Chapter 5 -Lasing na Palaka-

2009 Words
Raymond's POV "Mukhang nakahanap ka yata ng katapat mo ha?" ani ni Isaac sa akin habang pinagmamasdan ang palakang 'yon na tumatakbo papalayo sa amin. Hindi ako kumibo at galit ko lamang na sinusundan ng tanaw si Ariana. "Kapag lumingon 'yan akin ang katawan niyan! Katawan lang niya hanggang sa mag-sawa ako sa kanya." wika ko sa kanila. Biglang lumingon si Ariana sa amin at hindi pa rin nagbabago ang galit kong anyo na nakatingin sa kanya, habang ang mga kaibigan ko naman ay nagkakantiyawan na. "Yari kang babae ka! Isang Raymond ang hindi mo maiiwasan ngayon!" wika ni George habang tumatawa. Hinimas ko ang tuhod ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang pagkakasipa niya sa akin. May araw ka rin sa akin Ariana at nalalapit na ang araw na 'yon. "Palaban ang babaeng 'yon ha! Kaya pala interesado ka dahil mukhang mag-eenjoy ka sa kanya." ani naman ni Isaac. Ngumisi lamang ako at inaya ko na silang magtuloy sa bar. Gusto ko munang uminom dahil pagod ang katawan namin sa maghapong trabaho. Interesado lang naman ako sa babaeng 'yon dahil gusto kong tikman ang katawan niya pero sa oras na makuha ko na siya ay bahala na siya sa buhay niya. Nakarating kami ng bar na pag-aari ng isang kilalang bilyonaryo na kasosyo sa negosyo ni Isaac, ang mga Montreal. Agad naming tinungo ang ikalawang palapag kung saan naroroon ang VIP area. "Guys, ako na ang oorder ng maiinum natin." ani ni Gabriel. Sa halip na tumawag ng waiter ay nagtungo na lamang ito sa bar area. Masayang kaming nag-uusap-usap ng inginuso ni Isaac ang ibabang bahagi kaya naman napatingin kami at napangisi ako ng makita kong pumapasok sa loob si Ariana at may kasama itong dalawang babae at tatlong lalake na tila ba kapartner nila ang bawat lalaking kasama nila. Napasandal ako sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan ko lamang sila na busy sa paghahanap ng bakanteng lamesa. Nakita ko kung paano siya alalayan ng kasama niyang lalake kaya napataas ang kilay ko. May nagkakagusto pa pala sa palakang 'yon? Akala ko ang katulad niya ay pang aliw lang pero mukhang malakas ang tama ng isang 'yon kay Ariana. Napangisi ako dahil sa pumapasok sa aking isipan. Sisiguraduhin ko muna na pagsasawaan ko ang katawan niya bago siya mapunta sa lalaking 'yon at bahala na sila kung ano man ang gusto nilang gawin. Ang importante mapagsawaan ko muna ang katawan niya. "Mukhang kakaiba 'yang ngisi mo ha? Minamanyak mo na ba ang kaibigan ng pinsan mo diyan sa marumi mong utak ha?" bulong ni Isaac. Ngumisi lang ulit ako at tumungga ako sa alak na nasa table na namin. "Mukhang mag-eenjoy ako ngayong gabi dito." ani ko sa kanila at tumawa ako ng may kalakasan. Nakakailang bote na rin kami ng alak, hindi naman kami 'yung basta-basta na lang nalalasing agad unless na lang talaga wala kaming tigil sa pag-inom. Kontrolado pa naman namin ang sarili namin sa pag-inom lalo na ako dahil may binabantayan akong mga kilos. Nakita ko ang paglingkis ng kamay ng lalake sa balikat ni Ariana ngunit binabalewala ko lamang. Hinalikan ng lalaki sa leeg si Ariana na itinulak naman nito upang ilayo ang nguso ng mukhang kuhol niyang ka-date. "Mukhang ineenjoy mo ang panonood sa kanila ha, hindi mo ba siya tutulungan dahil mukhang gusto na siyang tikman ng kasama niya?" ani ni George. Natawa ako sa sinabi niya at napailing ako sabay tungga ng kopita na may bagong salin na alak. "Hayaan mo siya! Ginusto niya 'yan at hindi niya ako bodyguard o alalay para bantayan siya! Kung gusto niyang magpalamas sa lalaking 'yon bahala siya sa buhay niya!" ani ko na ikinatawa naman nila. Si Hanz naman ay panaka-nakang tinitignan ang kinaroroonan ng kaibigan ng asawa niya, alam ko naman na nag-aalala siya dito pero batid ko naman na hindi 'yan mapapahamak sa lugar na ito habang nandirito kami at nakikita namin ang mga nangyayari sa ibaba. Humarap na ako sa mga kaibigan ko at pinag-usapan namin ang mga bago naming proyekto na magkakasama. Napag-isipan kasi namin na magtayo ng isang malaking exclusive village na papangalanan naming Quantum Park Village. "Nasaan pala 'yung blueprint natin?" tanong ni Ryven. "Nasa car ko, gusto ba ninyong makita?" tanong ko naman. Napangiti sila at hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila dahil sa ngiti pa lang nila ay alam ko na ang sagot nila. Mabilis akong bumaba ng unang palapag at halos patakbo akong nagtungo ng parking lot, malapit na sana ako sa sasakyan ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Ariana at pareho pa kaming nagulat ng makilala namin ang isa't-isa. Sa kilos niya ay nakikita ko na medyo lasing na ito kaya umiwas na lamang ako at nilagpasan ko siya ngunit dahil nga palaka ito eh siguradong mag-iingay. "Ano ginagawa mo dito ha impakto ka? Sinusundan mo ba talaga ako ha?" galit niyang ani na ikinatawa ko. Hindi ko siya pinansin dahil nakainom ito, naglakad lang ako papalayo sa kaniya ngunit sinunsundan naman niya ako at hinampas pa niya ako ng bag sa likuran ko kaya nagpanting ang tainga ko at hinarap ko siya. Hinablot ko ang braso niya at marahas ko siyang idinikit sa katawan ko. "Huwag mo akong piliting may gawing hindi maganda sa iyo at baka pagsisihan mo! Umuwi ka na dahil nakaka istorbo ka ng ibang tao!" galit kong ani sa kanya. Hindi ko man lamang siya nakitaan ng takot, marahil ay dahil sa impluwensya ng alak sa kaniyang katawan kaya napapailing na lamang ako. Marahas ko siyang binitawan at tinalikuran ko agad ito at nagsimula na naman akong maglakad papalayo sa kaniya ngunit ayaw niya talaga akong tantanan at hindi maintindihan kung bakit sa dinami rami ng bar ay dito pa talaga kami sa iisang lugar nag-punta. "Kahit kailan, masama talaga ang ugali mo! Dapat sa iyo itinatali at sinusunog, ganoon ang ginagawa sa mga impaktong katulad mo!" wika niya. Nagpipigil ako ng galit ko, ayokong masira ang gabi ko kaya ng makarating ako ng aking sasakyan binuksan ko agad ito, pumasok ako sa loob at hinanap ko ang case na may lamang nakarolyong blueprints ng aming proyekto. Paglabas ko ng aking sasakyan ay napatda ako at hindi agad ako nakakilos ng tumambad sa akin si Ariana na litaw ang dibdib kaya napatingin ako sa paligid at baka may ibang taong nandirito. Buti na lamang at nasa pinakasulok ng parking lot ang sasakyan ko kaya walang nadadaang mga tao dito. Huminga ako ng malalim at pilit kong pinaglalabanan ang nararamdaman ko dahil alam kong lasing lamang ito. Itinaas ko ang strap ng blouse niya at inayos ko ang suot niya at umiling ako dito. Nilagpasan ko siya ng muli itong magsalita. "Nababakla na ba ang isang Raymond Antonetti kaya iniiwasan ako?" ani niya. Pagkarinig ko ng sinabi niya ay iniisang hakbang ko lamang ang pagitan namin at siniil ko siya ng mapagparusang halik. Alam kong lasing ito pero sinasagad niya ang pasensya ko. Naramdaman ko ang mga kamay niyang yumakap sa akin kaya inilayo ko ang katawan ko sa kanya at nginisihan ko siya. "Mas masarap kung hindi ka lasing. Saka mo na ako akitin kapag hindi ka lango sa alak para pareho tayong masarapan." bulong ko at iniwanan ko na siya at napahalakhak pa ako. Nababaliw na ang babaeng 'yon, alam kong ginagawa niya iyon upang pasakitin lamang ang puson ko pero hindi siya magtatagumpay. Pasalamat siya dahil kahit nakainom ako ay matino pa din ang utak ko, kung nagkataon ay pinuwersa ko na siyang angkinin sa ibabaw ng aking sasakyan. Pagkarating ko ng VIP area ay iginiya nila ako sa isang private room na may malaking bilog na lamesa at glass wall na tinted kaya kitang-kita namin ang mga nangyayari sa labas ng room na ito. Inilabas ko sa case ang nakarolyong blueprints at inilatag ko ang isa sa ibabaw ng malaking lamesa at ang isa ay iniwanan ko sa loob ng case. Pinagmasdan nilang mabuti ang blueprint na ipinatong ko sa table, bawat detalye ay sinusuri ng mga ito habang ako naman ay naghihintay lamang sa susunod nilang sasabihin. Hindi rin ako mapalagay dahil lasing na si Ariana at alam kong may pagnanasa sa kanya ang kasama niyang lalaki. "Would it be possible to expand this area to accommodate big celebrations and gatherings? Don't you think having a large clubhouse in our new village is a fantastic idea?" Isaac stated. "Isaac is correct! We must ensure that we will appease people who wish to purchase real estate in our area. Let's heed his counsel." Ryven stated. Well, they are correct. I was considering that as well, and I have two completed blueprints on hand. One features a smaller clubhouse and pool, and the second one features a larger clubhouse and larger pool. The residents will appreciate the second one because of the larger clubhouse and pool, along with a restaurant and bar. "I know, guys! In case you don't like the first blueprint, just take a look at this second blueprint. This one features a bigger clubhouse and pool. There is also a bar and a restaurant there." I said. Then I took the initial blueprint that was on the table and replaced it with a new one. "Wow! This is precisely what our new village requires! What do you think, guys? We also need to get started as soon as possible! This is the major project on which we must concentrate!" Isaac stated. Pagkatapos naming napili ang second blueprint ay masaya na kaming bumalik sa table namin na naghihintay na sa amin. Napatingin akong muli sa ibaba at nakita kong nakayukyok na ang ulo ni Ariana sa lamesa at mukhang lasing na lasing na ito, napatingin ako sa paligid at hinanap ko ang mga kasama niyang kaibigan at nakita ko ang mga ito sa dance floor na nagsasayawan kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Ariana at nagulat ako sa nakita ko. Napatayo ako ng makita kong binuhat ito ng kasama niyang lalaki at inilabas ng bar kaya nagmamadali akong bumaba at tinakbo ko ang lalaking may karga kay Ariana habang kasunod ko naman ang mga kaibigan ko. "Excuse me, saan mo dadalhin si Ariana?" tanong ko sa lalaking mukhang manyakis na mukhang naglalaway na upang maangkin ang lasing na palaka. Kanina ko pa ito gustong lampasuhin dahil kanina pa niya nilalamukos si Ariana at sinasamantala ang kalasingan nito, pasalamat siya at naging busy kami dahil sa pinag-uusapan naming proyekto. "She is my girlfriend at kahit saan ko siya dalhin ay wala ka ng pakialam pa! Pwede bang umalis ka sa daraanan ko dahil kailangan ko ng iuwi ang kasintahan ko dahil naparami ang ininom niya." asik niya na ikinatawa ko. Dumating naman si Hanz dahil pinatawag ko ang mga kasama ni Ariana na babae at tinanong namin kung kasintahan nga ba ni Ariana ang lalaking ito ngunit tumanggi sila at sinabing kaibigan lamang ito ng boyfriend ng isa nilang kaibigan at hindi nila alam kung bakit karga niya si Ariana, kaya mabilis kong kinuha si Ariana sa kaniya at ipinasa ko kay Ryven at pagkatapos ay sinipa ko ito kaya bagsak agad siya sa sahig. Akma siyang tatayo kaya isang tadyak naman ang ibinigay sa kanya ni Isaac. "Stay down!" sigaw ni Isaac sa kanya. Nakatingin lamang sa kaniya ang kasama niyang dalawang lalaki na sa tingin ko ay kaibigan niya ngunit isa man sa kanila ay walang nagnanais na tulungan ito. "Iuwi na ninyo ang palakang 'yan sa kanila at baka mapahamak pa kayo. Umuwi na din kayo at iwanan na ninyo ang mga tukmol na 'yan. Kahit kailan talaga ay hindi na kayo natuto!" ani ko sa kaibigang babae ni Ariana na may pagkainis na panay ang pagpapacute sa akin. Pagkatapos naming silang ihatid sa kanilang sasakyan ay bumalik na din kami sa loob ng bar at muli naming ipinagpatuloy ang naudlot naming kasiyahang magkakaibigan dahil sa babaeng palaka na 'yon. Napapailing na lamang ako ng aking ulo, pwede din pala na malasing ang mga palaka kaya natatahimik, akala ko puro ingay lang ang kaya nilang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD