Daniel knocked on his daughter’s door.
“Salem?”
Binuksan niya ang pinto at nalang hindi iyon naka-lock. He peek inside and saw his daughter lying on the bed, wrapped on her bed cover.
Napahinga ng malalim si Daniel bago ito nilapitan at umupo sa kama.
“I know that you are upset with us now but what we are doing is for your safety.”
Inalis ni Salem ang kumot ay umupo kaharap ang ama.
“But Dad, I can take care of myself. I will always call you to know that I’m okay. Palagi ko naman po sinusunod ang gusto niyo. Please? Kahit dito lang payagan niyo ko. I really wanted to see grandma.” She hugged her pillow while looking at her Dad with pleading eyes.
Daniel pinched the bridge of his nose before deciding.
“Fine. Pero susundin mo mga advice namin sa’yo ‘pag pumunta ka doon. Ngayong bakasyon lang, okay?” Ayaw naman ni Daniel na nakikita ang anak na hindi masaya kaya pagbibigyan niya ito. Tutal her daughter always follow their orders and have always been good time naman siguro nito para maging free sa mga gagawin.
Gumuhit sa labi ni Salem ang malaking ngiti at niyakap ang ama.
“Talaga, Dad? Pumapayag ka na?”
“Hmm,” Daniel agreed.
“Omg! Thanks, Dad! Promise po magbe-behave ako doon.”
Yes! Albay, wait for her to come!
---
“Nandito na ba lahat ng gamit mo?” tanong ni Sarah habang tiningnan ang mga bag na dala ng anak sa kotse.
“Yes, Mom,” sagot ni Salem at pumasok na. Her dad wanted to drive her to Albay but there was an emergency meeting with the company he is working for. Ang mommy niya naman ay hindi din dahil busy ito sa cake shop business nila lalo pa at may nag-order dito ng three layers of cake for a debutant.
“Iyong mga sinabi namin sa’yo kagabi ‘wag kalimutan.”
“Opo!” Isa sa mga pinagbabawal ng mama niya ay bawal s’yang mag-entertain ng mga lalaki lalo na ang makipagrelasyon. Hindi naman niya ‘yon gagawin dahil wala s’yang plano. Gusto lang niya mag-enjoy ng bakasyon sa hacienda ng lola niya.
“Bye. Ingat kayo.”
“Bye, Mom! I’ll call you kapag naroon na kami,” reply ni Salem bago sinara ng ina ang pinto ng kotse.
Hindi mawala sa mukha ni Salem ang ngiti. Super excited na talaga makita ang lahat doon. She even brows what are the things to explore in Albay.
Matutulog na muna siya.
---
“Ano’ng meron?” tanong ni Juan nang makita na busy ang lahat sa hacienda. Isa siya sa mga nagtatrabaho sa malaking lupa ba ito.
“May maabot daw na bisita,” (May darating daw na bisita,) sagot ni Danica, isang kasambahay sa hacienda.
“Ah, gano’n ba? Ilang taon na din mula nang may bumisita dito sa hacienda. Sino kaya ito?” curious na tanong ni Juan kay Danica na hindi na pinansin dahil may ginagawa.
Sa palayan naman ay naroon ang ilang magsasaka na nagpapahinga sa isang kubo na gawa sa kawayan at anahaw.
“Marami ang naani natin ngayon. May pambayad na ulit kami sa mga utang,” natatawang usal ni Mang Pablo habang pinapaypay ang sarili gamit ang salakot nito.
“Kami din. May pambili ng ng phone ang anak ko. Pinag-ipunan ko iyon,” usal din ng kasamahan nito na si Mang Kanor.
“Noah! Tama na muna ‘yan. Magpahinga ka naman!” sigaw ni Mang Pablo nang makita ang binata na nagtatrabaho pa din. Masipag talaga ito noon pa man. Tumigil na nga ito sa pag-aaral para magtrabaho at may ipakain sa pamilya.
Inilagay ni Nova ang mga palay sa gilid bago patakbong pumunta sa kanila. Puno ito ng pawis at basang-basa ang suot nito. Hindi naman kagwapuhan si Nova pero malakas ang dating nito. Halos kilala ito aa hacienda.
“Oh, uminom ka muna. Sobrang init baka ma-heat stroke ka.” Iniabot ni Mang Kanor ang isang baso ng tubig sa binata na tumabi sa kanila para magpahinga.
“Ikaw ba Noah ay walang plano na magpatuloy ng pag-aaral?” tanong ni Mang Pablo. Ang ibang kasamahan nila ay bumalik sa hacienda para kumuha ng kagamitan at magdala ng pagkain.
“May plano po, pero siguro hindi pa sa ngayon. Saka na po kapag okay na ang lahat. Kailangan pa po ni Itay na magamot,” sagot ng binata. Tumigil siya sa pag-aaral noong nasa second year na siya sa kursong civil engineering. Kayumanggi ang balat nito at medyo kulot ang maitim na buhok. Dalawamput-limang taon si Noah.
Mula sa pwesto nila ay makikita kung gaano kalawak ang palayan ng pamilyang Ocampo. Hindi lang palay ang mga tanim doon kundi may iba pa. Dito din nagtatrabaho ang tatay niya dati ngunit dahil sa sakit ay tumigil ito at siya na ang pumalit.
Ilang sandali pa ay dumating si Juan dala ang isang basket na may suman.
“Maaga daw tayong makakauwi ngayon dahil busy sa hacienda. Darating daw ang apo ni Donya Isabel,” imporma nito sa mga kasamahan na hinihingal pa.
“Oh? Talaga? Mabuti.”
“Oo. Pero maaga din daw tayo bukas dahil ililibot daw ng kambal ang pinsan nila.”
“Ililibot lang naman. Wala namang gagawin kundi magtrabaho ulit.”
Umupo si Juan sa tabi ni Noah. “D’yan ka nagkakamali, Noah. May pa-welcome si Donya Isabel sa apo niya at lahat tayo imbitado bukas. Half day lang ang trabaho natin.”
“Ayon! May kainan!” masayang sambit ni Mang Pablo. Sa totoo lang kahit strikto si Donya Isabel sa kanila ay hindi naman ito gahaman. Palagi silang kasali sa mga salo-salo at hindi din mababa ang tingin sa kanila. Sa katunayan maswerte sila dahil napunta sila sa hacienda’ng ‘to na maayos magpa-sweldo at mag-alaga ng empleyado.
“Oo. Kaya tapusin na natin para may lakas tayo bukas!” bulalas ni Juan kaya napatawa sila maliban kay Noah na napailing lang. Kung siya lang din hindi na siya pupunta at maglalagi na lang sa bahay nila, pero sayang naman pagkain din iyon at siguradong may pamigay si Donya Isabel sa lahat. Matutuwa ang mga kapatid niya.
“Hmm. Napapaisip tuloy ako kung babae o lalaki ang darating bukas. Ano sa tingin mo, Noah?”
Nagkibit-balikat ang binata. “Ewan. Babae o lalaki man, eh, ano ngayon? May mababago ba? Hindi naman tayo apektado,” sagot nito bago tumayo at bumalik sa sakahan.
Kung alam lang ni Noah na sa pagdating ni Salem ay may magbabago sa takbo ng buhay niya.