Chapter 4 -Impakto at palaka-

1186 Words
Ariana's POV Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking 'yon. Kailangan kong gumawa ng paraan upang mapawalang bisa ang kontratang pinirmahan niya, napakatanga ko talaga dahil original copy ang ibinigay ko kay Lola Frannea. May tiwala kasi ako kay lola pero hindi ko inaasahan na kay Raymond niya ipapasa ang mga ito upang pag-aralan. "Bakit mainit yata ang ulo mo?" ani sa akin ng aking kaibigan. Si Bea, kaibigan din namin siya ni Roxanne, may isa pa kaming kaibigan na si Diana na mahilig gumala at mahilig magpapalit-palit ng boyfriend. "Naiinis ako, kailangan kong makagawa ng paraan para makawala ako sa kontratang pinirmahan ni Raymond." ani ko sa kanya. Kilala niya si Raymond na pinsan ni Roxanne. Sa aming apat na magkakaibigan, siya ang may gusto kay Raymond at hindi ko alam kung ganoon din ba si Diana. Wala naman akong pakialam kahit na ba magkagusto sila sa mukhang impakto na 'yon basta ang mahalaga ngayon sa akin ay kung paano ko magagawang mabawi ang kontrata. "Hayaan mo na lang kasi bestie para madalas kong makita si Fafa Raymond noh!" maarte niyang ani. Napairap ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang gwapong-gwapo sila sa lalaking 'yon eh bastos naman at manyakis ang pinsan ni Roxanne. Hindi na lamang ako kumibo sa aking kaibigan, basta kailangan kong makagawa ng paraan upang makuha ko ang mga dokumento sa kanya. Ayokong nakakasama siya sa iisang lugar at kumukulo ang dugo ko sa kanya. Habang nag-uusap kami ni Bea ay nag-ring naman ang aking telepono at pagtingin ko dito ay walang iba kung hindi ang impaktong 'yon. Mabilis kong pinatay ang tawag niya dahil wala akong balak makipag-usap sa kanya. Muli na namang tumunog aking telepono kaya sa inis ko ay agad ko itong sinagot. "What do you want?" galit kong sigaw sa taong nasa kabilang linya. "Nakausap ko na ang aking engineer at architect, next week ay sisimulan na ang proyekto natin at inaasahan ko na magkikita tayo sa Batangas upang kausapin ang mga tauhan ko para sa ibang mga detalye. See you, palaka!" ani niya sabay patay ng kaniyang telepono. Sa galit ko ay naibato ko ang aking telepono at buti na lamang ay hindi ito nagkahiwa-hiwalay. "Oh my god! Ahhhhhh!" malakas kong sigaw na ikinatawa naman ni Bea. "Bestie, tama na nga 'yan! Kaya ka niya lalong inaasar dahil nagpapa-apekto ka. Akala ko ba siya ang napipikon pero bakit ikaw ang nakikita kong pikon na pikon ngayon?" ani ni Bea. Hindi ako kumibo at padabog lamang akong napaupo sa sofa. Naiinis talaga ako sa impakto na 'yon. Akala mo kung sinong gwapo samantalang wala naman siyang binatbat pagdating sa mga kaibigan niya. "Sige na bestie aalis na ako, mag-usap na lang ulit tayo mamaya dahil marami pa akong aasikasuhing mga importanteng bagay." wika niya. Tumango lamang ako sa kanya at lumabas na rin siya ng aking condo. Pagkaalis niya ay nagmamadali akong nagtungo ng aking silid at nagbihis ako, pupunta na lang muna ako sa mall at duon ako kakain ng hapunan. Wala ako sa mood magluto at lalong wala ako sa mood na umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Ayokong makita na natutulog sila sa magkaibang silid. Pagkabihis ko ay nagmamadali ko ng tinungo ang parking lot at pinuntahan ko ang pinakamalapit na mall. Habang naglalakad ako ay may bumangga sa akin na malaking tao kaya halos bumagsak ako sa sahig kaya galit akong napatingin sa taong nakabanggaan ko. "Ouch! Kuya naman, titingin ka naman sa daraanan mo! Hindi mo ba ako nakita?" naiinis kong ani habang hinihimas ko ang aking braso na nasaktan. "Miss, ikaw ang bumundol at hindi ako! Huwag ka kasing tatanga-tanga para hindi ka nakakaistorbo!" wika niya na ikinatawa ko. Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking ito at ako pa talaga ang pinagbintangan na bumunggo sa kaniya, samantalang siya ang may kachat sa phone kaya n'ya ako nabangga. Nakaramdam ako ng pagkainis kaya sa halip na magsalita ako ay hinampas ko siya ng dala kong bag at saka ako tumakbo ng mabilis. Buti na lang at nag sneakers ako at jeans kaya hindi ako nahirapan sa pagtakbo. Paglingon ko sa likuran ko ay nakita kong hinahabol ako ng lalaking hinampas ko kaya nakaramdam ako ng takot at mas binilisan ko pa ang pagtakbo, at dahil nga panay ang lingon ko sa aking likuran ay nabangga ako. Naramdaman ko ang pagtalbog ko sa kanyang katawan kaya napapikit ako ng maramdaman kong babagsak ako sa sahig ngunit bigla niya akong sinapo sa aking baywang kaya hindi ako bumagsak. Pagdilat ko ng aking mga mata ay gulat na gulat ako ng makita kong si Raymond ito kasama ang kaniyang mga kaibigan na nakatingin sa akin habang si Raymond naman ay nakangisi sa akin. Tumingin ako sa likod ko at nakatayo na ang lalaking hinampas ko sa harapan nila Raymond. "Ibigay mo sa akin ang babaeng 'yan, girlfriend ko 'yan at nagkakatampuhan kami." ani ng lalaki na ikinalaki ng mata ko at tinitigan ko siya ng masama at isang sipa ang binigay ko sa kanya. "Hindi ako pumapatol sa kabayo kaya huwag mong sasabihin na girlfriend mo 'ko!" galit kong ani kaya hinablot niya ako mula sa pagkakahawak sa akin ni Raymond. Tumingin ako kay Raymond at sa mga kaibigan niya dahil hindi sila kumikilos upang tulungan ako. "Tatayo lang ba kayo diyan? Tulungan ninyo ako, hindi ko naman ito kilala." ani ko. Tumawa si Raymond bago siya nagsalita. "Sabi nga niya boyfriend mo siya, may karapatan 'yan sa iyo kaya sumama ka na sa kaniya." ani niya sabay tawa ng malakas. Bigla akong hinila ng lalaki papalayo sa kanila kaya nakaramdam ako ng takot dahil malaking tao ito at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi niya ako binitawan. "Hayop ka, bitawan mo ako!" galit kong sigaw ngunit binitbit niya ako sa kaniyang balikat kaya nagpapapasag na ako. Mabilis na nagtuluan ang aking mga luha at nagsimula akong sumigaw ng malakas upang humingi ng tulong sa mga taong naglalakad gayon din sa mga security guards na nakatalaga sa mall na ito. Ngunit sinabi ng lalaking ito na asawa naman daw niya ako at may tampuhan lang kami kaya walang tumulong sa akin. Nagpapapasag ako ng bigla na lamang may humablot sa akin mula sa balikat ng lalaki at isang malakas na suntok, sipa at tadyak ang nagpabagsak sa kanya. Pagtingin ko ay si Isaac ang may hawak sa akin habang si Raymond naman ay ginugulpi ang lalaki. Halos nanginginig ang mga tuhod ko sa takot at nagpasalamat ako sa kanila pero sininghalan lamang ako ni Raymond na ikinagulat ko. "Sa susunod 'yang pagiging brat mo huwag mong dinadala sa mall, ang mga maiingay na palaka dapat sa bukid lang naglalagi. alam mo bang nakakaistorbo ka sa aming magkakaibigan ha?" galit niyang ani kaya nanlisik ang mga mata ko at sinipa ko siya sa tuhod. "Bwisit ka! Ang pangit talaga ng pag-uugali mo! Hindi ako palaka, impakto ka!" galit kong sigaw at tumakbo na ako papalabas ng mall. Paglingon ko sa kanila ay nakita ko ang galit ni Raymond sa akin ngunit wala akong pakialam. Ang pangit-pangit talaga ng ugali ng impaktong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD