CHAPTER 34
GIOVANNI POV
Dahil sa mga tauhan niya ay nakarating siya ng maayos sa kanyang condo sa Makati ang Dela Fort Connecticut Condominium Tower.
Pagkapasok niya sa kanyang sariling unit ay naabutan niya si Thaddeus na naghahanda ng kanyang maiinom na kape, mahilig siya sa kape lalo kapag stress siya at kabisado na ni Thaddeus ang kanyang kinagawian.
"Young master ito na ang inyong coffee, nilalapag ang tray sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan niya.
"Grazie, Thaddeus ", pahayag niya
"Pasensya na kayo sa mga tauhan natin ,Young Master.. hindi po nila sinasadyang matakasan sila noong mga nagtangkang bumangga sa inyong sasakyan..nagkataon po kasi hindi lang sila ang nasa daan maraming sasakyan po silang kasabayan.",
"Nauunawaan ko, Thaddeus.. ang importante walang masamang nangyari sa akin at dahil sa iyon 'yon.. kaya malaking utang na loob ko sa iyo. ", madamdamin niyang pahayag
"Walang anuman , Young Master! handa po akong paglilingkuran ka ng buong puso.. kayo ng pamilya niyo."
"Mawalang-galang na po sa inyo, Young Master.. kung wala na po kayong ipag-uutos pa, maiiwan ko na po kayo.", pahayag nito
"Sige iwanan mo na ako, kaya ko na ang sarili ko, Thaddeus!", saad niya
"Anong oras po ang dating ng Ama niyo bukas, Young Master?", tanong nito
"Hapon po ang dating ng Papa," at nagpatuloy sa pag-inom ng kspe
"Salamat sa inyong pagsagot, Young Master!", yumuko pa ito bago umalis sa kanyang harapan.
Sa guard house nila Amaya may isang lalaki ang nanggagalaiti na naman sa galit dahil sa palpak nitong mga tauhan na tambangan ang sasakyan ni Alessandro.
"Anong nangyari sa iyo na naman Brandon?" pahayag ng nakakatandang kakambal
"Poro palpak na lang mga tauhan na inutusan ko. May sa pusa ba ang Alessandro na iyon at hindi mamatay matay.", inis nitong reklamo
"Pabayaan mo muna ang Alessandro na 'yan at magpokos ka sa inutos sa iyo ng matanda kung ayaw mo ikaw ang yayariin noon.", pahayag ng kuya
Natahimik naman ang nakakabatang kapatid sa sinasabi ng kuya. At naiisip na kailangan niya ngang pagtutuunan ng pansin ang paparating na shipment sa makalawa.
"Wag na rin tayo ditong bumalik.. akala ko kung saan mo ako dadalhin.. inaabala mo ang oras ko.", pahayag ng kambal na hindi nito ikinaimik
Walang mga kuwenta ang lestugas na mga tauhan. Akala pa naman niya ay maipaghihiganti na niya ang mga magulang at bunsong babae sa kanilang pagkamatay. Pero ang ilap ng pagkakataon na makalaghiganti sila.
Dumagdag pa itong inutos sa kanya ng kanyang lolo. Hindi niya puwede na hindi-an.
"Tara kuya at umalis na tayo dito , inaya na ang kuya upang lumabas na sila ng bahay na iyon.. kung saan bahay rin pala ng fiancee ng kakambal niya na si Aminah na kapatid ng nobya ni Alessandro.
Lumabas nga sila ng gate at sumakay sa kanilang kotse na nakapark sa di kalayuan sa bahay ng mga Silva .
Naghihimutok ang kalooban na gusto niya nang magwala pero syempre hindi niya magawang magwala dahil ss kuya niya at siya naman ang yayariin nito kapag ginawa niya.
"Kung may balak ka o pinaplano na gawin, ipaalam mo sa akin.. balewalain ko 'to sa ngayon once mauulit pa ito, may kalalagyan ka na sa akin ", determinado nitong sabi sa kanya, nakikinig lang ito sa sinasabi ng kakambal
Nakarating sila sa condo nito at agad naman na bumaba, walang paalam na naglalakad papasok sa loob ng building. Napapailing na lang siya sa inasta ng kakambal niya.
Nagmaneobra na siya paalis sa lugar, hindi naman kalayuan ang kanyang bahay sa condo ng kakambal kaya madali lang siya nakarating. Wala ring traffic dahil hating gabi na.
Wala na ring gaanong commuters sa mga oras na iyon.
Pagdating niya sa kanyang bahay nagtataka siya bakit ang dilim ng kabahayan. Nasaan si Isabel na siyang laging nagbubukas ng mga ilaw sa bahay niya.
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan pagkapasok niya pagkatapos pindutin ang remote control na lagi niyang dala upang bumukas ang electronic gate niya.
Binuksan ang main door gamit ang kanyang boses at binigas ang secret password.
Pagkatapos ay binuksan ang ilaw gamit ang isang snap lang at umilaw ang buong ilaw na nasa kanyang living area.
"Isabel, Isabel!", tawag niya pero walang sumasagot sa kanya, dati rati nagtatakbo na ito kapag narinig siya .
Asan ang babae na 'yon. tanong niya sa isip pero winalang bahala niya ito at umakyat sa kanyang sariling kuwarto.
Dahil sa naramdaman na pagod pagkatapos nagpalit ng damit pantulog ay sumampa na siya sa kanyang kama.
Sa silid ni Amaya may isang anino ang dahan dahan lumapit sa babaeng natutulog.
Anong merun sa iyo at palagi ka nilang nabibigyan nang atensyon..kausap nito sa sarili
Ikaw ba ang babaeng sisira sa mga plano ko kay Brandon,kung ikaw man kailangan mo mawala sa aking landas bago mo masira . Hindi mo alam ang pinagdaanan bago ako makalapit sa kanya patuloy sa mahinang kausap nito sa sarili.
Hindi ko hahayaan na sirain mo ang nasimulan ko, kaya patawad pero kailangan mo nang mamahinga at mauna ka nang makipag kita kay San Pedro.
Maganda ka pa naman sana, sa ilang araw 'kong pagsunod sa iyo, nakita kita..Sayang ang beauty mo girl pero ganun talaga, hadlang ka e.. sabi nito sa sarili
Paano ba 'yan girl , ako na lang ang magpaalam sa iyong mga magaulang para sa iyo. Hindi ka na kasi magigising pa e bukas,
Handa na sanang itakip ng kung sino man ang unan na kinuha nito kanina bago lumapit sa natutulog na nasa ibabaw ng kama ng biglang bumukas ang ilaw sa loob ng kuwarto. Na ikinatayo ng mabilis.
"Sino ka, bakit ka narito sa kuwarto ko?.", ang nagsasalita ay walang iba kundi ang may-ari ng kuwarto si Amaya
"Pa-paano ka..", hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla niya ito pinatikim ng double kick na tumama pa sa tagiliran at panga na siyang ikinaatras nito mula sa kanya. Narinig niya pa ang nasaktan nitong boses at ang malutong nitong pagmumura na napag-alaman niya na isa pala itong babae.
"Mabuti rin naman ito upang sa ganun maramdaman mo ang sakit ng pagkitil ko sa buhay mo ", matapang na pahayag nito na pinunasan ang dugo sa labi nito
"Anong atraso ko sa iyo, hindi kita kilala pero sa nakikita kong galit mo sa akin parang kilalang kilala mo ako." ang pahayag ni Amaya sa hindi nakikilalang kaharap
"Hindi mo nga ako kilala, kaya tapusin na natin ito ", pagkasabi nito siyang sugod nito kasabay ng mga suntok na nasangga naman ni Amaya.
"Magaling kang umilag at nasangga mo lahat ng bato kong suntok sa iyo. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.", mayabang nitong sabi
"Akala mo naman, magpapatama ako sa iyo, " pahayag ni Amaya
"Yah!" isang suntok na pinakawalan ni Amaya na muntikan itong tumama sa pisngi
Sunod sunod ang pinakawalan ni Amaya na sipa at suntok hanggang masukol ito sa dingding sa kakaatras
Idiniin ni Amaya ito sa dingding gamit ang braso pero nabitawan din ito ni Amaya dahil sa pagtuhod nito at nakakita ito ng pagkakataon at nahawakan si Amaya at binalibag sa nalapit na kama ikinaigik ni Amaya ang sakit ng kanyang tagiliran sa pagtama nito sa frame ng kama.
Dahil sa pambuno nilang dalawa nataman at nahuhulog na ang iilang gamit ni Amaya,
" Ano masakit ba?, akala ko ayaw mo magpatama sa akin.. poor girl, hahaha!", tumatawa pa nitong pahayag
"Nakatsamba ka lang, kung sino kang baliw!", ang sabi ni Amaya
Pasugod itong muli pero nakapaghanda na si Amaya dito. Malapit na ito , mabilis ang pagulong ni Amaya sa kabilang panig ng kama na akma nitong dagandan ang dalaga . Sa ginawa ni Amaya ito ang dumeretso padapa sa kama na mabilis rin naman itong gumulong .
Tinalunan ito ni Amaya na sunod sunod nitong pinakawalan ang mga mabibigat na suntok habang nasa ilalim ito.
Sa ganung posisyon si Amaya ng may kumatok sa pinto ng dalaga dahilan upang maitulak ito nang nakalaban at ikina- hulog ni Amaya sa kama.
Mabilis namang tumayo ang kalaban ni Amaya at tumakbo palabas sa veranda ng kuwarto ni Amaya. Na sinundan na lang ni Amaya ito ng tingin
Siya namang pagbukas ng pinto ng kuwarto at ang mommy ni ang iniluwa sa dahon ng pinto na dumulog ito kaagad pagkakita sa kanya na nasa sahig .
"Amaya, anong nangyari sa iyo, baby?", na ang mga mata umiikot sa kabuuan ng kanyang silid
"Anong nangyayari dito?", tanong ulit nito na inalalayan siyang makatayo
Ngayon niya naramdaman ang sakit ng kanyang tagiliran na tiyak niya magkakapasa siya doon.
"Oh my goodness, mahabaging panginoon!", bulalas ng Mama niya hawak niya pa ang kanyang kasu-kasuan.
"Mommy 'wag kayong magpanic, okay lang ako", pahayag niya
"Anong 'wag akong magpanic e kung nakikita kitang ganyan diyan sa sahig.. nakalugmok ",
"Mommy okay lang ako, tumayo at tiniis ang sakit na naramdaman sa tagiliran niya
"Mommy may hinahanap kasi ako na kailangan ko sa school bukas nang nasagi ko ang libro dahilan upang malaglag and iba ", pahayag na alibi niya ayaw niya lang itong mag-alala pa
"Bakit nakasalampak ka sa sahig?", tanong nito ulit
"Inagapag ko po sanang saluhin ang ibang libro kaso nadulas naman po ako", alibi niya.
Sabay dasal na maniwala sa ang mommy sa mga sinasabi niya na ang isip ang babaeng nakalaban, sino kaya ito.
"Mommy magpahinga na po kayo.. ikaw rin masisira ang beauty", hinaluan niya pa ng matamis na ngiti
"Okay sige, lalabas na ako, nagising kasi ako na may mga kalabog na nanggagaling dito sa kuwarto mo kaya ako napasugod ", pahayag nito
"Ang kalabog na naririnig niyo 'yon nga po 'yung time na naibagsak ko ang mga libro ko at pagkadulas ko upang bumagsak ako sa sahig.
Hinatid niya ito sa labas ng pinto niya. "Goodnight mom,"
"Goodnight baby, next time mag-iingat ka na ", paalala nito sa kanya at hinalikan pa siya nito ,yumakap naman siya bilang tugon na tiniis niya ang sakit sa tagiliran niya.