Chapter 35
GIOVANNI POV
Nasa opisina siya ng GRUTCH FINANCING CORPORATION siya ngayon .Pagdating niya sa mismong opisina nadatnan na niya ang kanyang secretary sa lamesa nito.
"Good morning, Sir!", bati nito sa kanya
"Morning, follow my coffee to my office," saad niya at tumuloy na siya papasok sa kanyang opisina
"Right away, Sir "
Pagpasok niya sa kanyang opisina nakita niya agad ang tambak na papers na kailangan niyang e- review for finalization.
Siya ang ginawang President at ang kanyang Vice President si Radlicliff Adamson, Budgeting and Finance si Carmelo Juan Miguel Dela Cuesta at Si Hans Clyde Montana sa Marketing and Promotion si Taemon Matsumoto at Uilliam Kwonwo . Mga magkababata sila since kindergarten magkakilala na silang anim
A few minutes later,
"Sir, here's your coffee " saad ng kanyang secretary siya naman ay busy sa pagbabasa ng mga papeles na nasa harapan niya.
"Pakilapag na lang dito ,Grace..", at nilagay nga ito sa sinasabi niyang lugar
"Ahhh Sir, your schedule for today.. napaangat naman siya ng tingin dito at hinihintay ang sabihin.
"You have meeting 9: 30 this morning with the representative of Galactica Motors Mr. Drew Manansala, Sir. "
"Okay, what else?", tanong niya na nilaro laro ang hawak na ballpen.
"After that, Sir.. at 11 am Miss Lizbeth Amoroso ng AMA LENDING AND FINANCE will be here too.. at sa lunch time po meeting with your friends.
"In the afternoon, You have engagement with the prospect investors.", pahayag nito
"Cancel my engagement this afternoon and reschedule it by tomorrow morning.. I have some important errands to attend this afternoon",
"Masusunod po ,Sir.. 'Yan lang po ang schedules niyo for today." pahayag nito sa kanya
"Okay Grace, you may go now.. okay na ako"
"Thank you, Sir..
"Grace puwede mo dito papuntahin ang head ng marketing.", pakiusap niya
"Sure po ,Sir " at lumabas na ito sa opisina niya
Paglabas ng kanyang secretary ay uminom naman siya ng kape habang pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Kelangan niyang matapos ito kaagad ngayon dahil susunduin pa niya ang Ama sa Naia.
Ilang saglit kumatok ang kanyang secretary kasabay iniluwa ang kanilang head marketing na si Margot Alquisola dala ang folder na hinihingi niya kahapon, mga list ito ng company expenses at mga summary sa nailabas ng pera for this month.
"Good morning, Sir.. ito na po ang hinihingi niyo sa akin yesterday.", pahayag nito na nag-aayos pa ng buhok
"Okay, thank you!.. pakilapag na lang", seryosong saad niya
"Anything you want, Sir?", saad nito na may kasamang hagod na salita na mabilis niyang kinatingala sa narinig, bago pa lang siya dito sa Grutch nahahalata niyang nagfi-flirt ito sa kanya pero hindi niya ito inintindi dahil hindi ganito ang mga type niya sa babae. Ayaw niya sa babaeng aggressive gaya sa ginagawa nito na ito pa ang nagbibigay motibo sa lalaki.
" No nothing, you may go now," Walang gana niyang sabi
"If you need anything, Sir .. I am very much available anytime anywhere.. Anything Sir!", sabay pa kindat sa kanya na eni- emphasize ang dalawang words sa huli nitong sinasabi.
"I'm sorry Margot, I don't want anything.. I'm good," na tinitignan niya ito ng makahulugan. Ayaw niyang makapanakit ng loob ng mga babae pero sa ginagawa ng babae mukhang hindi nakukuha sa diplomatic words. Kailangan ng may kasamang aksyon. Ang mga babae talaga, mabuti na lang may naiiba pa at kasama ang kanyang nobya sa naiiba.
"Okay po , Sir.. sabihin niyo lang po sa akin if gusto niyo.. bye po" pacute nito bago lumabas ng opisina. Pabagsak pa nitong sinara ang kanyang pinto.
Napapailing na lang siyang nasundan nang tingin ang kalalabas na babae. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganun ang ikinikilos ng kanyang head marketing.
"Anong nangyari kay Margot, nakasalubong kong nakasimangot sa labas ng pinto mo?", bungad ni Radli sa kanya na pumasok na lang ito bigla hindi man lang kumakatok.
"Wag mo na lang intindihin 'yon..., balewala niyang sabi "hindi ba uso sa inyo ang knock before you enter?", dagdag pa niya habang nakatutok ang mga mata sa pinipirmahan mga papeles
"Naparito ako dahil ipinararating ng Tito ko, na ayos na ang gagawin entrapment sa susunod na araw. Naikasa na ang mga plano.. tiyak daw na walang kawala ang involved.", pahayag nito na ikinalingon niya dito ng mabilis
"Hindi na nagbigay pa ng ensaktong details, protocol daw sa kanila na wag magbigay nang kahit anong lead regarding sa entrapment."
"Nauunawaan ko naman dude" seryosong saad niya
"Nauunawaan ko ang naramdaman mo, dude.. Gio.. nag-aalala ka sa maaring kahihinatnan ng iyong kuya na siyang magsusundo ng illegal na shipmentna iyon. Pero ipanatag mo ang iyong kalooban, maging maayos rin ang lahat at makakasama niyo rin sila.", pahayag nito na ikinabuntong hininga niya.
"Alam mo naman na hindi ko maiiwasan na mag-isip nang kung ano ano..mga kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito, dude.
"Mamaya na ang dating ng Papa", pahayag niya
"Anong problema mo?",
"Inaalala ko lang kung anong maaaring gawin ng Papa kapag may mangyari sa kuya.", paliwanag niya
"Poro ka kasi negative at pinangunahan mo pa ang hindi pa nangyari, over thinking ka masyado, dude!" "Yan ang resulta sa kakainom mo ng kape.. napapraning ka sa kakaisip sa mga bagay bagay na hindi pa nangyayari", natigil sila sa pag-uusap nang kumatok ang kanyang secretary
"Sorry po sa istorbo sa pag-uusap niyo Sir, pero nasa conference room na po si Mr. Manansala po ng Galactica Motors kararating lang niya po",
"May meeting ka pala, sige sabay na ako sa iyo paglabas ", si Radli na ikinatango niya na lang dito
Tumayo na nga siya at kinuha ang hinanda niyang contrata para sa Galactica Motors na perma na lang ang kulang.
Sabay na nga silang lumabas at nadatnan pa nila ang secretary niya na naghahanda na rin para sa pagpunta nila sa conference room. Take a minute ito sa kanilang meeting.
Naghihiwalay silang dalawa ni Radli sa may corridor bumalik na ito sa sariling opisina at siya naman sa conference room kasama ang kanyang secretary na si Grace.
Inabot din sila ng halos isang oras at hindi na sila umalis ng conference. Isinandal niya ang kanyang likuran sa sandalan ng swivel chair.
Pagkatapos kasi ng meeting niya sa Galactica Motors hindi na siya lumabas pa. Susunod naman kasi ang AMA LENDING AND FINANCE.
"Grace, call the cafeteria to send another snacks for our next visitor.", utos niya dito
"Noted po Sir!", tumayo ito sa kinauupuan at lumayo ng kaunti sa kanya upang tawagan ang cafeteria.
Ne-review naman niya ang kontrata nila na ibibigay niya sa Ama Lending and Finance kung magkakasundo sila sa terms and policies sa kanilang company. Ang balita niya kasi nagpull-out lahat ng kanilang investors kaya naghahanap sila ng bagong mag- iinvest sa kanilang kompanya.
Ilang minuto siyang nakaupo ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae na tingin niya nasa late 40's ang edad pero sophisticated pa ring manamit. Tumayo siya bilang pagbigay galang dito
"Good morning, I'm Neressa Natividad representative po ng Ama Lending and Finance.. nice to meet you Sir Allisio", she extended her hand at tinanggap niya naman ito
"Nice meeting you, too.. Miss Natividad..have a sit ", aya niya at umupo naman ito sa upuan na hinila nang kanyang secretary.
"Thank you ", nilingon pa nito ang kanyang secretary.
Nagpasalamat siya at naging maayos namang kausap ang Ama Lending kaya pinapirma niya ito kaagad ng kontrata nila. Na nagsasaad ang kanilang kompanya na ang magpi- finance sa bawat clients ng Ama
Pagkatapos ng kanyang dalawang meeting pagod siyang bumalik sa kanyang opisina at tinapos ang nakabinbin na mga papeles na pinipirmahan. Nang kumatok ang kanyang secretary
"Come in", tugon niya sa pagkatok nito
"Sir, a certain Amaya Silva wanted to see you.", napatayo naman siya sa pagkarinig ng pangalan na binanggit ng secretary niya.
At hindi niya inaantay pa magsalita ulit ito ,tumayo siya at lumapit sa pinto at binuksan.
Nakatayo at nakatalikod sa labas ng pinto ang napakadanda niyang nobya, mas lalong pang bumagay dito ang suot na floral halterneck na blouse at fitted jeans saka brown high heels boots
Dahan dahan itong humarap sa gawi niya na parang slow motion.
"Did I disturb you?", nagulat pa siya sa pagkarinig sa sinasabi nito.
"Ahh no , I'm not expecting you come over here.", psgkasabi nilingon niya ang kanyang secretary na nasa harapan ng computer nito
"Grace, follow our coffee inside my office...latte for her and my my usual coffee..thank you"
"Coming Sir ", saad nito sa kanya
"Thank you, saad ng nobya niya sa kanyang secretary na sinabayan pa ng ngiti na namimiss niya ito ng sobra
" No problem Ma'am,"
At inakay niya na ito papasok sa kanyang opisina.
Pagpasok nila isinara niya ang pinto at nilock, nakita niyang lumapit ito sa kanyang book shelves.
"You have nice and warm cozy place here in your office",
"This is how I want and this is my taste of designs ,fruits of creativity."
Nakatayo siya sa 'di kalayuan nito.
Nakita niyang kinuha nito ang picture frame na nasa itaas ng book shelf.
"Bakit merun ka nito baby?..at sino siya", pahayag nito na hawak hawak ang kanyang nilagay na picture frame
Picture kasi ito ng batang nakilala niya noon sa Park, he's 9 yrs at then tanda niya at ito naman ay 5 yrs old. Kinuhanan sila ng picture ng Yaya nito dahil parehas daw sila ng birthday nung bata.
" She's my first girlfriend", na ikinatingala nito sa kanya
"But sadly we parted our ways, kinuha ako ng Papa at dinala sa Italy ,isang beses lang kami nagkita niyan at sa park pa", sabi niya at inaalala kung paano sila nagkakilala na napagkamalan pa niya itong pepe dahil sa hindi ito nagsasalita napapangiti siya
"Kilala mo ba ,siya?", tanong nito sa kanya
"Her Yaya, call her Fatiya!.. nakalimotan ko lang ang pangalanng yaya niya", saad niya sa nobya
"Si Melba ang pangalan ng Yaya niyan..", pahayag nito na ikinalingon niya mula sa pagkatitig sa picture frame na hawak nito
"How did you know, mahal?", nagtatakang tanong niya pero natigil sila sa pag- uusap ng kumatok ang kung sino man sa labas ng pinto niya.
Lumapit siya sa pinto at binuksan ito.Bumungad sa kanyang paningin ang kanyang secretary na dala ang tray na may lamang dalawang coffee cup.
"Sir, here's the coffee.." niluwagan niya ang pagbukas ng pinto tsaka ito pumasok at inilapag ang dala sa center table kung saan nakaupo na ngayon ang kanyang nobya.
Tahimik lang itong nakaupo at nakatingin lang sa ginagawa ng kanyang secretary. Nasa kamay pa rin ang picture frame.
"Sir, kung wala na po kayong inutos sa akin lalabas na po ako", magalang nitong paalam.
"Thank you, Grace!.. we're good..", at naglalakad na ito palabas ng kanyang opisina.
"Let's drink the coffee! mahal", aya niya dito na inilapit sa harapan ang sarili nitong coffe latte kinuha niya rin ang dala nitong paper bag na nasa lamesa na rin pala.
Pansin niya hindi ito gumagalaw na parang ang lalim ng iniisip.
"Mahal okay ka lang ba?", tanong niya sabay hawak ng kamay nito. Napapitlag naman ito sa kanyang ginawang paghawak. Pero binitawan niya rin at itinuloy ang paglabas ng laman ng paper bag na cake pala.
"Baby, ikaw ba ang batang lalaki na nasa picture?", tanong nito na ikinahinto niya sa pagtangkang paglabas ng cake sa paper bag
"Yup! bakit mo naitanong, mahal ko?",
"Kilala ko kasi ang batang babae na nasa picture ", pahayag nito
"Ang liit lang nang mundo talaga." napokos naman ang buong atensyon niya dito. Kilala niya ang batang minsan niyang nakasamang maglaro sa park.
"Kung kilala mo ang batang babae na 'yan mahal nasaan na siya ngayon?", tanong niya dito. dinampot nito ang kape at sumipsip dito
"Kilalang kilala ko talaga siya, look at me longer.", pahayag nito na sinunod naman niya ito na naguguluhan siya sa inakto nito
"Di mo ba naget, baby?.. you didn't recognized me at all?", sa sinasabi nito mas lalong ikinakunot ng kanyang noo
"Me and that girl with you in that picture is none rather than.. it was me!"pahayag nito na ikinabigla niya
"You heard it correctly, that was me.. I have picture also the same as yours", pagkasabi nito kinuha ang wallet na nasa loob ng bag at inilibas ang picture na parehong pareho sa kanya.
Sa kawalan nang masabi tumayo siya at nilapitan ito, itinayo saka niyakap ito ng mahigpit.
"Kaya pala first time my eyes laid on you I felt strange and my thoughts said we're connected and I didn't know what is it. I can't figured it out."
"We are meant for each other, mahal and the fate do the works... I'm so happy now na talagang tayo pala talaga para sa isa't isa..no doubt about it.!", masayang dagdag niya.
Hindi napigilan ang kanyang sarili na hindi ito gawaran ng patak na halik sa mga labi nito. Masaya siyang nalalaman na konektado pala sila sa isa't isa nang mahal niyang nobya.
Itinigil niya rin ang paghalik , naramdaman niyang banayad na pagtulak sa kanya ng mahal.
"Nakalimotan mo na agad ang rules natin.. no kissing ", pahayag nito at lumayo pa sa kanya ng kaunti.
"Silly Billy, natuwa lang ako sa nalalaman ko ngayon.. saka naangkin na natin ang isa't isa, remember?", pahayag niya na ikinapula ng mukha nito. Gustong gusto niyang tuksuhin ito dahil ang cute kasi tignan ang mukha nito kapag nagba-blush.