulong, tanggapin mo na ito. Maliit pero sana'y makatulo—" "Baliw ka ba, Albert? Bakit mo naman ako bibigyan ng ganiyang kalaking pera, huh? Sa iyo iyan at gamitin mo sa sarili mo. Kung ayaw mo, ibigay mo sa pamilya mo. Hindi ko iyan matatanggap, Albert. Napakalaking halaga ng pera iyon at hindi ko alam kung ilang buwan kong bubunuin mabayaran ka lang kung sakali ma—" "Hindi ito utang, bigay ito, Isabella." Umiling siya. "Pasensya ka na talaga, Albert pero hindi ko talaga matatanggap iyan. Pera mo iyan, kaya bakit mo ibibigay sa akin? At hindi ka ba galit sa akin kahit na kinaiinisan kita? Hindi na, Albert. Ilaan mo na lang iyan sa sarili mo, huwag sa akin," wika niya saka nilampasan ito pero laking gulat na lang niya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at ipinatong doon ang isang libo. "Para kay Ivan, tanggapin mo iyan," anito at nagtatakbo palayo sa kaniya. Natuod si Isabella ng mga sandaling iyon. Nang mawala sa paningin niya, pinagmasdan niya ang kamay niya kung saan nakapatong ang inilagay ni Albert. Wala siyang nagawa kundi ang ilagay iyon sa bulsa niya. Mabait naman si Albert pero minsan ay nangunguna ang pagkamakulit nito. Kung para kay Ivan, sige. Kukuha lang siya ng kaunti sa ibinigay nito at ibibigay na niya sa mama niya para may panggastos sila. Hindi na niya kailangang humagilap pa dahil mayroon na. Gusto niyang pasalamatan si Albert ngunit hindi niya alam kung saan ito pupuntahan kaya naman nakakibit-balikat na lang siyang bumalik sa bahay nila para mag-ayos na at luluwas na siya sa Maynila para magtrabaho. Nang makarating, nakita niya si Kristine na abala sa paglilinis ng maliit nilang salas. Kinausap at binilinan niya ito. Iniwan niya rin dito ang pera para kay Ivan. Matapos noon, nag-ayos na siya. Mabilis lang ang naging kilos niya. May dala siyang isang bag na naglalaman ng kaniyang mga damit. Nagpaalam na siya kay Kristine kapagkuwan ay bumalik kay Jodi para tawagan ang Tiya Magda niya. Maayos niyang nakausap ito kaya naman umalis na kaagad siya. May nagsabi sa kaniya, mga tatlong oras daw ang byahe mula sa Laguna hanggang sa Maynila. Pero kahit ganoon, gagawin niya pa rin ang lahat. Kumbaga'y kakapit na siya sa patalim, maisalba lang ang buhay ng kapatid niya. Gusto niyang magpaalam sa mga ito pero hindi na niya ginawa dahil sa mama niya, alam niyang kahit nangangailangan sila, hindi pa rin ito papayag na umalis siya. "YOU'RE A PLAYBOY, Travis! I trusted you, but still, you cheated on me! How could you do this to me, huh? I-I thought, you loved me, but I was wrong. You just used me!" "Stop, Trina! Don't make a scene in here. Mahiya ka naman. Their eyes are on us! Can you just chill?" But Trina gave him a smirk. "Chill? What did you say, huh? You did this, paano ko magagawa iyan, ha? Ang laki ng tiwala ko sa iyo. I really thought you loved me, pero hindi pala. Niloko mo lang ak—" "Mahal kita pero hindi ko nilalagyan ng label kung ano tayo!" he shouted due to annyonce. Trina can't take it anymore. Malakas siya nitong nasampal na halos magpabaligtad ng ulo ni Travis. Mabilis na sinapo ni Travis ang pisnging sinampal ni Trina at hinimas iyon. His jaw tightened. Nasa bar siya kasama ang kaibigan niyang si Sean pero biglang sumugod si Trina na masama ang awra. Well, he understood her. But, it's true, mahal niya si Trina pero wala silang label. "So, ginawa mo lang pala akong tanga, Travis? Ganoon ba, ha?" Nanlilisik na ang mga mata nito sa kaniya. He immediately nodded. "G-Ganoon na nga. You know, kung ganiyan ka lang, puwede bang maghiwalay na lang tayo? Ayaw ko kasi sa babaeng makitid ang utak." Trina grinned. "Hindi mo kailangang sabihin iyan sa akin dahil pagpasok ko pa lang dito, nasa isip ko na iyan! Manloloko ka, Travis! Pinaniwala mo lang ako. Wala akong alam, behind my freaking back, niloloko mo na pala ako! At ikaw..." She pointed the woman who's standing beside him. "Sana mangati iyang ari mo. Malandi kang babae ka!" singhal nito saka muli siyang sinampal at tuluyan nang umalis ng bar. Travis took a deep sigh and faced at Aya, his new girl. "Hey, are you ok—" Hindi pa man niya natatapos ang pagsasalita nang sinampal siya nito. "You make me stupid too, Travis! You lied! You told me you don't have girlfriend, but what it is, huh?" "She's not my girlf—" "Liar goes to hell!" Aya rolled her eyes then left. Madiing niyang naiyukom ang mga palad dahil sa inis. Gusto niyang magwala pero pinipigilan lang niya ang sarili. Inikot niya ang paningin niya, hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ang mga tao sa posisyon niya. "Tapos na, okay?!" galit niyang sigaw, sinipa ang stool, at madaling lumabas ng kinaroroonan niya. "Sandali, bro. We're just starting." Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nagpatuloy siya hanggang sa makarating siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Sumandal siya roon at tumingala sa kalangitan. "Do I deserve this?" he asked. "I don't know." Tiningnan niya ang nagsalita, nakita niya si Sean, nakatayo sa unahan niya habang nakapamulsa. "Bro, I hate this life. I love playing with women, pero kapag may nasasaktan ako, parang nagi-guilty ako! And I think, I can't live without women!" he said while shaking his head. "Mukhang nakalimutan mo yata iyong sinabi ng mommy at daddy mo, a? Nakipag-deal sila sa iyo, right? Ibibigay nila ang lahat ng gusto mo basta't huwag kang magloloko. I think you forgot it." "Hindi ko iyan nakalimutan. Hindi nila malalaman na nagloloko ako kung walang magsasabi. That's why I want you to close your mouth." "I always do that! Pero hindi ka na ba mag-iinom? Kakarating lang natin." Umiling siya. "Hindi na. Kung gusto mong uminom ka, go. Ako, uuwi na ako. Mas pipiliin kong matulog na lang kaysa magpakalasing sa wala namang kuwentang bagay." "If that so, okay, fine. Babalik ako sa loob." "Sige, mag-ingat ka, baka mabugbog ka na naman, wala na sa iyong tutulong," natatawa niyang sambit nang biglang naalala iyong nangyari noon. Natawa na lang si Sean saka nagpaalam na. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Travis saka pumasok na sa kaniyang sasakyan. Bago siya umalis, sinubukan niyang tawagan ang numero ni Trina pero unattended it. He tried Aya's number too pero parehas lang ito kay Trina. Napailing na lang siya at ibinato sa passenger seat ang cellphone saka pinaandar na ang sasakyan. Kaya niyang magmaneho dahil nakatatlong shot pa lang naman siya. When he reached their house, he immediately stepped out in his car and went outside. Silence dawned on him as he entered inside and from the salas, he saw his daddy, busy reading magazines. And beacuse he's a good son— not literally, he approached him to ask some questions. "Good evening, dad," magalang niyang sabi habang nakangiti. Nag-angat ito ng mukha sa kaniya. "Are you drunk?" may pagkastrikto at seryoso nitong tanong. "No, I'm not. Why?" "Nothing." Ah. "Why are you still awake?" "Because I can't sleep, that's it, Travis." "Why?" He blew. "Because your mom's not here. Bakit ba ang tanong mo, ha? Matulog ka na, it's already midnight." Nasa America pala ang mommy niya at may inaasikasong importante sa business nito. Well, both of his parents are CEO of different companies in the country. Ang sa daddy niya ay mga iba't-ibang klase ng alak at kung ano-ano pang beverages. Nag-i-import na rin sila sa ibang bansa. Meanwhile, his mom is a CEO of a publishing company. Kaya naman masasabi ni Travis na mayaman sila. Kaya nga nakipag-deal ang mga ito sa kaniya. Hindi na siya magtatrabaho, but of course, it has change at iyon ay hindi nga siya nagloloko. Actually, he already agreed to that deal and every month, nakakatanggap siya ng pera mula sa mga ito. Ayaw kasi siyang mahirapan ng mommy niya since only child lang siya ng mga ito. Hindi niya masasabi sa sarili na spoiled siya though everything he wants, he gets and because they have money. "Kailan daw uuwi si mommy?" mayamaya pa'y tanong niya. "Bukas." "Ako na ang susundo sa kaniya." Tumango ito. "Okay. Matulog ka na. Don't mind me, tutulog na rin ako mayamaya." Tanging tango lang ang itinugon niya rito bago nagpatiuna na sa kuwarto niya sa ikalawang palapag para matulog. LAGPAS PA SA tatlong oras ang byinahe ni Isabella nang makarating siya sa Maynila. May trapik pa kasi sa bandang Calamba kaya natagalan. At ngayon, naglalakad na siya palabas ng bus na kinalulunan niya. Sana naman ay nandito ang Kuya Ark niya. Hindi niya kasi alam ang pasikot-sikot ng Maynila, baka maligaw siya. Nang tuluyan na siyang makababa sa bus, pinagmasdan niya ang kapaligiran niya. Unang beses niya pa lang pumunta sa siyudad kaya hindi niya maiwasang magulat. Ang daming gusali, ang tatayog pa. Ang dami ring sasakyan at mga tao. Kung saan siya tumingin, tao ang nakikita niya. Malaki nga talaga ang Maynila at hindi na siya magugulat kung may nagaganap ditong mga nakawan. "Miss, wala ka bang balak na maglakad? Kanina pa kasi kaming naghihintay!" Natigilan na lang siya nang marinig iyon. Nang lingunin iyon ni Isabella, nakita niya ang isang babae, medyo masama ang awra sa kaniya. Saka pa lamang niya napagtanto na nakatigil na ang mga tao na papalabas sana dahil sa kaniya. Humingi siya ng pasensya sa babae at umalis na sa daan dahilan para maglakad na ito at sa nasa likuran nito. "Nasaan ka ba, Kuya Ark?" tanong niya sa sarili saka muling iginala ang mga mata, umaasang makikita ang pinsan niya ngunit wala— hindi niya nakita ito. Walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad-lakad. Kung saan siya dalhin ng mga paa niya, sinusunod lang niya. Hindi na niya namalayan na nakalayo na siya at ngayon ay paliban na siya ng kalsada patungo sa kabila. Habang paliban, biglang may sunod-sunod na bumusina sa kaniya. Nang balingan niya iyon, nanlaki ang mga mata niya nang makitang may paparating na sasakyan sa direksyon niya. Naestatwa siya ng mga sandaling iyon at imbes na iwasan ang sasakyan, umupo siya sa kalsada, yinuko ang ulo, at ipinagdikit ang mga palad sa magkabilang tainga. Nanahimik ang buong kapaligiran ng ilang minuto. Pinakiramdaman ni Isabella ang sarili. Nasa langit na ba siya? Parang wala pa. Nararamdaman niya pa ang kapaligiran niya. Sunod-sunod na siyang nakarinig ng ingay— mga tao at sasakyan. Dahil doon, dahan-dahan niyang binuklat ang mga mata, tinanggal ang mga palad sa magkabilang tainga saka inangat ang ulo. Iginala ni Isabella ang paningin, ang daming nakatingin na tao sa kaniya. Pero hindi niya iyon pinansin. Binalingan niya ang sasakyan sa harap niya. Doon ay lumabas ang isang lalaki na may suot na shades. Lumapit ito sa kaniya. "What the hell are you doing there, miss?!" may galit na tanong nito sa kaniya. Diyos ko, anong sinabi nito? Pero bago ito sinagot, tumayo muna siya at niyakap ang bag niyang dala. "Anong sabi mo?" kinakabahan niyang tanong saka pinagmasdan nang maigi ang lalaki. Masasabi niyang guwapo nito. Ang tangkad nito. Bumagay ang suot nito sa kaniya. Hindi alam ni Isabella kung ano ang magiging reaksyon ng mga oras na iyon. Tila'y napako siya sa kinatatayuan dahil ni hindi niya maigalaw ang katawan niya, kahit ang mga daliri niya sa mga paa, nasamento. "Are you stupid? I said, what are you doing there? Are you going to kill yourself, huh? Kung ganoon, huwag mo akong idamay!" matigas na sabi nito saka inalis ang suot sa mga mata. "Ang guwapo," mahinang usal niya saka napalunok. "What did you say, huh?" Bahagyang lumapit ang lalaki. "W-Wala. A-Anong sinasabi mo?" Napakamot-ulo siya. "Huh? Wait, don't tell me you're crazy? Hindi mo ba ako naiitindihan? O sadyang bobo ka lang?" natatawang tanong ng lalaki sa kaniya. "Nang-iinsulto ka ba, ha? Hindi porke wala akong alam, iinsultuhin mo na agad ako. Sige, aamin na ako. Hindi kita naiintindihan kasi wala akong alam sa ingles. Lumaki kasi akong puro tagalog lang ang sinasalita at naririnig," mahiya-hiya niyang saad saka napayuko. "So, taga-probinsya ka? Tsk, bobo talaga ng mga taga-probinsya." At humalakhak ito na ikinaangat ng mukha niya rito. "Ang sama ng ugali mo! Hindi porke taga-probinsya, bobo na agad! Kayo talagang mayayaman, ang galing mang-asar ng mga kagaya ko. Ano bang nakukuha niyo, ha? Nakakakuha ba kayo ng medalya?!" Hindi niya mapigilan ang magalit. "Should I sorry, huh? Nothing, gusto ko lang ulitin iyong sinabi ko kanina. Anong ginagawa mo riyan? May balak ka bang patayin ang sarili mo?" "W-Wala." "Tsk!" inis na asik nito saka sinulyapan siya mula ulo hanggang paa. "Ang pangit ng suot mo. Naka-tsinelas ka pa. Ang dumi-dumi ng kuko mo. Wala bang manikurista sa lugar niyo? O sadyang hindi mo lang kayang magbayad?" nangingising wika nito saka pinagkrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib. "Ang sama-sama ng ugali mo! Maaksidente ka sana!" singhal niya rito saka sinamaan ito ng tingin. "Eksperto ako sa pagmamaneho, hindi ako maaaksident—" "Mangkukulam ako kaya kung ano ang sabihin ko, magkakatotoo..." nangingiti niyang wika. Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Natawa na lang si isabella at umalis na. Sakto namang may tumawag sa kaniya. Nang lingunin niya iyon, nakita niya ang Kuya Ark niya. Dali-dali siyang lumapit dito at sumakay sa sasakyan nito. "Kung saan-saan ka nagpupunta, nandito ka lang pala. Bakit ka ba nandito? Sino iyong kaaway mo?" tanong nito. "Wala po iyon, Kuya Ark," tugon niya. Tumango lang ito at pinaandar na nito ang sasakyan. Samantalang siya'y bumaling sa lalaki, nakatayo pa rin ito, tila yata'y napako. Natawa si Isabella nang makita ang mukha nito. Parang takot na takot ito. Bagay lang iyon sa katulad nitong masama ang ugali. Iyong sinabi niya, walang katotohanan iyon. Hindi siya mangkukulam, normal siyang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD