Chapter 8 -Apektado-

2013 Words
Raymond's POV "Fuuuuck!" malakas kong mura habang nandirito ako ngayon sa aking condo. Naisahan ako ng babaeng 'yon. Sisiguraduhin ko sa kaniya na pagbabayaran niya ang pagkapahiyang nangyari sa akin kanina sa bar. Hindi ako makatulog dahil sa inis na nararamdaman ko. Naisahan ako ng babaeng 'yon at hindi ko mapapalagpas ang ginawa niyang kapangahasan kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata, gusto kong makatulog upang kalimutan ang nangyari sa akin kanina ngunit dahil sa nararamdaman kong inis ay hindi naman ako makatulog. Tumayo ako at kumuha ako ng alak sa mini fridge at itutuloy ko na lang mag-isa ang naudlot naming inuman kanina. Dahil kasi sa inis ko kanina ay nag-aya na agad akong umuwi dahil ayaw akong tigilan ng mga kaibigan ko sa pang-aasar sa akin. Tungga lamang Ko ng tungga sa bote hanggang sa hindi ko na namamalayan na napangalahati ko na pala ang bote ng alak at dahil na rin sa kalasingan ay nakatulog na din agad ako. ──●◎●── -Kinabukasan- Maaga pa lang ay nasa opisina na ako, nakayukyok ang aking ulo sa aking office table dahil masakit ang ulo ko. Ilang katok ang narinig ko sa pintuan ngunit hindi ko naman ito pinapansin dahil gusto ko munang matulog ulit kahit saglit lang. "Ano nangyari sayo?" ani ni Gabriel habang papasok sa loob ng aking opisina. "Hangover." wika ko habang nakahiga pa din ang aking ulo sa office table ko at hindi ko pa rin siya tinitignan. "Paano ka magkaka hangover hindi naman natuloy ang inuman natin kagabi?" ani niya at alam kong nagtataka ito. Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit ako may hangover ay hindi ko na lang siya sinagot. Ipinikit ko ang mga mata ko ng marinig ko naman ang boses ni Isaac. "Don't tell me na uminom ka mag-isa kagabi dahil naisahan ka ng Ariana na 'yon?" wika niya na natatawa kaya napaangat ang aking ulo at tinitigan ko siya ng masama. Maging si Gabriel ay tumatawa na rin kaya sa inis ko ay binato ko sila ng kahit na anong mahawakan ko sa ibabaw ng aking table. Nakakapikon itong mga bwisit na ito at kay aga-aga ay nambubuwisit na agad. "Are you sure you're not affected by her presence, Raymond?" Isaac inquired. "Hindi ang katulad ng palaka na 'yon ang pag-aaksayahan ko ng oras at panahon ko kaya pwede ba tigilan mo ako Isaac sa mga ganyang tanong mo sa akin. Nakakapikon ka na!" ani ko sabay himas sa sintido ko. Pumunta naman si Gabriel sa labas at narinig ko itong nag-utos sa aking sekretarya na dalhan ako ng black coffee kaya kahit papaano ay natuwa naman ako. Kailangan ko nga ng black coffee para makapag trabaho na ako kaysa naman ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman nagtagal ay tatlong katok sa pinto at pagbukas nito ang nagpalingon sa amin. "Sir, three cups of coffee." ani ng sekretarya ko sabay baba ng mga ito sa ibabaw ng coffee table ko. Pinasalamatan naman ito ni Gabriel at inabutan ako ng isang kape na tinanggap ko naman agad at sinimulang inumin kahit mainit pa ito. "Naayos mo na ba 'yung tungkol sa Quantum project?" ani ni Isaac. "Yes, huwag kayong mag-alala at hindi ko 'yun pinapabayaan." ani ko naman. "Huwag mo masyadong isipin ang babaeng 'yon. Kaya mas napipikon dahil pinapansin mo." ani ni Gabriel. Hindi ako kumibo dahil wala ako sa mood pag-usapan ang maingay na palaka kokak na babaeng 'yon. Binuksan ko ang laptop ko at nagsimula akong magtipa ng kung ano ano lang, nakakaramdam pa rin ako ng pagkainis tungkol sa nangyari kagabi kaya sa laptop ko na lang ibubuntong, pero huwag kang mag-alala Ariana dahil sa oras na simulan na natin ang proyekto natin sa Batangas ay sisiguraduhin ko naman na ikaw ang pahihirapan ko. "Bakit nakangisi ka diyan na parang impakto ha?" Pagkarinig ko ng sinabi ni Isaac ay napatayo ako at agad naman itong tumakbo ng mabilis palabas ng aking opisina. "Tarantado ka talaga Isaac! Bumalik ka dito at matitikman mo ang galit ng isang impakto!" galit na galit kong ani samantalang ang gagong 'yon ay dinig na dinig ko ang malakas niyang pagtawa mula sa labas. Napatingin ako kay Gabriel na napapailing na lamang. Nakakapikon naman kasi talaga ang sira ulong Isaac na 'yon. Pati siya nakiki-impakto sa palakang 'yon. "Tumahimik ka diyan Gabriel at baka mapikon na ako." ani ko kaya mas lalong lumakas ang tawa ng gagong ito. Humanda talaga sa akin ang palaka na 'yan sa oras na mag krus muli ang landas namin dahil sisiguraduhin ko sa kanya na ipapakain ko s'ya sa buwayang gutom. Bumalik ako sa swivel chair ko at nagpaalam na din si Gabriel dahil may importanteng meeting pa raw ito na dadaluhan. Pagkasara ng pinto ng aking opisina ay napasandal ako at hinimas ko ang sintido ko dahil nagsisimula na naman itong manakit. Napadami talaga ang nainom ko kagabi dahil sa bwisit na babaeng palaka na 'yon kaya nananakit tuloy ang ulo ko ngayon. Iginugol ko na lang ang maghapon ko sa pagtatrabaho upang mawala ang inis na nararamdaman ko. Mamaya ay dadaan pa ako sa pinsan kong si Roxanne upang mabisita ang mga pamangkin kong sa akin mga nagmana. Ilang katok sa pinto ang nagpalingon sa akin at isang ngiti naman sa babaeng pumapasok sa loob ng aking opisina. "Shaina, what brought you here?" seryoso kong tanong. "Shaina? Parang katunog ng pangalan ni ano, sino nga ba 'yon ha Raymond?" ani ni Isaac na pumapasok din dito sa aking opisina kaya napapa iling na lamang ako sa sira ulong ito. "Hindi ka pa ba nakakamove on at pati pangalan ay halos magkatunog? Shaina, Shane. Tama ba ako?" ani niya kaya sa inis ko ay binato ko ito ng susi ng aking sasakyan. "Gago! Kaibigan ko lang si Shaina at anak siya ng business partner ni lolo." wika ko na ikinatawa naman niya ng malakas. Gago talaga 'tong Isaac na ito. Mapapatay ko talaga itong sira ulo na ito. "We're only friends! Friendship with huge benefits! Am I right, Raymond?" she teased. "Oh, shut up!" ani ko na naiinis na ikinatawa ng malakas ni Isaac kaya mas lalo tuloy akong napipikon. Umupo naman si Shaina sa aking table paharap sa akin at bahagyang ibinuka ang kaniyang mga hita kaya mas lalong lumakas ang tawa ni Isaac. "I'm outta here!" he said sabay talikod na natatawa at isinara pa ang pinto. Pinindot ko ang button sa ilalim ng aking lamesa at narinig ko ang pag click ng lock ng pintuan at pagkatapos ay tuluyan ko ng iniharap sa akin si Shaina. "I want you, hinintay kita kagabi sa condo ko pero hindi ka dumating kaya dito natin gagawin ang gusto ko." wika niya kaya napangisi ako at agad kong inalis ang kaniyang underwear at inihiga ko siya sa aking table. Ibinuka ko ang kaniyang mga hita at hinagod ko ng aking kamay ang kaniyang p********e habang ang isang kamay ko naman ay tinatanggal ang pagkakakabit ng aking sinturon, ng tuluyan ko ng maibaba ang suot kong pantalon at boxer ay nagsuot agad ako ng proteksyon at pagkatapos ay itinapat ko agad ang naghuhumindig kong alaga sa kaniyang hiyas at marahas ko itong pinasok at malakas na pangangabayo ang ginawa ko sa kanya. Halos mabaliw siya sa marahas na pakikipagtalik ko sa kaniya, walang ingat kong nilalamas ang kaniyang dibdib at kinakagat ko pa ang kaniyang pasas, ito ang gusto niya, ang marahas na pakikipagtalik kaya para siyang mababaliw sa tuwing marahas akong gumagalaw sa ibabaw niya. "Ohhhh! Sige pa! Diinan mo pa!" halos pasigaw na niyang ani habang malakas siyang umuungol. Habang gumagalaw ako sa ibabaw niya at nakatitig ako sa mukha niya ay bigla namang mukha ni Ariana ang nakita ko kaya napatigil ako sa aking pangangabayo at tinitigan ko siyang muli. "What's wrong?" tanong niya. "Wala!" wika ko at nagsimula na naman akong gumalaw sa ibabaw niya habang hawak ko ang dalawa niyang hita na pwersahan kong isinasalpok sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata habang sarap na sarap ako sa aking ginagawa at pagdilat ko ng aking mga mata ay mukha na naman ni Ariana ang nakikita ko sa kaniya na umuungol, at sarap na sarap sa aking ginagawa kaya bigla akong bumagal sa pag indayog na tila ba iniingatan ko ito na huwag masaktan sa aking ginagawa habang titig na titig ako sa mukha niya na umuungol ng malakas. "Faster!" ani ni Shaina kaya para akong natauhan at bigla kong binitawan ang kaniyang mga hita at hinugot ko ang aking alaga at tinungo ko ang banyo. "Fuuuuck! Anong nangyayari sa akin at nakikita ko ang palakang 'yon sa mukha ni Shaina? Bwisit talagang babae 'yan at maging sa pakikipagtalik ko sa iba ay binubuwisit ako!" inis kong ani. Nilinis ko ang aking sarili at habang pinupunasan ko ang aking p*********i ay unti-unti kong binibilisan ang pag galaw ng kamay ko habang iniisip ko naman ang ginawa sa akin ni Ariana sa bar kagabi, ipinikit ko ang aking mga mata at inimagine ko na nakikipagtalik ako sa kanya kaya napapa ungol ako ng malakas dahil sa sarap na nararamdaman ko habang kumikilos ng mabilis ang aking kamay sa aking sandata. Naririnig ko pa ang pagkatok ni Shaina sa pinto ngunit hindi ko ito pinapansin dahil ang utak ko ngayon ay nababaliw sa isiping si Ariana ang katalik ko ngayon, hanggang sa tuluyan ko ng naabot ang sukdulan kaya malakas na ungol ang pinakawalan ko. "Oh, f*****g s**t!" ani ko habang sarap na sarap ako ng marating ko ang sukdulan. "How dare you! Mas ginusto mo pang magsarili kaysa ang angkinin ako?" malakas na sigaw ni Shaina habang malakas na kumakatok. Nilinis ko ang sarili ko at napapangiti pa ako ng binuksan ko ang pintuan ng banyo at nag-aalab na mga mata naman ni Shaina ang bumungad sa akin at isang malakas na sampal kaya tumagilid ng bahagya ang mukha ko. "How dare you! Ininsulto mo ako!" galit niyang sigaw ngunit nginisihan ko lamang siya. "Go home! Marami pa akong trabaho." ani ko at parang bale wala lang sa akin kahit na nagwawala pa si Shaina sa harapan ko. Pinindot ko ang button at ng matanggal ang pagkaka lock ng pintuan ay isinenyas ko na sa kaniya ang papalabas. Galit na galit itong umalis ng aking opisina habang ako naman ay napapailing sa aking sarili kung bakit ganito ang naramdaman ko. Talagang sinasabik ako ng babaeng 'yon kaya sisiguraduhin ko sa kaniya na sa gagawin ko sa kaniya sa Batangas ay magmamakaawa siya sa akin na angkinin ko ang katawan niya. Napapangisi na lamang ako dahil malapit na ang araw na masasarili ko din ang babaeng palaka na 'yon at sisiguraduhin ko sa kanya na sa harapan ko siya bubukaka upang magpa angkin sa akin. Napatingin ako sa aking orasan, tinapos ko na ang aking ginagawa dahil dadaan pa ako sa mansion nila Roxanne dahil namimiss ko na ang quadruplets nila. Pagkatapos kong gawin ang mga importanteng bagay ay pinatay ko na din agad ang aking laptop, ibinalik ko ito sa bag at isinuot ko ang aking coat at mabilis na lumabas ng aking opisina. "Pwede ka ng umuwi, may lakad ako ngayon kaya hindi na ako babalik dito." ani ko sa aking sekretarya. "Sir, paano po 'yung meeting ninyo mamaya kay Mister. Alvaro?" ani niya. "Reschedule mo na lang next day, I have to go at umuwi ka na rin." ani ko at iniwanan ko na siya at hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin sa akin. Napahinga ako ng malalim at napapa iling na lamang ako sa aking sarili dahil maging ako ay hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari kanina sa akin at nabaliw na lang ako ng ganoon kay Ariana kaya maging sa isip ko ay nakipagtalik ako sa kaniya, nababaliw na yata talaga ako. Natatawa na lamang ako dahil alam ko namang nangyayari lamang sa akin ito dahil sa pang aakit na ginagawa sa akin ng babaeng 'yon, pero darating tayo diyan at sisiguraduhin ko na siya ang magmamaka awa sa akin at hindi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD