Chapter 14 Magtatapos “Gusto kita, Lori. Gusto mo rin ba 'ko? Gusto mo bang maging girlfriend ko?” Diretsahang tanong ni Ivan kay Lori. Hindi magawang tumawa ni gumalaw o kumurap man lang ni Lori. Seryoso kasi si Ivan. “Aahnm. Ang bata pa natin—” “Bakit naman sila Aunt Liz at Uncle Rodel? They were childhood sweethearts.” “Hala, ayoko pa mabuntis!” Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Lori. “Hindi naman natin seseryosohin. Well, it's serious pero parang young love, gano'n. Oh gawd, Lori, hindi naman tayo magse-s*x—” “Yay, ang bastos mo!” Tinakpan ni Lori ang tenga niya at pumikit. Nahihiya siya sa usapan nila. “So, ayaw mo sa'kin?” malungkot na tanong ni Ivan. Pati ang mga mata nito ay malungkot din. “Ah gusto!” maagap na sagot ni Lori at hinagilap ang kamay ni Ivan. “Oo, gusto rin ki