Chapter 2
MAGKAPATID
Matapos mag basag ni Donya Betty ng mamahaling antique na salamin, umiyak siya nang umiiyak at patakbong pumasok sa kanyang kuwarto.
Masakit man ang tuli ni Ivan, dali-dali niyang sinundan ang ina sa kwarto nito. Ngunit kahit anong katok niya at hindi siya pinag bubuksan. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, kung ang kanyang tuli ba o ang puso? Mas masakit palang magkaroon ng kahati. Pakiramdam niya pati siya ay pinag taksilan din.
Nagkulong na lang siya sa kanyang kuwarto. Itutulog na lang ang pisikal at emosyonal na hapdi dulot ng mga magulang na hindi makuntento.
Habang naka tingin si Ivan sa napakataas na kisame ng kanyang kuwarto, hindi niya napigilan ang pag tulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Maraming mga bata ang kinaiinggitan siya dahil bukod sa itsura at estado niya sa lipunan, anak pa siya ni Don Lando. Parang nasa kanya na ang lahat na pwedeng mahihiling ng isang batang lalaki na gaya niya. Hindi nila alam na may malaking puwang sa kanyang puso na hindi kayang punan ng anumang materyal na bagay.
Kumatal sa isip niya ang batang lalaki na nasa likod ng kanyang ama. Ang kapatid niya sa labas. Paano niya matatanggap ang batang ’yon?
Pag gising niya kinaumagahan, pinuntahan niya ang silid ng kanyang daddy. Gusto sana niyang ibalita na binata na siya at ipakita na rin ang tuli na niyang pototoy. Sa mga sandali na ito, batid niya na ang daddy niya ang lubos na matutuwa at makiki-simpatya sa kanya.
Magka-hiwalay ang silid ng kanyang mga magulang. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng kanyang daddy, nag dalawang-isip siya na kumatok. Naaalala kasi niya, hindi na nga pala siya ang nag- iisang anak nito. Kung noon ay kulang ang atensyon na binibigay, lalo pa kaya ngayon na may kahati na siya. Tumalikod na lang siya at hindi na rin nag abala pang puntahan ang ina kaya dumiretso na lang sa kusina.
Pag dating niya doon ay bumungad sa kanya ang maaliwalas na ngiti ni Lori. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Bakit biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso?
Palagi naman niyang nasisilayan ang mga ngiting iyon mula kay Lori pero bakit iba ang dating sa kanya ngayon? Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Nagliwanag ang paligid at tanging si Lori ang gumagalaw.
Ngunit biglang naglaho ang huni ng mga ibon, ang namumukdkad na mga rosas, ang paru-parong lumilipad sa kanyang tiyan nang makita niya ang kapatid niyang bastardo na katabi ni Lori sa hapag-kainan. Ito pala ang dahilan ng pag-ngiti ni Lori.
Napalitan ng kirot, galit, at kung ano-ano pang klase ng kalungkutan ang kani-kanina lang na kasiyahan.
“Anong ginagawa ng bastardong ‘yan dito!” sigaw ni Ivan at napatingin sina Manay Lorna, Lori, at ang tinawag niyang ‘bastrado’.
“Senyorito! Max po ang pangalan niya at kuya mo siya! Magkapatid kayo,” saway ni Manay Lorna ngunit tila bingi si Ivan at hindi siya naririnig.
Nawalan na ng ganang kumain si Ivan. “Ipag handa mo na lang ako ng pagkain sa dining table,” utos niya.
“Bakit doon? Dito na lang mag-isa ka lang do’n—”
“Wala kang pakialam!” hiyaw ni Ivan.
Nangilid ang luha ni Lori. Ito ang unang pagkakataon na nasigawan siya ni Ivan. Kalmado, mabait, at magalang kasi itong bata. Ngunit dahil sa sitwasyon nito, naunawaan siya ng mga trabahador sa Hacienda Montero. Sinabihan naman ni Manay Lorna si Lori na unawain si Ivan, pero hindi sanay si Lori na ganoon ang akto ng kababata.
“Edi wala! Basta masaya kami ni Max kumain dito!”
Lalong nag puyos sa galit si Ivan. Marinig lang niya ang pangalan ng kuya niya ay nanginginig na agad ang kanyang laman.
Naghintay na lang siya sa dining table para ihain sa kanya ang almusal. Tahimik lang siyang nag ngitngit. Ayaw niyang ipakita na siya ay iyakin.
Hindi siya kaawa-awa. Siya ay mapalad higit sa lahat ng mga bata kaya dapat ay hindi siya iiyak bagkos, kailangan niyang maging matatag. Darating ang panahon na siya na ang mamamahala sa buong hacienda dahil siya ang tagapagmana.
Ito ang nakatatak na sa kaniyang isipan.
Dumating na rin ang kanyang pagkain. Parang tumalon ang kanyang puso nang si Lori ang nagdala ng kanyang mga kakainin. Nahihiya siya dahil sa inakto at mga sinabi niya kanina.
Hinawakan niya ang kamay ni Lori, matapos nitong ilapag ang huling kubyertos na kanyang gagamitin.
“Dito ka lang, Lori. Samahan mo ‘ko.”
Hindi man niya matignan sa mga mata si Lori, ramdam naman ang kanyang pag papakumbaba. Kaya sinunod siya ni Lori. Binitawan na niya ang kamay nito bang umupo na si Lori sa tabi niya.
Ngunit naiilang siya sa kakaibang titig nito sa kanya. Naka pangalumbaba pa na tila manghang-mangha na pinag mamasdan ang kanyang mukha.
“Bakit? May problema ba sa mukha ko?” tanong ni Ivan matapos pilitin na lunukin ang kinakain.
“Kahit pala naka busangot ang iyong mukha, gwapo ka pa rin,” seryosong sabi ni Lori. “Bakit ka ba galit? Lalo na sa kuya mo?”
Muling napa simangot si Ivan nang marinig ang ‘kuya’.
“Wala akong kapatid,” bulong niya ngunit may diin.
Akala niya ay mananahimik na si Lori, may pahabol pa pala. “Tingin ko, magkapatid talaga kayo. Kasi pareho kayong gwapo.”
Idinabog ni Ivan ang hawak niyang kutsara sa ibabaw ng mesa. “Sinabi nang wala akong kapatid!” bulyaw niya.
“Edi wala!” sigaw din ni Lori at tumayo na. Agad din naman hinablot ni Ivan ang kamay niya. Ngunit mabilis ding binitiwan. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan niya nang dumampi ang kanyang balat sa balat ni Lori.
“Gusto mo bang maligo tayo sa ilog mamaya?” malambing na tanong ni Lori.
“Ayoko,” simpleng sagot ni Ivan.
“Ok.” Wala nang masabi si Lori. Ayaw niyang mamilit. Baka nga masakit pa ang tuli nito.
“Ayokong kasama mo ‘yung Max na ‘yon.”
Magsasalita pa sana si Lori para umangal ngunit hindi na nagtangka pa. Hinayaan na lang niya ito para hindi sila magtalo. Nauunawaan naman niya na mahirap talagang tanggapin na biglang isang araw ay hindi na ikaw ang nag-iisang senyorito.
Dagdagan pa ng Donya na iniwan siya basta at walang may alam kung saan ito nagpalipas ng sama ng loob. Wala rin si Rodel na hardinero. Pinagtibay lang nito na mayroon nga silang lihim na relasyon ng Donya.
Tatlong araw na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang galit ni Ivan. Ipinatawag siya ni Don Lando sa study room nito. Masama man ang loob niya sa kanyang daddy, mas nangingibabaw pa rin ang pananabik sa kanyang ama. Bihira lang kasi ito makita at maka-usap.
Nawala ang ngiti ni Ivan nang nadatnan niya sa study room si Max na naka-upo sa tapat ng desk ni Don Lando at masaya silang nagkukwentuhan.
“Narito ka na hijo, umupo ka sa tapat ng kuya mo,” utos ng Don. Labag man sa kalooban, sumunod pa rin si Ivan.
“Ivan, siya ang Kuya Max mo. Nawa ay magkasundo kayo,” pagpapakilala ni Don Lando. Pagkatapos ay si Max naman ang kinausap ng Don. “Max, siya ang nakababata mong kapatid. Gusto ko ay alagaan mo siya ng maigi.”
Tanging tango na lang ang tugon ni Max. Mahiyain siyang bata, patpatin, at tahimik. Ngunit hindi makakaila sa itsura ng mukha niya na siya ay anak ng Don. Gaya ng sinabi ni Lori, gwapong bata si Max kagaya ni Ivan.
"Kumusta na ang tuli mo? Masakit pa rin ba?” tanong ng Don.
"Ah... yes po, Dad. Pangatlong araw pa lang po. Wala nang anesthesia kaya masakit,” na-uutal na sagot ni Ivan. Hindi niya inaasahan na babatiin siya ng Dad niya patungkol sa kanyang tuli.
"Huwag mong kalimutan uminom ng gamot para maibsan ang sakit," sabi ng Don. Ipinatawag niya si Baldo para magdala ng mga panlinis ng sugat ni Ivan. At siya mismo ang nag-linis nito. "Ikaw, Max, tuli ka na ba?" tanong ng Don habang nililinis ang sugat ni Ivan.
“Opo... Da-daddy. Noong nakaraang buwan pa," nahihiyang sagot ni Max.
“Noong nakaraang buwan? may pasok pa no’n. Hindi ka pumasok?”
“Huminto ро ako ngayong year, gawa ng namatay si Inay.”
Kaswal man ang pagkakasabi ni Max, batid sa mga mata niya ang lungkot. Napagtanto ni Ivan na mas mapalad pa rin siya kumpara sa kanyang kuya na namuhay bilang bastardo at dukha. Mabuti pa nga siya at naranasan niya ang pag-aalala ni Don sa panahon ng kanyang pagbibinata. Kung saan kailangan ang suporta ng isang ama. Hindi gaya ni Max, walang ama na sumuporta.
Ano nga ba ang nangyari sa buhay ni Max? Kung mas matanda ito sa kanya, bakit hindi ang ina nito ang pinakasalan ng Don? Bakit biglang isang araw ay sumulpot na lang ito mula sa kawalan?
“Kuya, sa susunod na linggo, maligo tayo sa ilog,” yaya ni Ivan. Tanging ngiti lang ang tugon nito sa kanya samantalang isang malapad na ngiti naman ang kay Don Lando.
“Bakit si Max lang ang niyayaya mo? Gusto ko rin maligo sa ilog," sabi ng Don.
Sabay nagpamalas ng ngiti ang dalawang magkapatid na kapwa may malalim na biloy sa magkabila nilang pisngi.
“Pangako, sa susunod na linggo, kapag magaling na ang sugat mo, maliligo tayo sa ilog. Magpi-picnic sa ilalim ng puno,” masayang sabi ni Don Lando.
Nagkatinginan ang dalawang bata at nag ngitian. Sa unang pagkakataon, nagkasundo ang magkapatid. Mabait silang mga bata, atensyon lang naman ang kanilang hinahangad.
“Dad,” nahihiyang sabi ni Ivan.
“Pwede bang isama si Lori? Matagal na kasi niya akong niyayaya na maligo sa ilog.”
Isa na namang malawak na ngiti ang tugon ni Don Lando na ibig sabihin ay pumapayag siya.
Isang linggo na ang lumipas at sabik na ang mag-aamang Montero, kasama si Lori na maligo sa ilog at mag picnic sa ilalim ng puno. Hindi na nakakaramdam ng galit si Ivan kahit na napalapit na rin si Lori kay Max. Tahimik lang naman ang kuya niya at madaldal si Lori kaya madalas ay siya pa ang kinakausap at pinapansin ni Lori. Handang handa na ang mag-aama sa kanilang panandaliang pagliliwaliw. Naglaan talaga ng isang araw si Don Lando upang makasama niya ang kanyang mga anak.
Malapit lang ang ilog mula sa kanilang bahay, kayang-kaya nga itong lakarin at ganoon nga ang kanilang ginawa. Hindi naman ramdam ang pagod dahil masaya silang naglalakad. Lalo pa nang marating na nila ang kinasasabikang ilog. Hindi ito malalim, hindi rin mabato, hindi gaanong kalawak, at malinaw ang tubig kaya tamang tama lang ang ilog paglanguyan. Napa paligiran ng malalagong puno ang lugar. Maririnig agad ang huni ng mga ibon. Para silang nasa paraiso.
Agad na naghubad ng pang itaas ang magkapatid, at handang handa na lundagin ang ilog.
“Hintayin niyo naman ako!” sigaw ni Lori at sa aktong huhubarin na rin niya ang kanyang damit, ay pinigilan agad siya ng magkapatid.
“Lori! Stop!” natatarantang hiyaw ni Ivan.
Kinabahan bigla si Lori. Bakit, bawal ba siyang maligo? Kaya nga siya sumama ay para lumangoy sa ilog.
“Wala ka bang dalang pamalit?” tanong ni Ivan.
“Meron,” sagot ni Lori.
“Hayaan mo nang mabasa ‘yang suot mo.
“Masama bang mag-hubad maligo? Bakit kayo ni Max? Sabay nga tayong naliligo sa poso minsan sa banyo nang naka hubo’t hubad.”
“Nahihiya na kasi sila sa’yo, Lori. Mauunawaan mo rin ‘yon kung naging lalaki ka,” sabat ni Don Lando habang hinihimas- himas ang bumbunan ni Lori na parang kuting.
Sumunod na lang si Lori at masaya silang tatlo na lumusong sa ilog at nag laro na parang wala nang bukas.
Ma-ingat pa rin si Ivan sa kanyang kilos dahil hindi pa lubos ba magaling ang kanyang tuli.
Matapos mag laro sa ilog, tinawag na sila ni Don Lando sa lilim ng puno para doon mananghalian. Dali-dali silang umahon sa tubig at nilantakan agad ang baon nilang adobo at hotdog.
Ito na yata ang pinaka masayang sandali ng tatlong magkakaibigan. Puro tawanan, laro, kulitan, at kainan. Kay sarap maging bata, walang ibang aalalahanin.
Ngunit sa gitna na kanilang masayang salo-salo, biglang hinawakan ni Don Lando ang kanyang dibdib, naninikip ito at naghihirapan siyang huminga. May sakit sa puso pala ang Don.
Nataranta ang tatlong bata. Dahil si Max ang nakakatanda, siya ang agarang tumakbo pabalik ng Hacienda upang humingi ng tulong.
Maabutan pa kaya niyang buhay ang Don? Kung sakaling matuluyan ito? Ano na kaya ang mangyayari sa Hacienda Montero?
--------------
TO BE CONTINUED..