Chapter 6 -Impaktong hambog-

2026 Words
Ariana's POV "Ouch! Bakit ang sakit ng ulo ko?" bulong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aking paligid at ganuon na lamang ang gulat ko ng makasiguro ako na hindi ko ito silid kaya bigla kong tinignan ang aking katawan at pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala namang masakit sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan at paglabas ko ay nagulat akong bigla. "AY PALAKA!" malakas na sigaw ni Bea na ikinagulat ko din at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay sabay hampas ko sa kaniya. Nakakainis dahil pati siya ay nakikipalaka na din. "Pati ba naman ikaw palaka ang tawag mo sa akin ha? Nakaka inis ka Bea ha!" naiinis kong ani na ikinatawa naman niya. Naiinis ako, hanggang dito ba naman naririnig ko ang salitang palaka. Ang ganda ko namang palaka noh! "Nanggugulat ka naman kasi!" wika niya sabay panunulis nguso sa akin. Napatingin ako sa hawak niyang dalawang bag na may tatak ng branded na damit, ang isang bag ay brand ng sikat na lingerie at napataas naman ang kilay ko dahil mamahaling mga kasuotan ito at bakit nakasulat ang pangalan ko sa dalawang bag na ito? "Oh ayan! Nakita ko 'yan sa labas ng pintuan ko at may nakalagay na pangalan mo sa labas ng bag, for Ariana daw kaya kinuha ko na dahil ikaw lang naman ang kilala kong Ariana noh! Kanino ba galing 'yan at sobrang mahal naman ng mga 'yan para iwan lang sa labas ng pintuan ko. Buti na lang at walang nagka-interes kuhanin 'yan sa labas noh!" wika niya na nagpataas ng aking kilay. Kinuha ko ang dalawang paper bag at tinignan ko ang laman ng isa at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang napakagandang bestida na hanggang ibabaw ng tuhod ko lamang at spaghetti strap na may pagka backless ang likuran. Napatingin kami sa presyo ng damit at lalong nanlaki ang aking mga mata ng makita kong nagkakahalaga ito ng $4000. US dollars. "Holy guacamole! Sino ang nagpadala sa iyo ng damit na 'yan dito?" nagtatakang tanong ni Bea. Maging ako ay nagulat kung kanino ba galing ang mamahaling damit na ito pero sa sobrang katuwaan ko ay mabilis akong pumasok sa loob ng silid at isinukat ko ito. Paglabas ko ng silid ay nanlalalaki ang mga mata ni Bea na pinagmamasdan ang kabuuan ko habang ako naman ay halos mapunit na ang labi ko sa sobrang laki ng pagkakangiti ko. "Wow! Bagay na bagay sa iyo, parang isinukat. Kanino kaya galing 'yan? May secret admirer ka ba na hindi ko alam ha?" ani niya. Maging ako ay nagtataka din kung kanino ba galing ang damit na ito pero nagpapasalamat ako kung sino man siya dahil wala naman akong pamalit dahil nalasing ako kagabi. Nalaman ko kay Bea ang nangyari kagabi, kapag nakita ko ulit ang hayop na manyakis na 'yon na muntik akong dalhin sa kung saan ay sisiguraduhin kong mapuputulan siya ng kaniyang kaligayahan. Nagpaalam ako sa kaibigan ko upang maligo dahil inaya ko siyang kumain sa labas para maisuot ko na rin ang mga damit na ito na ibinigay para sa akin ng kung sino man siya. Mabilis lang naman ako nakapaligo dahil medyo may pagkasabik ako na maisuot ko agad ang mga damit at lingerie na ibinigay sa akin ng kung sino. Nag-apply lang ako ng manipis na makeup, tinuyo ko ang basa kong buhok at mas kinulot ko pa ito ng bahgya since wavy na talaga ang buhok kong ito. Pinarehasan ko ito ng four inches gold stiletto na bumagay sa dress na kulay peach na suot ko. Napapangiti ako sa harapan ng malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang aking kabuuan. Napakaganda talaga ng dress na ito at napakalambot sa balat kaya hindi ka maiirita habang suot mo ito. "Oh my god! Ariana, sapatos ko 'yan, bruha ka!" ani ni Bea na ikinatulis ng nguso ko, akala ko pa naman ay nagagandahan siya sa akin kaya may pa oh my god pa siya. 'yun naman pala nakita lang niya ang suot kong sapatos. "Pahiram lang! Wala naman akong dalang sapatos dito, hindi naman bagay 'yung blue stiletto sa dress." nakangiwi kong ani sabay kindat sa kaniya. Wala naman siyang magagawa na dahil suot ko na ito, saka nag promise naman ako sa kanya na sa favorite niyang restaurant ko siya pakakainin ng lunch. Kailan lang kasi ay nagbukas na ang bagong tayong five-star hotel and restaurant na lagi na naming pinupuntahan ngayon dahil sa napakasarap na pagkain ng restaurant na nasa 20th floor nito. Marami ang nagpupunta sa lugar na 'yon dahil sa view pa lang ng kamaynilaan, lalo na sa gabi ay mabubusog ka na agad. Maaga kami ngayon kaya siguradong makukuha namin ang pinaka magandang spot ng aking kaibigan. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa isang bagong tayo at sikat na hotel kung saan ay makikita ang isang sikat na sikat na European Restaurant na paborito naming puntahan ng mga kaibigan ko sa loob ng isang buwan. Isang buwan pa lang kasi ito mula ng buksan nila at ang sabi ni Roxanne nuon ay kilala niya ang may ari nito ngunit hindi naman namin siya tinanong kung sino ang may ari dahil hindi naman ako interesado, interesado lang ako sa pagkain nila dahil sobrang sarap talaga at balita ko pa, mismong may-ari nito nanggaling ang recipe, siguro ay babae ang may-ari. "Bestie, gusto ko sabihin mo sa mag a-assist sa atin na gusto ko duon sa may malaking glass wall para kitang-kita natin ang napaka gandang view ng buong kamaynilaan." ani ni Bea. Maging ako man ay gusto ko ang spot na 'yon dahil napakaganda nito. Nilapitan kami ng waitress at agad ko siyang kinausap at sinabi ko sa kaniya na 'yun ang spot na gusto namin. Tumango naman siya kaya malaking ngiti ang sumilay sa amin ng aking kaibigan dahil sa wakas ay makukuha din namin ang spot na 'yon na laging pinagkakaguluhan ng mga customer nila, ngunit ang ngiti kong 'yon ay napalitan ng pananalubong ng aking kilay ng may mga lalaking naupo sa lugar na 'yon ng walang pasabi kaya sa inis ko ay nilapitan ko agad sila. "Hoy! Naka reserve na ang table na 'yan para sa amin ng kaibigan ko kaya kung hindi naman kabastusan para sa inyo ay magsi-alis kayo diyan!" ani ko habang nagpupuyos ako sa galit. Pagharap nila sa amin ay napa atras pa ako ng bahagya ng makilala ko ang mga ito. "Yes? What can I do for you?" ani ni Raymond na nakataas pa ang dalawang kilay at may ngising impakto sa kaniyang mukha. "Umalis kayo diyan! Kami ang nauna diyan kaya magsilayas kayo diyan!" galit kong ani at kahit pinipigilan ako ni Bea ay hindi ako umaalis dahil ako ang unang nakipag usap sa waitress kanina at nai-reserve na ito sa amin kaya dapat lang silang umalis. "Bestie ang daming tao, nakakahiya! Hayaan na lang natin sa kanila 'yan, humanap na lang tayo ng ibang pwesto." ani ni Bea, ngunit wala akong pakialam. Basta ang alam ko kami ang nauna sa table na ito at sumingit lamang sila. Hindi ko talaga sila tinitigilan sa kakatalak ko hangga't hindi sila umaalis, pero patuyo na ang laway ko ay hindi pa rin sila kumikilos at nananatili lang silang nakaupo at nag-uusap usap na magkakaibigan na tila ba hindi nila ako naririnig. Kaya sa inis ko ay kinalampag ko ang table nila sanhi ng pagtuwad ng isang baso na may lamang tubig at tumapon ito sa isa nilang kaibigan na sa tingin ko ay 'yung George. "Fuuuck!" sigaw niya habang ang mga kaibigan niya ay matalim na ang mga mata na nakatitig sa akin. Buti na lang at wala dito si Hanz kung hindi ay nakakahiya kay Roxanne. Saglit lang ako natigilan at hindi pa rin ako nagpapatinag sa kanila. Wala din akong pakialam kung marami na ang nanonood sa amin dahil sa mga bulungang naririnig ko. "Sir! Nakupo pasensya na po kayo! Ma'am please lang po, huwag po kayong manggulo dito, sa iba na lang po kayo maupo, hindi ko po kasi alam na nakareserve kila sir ang pwesto na ito." ani ng waitress. Tinaasan ko siya ng kilay, wala akong nakitang reserved sign sa table ng naupo sila dito kaya hindi niya ako maloloko kaya pinandilatan ko ang waitress na ikinayuko naman niya ng kaniyang ulo. "Buti nga sa inyo! Magsialis na kayo dito bago ko pa kayo ipakaladkad sa may-ari ng hotel na ito. Isang tawag ko lang sa kanya siguradong patatalsikin niya kayong lahat dito!" naiinis kong ani. Napatingin sa akin si Raymond at tumayo ito sa harapan ko at halos itapat pa niya ang mukha niya sa akin ng magsalita ito. "Kilala mo ba ang may-ari ng hotel na ito?" tanong ni Raymond kaya isang pagak na ngisi ang pinakawalan ko kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko. "Kilalang-kilala! Kaya kung hindi pa kayo aalis sa pwesto na 'yan ay isang tawag ko lang sa kanya ay magkakakandarapa na 'yon sa pagpunta dito dahil patay na patay siya sa akin, at sigurado akong sisipain niya kayo papalabas ng lugar na ito upang ibigay sa akin ang pwestong 'yan kaya kung ako sa inyo, upang hindi kayo mapahiya ay magsialis na kayo." wika ko pa. Hindi ko inaalis ang pagkakataas ng kilay ko sa kanya. Akala n'ya yata ay natatakot ako sa kanilang magkakaibigan. "Ma'am, ano po kasi," ani ng waitress na hindi ko na pinatapos pa. "Gusto mo bang pati ikaw ay masisante ha? Manahimik ka diyan kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" sigaw ko sa kaniya. Pilit akong hinihila palabas ni Bea dahil pinapanuod na daw kami ng mga tao at nahihiya na siya sa ginagawa kong pag-eeskandalo ngunit inalis ko lamang ang kamay niya na nakakapit sa aking braso. Ano ba dapat niyang ikahiya samantalang kami naman talaga ang nauna at gusto niya ang pwesto na ito kaya hindi ako papayag na hindi ko makuha ang lamesa na ito sa kanila. Ang mga ito ang nakakahiya dahil basta na lang sila nang aagaw ng table na naka reserve na para sa amin. "Sige nga iharap mo sa amin ang sinasabi mong may-ari ng hotel na ito at ng restaurant na ito. Gusto kong makilala ang sinasabi mong may ari nito na pataaaaaay na pataaaaaay sa iyo." ani ni Raymond na hinahabaan pa talaga ang pagkakasabi ng patay na patay habang ang mga kaibigan naman niya ay panay lamang ang tawanan. Napalunok ako ng laway at naglikot ang mga mata ko na hindi ko siya matignan pa. Mahihinang tawa ang narinig ko sa mga kaibigan niya ngunit hindi ko naman inaalis ang pagkakataas ng kilay ko. Tinawag ni Raymond ang waitress na itinaboy ko kanina at tinanong niya ito. "Kilala mo ba ang may-ari ng Hotel and Restaurant na ito?" tanong niya. Napalunok ako ng laway ngunit nananatiling nakataas ang kilay at noo ko sa mayabang na Raymond na ito. Naiinis ako sa kanya, akala mo kung sino at basta na lamang nang-aagaw ng table na hindi naman kanila. "Uhm, sir, ano po eh, uhm... Kayo po sir ang may-ari nito." ani niya sabay yuko ng ulo kaya napaatras ako ng hakbang na muntikan ko ng ikabagsak ngunit mabilis naman ang nagawang paghila ni Raymond sa kamay ko kaya sa halip na bumagsak ako pabalintuwad ay sa dibdib niya ako humantong. "Patay na patay pala ako sayo, bakit ngayon ko lang yata nalaman na patay na patay pala ako sa isang palaka? Bakit hindi ko yata alam na mahilig na pala ako sa palaka ngayon? Kokak ng kokak kahit saan mapunta!" ani niya. Hindi na ako makatingin sa kanila lalo na ng magsimulang magtawanan ang kaniyang mga kaibigan kaya sa inis ko ay tinulak ko si Raymond upang mahiwalay ako sa katawan niya at inayos ko ang buhok ko. "Inyo na ang table na 'yan mga hambog! Akala mo kung sinong mga gwapo puro naman kayo mga mukhang impakto! Lalong lalo ka na! Impaktong hambog!" sigaw ko at nagtatakbo na ako papalabas ng restaurant na kasunod ang aking kaibigan. Oh my god! Nakakahiya ang mga pinagsasasabi ko kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD