ANG SASAKYAN NA MUNTIKAN NA BUMANGGA SA SASAKYAN NI GIOVANNI

2409 Words
CHAPTER 33 GIOVANNI POV Pagkatapos namin magkausap ni Amaya, nagpalit na kaagad siya ng damit at tapos niyang magpalit ng damit, nagmaniobra naman siya upang pumunta sa kung flower shop, bibili siya ng bouquet of flowers para sa mommy at ate ng kanyang nobya , of course sa nobya niya na rin hindi puwede na walang flowers ang mahal niyang si Amaya. May kaunti siyang kaba at pag-aalinlangan siya na baka hindi siya matanggap ng mga magulang ng girlfriend. Nilalakasan niya ang kanyang loob. Mabuti ang kanyang intension sa girlfriend at kahit kailan wala sa isip niya ang lokohin ito. Mahal na mahal niya ito, at gagawin nita lahat ang makakaya niyang gawin upang sumaya ito sa piling niya. Nakarating din siya sa flower shop kung palagi niyang binibilhan. "Good evening, Sir.. ginabi na po ata kayo." saad ng tindira "Kaya, biglaan kasi..", pahayag niya "Mabuti na lang po Sir, hindi pa kami nagsasara at valentines pa man din bukas," "Valentines ba bukas?", nakalimotan niya kasi ang araw at petsa sa dami ng iniisip " Opo Sir, mukhang nakalimotan niyo nga, para sa girlfriend niyo po ba ibibigay gaya ng dati?", tanong nito na kumukuha na ng mga gagamitin. "Oo sa girlfriend ko dagdag ako ng para sa mommy niya at sistet niya.", pahayag niya "Ikaw na bahala para sa mommy at para sa ate..gawin mo nang assorted... pero sa girlfriend ko pink carnations lang ", "Okay po Sir, babalikan niyo na lang po ito Sir o aantayin niyo?", tanong nito "Gaano ba katagal 'yan gawin?", tanong niya "30 minutes ang pinaka matagal, Sir..", pahayag nito "Babalikan ko na lang," saad niya "Sige po Sir!", saad nito Bago siya lumabas ng flower shop ay binayaran niya rin. Ilang minuto siyang nagmaneho nang mamataan ang nagtitinda ng pagkain naka bilao na, kaya huminto siya. "Bumili siya ng dalawang bilao ng pansit guisado.", inantay niya na ito. Inabot din siya ng 25 minutes sa paghihintay sa kanyang biniling pansit. Pagkatapos makuha ay umalis na siya at binalikan ang flower shop. Nang nakuha niya ang bulaklak ay tumuloy na siya sa bahay ni Amaya. Ilang rin ang kanyang pagmamaneho bago makarating sa bahay ng nobya. Hindi na siya nag-aabala pang bumili ng regalo para sa daddy ng nobya, nasa Macao daw kasi ito ngayon dahil sa business trip. Nakaparada siya sa harapan ng bahay ng nobya nang mapansin niya ang isang magarang sasakyan. Isa itong Bentley Bentayga latest model na metallic black ang kulay, naisip niya na baka nakiparking lang sa meju lihis ng kaunti sa gate ng bahay ng nobya. Binaliwala niya na lang ito at tinawagan ang numero ng nobya. Naka ilang ring din bago ito sinagot "Hello baby nasaan ka na ngayon?", bungad nito sa kanya "Nasa tapat na ako ng gate niyo, mahal ko", saad niya naman "Wait at pupunta na ako riyan, saad nito "Take your time, mahal.. not so fast, I can wait ", pahayag niya At binabaan na siya nito ng tawag. Ilang minuto pa siyang naghintay at bumukas ang gate, at ipinasok niya naman ang kanyang kotse. Pagkapark niya ng maayos sa loob ng sular nila ng girlfriend niya. Binuksan niya kaagad ang pinto at lumabas, bumungad naman sa kanya ang maamong mukha ng girlfriend na nakangiti pa sa kanya, lumapit ito sa kanya at hinalikan niya ito ng masarap at masuyong halik sa labi. Umikot na kami sa compartment ng kotse niya at binuksan, kinuha niya ang flower para sa nobya, nakita rin nito ang dalawa pang bouquet na pinaliwag ko naman kung para kanino. Saka sinasabi niya ang bilao ng pansit para sa guard nila. Tinawag naman nito ang guwardiya na pansin ko na ibang makatitig sa kanya. May halong galit, bakit feeling niya kakaiba itong guwardiya na ito. Tinitignan niya ito ng mabuti, matangkad, malaki ang kaha ng katawan, maputi at mukhang hindi guwardya kung kumilos pino. Pagkatapos nagpasalamat ay umalis na ito na nasundan ko pa ito ng tingin. Tara pasok na tayo, nagulat pa siya sa pagsasalita ng nobya. Pagpasok nila sa loob ng bahay, "Saan jan ang kuwarto mo?" "Yang colour purple ang pinto nasa kanan ", sagot nito "Tara nasa dining na sila ng ate kasama si Mommy kanina pa.", Sumunod siya sa paglalakad hanggang makarating sa isang pintuan na wala namang pinto, "Baby, nariyan na pala kayo?" narinig niyang sabi "Yes po mom!", "Siya ba ang sinasabi mo na boyfriend mo?" "Good evening madam, Giovanni Alessandro Allisio po boyfriend ni Amaya ", pakilala niya dito at inabot ang bulaklak na dala "Ohh, napaka guwapo mo na at thoughtful pa, welcome to the family hijo ", "Thank you po, Madam!", "Paupuin mo si Gio, baby.. okay lang ba na tawagin kitang Gio..hijo? "Yes Madam my pleasure!", "Tawagin mo na rin ako ng Tita, since part ka nang family. ", pahayag nito na umupo na rin sa kabisera ng lamesa. "Mommy, ang ate po nasaan?" "Ayon tinawagan si Ricky Brynt, ang fiancee niya nakakainggit daw kasi kayo ", sambit nito "Ang ate talaga ", pahayag ng nobya Maya maya may pumasok na babae na sa tingin niya matanda ng kaunti sa nobya, siguro ito na iyong ate na sinasabi. Maputi may katangkaran, singkit rin ang mata nito katulad ng kanyang Amaya "Oh Aminah bakit ganyan ang mukha ", "Unreachable po kasi ang cellphone ni Brynt," sagot nito "Ate, baka busy lang, singit ng kanyang nobya at tumayo para kunin ang bulaklak na nakapa patong sa counter. "Ate ito pala para sa inyo, galing kay Alessandro." "Wow naman ,so lovely!", masayang pahayag ng ate "Hello, I'm Aminah the sister of Amaya", tumayo naman siys para abutin ang kamay na nakipagkamay sa kanya. "Nice meeting you, Giovanni Alessandro. you can call me my pet name Gio or Ale", pahayag niya "Sayang wala ngayon dito ang Daddy, at hindi ka makikita kaagad niya. ", pahayag ng ate ni Amaya "Marami pa namang pagkakataon, diba Hijo? ang mommy na nilingon pa siya "Yes po Tita, I'm looking forward to it po", magalang niyang sagot "Kain na tayo, meju gutom na rin ako, si Amaya." at umupo na ulit sila para kumain na, kumain na siya kanina pero nagutom siya sa mga tanong ng mommy ni Amaya. "Tikman mo itong paborito naming ulam lahat,baby.. mechado specialty ng mommy",alok ng nobya niya Sinandukan naman siya at sinubuan pa na tinanggap niya naman. Masarap nga ang lasa. Naalala niya ang mga tanong ng mommy ng kanyang nobya Flashback awhile ago "Hijo what did you do for a living?" "I run my own business, a garments Tita.. my family own a textile factory in Italy". " That's good to hear". "Masarap siguro pag-uusapan natin 'yan mommy over a tea or coffee sa garden niyo ", ang nobya niya "Oo nga , si Mommy excited ..daig pa ang imbistigador sa soco " natahimik naman ang mommy nila kaya hinawakan niya ang kamay ng nobya niya nasa kandungan nito. To emphasize here na it's okay sa kanya ang mga interrogation ng kanyang mommy. "End of Flashback Nagulat naman siya sa pagsasalita ng mommy ni Amaya sa kanya "What's the taste, hijo? tanong nito "Ang sarap po Tita, mukhang isa na ito sa magiging paborito ko mula ngayon.", seryosong saad niya "Kailangan mo na matuto nito , baby.. nang sa ganun maipagluluto mo si Gio ng mechado ", pahayag nito na tinitignan pa ang nobya niya Ilang saglit lang patapos na sila sa pagkain ay nauna nang tumayo ang ate ni Amaya, Pagkatapos nagpaalam ay naglalakad na ito palabas ng dining room at sinundan naman ng kanilang mommy. Naiwan sila ng nobya sa dining table. Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa garden ng mommy nito, sumalubong kaagad sa akin ang halimuyak ng mga bulaklak na nakatanim sa paligid na kay gandang pagmasdan, lalo niyang nasilayan ang kagandahan ng buong paligid nang binuksan na ang ilaw. Nahilig rin kasi siya sa mga bulaklak dahil sa Mama niya. May ilang ektarya sila ng taniman ng bulaklak ng kanyang Mama sa Italy. Kung walang ginagawa ang Mama ay doon niya ginugugol ang kanyang oras. Pinag-export rin ito ng Mama niya lalo ang kanyang tulips and roses. Maging ang chrysanthemum, carnations, lilium at gerbera maging ang dandelions at poinsettia. 'Yan ang dahilan kung bakit may alam siya sa mga klase at meaning ng mga bulaklak. "Halika rito baby, tignan mo ito..anong bulaklak ito na may malilit na purple ang color.", "Purple Salvia yan mahal, at ang meaning niya ay longevity ( mahabang buhay), wisdom ( karunungan, esteem ( pagpahalaga) and good health (magandang kalusugan). Marami rin 'yang kulay mahal, merun blue, red, yellow, pink, white, green, brown orange at 'yan purple na merun kayo. At bawat color magkakaiba rin ng meaning. "Ang galing mo naman, baby!", puri nito sa kanya na ikinatawa niya naman "Ito anong pangalan ng bulaklak na ito?", tanong nito na lumapit sa isang yellow begonia. "Begonia 'yan mahal, symbolizes happiness, joy and wealth.. marami ring kulay ang begonia orange, red, pink, white and yellow na iba't ibang meaning din. Natigil kami sa pag-uusap nang dumating ang kanilang katulong na may dalang meryenda. "Ate ano po 'yang dala niyo?", "Pinapadala ng mommy niyo ang inyong meryenda Miss Amaya", pahayag ng katulong "Bakit asan ang mommy?", tanong ng nobya "Magpahinga na lang daw po siya ng maaga sa kanyang kuwarto Miss Amaya",sagot naman ng kanilang katulong "Sige po ate, pakilapag sa loob ng kubo po ", magalang na sabi ng mahal niya Sumunod naman sila sa katulong na pumanhik sa baitang paakyat sa kubo na yari sa pawid at kawayan na pinalibutan ito ng mga nagagandahang bulaklak like moss Rose, begonia. "Ang ganda dito sa garden niyo mahal, ganito ang gusto ko na lugar.", pahayag niya dito habang paakyat na kami sa baitang ng kubo. Nailagay na ng kasambahay ang pagkain sa mesa at nagpaalam na ito. Tamang tama ang dinala ni ate, gusto niya rin na magkape. "Baby, masaya siguro ang nililigawan", pahayag nito na alam niyang nagpaparinig lang ito sa kanya. "Halika nga dito, hinila niya ito palapit sa kanyang tabi. "Nanliligaw na ako sa iyo mahal ko , dagdag niya pa dito na hinahaplos niya ang braso nito "Kung ganun pala, magset tayo ng rules mga bawal at hindi bawal gawin while you're courting me, para ramdam ko ang panliligaw mo", pahayag nito sa na ikinakinot niya ng kanyang noo merun bang rules ang panliligaw. "Merun bang ganun mahal?", tanong niya "Mayroong ganun sa atin lang ito. ", saad nito "First sa hindi bawal o mga dapat mo na gawin habang nanliligaw ka , Hatid sundo mo ako sa bahay. "Gawin ko naman talaga 'yan mahal" "Mabuti naman kung ganun ", "2nd , every weekend pasyalan mo 'ko dito sa bahay dahil sabay tayong magsimba "Game!" "Mabuti naman, so okay na tayo sa mga dapat mo na gawin", pahayag nito "Proceed mahal ", "Sa bawal mo gawin naman " sabi nito siya naman uminom ng kape "Una, dahil nag-uumpisa kana na manliligaw.. bawal ang sweet call sign like mahal, baby, honey at kung ano ano pa, simple na tawagan sa pangalan o palayaw lang ang puwede", "Ganun ba?", tanong niya na ikinabuntong hininga niya rin "Yes , oo at yeah!.. nag umpisaka lang naman e" pahayag nito "Sige payag na ako..kailan ba magsimula ang rules na yan", "kasasabi mo lang nag-umpisa ka na ", pahayag nito Natampal naman niya ang kanyang noo "Ibig sabihin umpisa ngayon 'yan?" hindi makapaniwala niyang tanong "Ikaw may sabi e, na nagstart kana nang panliligaw mo kaya starts na siya ngayon." ngumiti pa ito ng pa cute sa kanya "Proceed na ako, 2nd rules.. Bawal kissing, touching and make out.", "Sobra naman ata 'yan mahal, parang hindi ko naman ata 'yan kaya. " reklamo niya "Walang sobra dito baby, tama lang at dapat lang na wala ang mga 'yan. saan ka makakahanap ng manliligaw sa Pinas nauuna mo pang kinuha ang hindi dapat." "Sige payag na ako, suko niyang sabi "Bawal mareklamo", pahayag nito ulit "Hindi na ako nagreklamo. ", pahayag niya "Nagkasundo na tayo sa rules, kaya okay na tayo. ", saad nito na nagpapacute pa sa kanya. Nagkasundo na nga sila at tapos na rin siyang nagkape.. Tumayo na sila upang bumalik na sa loob at gabi na rin. Dala na nila ang tray ng pagkain, pagkapasok pinatay ang ilaw at nilock ang pinto . Nagpaalam na rin siya sa nobya may pasok pa kasi ito kinabukasan. Inihatid siya nito sa labas sa may garahe kung saan ang kotse niya. Nakasakay na siya ng kanyang kotse at handa magmaniobra palabas ng bahay. Binuksan naman siya ng guwardiya. Pumasok na rin ang nobya sa loob ng bahay pagkatapos kumaway sa kanya. Saglit lang siyang nagmaneho nang makalabas na siya ng subdivision nina Amaya. Nasa isang iskinita siya palabas patungo ng highway ng may sumulpot na isang kotse mula kung saan. Mabilis ang kanyang repleksyon nakabig niya agad ang kotse at mabuti na lang hindi ito tumama sa kanyang kotse. Napamura siya sa kanyang isip. Tinawagan niya ang number ni Thaddeus at sinagot naman nito kaagad ang tawag niya. "Thaddeus someone crushing my car, while I'm driving.Send all our men to cover me up,now!", pahayag niya "I nostri uomini sono già lì, Signore!", Pagkarinig ng sinasabi nito nabunutan siya ng tinik. Tinitignan niya sa side merun ang kotse nag muntikan nang bumangga sa kanya. Pero hindi na niya ito nakita pa. "Grazie molte, Thaddeus!", "Chaima il nostro personale dove si trova, Thaddeus!", Tawagan mo mga tauhan natin at itanong mo anong nangyari. "Sì Signore Alessandro ", pahayag nito sa kanya " Scopri da loro che sono gli automobilisti che vogliono tamponarmi", Alamin mo kung sino ang sakay ng kotse na gustong bumangga sa aking sinasakyan. "Dove sì, Signore", "Uno dei nostri colaborati ha afirmatu de avir seguito il caso, ma che è andatu perduto", si Thaddeus.. Ang sabi ng isang tauhan natin, Signore. hinabol daw nila kaso nawala ang mga ito. Talagang may sumunod sa kanya kung ganun... naisip niya. "Il nostro personale sta tornando alla sua posizione, Signore Alessandro!", pahayag nito sa kanya .. Pabalik na sa lokasyon mo mga tauhan natin Signore Alessandro. "Arrivederci Signore!", paalam nito sa kanya "Arrivederci!", sagot niya..good bye Sumilip siya sa kanyang rear view mirror nakita niya ang isang kotse na nakasunod sa kanya at nagsignal ito sa kanya at alam niya na kung sino ang sakay ng kotse na nasa likod niya.. mga tauhan nila. Pasalamat siya ng malaki at naisipang pabantayan siya ni Thaddeus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD