Ariana's POV
Nandito ako ngayon sa mansion nila Roxanne, masaya ako dahil sa wakas ay hindi na kami magkikita pang muli ng Raymond na 'yon sa mansion nila dahil wala ng dahilan pa para pumunta ako duon dahil may sarili ng mansion ang kaibigan ko.
Kahit anong oras ko gustuhin na puntahan si Roxanne ay hindi na ako mag-aalangan dahil hindi ko na makikita pa ang impaktong Raymond na 'yon.
"Friend, tara na at nakaluto na ako," tawag sa akin ni Roxanne kaya nagmamadali akong nagtungo ng kanilang malaking dining area at naupo agad ako sa harapan ng malaking oval na table.
"Wow! Ang bango naman niyan friend, mukhang mapaparami ako ng kain ngayon. Ibang klase ka na talaga, ulirang asawa ka na talaga!" tuwang-tuwa kong ani sa kaniya. Tumawa lamang ito at pinahain na sa mga kasambahay nila ang iba pang ulam na niluto niya kaya namimilog ang mga mata ko dahil mukhang mapapasabak ako nito sa kainan.
Habang nagsasandok ako ng ulam ay biglang dumating si impakto na ikinasibangot ko at tinitigan ko pa ito ng masama habang nauupo ito sa tapat ko at nagpakuha ng isang plato sa kasambahay nila Roxanne.
"Ang palaka talaga, ang lakas ng pang-amoy pagdating sa pagkain." ani niya. Hindi ko siya pinansin at nagkunwari ako na walang naririnig na kahit na ano. Kahit na anong sinasabi niya ay hindi ko pinapansin at patuloy lang ako na nakikipag-usap sa aking kaibigan habang sarap na sarap ako sa pagkain.
"Ang galing mo na talaga magluto friend, ang sasarap ng pagkain." ani ko at ngising-ngisi pa ako na sinasadya kong ipakita kay impakto. Nakikita ko ang matinding galit niya kaya sigurado akong pikon na pikon na ito sa akin. Buti nga sa kanya!
Napatingin akong muli sa kanya at ngumisi ito na parang demonyo kaya napataas ang isa kong kilay dahil mukhang may kalokohan itong iniisip. Susubo na lamang sana ako ng pagkain ng bigla akong magulat at napaangat pa ng bahagya ang pwet ko sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang paa niya na humihimas sa p********e ko sa ilalim ng lamesa.
"Okay ka lang friend?" tanong sa akin ni Roxanne ngunit tumango lamang ako ng bahagya at ngumiti ng pilit sa kaniya habang pilit kong inaalis ang paa ni impakto na sumusundot-sundot sa ano ko.
Nakikita ko ang pagngiti niya at papikit-pikit pa siya ng kaniyang mga mata na animo ay nakikipag romansa sa demonyo.
Kinurot ko ang hinlalaki niya at pinilipit ang isang daliri sa paa kaya bigla siyang napaayos ng kaniyang pagkakaupo at ngumiwi sa sakit na kaniyang nararamdaman.
"Oh, ano naman ang nangyayari sa iyo? Okay ka lang ba ha Kuya Raymond?" tanong ni Roxanne sa pinsan niya na tila naguguluhan na.
"Oo, pinulikat lang ang paa ko, pero okay lang ako." ani niya. Biglang sumilip si Roxanne sa ilalim ng lamesa at tinignan ang paa ng kaniyang pinsan at pag-angat niya ng ulo ay naiiling ito.
"Paano ka hindi pupulikatin eh nakapaa ka. Isuot mo kasi 'yung sapatos mo at malamig ang sahig, pati medyas mo hinubad mo pa." ani niya habang ako naman ay nakataas ang isang kilay ko sa kaniya at nginisihan ko siya. Nakikita ko ang galit niya at pagkapikon pero wala akong pakialam.
"Ma'am, ayaw pong tumahan ni Andrew, ayaw po ng bottle milk baka po gusto ng gatas n'yo." ani ng yaya na lumalapit sa aming kinaroroonan. Mabilis naman nagpaalam sa amin si Roxanne at sumunod agad sa yaya ng anak niya habang ako naman ay nagpaalam din kay Roxanne upang pumunta ng banyo. Nagmamadali akong tumakbo papasok ng banyo at ng isasara ko na ito ay biglang iniharang ni impakto ang kaniyang katawan sa pintuan at tinulak niya ako ng bahagya kaya nakapasok siya at mabilis na ikinandado ang pintuan.
"Impakto ka! Lumabas ka, kung hindi ay sisigaw ako!" galit na galit kong ani sa kaniya.
"Baka akala mo ay nakalimutan ko ang ginawa mong pagpapahiya sa akin sa harapan ng mga kaibigan ko kagabi. Hinding-hindi ko 'yon mapapalagpas Ariana dahil napahiya ako.
Ngumisi ito at agad niya akong hinapit sa balakang at idinikit sa dingding at ginawaran ako ng mapagparusang halik sa aking labi at nararamdaman ko ang kirot nito sa tuwing kinakagat niya ang pang-ibaba kong labi na pilit niyang ipinabubuka. Nagpupumiglas ako ngunit kinuha niya ang aking dalawang kamay at hinawakan ito sa taas ng aking ulo at pagkatapos ay pinakatitigan niya ako.
"Bitawan mo ako hayop kang impakto ka!" malakas kong sigaw habang titig na titig siya sa aking mukha na halos magdikit na ang mga ilong namin.
"Bi-Bitawan mo ako!" ani ko pang muli na pahina na ng pahina ang aking boses. Binitawan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa aking tainga pababa sa leeg ko at dahil sa kaniyang ginagawa ay napapikit ako at may umalpas na mahinang ungol sa akin. Dahil sa ginawa kong pag-ungol ay huminto ito sa paghalik sa akin at nginisihan ako sabay labas ng banyo na ikinagulat ko at hindi ako makapaniwala sa kaniyang ginawa na basta na lang niya ako iniwan.
"Oh my god! Baka isipin niya ay nagustuhan ko ang ginawa niya, pero bakit kasi ako umungol? Bwisit talaga!" bulong ko sabay takip ko ng aking kamay sa aking bibig at mabilis kong inayos ang aking sarili at humarap ako sa salamin.
Hindi ko malaman kung lalabas pa ba ako sa ng banyong ito o mananatili na lamang ako dito sa loob dahil nahihiya ako. Ayokong isipin niya na nagugustuhan ko ang ginawa niya sa akin pero bakit naman kasi umungol ako samantalang galit na galit naman ako sa impaktong 'yun.
Humarap akong muli sa salamin, naghilamos ako at inayos ko ang buhok ko saka ako huminga ng malalim. Binuksan ko ang pintuan at sumilip muna ako, ng wala akong makitang tao ay nagmamadali akong tumakbo at papalabas na sana ako ng pintuan ng biglang humarang sa harapan ko si impaktong manyakis at idinikit ang likod ko sa wall.
"Masarap hindi ba?" ani niya. Isang sampal ang ibinigay ko sa kaniya na ikinatabingi ng kaniyang mukha at dinilaan niya ang gilid ng kaniyang labi at humarap muli sa akin.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin sa bar kagabi, sisiguraduhin ko sa iyo na hindi na ako mawawala sa panaginip mo hanggang sa ikaw na mismo ang lumapit sa akin upang hilingin mo na angkinin kita at pag nangyari 'yon, pagsasawaan ko 'yang katawan mo. Tandaan mo 'yan!" ani niya sabay ngisi sa akin.
"Hindi mangyayari 'yan bastos ka! Isa kang impaktong manyakis na feeling gwapo pero impakto!" nanggigigil kong ani sa kaniya na ikinatawa naman niya ng mahina. Hinila niya ako pabalik sa loob ng mansion at kahit na nagpupumiglas ako ay hindi niya ako binitawan.
"Diyan ka maupo at hintayin mo ang pinsan ko bago ka umalis. Huwag kang bastos sa kanya!" ani niya habang galit na nakatitig sa akin. Pagbagsak ko sa sofa ay matalim ko siyang tinitigan at umupo naman siya sa kaharap kong sofa at nginisihan ako sabay tingin sa dibdib ko sabay pagdila sa kaniyang labi.
"Hindi ang katulad mo ang nanaisin kong makasama sa kama. Maraming naglalaway sa akin at mas gugustuhin ko pa na isa sa kanila ang patulan ko kaysa sa impaktong katulad mo!" nakataas na kilay kong ani sa kaniya. Ngumisi lamang ito at napapailing habang hindi inaalis ang mga titig sa akin. Kinuha niya ang kaniyang telepono at tila ba may ka chat ito. Mayamaya ay ngumisi ito sa akin na tila ba nakakaloko kaya inirapan ko siya at tumingin na lamang ako sa ibang direksyon.
"Sorry friend, Kuya Raymond, medyo sinumpong kasi ang isa sa mga anak ko, pero okay na, tulog na sila." ani ni Roxanne na papalapit sa amin.
"Okay lang, uhm uuwi na ako ha, may gagawin pa kasi ako sa condo ko." ani ko at humalik na ako sa pisngi ni Roxanne at kinuha ko na rin ang aking bag at nagmamadali na akong lumabas at hindi ko na tinapunan ng tingin si Raymond.
Pagkarating ko ng garahe nila ay napakunot ang noo ko ng makita ko na flat ang dalawang gulong ng sasakyan ko kaya sa inis ko ay nagpapapadyak ako at sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko.
"Anong nangyari? Sumabay ka na lang kay Kuya Raymond at pauwi na din daw siya." ani ni Roxanne kaya nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tinanggihan ko ito.
"Huwag ka ng mahiya, pauwi na din ako kaya tara na, ipapahatid na lang 'yan ni Roxanne sa condo mo." ani niya na tila ba nagbabait baitan sa harapan ni Roxanne at hinablot niya agad ako sa aking braso at pilit na ipinapasakay sa kaniyang sasakyan. Nagpumiglas ako ngunit humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya napatingin ako kay Roxanne.
"Sige na friend, hindi kasi kita maihahatid kaya buti na lang at nandito si Kuya Raymond." wika niya. Tumingin ako sa impaktong pinsan niya na nakangisi sa akin kaya nakaramdam ako ng pangamba sa mga pinaplano niya. Sa tingin ko ay sinadya ang pagkakaflat ng aking mga gulong. Mabilis niya akong naipasok sa kaniyang sasakyan at mabilis din siyang umikot at pumasok sa sasakyan niya sabay lock ng pinto.
Hindi siya kumikibo habang ako naman ay nakatanaw lamang sa bintana, umandar ang kaniyang sasakyan at agad niya itong pinaharurot.
Walang nagsasalita sa amin pero napapansin ko na malayo layo na ang nararating namin kaya napatingin ako sa kaniya at kinunutan ko siya ng noo.
"Saan tayo pupunta ha?" galit kong ani. Ngumisi ito sa akin ngunit hindi naman ito nagsasalita. Nang mapansin ko ang daang tinatahak namin ay nanlaki ang aking mga mata dahil patungo ito ng Batangas.
"Ibaba mo ako hayop ka!" galit na galit kong sigaw habang nagwawala na ako. Pilit kong binubuksan ang pintuan ngunit naka safety lock ito kaya galit na galit ako sa kaniya.
"Sa isang araw na rin naman ang pagsisimula ng proyekto natin hindi ba? May maliit na rest house katabi lang ng resort na 'yon na bagong bili ko kaya duon ka muna habang nagtatrabaho ako sa Manila para sa gabi kita pupuntahan at alam mo na..." ani niya na hindi niya tinapos ang sasabihin kaya mas lalo akong nagwala sa galit dahil sa ginagawa niya.
"Kidnapping ito kaya ipapakulong kita hayop ka! Palabasin mo ako dito!" sigaw ko ngunit tumatawa lamang ang impaktong manyakis na ito.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin kagabi, pinahiya mo na nga ako sa harapan ng mga kaibigan ko, masyado mo pa akong pinapasabik sa iyo kaya pasasabikin din kita sa gagawin ko sa iyo." ani niya. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya kaya sa galit ko ay pinagsususuntok ko siya na muntikan pa naming ikabangga sa isang sasakyan kaya sa sobrang takot ko ay natahimik ako.
"$hit! Umayos ka kung ayaw mong mamatay ng maaga!" galit niyang ani sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang humikbi, ang mabibining hikbi ay nauwi na sa aking paghagulgol.
"Weak!" ani niya kaya matalim ko siyang tinitigan sabay punas ng aking mga luha. Gusto niya ng laro pwes pagbibigyan ko siya! Paglalaruan din kitang impakto ka, tignan natin kung hindi ka rin mabaliw sa gagawin ko sa iyo. Hindi na ako nagsalita pa, hindi na rin ako umiyak, hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya.
Gusto niya ng laro ibibigay ko sa kaniya ang larong hinahanap niya hanggang sa mabaliw ka sa akin at kapag nangyari 'yon ay iiwanan kita na guhong-guho ang mundo mo. Sa naiisip ko ay napangisi pa ako at tumaas ang isa kong kilay. Tignan natin Mister Impakto kung sino ang unang susuko!
Wala na siyang narinig pa sa akin na kahit na ano at pagkarating namin ng Batangas ay madilim na rin. Ayokong bumaba ngunit binitbit niya ako na parang isang sakong bigas kaya nagpupumiglas ako at nagsisisigaw ngunit wala namang tao sa paligid.
"Hayop ka! Mamatay ka na sanang impakto ka!" malakas kong sigaw habang pumapasok kami sa isang may kalakihang rest house na may dalawang palapag.
Ipinasok niya ako sa isang silid na malaki at inihagis niya ako sa malaking kama at mabilis akong dinaganan at pinaghahalikan ako sa aking leeg kaya nagpapapasag ako at sumisigaw. Tumayo siya sabay tawa ng malakas at iniwanan akong mag-isa sa silid kaya mabilis kong ikinandado ang pintuan at hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa sobrang pagkainis na nararamdaman ko. Naisahan niya ako ngayon pero sisiguraduhin ko na sa susunod ay ako naman ang tatawa ng malakas.
"Bwisit ka talagang impakto ka! May araw ka rin sa akin! Alam kong ikaw ang bumutas ng gulong ko, diskarte mo bulok impakto ka!" malakas kong sigaw. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito, kailangan ko siyang matakasan.