Kabanata 2

1076 Words
Kinabukasan. After ten hours and fifty-eight minutes of travel, Salem arrived in Albay. Tanaw na tanaw niya ang perpektong cone ng Mayon na sinamahan pa ng pinagsabay na kulay dilaw at kahel na kalangitan dahil sa papasikat na araw. Nakakamangha tala ang yaman ng kalikasan dito. Sa mga berdeng kapaligiran pa lamang ang ramdam niya na ang ginhawa ng hangin sa lungsod na ito. “Malapit na ba tayo, Kuya Tom?” tanong ni Salem sa driver nila. Nag-stop muna sila kanina sa isang Jollibee para mag-take out ng pagkain lalo na at alam n’yang gutom na sila ng kasama niya. Thirty-four na si Kuya Tom, ang driver nila at nagtatrabaho ito ng apat na taon sa kanila. “Malapit na tayo, Salem. Alamna ba ng mga pinsan mo darating ka na?” Sinilip saglit ni Tom ang dalaga sa back seat bago ibinalik ang paningin sa daan. “Alam na nila. I already texted them. ‘Di ba, nakapunta na kayo rito? Can you tell some of the things here para kahit papano ay familiar ako?” Salem asked. Si Kuya Tom kasi ang driver na kasama ng parents niya kapag pumuntang Bicol. “Mababait naman ang tao dito lalo na sa hacienda. Marami kang makikilala at dapat ma-try mo ang pinakamasarap nilang bicol express!” “Talaga? I once ate it at masarap nga. I can’t wait to eat more Bicol dishes!” Natuwa si Tom. “Hindi ka magsisisi.” --- Samantala sa Hacienda Ocampo, handa na ang lahat ng pagkain para sa darating na apo ni Donya Isabel. Lahat malinis at nasa ayos na. “Dahan-dahan baka mahulog ang vase!” paalala ni Donya Isabel habang nagpapaypay sa sarili. Everything should be organize dahil darating ang babaeng apo niya. She was surprised when Daniel called them that their daughter wanted to take a vacation at their place. Of course! Hindi niya iyon aayawan sa katunayan ay masaya pa s’yang dito magbabakasyon ang apo. “Mark, Markus! Aba! Ang tagal niyo naman!” Donya Isabel scolded her grandsons. “La, nag-text sa akin si Salem malapit na daw sila.” Itinupi ni Donya ang pamaypay at kinaladkad ang dalawa n’yang apo sa labas. “Let’s go! Darating na pala ang apo ko gusto kong mainit natin s’yang i-welcome.” Napailing na lang ang kambal na si Mark at Markus. They are fraternal twins madali lang ma-identify ang dalawa dahil sa mole na meron si Mark sa center ng ilong at may mole naman sa ibaba ng mata si Markus. Hindi lang si Donya Isabel at ang kambal ang excited, pati na din ang mga tao sa hacienda. Ito kasi ang unang beses na makikita at makikilala nila ang babaeng apo ng Donya. Ilang sandali pa ay bumukas ang malaking gate at pumasok ang isang itim na van. Tinted ang window nito kaya hindi nila makikita kung sino ang nasa loob. The van turned around the fountain in the center and stopped at the entrance of the mansion. Anticipation and excitement was all the people were feeling right now. Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba ang isang dalaga. Maputi ito at may kulay blonde ang buhok na umabot sa leeg. Matangkad din ito at slim. “Lola! Mark at Markus!” Salem excitedly waved and hugged them! “Salem!” Isang mahigpit na yakap ang iginawad ng kambal sa babae nilang pinsan. Bumitaw dito ang dalaga at yumakap naman sa lola nito. “Lola, I miss you,” she softly murmured. “Oh my! Ang laki mo na!” bulalas ni Donya Isabel at pinasadahan ng tingin ang kanyang apo. Maganda ang pagpapalaki dito at healthy din ang pangangatawan. Salem giggled and roamed her eyes around. Oo nga. Marami ang tao sa hacienda. “Halika na sa loob. May salo-salo mamayang gabi bilang pa-welcome sa pagdating mo. You should rest for now. Alam kong napagod ka sa byahe,” nakangiting saad ni Donya Isabel. She doted her granddaughter. “Mark, Markus, ihatid niyo ang pinsan niyo sa kwarto nito.” “Okay, lola,” sabay na usal ng dalawa at kinuha ang gamit ni Salem para dalhin sa taas. They excitedly started to talk may mga dala din kasing pasalubong na tsokolate at damit si Salem para sa pamilya niya dito. --- “Kagayon sang apo ni Donya Isabel!” (Ang ganda ng apo ni Donya Isabel!) bulalas ni Carmela. Naroon kasi siya kanina nang dumating ang apo ng Donya at grabe ang puti ng balat halatang alagang-alaga at anak mayaman! “Talaga! Nakita ko din iyon. Inabangan ko ang pagdating niya sa entrance ng mansion,” dagdag ng ni Josephine na kaibigan ni Carmela. “Madami sigurong nagkaka-crush doon," usal ni Juan bago tiningnan si Nova sa tabi. “Sayang hindi natin nakita." Disappointment flashed on Juan’s face. Hindi nila nakita dahil nautusan silang dalhin ang mga palay sa tambakan nito. “Ano naman? Mas importante ang trabaho natin,” sagot ni Noah. Napatitig sa kanya si Carmela. Crush niya kasi ang binata. Hindi nito alam iyon at tanging ang mga kaibigan niya lang ang nakakaalam. Paminsan-minsan ay tinutukso siya ng mga ito pero ngiti lamang ang sinusukli ni Nova. Sa tingin niya ay may gusto din ito sa kanya kahit sa mababa porsyento. “Hoy!” Siniko siya ni Josephina kaya nagtatakang napatingin siya dito. “Bakit?” “Matunaw n’yan si Nova,” biro nito at tiningnan siya ng makahulugan. Napangiti si Carmela. Isa si Josephina sa nakakaalam ng damdamin niya kay Nova. “Hindi bale, mamaya ay makikita din natin siya,” nakangiting usal ni Juan. Tumayo si Noah at pinagpagan ang kupas na pantalon. “Oh? Aalis ka? Pupunta ka ba mamaya?” agarang tanong ni Carmela. Tiningnan siya ni Noah bago sumagot, “Babalik din ako. May pupuntahan lang.” Napaka-seryoso ni Noah. Malimit lang itong magsama sa kanila lalo na sa kasiyahan at ‘pag may okasyon. Mas gusto nitong magtrabaho at maglagi sa bahay nito kapag wala namang gawain. Hindi tuloy nito ma-enjoy ang pagiging binata. Habang naglalakad si Noah paalis hindi nito alam na may pares ng mga mata na nakasunod sa kanya mula sa ikalawang palapag ng mansion. Puno ng kuryusidad ang malinis nitong mata. “Who is that man?” turo ni Salem kay Noah. Tiningnana naman ito ni Mark at nakita ang kaibigan. “Ah, si Noah. Magsasaka siya dito.” 'Noah?’ sambit ni Salem sa isip. Gusto niya itong makilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD