Pangalawang araw ni Salem sa Bicol. Alas otso siya ng umaga nagising. Nag-inat-inat pa siya dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Binuksan niya ang mga mata at sumilay ang isang ngiti sa labi niya. Ang sarap ng tulog niya! Ang himbing talaga at ang komportable. Gusto niya tulog magtagal dito. Ano kaya kung dito na rin siya mag-aral? Hindi. Hindi siya papayagan ng magulang. Hayaan na nga at susulitin niya ang pananatili dito sa Albay. Pagkababa niya ay amoy na amoy ni Salem ang pagkain galing sa kusina. Napapikit siya at dinama ito. ‘My gosh! Ang bango!’ “Magandang umaga, Señorita,” bati sa kanya ng ilang kasambahay na nakakasalubong. “Salem na lang po,” aniya niya, pero ngumiti lang ang mga ito at umiling. Dapat lang na tawagin nila u***g Señorita. Isa pa ito ang pinakamamahal na ap