Kinagabihan.
Kumukuha si Salem ng damit pantulog nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
“Pasok po!”
Bumukas nga ito ay pumasok ang lola niya na si Donya Isabel na may dalang gatas. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.
“Nasabi sa akin ng Daddy mo na umiinom ka raw ng gatas gabi-gabi kaya dinalhan kita. Kamusta naman ang unang araw mo dito sa hacienda, Salem? May na-encounter ka bang problema?” Lahat naman ng apo niya ay paborito niya but Salem is different. Ito talagang dalaga ay spoiled niya. Alam naman lahat iyon ng pamilya at wala silang problema doon. Wala namang away at selos na naganap.
“Salamat, lola. At masaya po ako sa unang araw ko dito sa hacienda. Feeling ko nga po ay mas makakatulog ako ng mahimbing dahil sa preskong environment. Napaka-kalmado pa at walang naririnig na ingay ng sasakyan. I’ve met Mark and Markus friend and they are friendly! Ang sasarap din po ng pagkain dito. I can't wait to taste more!” pagkwento ni Salem. Hinaplos ni Donya Isabel ang buhok ng apo.
“I’m glad that you are happy staying here, Salem. Pero tatandaan mo na bawal kang makipag-relasyon habang narito ka. Alam mo naman ang mga magulang mo,” pagpapaalala ni Donya Isabel. Maaaring mahulog ang loob ng dalaga sa kahit na sinong binata na narito kahit pa sabihing galing ito sa mahirap na pamilya.
Napawi ang sigla sa mata ni Salem ngunit hindi iyon napansin ni Donya Isabel. Of course, that’s one of the condition why her parents let her have her vacation here in Bicol.
“I know, lola. Rest assured na tanging bakasyon lamang at pagkakaibigan lamang ang gusto ko.”
“Hmm. Sige na at ubusin mo ang gatas bago ka matulog. Huwag ka masyadong magpupuyat.” Tumayo si Donya Isabel at lumakad palabas ng kwarto.
Nilagay ng dalaga ang baso sa bedside table bago humiga at tumitig sa ceiling. She closed her eyes. She can hear the crickets outside. Pero hindi siya naaalibadbaran sa ingay nito bagkus ay nakakatulong pa ito sa kanya para matulog.
Ano kaya ang mangyayari bukas?
At kamusta na kaya si Noah?
---
Sa bahay ng mga Falcon.
Gawa sa semento, plywood, kahoy, at metal na bubong ang bahay ng mga Falcon. Malinis sa labas maging sa loob. May mga nakatanim ring bulaklak sa gilid ng kawayang bakod at may space sa bawat pagkakatabi ng bahay. Gawa naman sa semento ang daan sa bayan na ito. Pinagawan ng Mayor para maiwasan ang maputik at disgrasya sa daan.
“Nay, Tay, nandito na po ako!” pagtawag pansin na nakakauwi lang na si Noah.
“Kuya!”
“Kuya Noah!”
Agad namang nagsilabasan ng kapatid nito na nasa elementarya pa. Ang pangalawa ay nasa ika-apat na baitang habang ang bunso naman nila ay nasa ika-isang baitang pa lamang.
Ginulo ni Noah ang mga buhok nito nang siya ay yakapin ng dalawa.
Ngumiti siya at ibinaba ang plastik na may lagay-lagay na pagkain.
Agad naman binuksan ng dalawa.
“Wow, kuya! Ang dami naman po!” komento ni Nicolo, ang pangalawa.
“Makakain ulit tayo ng masarap!” aniya naman ni Nicole, ang bunso.
Lumabas ng kwarto ang kanilang inay na may sampay pang towel sa balikat.
“Oh? Bagang naatab ang pag-uli mo?” (Mukhang napaaga ang pag-uwi mo?)
“Natapos ko na kasi Nay ang trabaho na hindi naman masyadong marami. Heto po may dala akong pagkain galing sa hacienda,” binigay niya ang isang supot na may lamang ulam. Kinuha naman ito ng nanay niya at nagsimulang inihanda ang mga plato sa lamesa.
Umupo si Noah sa kawayan nilang sala, ngunit malambot ang upuan nito dahil tinahiaan ng nanay niya na may lamang foam. Inalis niya ang bota at sumandal.
“Nako! Napakabuti talaga ng Donya sa inyo. Balita ko ay dumating daw ang apo niya? Nakilala mo ba siya, Noah?”
Muling naalala ni Noah ang dalaga. Hindi niya inaasahan na magiging gano’n ang pakikisama nito sa kanila. Palakaibigan at madaling pakisamahan. Pero hindi niya agad-agad itong mahuhusgahan dahil sa tingin niya ay nagpapakitang-tao lang ito. Namuhay ito sa Maynila imposibleng tumagal ang dalagang iyon dito. Tsk!
“Nakilala ko siya, Nay. Dito raw siya magbabakasyon.”
Nagpunas sa towel ang nanay ni Noah. “Magayon?” (Maganda)
Napatango si Noah. “Magayon.” (Maganda) Hindi naman iyon maipagkakaila dahil kitang-kita naman sa itsura. Siguradong pagtitinginan ito kapag lumabas ng hacienda.
“Kuya, gusto ko rin siya makita,” aniya ni Nicole na nasa gilid niya. Binuhat niya ito at pinaupo ss binti.
“Depende iyon kung mata-timing mo na lumabas siya. Sa tingin ko naman ay lalabas iyon dahil ililibot ito nina Mark at Markus.”
“Sana nga makita ko siya,” masayang reply nito.
“Oh, mamaya na ‘yan at kumain na kayo.”
Binaba ni Noah ang kapatid sa sahig na tumungo naman sa hapag-kainan.
“Si Tay?”
“Ako na ang bahala sa tatay mo. Kumain ka na at pagod ka sa trabaho.”
Pinigilan ito ni Noah na may dalang pagkain para sa ama.
“Ako na, Nay. Hindi naman po ako masyadong pagod. Mauna na kayong kumain.” Kinuha nito ang plato at tubig bago pumasok sa kwarto ng ama na tanging kurtina lamang ang nagsisilbing pinto. Lahat naman ng silid ay kurtina ang pantabing sa kanila.
“Tay,” tawag pansin niya sa nakahigang ama. Grabe ang pinayat nito simula noong magkasakit. Nakakatayo naman ito pero hindi masyadong matagal.
“Noah...” sambit nito sa mahinang boses. Umupo ang binata sa kama nito at tinulungan ang ama na makaupo at isinandal sa plywood na pader.
“Kumain na po kayo, Tay. Marami po akong naiuwi na pagkain dahil may selebrasyon sa hacienda ni Donya Isabel.” Pinadagdagan pa nga sa kanya ng Donya ang mga pagkain, eh. Kilala siya nito lalo na ang ama na naging tapat sa pamilya. Matagal ng kilala ang Hacienda Ocampo sa bayan nila. Sa katunayan dito nagsimula ang pamilya. Dito sila nanirahan. Pero ang mga anak ng Donya ay nasa Maynila na o nasa syudad. Ito na lang ang naroon kasama ang dalawang kambal na ayaw iwanan ang lola.
Ngumiti ang tatay ni Noah. “Napakabuti talaga ni Donya. Pasalamat talaga tayo dahil nakakakain tayo ng sapat sa pang-araw-araw dahil sa tulong nila. P-pasensya ka na anak kung hindi mo maipagpatuloy ang pag-aaral mo dahil sa akin. Hayaan mo, magpapalakas ako para makapag-aral ka ulit.”
“Okay lang po ‘yon, itay. Hindi mo naman kasalanan ‘to atsaka mag-aaral din po ako ‘pag sapat na ang ipon ko. Sa ngayon ang importante ay magpagaling kayo,” sagot ng binata habang pinapakain ang ama.
Wala naman iba pang maasahan kundi siya. Kaya habang nagtatrabaho siya sa hacienda ay unti-unti s’yang nag-iipon para makapagtapos ng pag-aaral. Magsusumikap siya para maging maayos ang buhay nila at mapakain niya ng masasarap pang pagkain ang mga kapatid.
“Siya nga pala kaarawan na ng kapatid mong si Nicole sa susunod na Sabado, napag-desisyunan namin ng nanay mo na paghandaan kahit kaunti ang kapatid mo. Iyong simple lang. Hindi man lang natin nabigyan ng gano’n simula bata pa,” nalulungkot na saad ng ama.
“Ako na po ang bahala sa gastusin niyo, Tay.”
Napatingin ang ama ni Noah sa anak. Malaki ang utang na loob niya sa binata. Kung hindi sana siya nagkasakit malamang katulad din ng iba ay nag-aaral si Noah. Pinapanalangin niya na sana ay dalhin sa mabuting daan ng Diyos ang anak.
---
Sa loob ng kwarto ni Noah.
Binibilang niya ang ipon na sa isang kahon. Naka-limang libo at limang daan na siya sa pag-iipon at kukunin niya dito ang dalawang libo para sa handa ng kapatid.
Okay lang. Kung kapalit naman nito ay ang saya sa kapatid niya. Isa pa gusto niya rin itong bilhan ng cake. Kinuha ni ang dalawang libo at binulsa. Ibibigay niya ito sa inay bukas para makapag-bili ito ng lulutuin sa Sabado.
Humiga siya gamit ang mga braso sa likod ng ulo.
Magsu-sweldo na sila sa katapusan ng buwan. ‘Kaya mo ‘to, Noah. Magpursigi ka lang at makakamit mo rin ang gusto mo. Huwag mong hayaan na ma-distract ka ng iba. Iyon lang ang mithiin mo,’ aniya niya sa sarili.