Raymond's POV
Five months had passed since I last saw Ariana. Despite my cousin's pleas for help in finding Ariana, I didn't spend my time doing so. Ariana's whereabouts were unknown to me until Ariana suddenly appeared one day. We found out she was staying in Italy because of an issue with her parents. She fled when she learned that her parents were divorcing because she couldn't deal with the news. She left for the Philippines after five months, and nothing has altered regarding her behavior toward me. She's still the same b!tch that she always was, and I despise her for it, but I'm afraid I'll lose control and do something moronic if she doesn't stop.
My grandmother stopped me as I was about to get into my car.
"Apo sa opisina ba ang tungo mo ngayon?" tanong ni lola kaya napahinto ako at nginitian ko agad siya.
"May ipapagawa po ba kayo sa akin? Pwede naman po akong ma-late." ani ko at nilapitan agad ako ni lola at iniabot ang isang black folder.
"Pag-aralan mo ito apo, gusto kong malaman kung ano sa tingin mo ang magandang gawin sa proyektong 'yan. Sige na at baka mahuli ka pa, alam kong tambak ang trabaho mo." wika ni lola at umalis na din ako dahil ipinagtutulakan na niya ako sa aking sasakyan.
Pagkasakay ko ng aking sasakyan ay inilapag ko lamang ang black folder sa passenger seat at mabilis ko ng tinungo ang aking opisina. Pagkarating ko ay inilapag ko ang black folder sa ibabaw ng office table ko at mamaya ko na lamang ito babasahin.
Nakaupo ako sa aking sofa dito sa loob ng aking opisina, nakataas ang dalawa kong paa sa coffee table habang nasa kandungan ko naman ang aking laptop at may katabi akong isang bowl ng chips at may isang bote ng alak na nasa ibabaw ng maliit na table sa gilid ng aking sofa.
Habang busy akong nagtitipa sa computer ko ay pumasok naman si Isaac kaya napatingin ako dito at inalok ko agad siya ng chips na nasa bowl at tinanggap naman niya ito.
"Akala ko ba sasama ka sa amin na kumain sa labas, bakit nandirito ka pa?" tanong niya.
"Ikaw, bakit nandirito ka pa rin?" balik kong tanong sa kanya na ikinatawa naman naming pareho.
Napapailing na lamang ako sa aking kaibigan pero aaminin ko na may kung anong saya akong nararamdaman ngayon, marahil ay dahil maisasakatuparan ko na muli ang paghihiganti ko kay Ariana? I don't know, ang alam ko lang ay galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pang-aakit sa akin tapos ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Pero ngayon ay sisiguraduhin ko na magagawa ko na sa kanya ang matagal ko ng pinaplano nuon, ang maangkin ang katawan niya.
"Bakit parang ang saya mo naman yata ngayon bro, may nangyari na ba na gusto mong sabihin sa akin?" nagtataka niyang ani habang nilalantakan na ang chips na ibinigay ko sa kanya.
"Let's say na, nagsisimula na akong gumanti sa taong kinamumuhian ko." wika ko habang sa laptop pa rin ako nakatitig.
Napatingin siya sa akin at kumunot ang kaniyang noo. Natawa ako sa kaniyang reaksyon kaya napapailing siya sa akin.
"May naglakas loob na galitin ang isang Raymond Antonetti? Wow! Bago 'yan ha!" ani niya na natatawa. Ngumisi lamang ako at hindi na lamang ako kumibo at hinarap kong muli ang aking ginagawa. Aaminin kong mas lalong gumanda si Ariana, mas naging kaakit-akit siya kaya mas lalo akong nagkakaroon ng interes na magawa sa kanya ang nais ko.
"Bilisan mo diyan at hinihintay na nila tayo." ani niya. Napatingin ako sa black folder at nilapitan ko ito at binuklat ko. Pagkabasa ko ng nilalaman ay may sumilay na ngisi sa akin na ipinagtaka naman ni Isaac.
"Bro, next time na ako makikisalo sa inyo, mahalaga itong pinapagawa ni lola sa akin." wika ko. Hindi na naman siya nangulit at nagpaalam na din siya dahil nagugutom na daw siya. Pinag-aralan ko ang mga detalye ng nilalaman ng dokumento at pagkatapos ay inalis ko ang pangalan ni Roxanne at ipinalit ko ang pangalan ko at pagkatapos ay pinirmahan ko ito. Ngayon ay mas madalas na tayong magkikita Ariana, tignan ko lang kung sino ang unang susuko sa atin sa mga ginagawa mo sa akin. Napahimas ako sa aking baba, ito na ang unang hakbang at pagkakataon ko upang makaganti ako sa babaeng 'yon. Nakapirma na siya at ako kaya hindi na siya makakaatras pa. Original copy ito kaya sigurado akong wala siyang hawak na copy dahil malaki ang tiwala niya sa aking lola.
Nagmamadali akong lumabas ng aking opisina matapos kong ibalik sa black folder ang mga dokumento, nagbilin lang ako sa aking sekretarya ng mga ilang detalye at umuwi rin agad ako.
"Bakit napaka aga mo naman yata apo?" ani ni lola ng iniabot ko sa kanya ang dokumento.
May malaking ngiti sa aking labi ng inabot ko kay lola ang folder. Ito na ang simula ng paghihiganti ko sa iyo na naudlot nuon dahil nawala kang parang bula pero ngayong nagbalik ka na ay sisiguraduhin ko sa iyo na hindi mo na ako matatakasan pa dahil susundan kita kahit sa impyerno ka pa magtago.
"Natapos ko na po kasi ang mga ginagawa ko, napirmahan ko na 'yan lola, pinalitan ko ng pangalan ko ang pangalan ni Roxanne kaya sa akin sososyo si Ariana sa itatayo niyang resort sa Batangas." ani ko na ikinagulat naman ni lola.
Napatingin sa akin si lola at mabilis na binuklat ang dokumento at binasa ito. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng mabasa niya ang kontrata at ang pangalan ko. Hindi pa nga ako tapos, kapag nakita na ni lola lahat ay may idadagdag pa ako at pagkatapos ay ipapasa ko naman ito sa aking abogado upang wala ng atras ang babaeng 'yon sa akin.
"Pero si Roxanne ang gusto niyang makasosyo apo, hindi lang maasikaso ngayon ng pinsan mo dahil kakakasal lang nila ni Hanz at may mga anak pa silang inaasikaso." ani ni lola habang pinag-aaralan pa rin niya ang mga dokumento na nasa harapan niya.
"Kaya nga ako na lang po dahil balak ko din talaga magtayo ng resort sa Batangas para kapag gusto kong magpahinga ay sa Batangas na lang ako pupunta.
Hindi na kumibo pa si lola at tumango na lamang ito, alam kong nagtataka siya dahil kung tutuusin ay kayang kaya ko ang magtayo mag-isa ng resort sa kahit saang lugar ko gustuhin, hindi katulad ni Ariana na kakailanganin niya ng kasosyo dahil hindi pa naman niya hawak ang mga negosyo ng kaniyang mga magulang. Ginagawa ko lamang ito dahil pahihirapan ko ang Ariana na 'yan.
Umakyat na ako sa aking silid, tinawagan ko na din si Roxanne upang ipabatid ang ginawa ko at natuwa naman siya dahil sa ngayon daw talaga ay full-time mother siya sa apat niyang mga anak.
Nakakatuwa ang kainosentihan ni Ariana, akalain mo na pumirma agad siya sa mga kontratang ipinasa niya kay lola, samantalang kapag napasakamay ng iba ang dokumentong 'yon ay maaari niyang ikapahamak. Buti na lang talaga at mnay pirma na niya kaya wala na siyang kawala pa sa akin.
"Salamat Kuya Raymond, pangarap kasi ni Ariana ang magkaroon ng isang resort kaya lang hindi pa nga kayang gastusan mag isa kaya kailangan niya ng tulong. Buti na lang pala at may balak ka din magtayo ng resort sa Batangas. Thank you and I love you Kuya Raymond." masaya niyang ani sa akin.
Pagkatapos naming mag-usap ay tinawagan ko naman ang mga engineer at architect na hawak ko upang puntahan nila ang tinutukoy na lugar ni Ariana sa dokumento.
Hindi naman nagtagal ay nakatanggap ako ng message kay Roxanne kaya binasa ko agad ito. Alam kong tatawagan ni Ariana ang pinsan ko kapag nalaman niya ang tungkol dito.
"Kuya, hiningi ni Ariana ang number mo at ibinigay ko ang business number mo. Kayo na ang bahalang mag-usap, sigurado akong tatawagan ka niya mamaya."
Pagkabasa ko ay biglang nag ring ang aking isang telepono at napangiti ako ng makita ko na numero lamang ito kaya Sigurado akong si Ariana ang tumatawag sa akin.
"Hello!" nakangisi kong ani. Tuwang-tuwa ako ng marinig ko ang boses ni Ariana na galit na galit sa kabilang linya at halos murahin na ako pero nag-eenjoy naman ako.
"Gusto kong ipawalang bisa ang kontratang pinirmahan mo! Napakasama mo talagang impakto ka!" galit na ani niya at napangisi ako sabay layo ng telepono sa aking tainga dahil sa lakas ng boses niya na galit na galit sa akin.
"You can't, nagdagdag ako ng ilang kasunduan na kapag ipinawalang bisa mo ang kontrata ay babayaran mo ako ng triple sa halagang napagkasunduan natin sa kontrata. Pwede naman basta ba mamaya ay matatanggap ko din ang tseke na nagkakahalaga ng triple sa nakasulat sa kontrata. Hintayin ko mamaya ha, dito ka na dumiretso sa silid ko dahil namimiss ko na ang katawan mo." ani ko at pinatay ko na ang phone. Kahit anong tawag niya sa akin ay hindi ko na sinagot pa ang telepono dahil alam ko namang mumurahin nya lang ako dahil sa sobrang galit niya sa akin, humiga na lamang ako sa aking kama at napangiti ako sa mga pinaplano ko para sa kaniya.
'Gusto mo ng laro Ariana, pwes, pagbibigyan kita!' nakangisi kong bulong. Siya ang nagsimula ng gulong ito kaya sisiguraduhin ko na ako ang mananalo at hindi siya.
Ipinikit ko ang aking mga mata, gusto ko munang umidlip ngunit ayaw akong dalawin ng antok, bumangon ako at nagtungo ako ng banyo, pagkatapos kong maligo ay nag short lang ako at isang manipis na sando. Mayamaya ay may kumatok sa aking silid kaya agad ko itong binuksan.
"Apo, nasa ibaba si Ariana, pinapaakyat ko na nga lang dito pero ayaw, sa ibaba ka na lang daw niya hihintayin. Baka pag-uusapan na ninyo kung kailan sisimulan ang proyekto." ani ni lola. Napangiti ako, inaasahan ko na ito pero hindi ganito kabilis. Bumaba ako sa unang palapag at inabutan ko si Ariana na nakaupo sa sofa na hindi maipinta ang pagmumukha.
"What can I do for you, Miss. Demetrio?" ani ko na may halong pang-aasar. Nakikita ko ang matinding galit sa kaniyang mga mata na kulang na lang ay patayin ako.
"Akina ang kontrata, susunugin ko ang kontratang 'yan!" galit niyang ani na ikinatawa ko ng malakas. Ang ganda lang niyang tignan kapag galit na galit siya, mas lalo siyang gumaganda sa aking paningin.
"Nasend ko na ang copy sa abogado kaya wala ka ng kawala sa akin Miss. Demetrio. Tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo Miss. Demetrio." wika ko na hindi maalis ang aking malaking ngiti at pinag-didiinan ko pa ang kaniyang apelyido.
Nakikita ko ang matindi niyang galit sa akin habang nag-eenjoy naman ako, mukhang hindi pa man nauumpisahan ang proyekto namin ay panalo na agad ako sa labanang ito.
"Kung ano man ang pinaplano mo hindi ka magtatagumpay! Akala mo kung sinong magaling at gwapo, pero wala ka namang binatbat sa mga manliligaw ko!" galit na galit niyang ani.
"Huwag mo akong ikumpara sa manliligaw mo dahil wala akong balak na ligawan ka! Hindi ang katulad mo ang paglalawayan ko! Kung tutuusin nga ay wala naman akong pakialam sa iyo nuon pero ano ang ginawa mo ha. Naghubad ka lang naman sa harapan ko at lagi mong hinihimas ang dibdib mo at inaakit ako. You will pay soon sa mga ginagawa mo sa akin kaya paghandaan mo ang lahat ng gagawin ko sa iyo Ariana dahil sisiguraduhin ko na bawat galaw ko diyan sa katawan mo ay ikababaliw mo." ani ko na medyo napikon ako sa sinabi niya. Kung ikukumpara niya sa akin ang mga manliligaw niya ay sigurado akong walang binatbat ang mga 'yon.
Tumayo siya at isang malakas na sipa ang ginawa sa binti ko kaya napaluhod ako sa sakit at hindi ko agad siya nahabol ng mabilis itong tumakbo papalabas ng kabahayan.
"Bwisit kang babae ka! Humanda ka sa susunod na pagkikita natin!" malakas kong sigaw at ng napatingin ako dito ay binelatan pa ako nito at sinungayan.
Nanggigigil ako sa babaeng 'yon, ang sakit ng pagkakasipa sa akin, ang tulis pa naman ng dulo ng sapatos niya. Makakaganti din ako sa babaeng 'yon, huwag siyang mag-alala at pahihirapan ko siya kapag sinumulan na ang proyekto namin.
Tinawagan ko ang aking engineer at architect upang madaliin na ang pagpunta duon at ng masimulan na agad ang hotel and resort na itatayo namin ng mortal kong kaaway.
Tignan lang natin Ariana kung hanggang saan talaga ang tapang mo, sisiguraduhin ko sa iyo na hindi ka mananalo, sisiguraduhin ko sa iyo na ikaw ang iiyak sa huli at hindi ako dahil hindi ang katulad mo ang iiyakan ko.
Napatingin ako sa aking tuhod at hinimas ko ito, lintik talagang babae 'yon at nasaktan talaga ako sa ginawa niya.
Sa susunod naming pagkikita ay sisiguraduhin kong magmamakaawa siya na pakawalan ko siya.
"Oh hijo, nasaan si Ariana?" ani ni lola na papababa ng hagdanan.
"Umuwi na ho lola, masyado lang siyang excited sa project naming dalawa., Sayang lola wala ka dito kanina, nakita mo sana kung gaano siya kasaya ng malaman na kaming dalawa ang magkasosyo sa proyekto. Kulang na nga lang ay halikan ako kanina kaya lang lumayo ako dahil kaibigan siya ni Roxanne. Alam mo naman ho ako good boy talaga ako." wika ko. Hinimas naman ni lola ang aking braso at tila natuwa sa aking sinabi kaya mas lalong lumaki ang pagkakangisi ko.
"Napakapalad ni Ariana at ikaw ang naging kasosyo niya apo, bukod sa napakabait mo na ay napakasipag mo pa, sigurado akong magkakasundo kayong dalawa sa lahat ng bagay. Hayaan mo at ipagluluto ko ang batang 'yon ng lasagna kapag sinimulan na ninyo ang proyekto ninyo." ani pa ni lola.
"Naku huwag na po lola! Ako na lang ang bahala sa kaniya, huwag po kayong mag-aalala at aalagaan ko siyang mabuti para naman maipagmalaki pa ninyo akong lalo." ani ko sabay ngisi ko ng malaki.
"Tama 'yan apo, alagaan mong mabuti ang batang 'yon at wala pang alam tungkol sa mga negosyo 'yon at ikaw na din ang bahala sa kanya, alam mo naman na may pinagdadaanan ang kaibigan ng pinsan mo na 'yon." ani pa ni lola. Tumango naman ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa kaniyang noo.
"Ako na po ang bahala sa kanya lola, pangako na aalagaan ko siya, alagang-alaga at pati mga lamok at langaw ay hindi siya dadapuan, dila ko lang poi ang dadapo sa kaniya." bulong ko.
"Anong sinabi mo apo?" ani ni lola na ikinatawa ko naman ng malakas.
"Wala po! Ang sabi ko po ay huwag kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala sa kaniya. Aalagaan ko po siya para sa inyo." wika ko na ikinangiti naman ni lola.
Ako ng bahala, ipaparanas ko sa kaniya ang langit na hindi pa niya nararanasan sa buhay niya.
Nagpaalam na din ako kay lola at tinungo ko na ang aking silid. Gusto ko na lamang munang magpahinga upang may lakas ako sa susunod na gagawin ko sa babaeng 'yon.