Masayang tinitingnan ni Salem ang mga tao sa hacienda sa handang binigay sa kanya ng Lola Isabel. Ang rami nga talaga ng trabahador dito at ang ilan pa ay sa tingin niya ay kaedaran niya. Katabi niya ang kambal na ayaw s’yabg iwan kahit saan pumunta. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam n’yang hindi pa siya masyadong sanay sa bagong environment ng probinsya. Grabe! Ramdam niya ang presko ng hangin lalo na at mag gagabi.
“Bakit hindi kayo makihalubilo sa mga kaedaran niyo?” tanong ni Donya Isabel na lumapit sa kanila para iabot kay Salem ang tubig. “Baka ma-bored ang pinsan niyo, Mark at Marcus. Sige na,” dagdag ng matanda kaya tumango ang mga ito.
“Salamat sa tubig, lola. Sige po.” Tumayo si Salem at nagpaalam bago sumunod sa dalawang pinsan na hinintay siya.
Siniko ni Juan si Noah kaya napatingin ito sa kanya.
“Hilinga. Paadon digdi so apo ni Donya Isabel,” (Tingnan mo. Papunta rito ang apo ni Donya Isabel) bulong nito. Dahil curious din naman si Noah ay tiningnan niya ang dalaga. Nagtagpo ang kanilang mata at ngumiti sa kanya ang dalaga. Nang maupo ito ay saka lang umiwas ng tingin si Noah. Umaabot ang buhok nito hanggang balikat na kulay blonde hindi tulad ng mga dalaga dito sa hacienda na lahat itim kaya stand-out ito sa lahat. Umabot lamang ang tangkad nito hanggang ilong ng kambal at oo, makinis at maputi ang balat kagaya ng sinabi ng kasamahan niya.
“Guys, ito nga pala ang pinsan namin si Salem. Ngayon lang siya nakapunta rito kaya sana maging masaya ang paglalagi niya rito habang nagbabaksyon. Excited ‘tong mag-explore!” pagpapakilala ni Markus sa mga kaibigan niya.
“Maayong hapon sa indo,” (Magandang hapon sa inyo) bati ni Salem. Ngumiti siya sa mga ito. Talagang nag-search pa siya ng language nito at nagpaturo kay Mark kanina. Hindi naman kasi na sila ang mag-adjust para sa kanya. Narito siya sa lugar nila kaya dapat malaman niya rin ang lenggwahe na ginagamit ng mamamayan dito.
“Hello!” bati ng mga ito. Medyo nahihiya pa ang iba dahil alam nilang iba ang buhay ni Salem sa syudad kaysa dito sa probinsya. Ang kinis ng balat nito lalo na ang mukha.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan ninyo?” Inisa-isang tiningnan ng dalaga ang mga dalaga’t binata na nasa harapan niya. Tumigil ng ilang segundo ang kanyang mga mata sa lalaking kanina pa tahimik na si Noah bago niya inalis ang paningin dito.
“Ako si Juan!” saad ng lalaki na may katamtamang laki ng katawan ayon sa edad at magagandang pares ng mata. Napakamot ito sa likod ng batok at ngumiti sa kanya.
“Ako naman si Carmela,” medyo nahihiyang pakilala bg dalaga. May mahaba itong buhok at maganda ang ngiti.
“A-ako naman si Josephine. Pero pwede mo rin akong tawagin na Phina,” natatawang pakilala niyo. Ngumiti lang si Salem.
“Hubert naman ang pangalan ko. Ikinagagalak kong makilala ka, Ma’am Salem!” aniya ng mataba na lalaki na katabi ni Josephina.
“Salem na lang ang itawag niyo sa akin. Hindi naman siguro nagkakalayo ang ating edad.” Kung titingnan ay halos magkakapareho ang edad nila. Tumigil ang mata niya kay Noah maging ang iba. Siniko naman ito ni Hubert kaya napabaling sa kanya ang mukha nito. Pinigilan niya ang paghinga ng dumapo sa kanya ang mapupungay nitong mata. Marami si Salem na nakikita at
nakakasalamuha na gwapo pero iba ang bihis ng kagwapuhan ni Noah. Hindi siya maihahalintulad sa mga gwapo sa Maynila mistula kasing manly ang appearance nito. Malaki rin ang pangangatawan kaysa sa kasamahan nito siguro ay dahil sa trabaho.
“Magpangilala ka,” (Magpakilala ka) bulong ni Hubert nang hindi pa rin nagsasalita si Noah.
“Noah,” maikling sambit nito bago bumaling sa malayo ang paningin. Hindi maipagkakaila na natigilan si Salem sa ugali nito. Hindi ba nito gusto ang mga kagaya niya na taga-Maynila? O siya lang?
Hilaw na napatawa si Markus. “Pagpasensyahan mo na si Noah, Salem. Ganyan talaga ‘yan. Hindi palasalita.”
“Oo, pero ‘pag nakilala mo na siya ng lubos makakausap mo rin siya ng normal,” natatawang dagdag ni Mark.
“Okay lang. Ikinagagalak ko rin kayong makilala.”
Maya maya pa ay dumating ang isa sa mga trabahante sa hacienda dala ang mga pagkain.
“Salem, tikman mo ang lahat na putahe na nandito. Siguradong magugustuhan mo ang lasa!” Sari-saring putahe ang inilapag sa kanilang mesa. Nagningning ang mata ni Salem at tila tutulo ang kanyang laway. Oh gosh! Foods!
“Pansit bato, sinapot, linubak, toasted siopao at ang pinaka-dabest sa lahat ay ang bicol express!” Tinuro ni Mark ang mga putahe na nasa mesa.
“Mukhang masarap nga,” komento niya habang nakatitig sa pagkain. Biglang napunta ang kanyang mga mata kay Noah kung saan nakatitig na pala ito sa kanya. Tumalon ang puso niya sa nangyari. Ngingiti sana aiya dito nang iniwas na nito ang mukha at nagsimulang kumuha ng plato.
“Here, Salem.” Bigay sa kanya ng pinsan na ai Markus ng isang plato at kutsara at tinidor.
“Nako! Mas masarap kapag nagkamay ka, Salem!” sabat ni Josephine. Tiningnan ni Salem ang lahat at lahat sila ay nakakamay. Siya lang ang binigyan ng pinsan ng kutsara at tinidor. Nakakahiya tuloy.
“Ah, okay. Gusto ko rin mag-try niyan—”
“Kung hindi kaya ‘wag niyo pilitin. Baka hindi ‘yan sanay dahil iba ang buhay natin kaysa sa kanya,” usal ni Noah na hindi tumitingin sa kanila. Napatigil ang lahat at awkward naman na tumingin si Salem sa pagkain kunwari. Bakit parang may galit sa kanya ang binata, eh, ngayon lang sila nagkakilala? Disgusto?
Napakunot-noo naman ang kambal sa asta ng kaibigan nila.
“Well, gusto ni Salem na ma-experience rin ito kaya why not, ‘di ba? Tuturuan kita Salem,” pagtanggol ni Mark sa pinsan. Baka sabihin nito na ganito ang iba sa probinsya gayong gustong-gusto pa naman nito ang magbakasyon dito.
Muling nanumbalik ang saya at kasabikan sa mukha ng dalaga at isinawalang bahala na lang ang komento ni Noah.
Tinuruan ito ni Markus kung paano ang gamitin ang kamay sa pagkain. Una ay hindi pa niya nakukuha kalaunan ay nakukuha niya na kung paano. Chini-cheer nan siya ng iba kaya naman go na go si Salem.
---
Hawak-hawak ni Salem ang tiyan. Busog na busog siya.
“Grabe! Siguradong hahanap-hanapin ko ‘to kapag nasa Maynila na ako. I should have come here sooner.” May panghihinayang sa boses nito.
“Pwede mo naman balikan, eh,” aniya ni Juan. “Magbakasyon ka ulit dito!”
“Oo nga naman Salem!” segunda ni Carmela na ngayon ay komportable na. Tinitingnan niya kasi kung masama din ang vibes ng dalaga pero ang friendly naman.
Biglang tumayo si Noah at nagpagpag ng kamay nakakatapos lang maghugas kanina.
“Muuna na ako. May trabaho pa tayong dapat gawin ngayong araw,” sambit nito sa mga kaibigan at hindi man lang binigyan ng pansin si Salem bago umalis.
“Ang killjoy talaga ni Noah,” komento ni Hubert.
“Alam mo naman ‘yon. Lahat naman ng ginagawa niya ay para sa pamilya. Ni hindi nga sa atin sumasama kapag may gimmick, eh. Kahit saan tayo mapunta iisipin pa rin nito ang mga kapatid niya.”
“Buong buhay niya sinugol niya sa pagtatrabaho.”
Nagtataka naman si Salem.
“Kung hindi niyo mamasamain, bakit?” tanong niya.
“May sakit na kasi ang papa niya kaya siya na ang kumakayod sa pamilya. Minsan nga ay naaawa na ako kay Noah, eh. Natigil siya sa pag-aaral sa kursong engineering. Ngayon ay kumakayod siya para makatapos ang kapatid niya.”
“Pero nakakahanga pa rin naman siya. Sa murang edad naiisip niya ito para makatulong sa pamilya,” pag-praise ni Carmela sa binata. Kaya may paghanga siya kay Noah, eh.
“Sa katunayan dating nagtatrabaho ang tatay ni Noah sa hacienda, Salem. Iyon nga lang nagkasakit kaya si Noah ang pumalit,” pag-kwento ni Juan.
“Ah, kaya siguro gano’n ang pakikitungo niya,” hinuha ni Salem.
“Ilang taon na ba siya?”
“Twenty five.”
Hindi naman pala nagkakalayo ang edad nila ng binata. Ewan niya pero mas malakas ang kagustuhan niya na makilala pa ito. Kakaiba talaga ang lalaki sa paningin niya.
Kakaiba sa mga nakilala niya.