Simula

1091 Words
“Mom, please? Matagal ko nang gustong pumunta sa lugar ni Lola. Bakasyon naman na and I already submitted by school paper works and still maintain my grades.” Sinundan ni Salem ang inang si Sarah sa kusina. Kanina niya pa kasi ito kinukumbinsi na payagan s'yang magbakasyon sa hacienda ng lola nito sa Albay. She's been wishing this for four years! “I told you hindi pwede. Ano bang gagawin mo do’n? You can just travel in Japan or Singapore if you want a vacation.” “Ugh! I don’t want to! Bakit hindi pwede? Naroon naman si Lola, eh.” Padabog na umupo si Salem sa kitchen counter chair at pinag-krus ang mga braso habang nakalabi. Nakakainis naman! Hindi naman siya manggugulo doon. She just wanted to explore the life and things in the province. Sarah, seeing her daughter sulking, shakes her head. “Alam mo naman na ayaw namin mapahamak ka. It’s better nga na dumito ka na lang sa bahay,” suhestiyon nito. “Mom, ang boring. Baka buong bakasyon lang ako magbabad sa internet.” She rolled her eyes. She decided kasi na mag-off muna sa social media lalo na minsan na sumasakit ang mata niya at nawawalan siya ng interest dito. “At least alam naming safe ka,” katwiran ng ina niya. Safe? Home is never been safe. May mga insidente at aksidente na pwedeng mangyari. “Mom! Sige na naman, oh? Dalaga na ako, hayaan niyo din po sana ako minsan.” Tiningnan ni Sarah ang anak na hindi maipinta ang mukha. Are they too strict and protective of their daughter? Ayaw kasi nilang napapahamak ito lalo na at may napapabalita ngayon tungkol sa k********g ng mga teenagers. “Fine. I’ll try to talk to your Dad kung papayagan ka. But don’t expect too much,” she console. Napatayo si Salem at hinalikan ang pisngi ng ina. “Thanks, Mom!” Patakbo itong tumaas sa kwarto. Napailing na si Sarah sa anak. A smile hanging up on her lips. Seems like she needs to talk with her husband regarding their daughter. Hihintayin niya ang asawa mamayang gabi. --- Salem started a video call with her friends. “So, you mean to say you’re going to your grandma’s place in the province? Pinayagan ka ba?" Nadia asked. Singkit ang mata nito at manipis ang labi. She also has red gray hair with bangs. Nakadapa ngayon si Salem sa kama niya kaharap ang laptop kung saan nakikita ang dalawa n’yang kaibigan sa screen. “Mom said that she’ll talk it with my Dad. Sana nga ay payagan na ako. I badly want to see the place! Nagse-send naman sa akin ang mga pinsan ko but you know? It’s different pa din kapag nakita mo ng personal,” sagot niya. Kung si Nadia ay may mahabang buhok siya naman ay hanggang leeg. She shade it in blonde. “I agree. To see is to believe. I want to go with you, though. Mukha ngang maganda sa province. Sadly, I have to be with my Dad in Canada since my grandpa is sick,” nakasimangot na saad ni Kristel. Ito naman ay half-Canadian and half-Filipino. Kristel had a high cheekbones, sharp jew, and dark brown eyes pero ang kutis ay namana sa ina. They have been best friends since high school. Nagsimula iyon noong nagpatagisan sila sa harap ng klase at sa mga beauty pageant na ginaganap sa school kaya nabuo ang samahan nila. “Duh! Baka nga di mo kayanin ang buhay doon. Can’t you see on television na marami ang barumbado doon?” pagtataray ni Nadia. Kristel rolled her eyes. “Duh! Sa t.v mo lang nakita but did you see it in real life? Nagpapaniwala ka naman sa mga ganyan.” “Enough ladies, I’m going to log out now. I just wanted to break this news to you dahil baka baka hindi niyo ako ma-reach since I decided to enjoy sa province muna with my mobile phone’s destruction.” “Are you sure? Baka pagdating mo doon mag-post ka kaagad ng pictures?” nakataas ang kilay na usal ni Nadia. “Oh! Please, Nadia, kaya kong kontrolin ang sarili ko. I can’t enjoy my vacation if I use my phone every damn minute,” Salem replied back. “Well, good luck to your province experience, Salem.” She bid her farewell with her friends and pack her things. Para ‘pag om-oo na ang parents niya ready na siya. She screamed inside. She’s excited! --- “Oh? Bakit hindi ka pa natutulog? I told you na ‘wag mo na akong hintayin.” Daniel kissed the top of his wife’s head. He was shocked to see her, slurping on her coffee while waiting for him late in the night. “How are you?” Inilapag ni Sarah ang tasa ng kape da center table at tinulungan ang asawa na hubarin ang coat nito. “I’m fine medyo nagkaproblema sa kompanya but it was okay now.” Nagback-out kasi ang isa sa mga client nila ang problema ay nakahanda ang mga produkto na ipapadala. Good thing, here was another client na bumili kaya maayos din agad. “Kumain ka na ba?” tanong ni Sarah. “Yup. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Why did you stay so late? May problema ba? Tungkol ba sa anak natin?” “Well, yes. Kinausap ako ni Salem kanina and she wanted a vacation in Grandma’s place. Ang sabi ko nga pwede naman siya magbakasyon dito but your daughter insisted! Alam mo naman ang nababakita ngayon.” “What? Wala naman s’yang magagawa doon. Much better is she stay here or travel with her friends in other countries,” Daniel stated. Baka mahirapan lanh doon ang anak sa probinsya. Ibang-iba ang buhay dito sa Maynila. Isa pa, baka i-take advantage lang ang anak nila. “I told her that pero ayaw niya. Nako, Daniel, nag-aalburto ang anak mo ans when I told her na kakausapin kita she beamed in happiness,” nammomroblemang saad ni Sarah. “What is we let her go this time? May tiwala naman ako kay Ma na hindi niya pababayaan ang anak natin.” “No, Sarah. She will not go to the province," mariing sagot ni Daniel. Nakarinig sila ng malakas na pagsara ng pinto kaya napatingin silang dalawa sa taas. “She heard us.” Napahawak sa ulo si Sarah. “Kausapin mo siya, Daniel.” Pagkatapos ay tumaas na din si Sarah sa kwarto nila. Sumasakit ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD