Ariana's POV
"Grabe bestie nakakahiya ang ginawa mo kanina! My gosh! Hindi na ako makatingin sa mga tao dahil lahat sila ay sa atin na nakatingin at ang karamihan parang pinagtatawanan na tayo lalo na ng marinig nila na si pogi pala ang may ari ng hotel na 'yon." ani niya na ikinataas ng kilay ko.
"Pogi? Saang banda? My god Bea! Pa-checkup mo nga 'yang mga mata mo at mukhang malaki ang problema niyan." ani ko na naiinis sa sinabi niya.
Nginusuan naman niya ako at naghanap na lamang kami ng ibang lugar na maaari naming kainan, ayoko ng pumunta pa sa hotel na 'yon dahil pag-aari naman pala 'yon ng impaktong 'yon. Dapat pala ng sinabi ni Roxanne dati na kilala niya ang may-ari ng hotel na 'yon ay tinanong sana namin para hindi na sana nangyari pa ito.
"Anyway bestie, balita ko ay sisimulan na ninyo ang proyekto ninyo sa Batangas this weekend?" ani niya. Sumibangot ang mukha ko at umirap ako sa kaniya.
"Hindi ko siya sisiputin duon! Bahala siyang mabulok sa kahihintay sa akin pero hinding-hindi ako sisipot sa lugar na 'yon! Akala siguro niya ay maiisahan niya ako, kung inaakala niya na magagawa niya ang gusto niya ay nagkakamali siya. Hinding-hindi ako pupunta sa lugar na 'yon para makasama siya ng matagal, manigas siya kaya sekretarya ko ang makakasama niya duon. Mas giginhawa pa buhay ko dito dahil malayo siya dito kaya walang impakto sa paligid." wika ko sa kaibigan ko.
"Baka naman mamaya tulak ng bibig kabig ng dibdib ka diyan ha." pang aasar ng bwisit kong kaibigan.
"Hindi ako mahilig sa impakto! Pwede ba huwag na nga natin siyang pag-usapan at magmaneho ka na lang diyan para makahanap na tayo ng restaurant na malayo sa mga impaktong 'yon." ani ko.
Hindi naman nagtagal ay nauwi kami sa isang Filipino fancy restaurant na sigurado na kaming malayo sa mga iyon. Umorder lang kami ng mga paborito naming ulam at crab fried rice.
"Saan next nating gala? Isulit na natin at sayang 'yang outfit mo noh!" ani niya na ikinatawa ko naman.
"Gumala na lang muna tayo tapos mamayang gabi ay pumunta tayo sa bar. Busy si Roxanne sa kaniyang mga babies at si Diana naman ay siguradong nasa eroplano na patungong England dahil sa business nila duon at matatagalan daw siya ng ilang buwan kaya tayong dalawa lang ang makakagala ngayon." ani ko. Natuwa naman siya kaya pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami ng mall at nag shopping kami ng ilang damit na nagustuhan namin.
"Bestie hindi mo ba tatapusin ang kurso mo? One-year na lang at gagraduate ka na!" wika niya. Hindi ako kumibo dahil sa totoo lang ay tinatamad pa ako. Nag stop kasi ako dahil sa problemang kinaharap ng mga magulang ko dahil sa paghihiwalay nila at mula nuon ay tinamad na akong mag-aral dahil nawalan na ako ng inspirasyon. Nakakainis isipin na kung kailan ako lumaki ay saka ko naman nalaman na wala na daw silang pagmamahal para sa isa't-isa. Tama ba 'yon? Nagrerebelde tuloy ako ngayon.
"Hindi ko alam! Ayoko munang mag-aral dahil nawalan na ako ng gana. Masama ang loob ko sa mga magulang ko dahil pinaniwala nila ako na okay lang sila tapos malalaman ko na lang na wala na daw silang pagmamahal sa isa't-isa. Ano ba akala nila sa akin ha, walang damdamin na maaaring masaktan sa mga desisyong gagawin nila? Sila ang naging inspirasyon ko sa buhay tapos sila din ang sisira kaya ayoko ng mag-aral!" wika ko. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mga mata at inirapan ko ang aking kaibigan dahil nakakainis siya, okay naman kami kanina na nag-uusap tapos kung ano-ano pa tinatanong.
"Hindi na ako magtatanong pa, huwag ka na lang umiyak diyan. Kanina lang ang tapang-tapang mo, tapos ngayon ay umiiyak ka na sa simpleng tanong ko. Sus ka talaga Ariana!" ani niya sabay irap sa akin.
Hindi na siya nag-ungkat pa ng kahit na ano na may kinalaman sa pag-aaral ko at sa mga magulang ko. Ayoko ring pag-usapan dahil ayokong maalala ang sakit na ibinigay sa akin ng mga magulang ko.
Habang naglalakad kami sa mall ay may nakabangga akong isang lalaki, napaka gwapo nito at ang tangkad niya na maskulado ang pangangatawan. May pagka badboy looking ito lalo na sa porma ng kaniyang pananamit.
"Sorry, hindi ako nakatingin." ani niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at napatitig sa kaniyang mga mata at pagkatapos ay tumalikod na ako.
"Jayson," wika niya na ikinalingon ko. Napatingin ako sa kaniyang kamay na nakalahad sa akin at napakunot ang aking noo.
"My name is Jayson, and you are?" ani niya. Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko ang kaniyang kamay.
"Ariana, Ariana Demetrio." ani niya at isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nang magdaiti ang aming mga palad ay may naramdaman akong hindi ko maipaliwanag sa aking puso kaya napangiti din ako sa kaniya at napatitig ako sa kanyang mukha. Napaka gwapo naman ng lalaking ito.
"A lovely name; Mendiola is my surname." ani niya na ikinangiti kong muli at tumango lang ako ng bahagya. Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya? Bakit ang saya ng puso ko na hindi ko naman maipaliwanag?
Huminga ako ng malalim dahil nalilito ako kung bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko, pumikit ako ng bahagya at pagdilat ko ay ngumiti ako sa kanya at nag paalam na din kami dahil may lakad pa kami ng aking kaibigan ngunit nakipagkilala naman si Bea kaya napairap akong bigla.
"Ako naman si Bea Galvez, isa sa best friend ni Ariana." malandi niyang ani na ikina iling ko naman. Ang pasaway talaga ng kaibigan kong ito.
Inabutan niya ako ng isang calling card na tinanggap ko naman at binasa ko pa ng malakas ang kaniyang pangalan na nakasulat dito.
"Jayson Mendiola. Maganda din ang pangalan mo." ani ko at tumalikod na kami at inilagay ko na lamang sa aking bag ang calling card na ibinigay niya sa akin. Isang lingon pa ang ibinigay ko sa kanya, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Ngumiti ito sa akin ng matamis kaya napahawak ako sa dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko at isang ngiti din ang iginanti ko sa kanya.
"Ang gwapo niya bestie, kinikilig ako! Aminin mo, tinamaan ka sa kanya no? Nakita ko kung paano kumislap ang iyong mga mata nuong tinititigan mo ang kaniyang mukha, hindi mo maipagkakaila sa akin 'yan dahil kilalang-kilala kita. Aminin mo tinamaan ka sa kanya." wika niya. Hindi ako kumibo, napangiti lamang ako pero hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaibigan ko.
Pagkatapos naming maglibot pa ng kaunti sa mall ay nagtuloy na kami sa bar na hindi naman kalayuan sa lugar na ito.
"Huwag na tayo masyadong uminom ha, wala tayong ibang kasama kaya kailangan nating mag-ingat." ani niya na tinanguan ko naman dahil naiisip ko ang Jayson na 'yon.
Napagkasunduan namin na tig isang shot lang kami ng tequila then juice na lang tapos sasayaw lang kami at pagkatapos naming maglibang ay uuwi na din kami.
Inaya niya ako sa gitna ng dance floor kaya naman kahit hindi kami lasing ay dinaig pa namin ang nagwawalang lasing dahil sa sayaw na ginagawa namin. Nagmumukha na kaming tanga pero okay lang dahil nag eenjoy naman kami.
"Ouch!" ani ko ng matapakan ako ng isang lalaki at pag angat ko ng aking ulo ay nagulat pa ako ng makilala ko ito.
"Oh my god, Jayson! What are you doing here?" tanong ko. Hindi kaya sinusundan kami ng lalaking ito? Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding takot na baka katulad ito sa nangyari nuon sa kaibigan namin. Napa-atras ako at hinawakan ko ang kamay ni Bea at lalakad na lang sana kami paalis sa dance floor ng magsalita ito.
" I own this bar!" ani niya na ikinalaki ng aming mga mata.
"Oh my god! Really? My gosh! Tinakot mo naman kasi ako, akala ko katulad ka ng isang lalaki na nakilala namin dati tapos masamang tao pala." ani ko. Natawa naman siya at iginiya niya kami sa VIP area at sinabi niyang lahat ng oorderin namin ay wala kaming babayaran at inutusan n'ya rin ang mga waiter niya na asikasuhin kami at huwag kaming bibigyan ng alak at hindi daw kami pwedeng maglasing dahil wala kaming kasamang lalake na pwedeng magprotekta sa amin. Si Bea naman ay tila ba nababaliw na dahil hindi niya inaalis ang tingin kay Jayson at kung nakakatunaw lang ang mga titig ay kanina pa natunaw ang lalaking 'yon dahil sa kanya.
Malakas kaming nagtatawanan ng makita namin na papasok sa loob ng bar sila Raymond kaya bigla akong napaupo sa sahig at para akong magnanakaw na nagsimula akong gumapang gamit ang mga tuhod ko at naghahanap ako na madadaanang exit mula dito sa VIP area.
"Bestie ano ba ginagawa mo ha?" ani ni Bea.
"Basta sumunod ka lang!" ani ko at lumuhod na din siya at gumapang kaming dalawa na parang magnanakaw.
Lalo akong kinabahan ng marinig ko na ang boses nila na nagtatawanan kaya dahil sa gulat ko ay pumailalim ako sa isang lamesa na walang tao pero kamalas malasan nga naman sa lamesang ito pa talaga umupo ang magkakaibigan.
"Oh my god, bestie!" bulong ni Bea kaya tinakpan ko agad ang kaniyang bibig. Hindi ko na tuloy alam pa kung ano ang aming gagawin dahil hindi na kami basta-basta makakaalis dito at nahihirapan na ako sa pwesto ko. Buti na lang at malapad ang mga mesa dito sa itaas kaya medyo malaki ang space sa gitna at hindi kami tatamaan ng mga tuhod nila.
"Ibang klase din ang kaibigan ni Roxanne kanina, iskandalosa!" ani ng isang boses na hindi ko malaman kung sino sa kanila pero isa lang ang sigurado ako, syempre kaibigan ni impakto. Napatingin sa akin si Bea at pasimple itong bumungisngis habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig.
"Nakakahiya! Ang ganoong klase ng babae dapat iniiwasan!" ani naman ng isa at hindi rin ako sigurado kung sino 'yon. Nakakagigil na ang mga ito at talagang ako pa ang topic ng pinag uusapan nila.
"Patay na patay nga daw ako sa kaniya hindi ba? Ibang klase talagang mangarap ang palakang 'yon, ako magiging patay na patay sa kaniya? Kailan pa ako nahilig sa maingay na palaka! Akala mo kagandahan, mukha namang tinapak tapakan na palaka ang hitsura niya. Hindi naman siya kaakit-akit at kahit ano ang gawin niya ay hindi maaakit sa kaniya ang isang Raymond Antonetti!" ani naman ni Impaktong Raymond na hindi ko na talaga natiis dahil sa sinabi niya kaya nagmamadali akong lumabas ngunit sa kasamaang palad ay sa pagitan pa ng mga hita niya lumabas ang ulo ko. My god! Ano ba namang kamalasan ang nangyayari sa akin ngayong araw na ito?!
Malalakas na tawanan ang maririnig sa lahat ng mga kaibigan niya ng sumungaw ang aking ulo sa pagitan ng hita ni Raymond na maging si Raymond ay nagulat ng makita ako.
"Holy Fúck! What the hell are you doing? They have VIP room here kung gusto mo akong matikman. Huwag mo akong bibiglain ng ganyan at hindi pa ako handa dahil kaharap ang mga kaibigan ko." ani niya at malalakas na tawanan ang namayani sa kanila at napatingin ako sa katabi niyang si Hanz na nakatakip ng palad ang kaniyang mukha at napapailing na tila ba siya pa ang nahihiya dahil sa ginagawa ko. Namula ako sa galit at hiya kaya dahan-dahan talaga akong lumabas mula sa pagitan ng hita niya at habang tumatayo ako ay dahan-dahan ko namang idinidikit ang dibdib ko sa mukha niya. Nakita ko ang paglunok ng laway niya na ikinangisi ko naman at pagkatapos ay ikiniskis ko ng bahagya ang isa kong tuhod sa alaga niya ng padampi lang ang hagod habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa tig-isa niyang hita habang tumatayo ako.
"Woah! Ang hot tignan!" sigaw ni George na ikinatawa nila habang si Raymond naman ay tila ba pinagpusan ng malamig dahil sa ginawa ko sabay kindat ko sa kaniya. Nang tuluyan na akong makatayo ay umupo ako sa kandungan niya ng paharap sa kaniya at saka ako muling ngumisi sa kaniya at dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kaniyang labi at ng akma na niya akong hahalikan at bigla akong tumayo at umalis sa harapan niya.
"Sorry, ang palaka ay hindi pumapatol sa impaktong katulad mo!" ani ko sabay lakad palayo sa kanila ngunit bago pa man ako tuluyang bumaba ng hagdanan ay muli ko silang nilingon.
"Sa susunod bago ka magbitaw ng salitang hindi ka mahilig sa palakang maingay na katulad ko, at hindi ka naaakit sa isang katulad ko ay siguraduhin mo muna ang sarili mo. Tignan mo hanggang ngayon tumutulo pa rin ang laway mo sa simpleng ginawa ko sayo. Isa kang impakto na tulo laway sa isang palakang katulad ko," wika ko sabay ngisi ko sa kanilang lahat.
"Woah! Palaban ang babaeng 'yon bro! Isarado mo ang bibig mo, nakakahiya ka!" pang-aasar sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Napatingin ako kay Hanz at kinindatan naman niya ako kaya napangiti na ako at tinalikuran ko na silang lahat habang kasunod ko lamang sa likuran ko ang aking kaibigan na si Bea.