Chapter 3 -Emily Doll

4471 Words
"Yun ang ba ang dahilan kung bakit ka tinawag na Black Prince? Kasi ayaw mong magbago at maging gentleman gaya ng dapat?" tanong ko naman sakanya. Tumahimik muna sya at nakatingin sa malayo saka sumagot. "You got it. I' am who I' am. Hindi ko kailangang magbago gaya ng gusto ng iba para lang maging masaya sila. Matuto dapat silang tanggapin kung ano talaga ako. Kung masama man ako I don't care, As long na totoo ako sa sarili ko." Sa di malamang dahilan ay bigla na lang akong pumalakpak sabay tingin sakanya with twinkled eyes. Humanga ako sa sinabi nya grabe! "Thanks sa pag-appreciate. Ikaw ang unang gumawa nyan." Sabi nya sabay pat sa ulo ko. "Well you have points. Tama lang ang sinabi mo. Hindi kailangang magpaka-plastic para lang ma-entertain sila." ngumiti ako. "Well then, masyado ng gabi uwi na ako ha?" sabi ko sakanya. "Ingat." sabi nya sabay ngiti. Hindi man lang maging gentleman! As if namang kailangan ko ng tulong niya. Crap! "Biro lang.. hatid na kita." sabi nya sabay kuha sa bag ko. "Salamat.." sagot ko na lang sabay yuko. Oh crap! Kinikilig ba ako? Oh please Louise! Ang bilis naman ata magbago ng pananaw mo sakaniya? s**t. ******* Medyo puyat pa ako dahil sa nangyari kagabe pero naging ok naman ang tulog ko. Kaya lang ang aga aga ang ingay kaagad ng mga tao dito sa school. Gawin ba naman tsismisan ang corridor! Ba naman! "Narinig mo na ba? Kakapasok lang daw ni President! Grabe! Namiss ko talaga sya!" sabi nung isang babae. "Oo narinig ko nga. Hays, sana hindi na lang sya pumunta ng states. Pero okay lang yun kasi nandito naman si Papa Joshua eh!" sagot naman nung isa sabay irit nila.. Papa niyo my ass! Pero di nga? Si Julian umuwi na? Hindi na ako nakinig sa tsimisan nila. Puro mga walang kwenta din naman kasi ang mga sinasabi nila eh. Umupo na ko sa upuan ko tsaka nag ayos ng gamit. Pansin ko lang, Iba ata ang dating ng classroom namin ngayon ah? Pag-alis ng teacher namin eh bigla na lang naglapitan sakin yung mga babaeng classmate ko. "Anong feeling na dumating na ang ultimate crush mo?" tanong nung isa. "Siguro nabuhayan ka na noh? Naku girl! Congrats! I'm happy for you!" sabi naman nung isa. Tumingin lang ako sakanila ng nakataas ang kilay. Mga echuserang 'to! Hindi na lang manahimik! "Correction, EX crush! Okay?" sagot ko naman. "Naku! Ikaw talaga!" sabay hampas ng malakas sakin. "Pakunwari ka pa! Pero deep inside miss na miss mo na sya!" Echuserang Classmate na 'to! Miss? Oo namiss ko nga sya, pero nawala sa isip ko ang tungkol sakanya dahil sa trabaho ko. Okay na din 'to para di na ako umasa. Lol kailan ka pa naging dramatic Louise? "Hindi ah! Tsaka wag nyo na nga akong kulitin. Wait, mag-ccr lang ako!" sabi ko sabay walkout. Nakakainis talaga sila kahit kailan. Parang bumalik lang yung tao daig pa nila asawa kung maka-react! Pero ano kayang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ulit sya. After 3 months, ang tagal din nyang nawala sa school. Matagal na yun para sakin ha! "Louise? Ikaw na ba yan?" sabi sakin nung nasa likod. Edi napahinto ako sa paglalakad saka tingin sa likod. Bigla na lang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Really Julian? Sa tingin mo ba sa 3 months na di tayo nagkita eh tumanda na agad ako?" I rolled my eyes at him. "You really are Louise." sabay yakap sakin. "Kamusta ka na? Gumaganda ka lalo ah?" Bigla na lang akong nagblush. It's like my heart is also pounding. Bakit ganto? "Stop it!" sabay bitaw ko at hampas sakanya. "Kararating mo lang pero ang lakas mo kaagad mang asar! What's bring you here? Akala ko hindi ka na babalik?" "Secret." he answered then smiled at me. Mamaya bigla na lang may ng hampas ng ulo ko. Hindi sya masakit pero parang kinabahan ako bigla. "Yo!" sabi sakin ni Ciel. Ah Si Ciel lang pala. "Oh ikaw pala Black Prince , anong problema mo ? " tanong ko sakanya. "Kailangan ko ng kasama sa pagkain." sabi nya sakin sabay tingin naman kay Julian. "May I take this girl for a moment? If you don't mind." sabi naman nya sakanya. "Sure No problem." sagot naman ni Julian sakanya. "Thank you.." sagot nya sabay akbay sakin. Aba inaakbay-akabayan na lang nya ako ha! Feeling close talaga 'to! "Sino sya?" seryosong tanong niya sakin nung medyo nakalayo layo na kami. "Siya? Ah that's Julian Drake Cerna. Kilala at nirerespetong Student Council President ng school na 'to." sagot ko naman. "Really? Seems like you know each other very well." "Of course. He's my senior after all. And besides, Vice President nya ang bestfriend ko." Mabilis na sagot ko naman kaagad. "No that's not it. May something pa eh.." he raised his eyebrow. "Shit." I rolled my eyes at him. Ang galing talaga nitong makiramdam kahit kailan! "Actually he's my ex crush. for 2 years. Pumunta lang sya last 3 month sa states for unknown reason kaya kararating lang nya ngayon." "Ah, so that's how it is. Nabasted ka siguro sakanya noh? Kawawa ka naman.." he said with sarcastic voice and smirked again. "You dumb s**t! I didn't confess kaya hindi din ako nabasted! That's all in the past! Bakit ba nakikisyoso ka pa!" sabi ko sabay simangot. "Smiled na My little thief.. magpasalamat ka na lang at kinukulit kita kesa sinusungitan kita." "Talaga? Kung sabagay. You always have those cold and dark aura sa iba. Pero pag ako ang kausap mo daig mo bata kung mang-asar. Thank you ulit Black Prince.." sabay ngisi ko sakaniya. "Why'd you keep calling me Black Prince instead of Ciel that you used to. Nakakailang kaya.." "Ganun ba? Ok sige.. from now on Ciel na ang itatawag ko sayo. Pero kapag naasar ulit ako asahan mo mas titindi pa yung salitang Black Prince na sasabihin ko." I smiled. We both laugh. Maybe Dad is right. Hindi dapat ako nagsalita ng tapos. Hindi ko aakalain na a guy like him na akala ko full of cold and dark aura eh magagawang tumawa ng ganto sa harapan ko. Very unusual yet fun. I think magiging close pa kami ng taong to. Sure ako dun. "Why are you still smiling? May dumi ba sa mukha ko?" tanong nya bigla. "Nope." I answered. "I just like the way you laugh.. parang tawa ng isang bata pagkatapos ng mahabang pag iyak. Very peace and calm. Sana pag kasama mo ako lagi kang tatawa ng ganyan ha?" Bigla lang syang ngumiti sakin saka ginulo yung buhok ko na kala mo nagbibiro lang ako sa sinabi ko. Seryoso ako dun ha! "Thanks.. sige dahil sinabi mo eh I'll try to do that." "Tapos na recess. Balik na ako. Bye!" sabi ko sabay alis. Sana mag break muna ako sa trabaho. Nakakapagod na din kasi ang sunod sunod na trabaho eh. Gusto ko naman ng enough time para sa teenage life ko. Besides madami pa akong gustong gawin sa ngayon bilang Louise. After school and after karate training naglakad kami ni Micah papuntang cake shop. Reward ko to para sa sarili ko at para sa success mission ni Black Phantom. Bukod pa dun miss kong maka bonding si Micah eh. "Gusto ko nyan! Tsaka nyan, tapos iyon! Uhmm.. ano pa ba?" sabi ko with full of excitement. "Hinay hinay lang.. Cakes are full of carbs. Sige ka tataba ka nan.." saway naman sakin ni Micah. "Yes ma'am! Ngayon lang naman eh. Pagbigyan mo na ako please." sabay pout ko. "Fine.." sagot nya kahit napipilitan lang sya. Ang bait pa din talaga ng bestfriend ko! "Kamusta nga pala si Ciel este si Joshua sa room nyo? Tahimik ba?" tanong ko bigla. "Si Joshua? Oo pero usual na yun sa room namin. Most talaga ng napapasama sa section namin eh may sariling mundo at busy sa pag aaral." sagot naman nya. Class 4-A nga pala sila. Ang Star section ng fourth year. Matatalino ang mga yan! May mga genius pa nga eh! Si Rio, Micah, Ciel at Julian nga pala ang magkakaklase. "Kung sabagay tama ka at least bumabait ka at nagiging maingay pag kasama mo ako. hindi mo namamalayan na naipapakita mo na pala ang alter ego mo sakin.. astig diba?" sabi ko naman. "Tama. Ang weird nga eh.. pag kasama kita pakiramdam ko nagiging totoo ako. Totoo sa harap ng iba lalo na sa sarili ko." Teka, parang naalala ko yung sinabi ni Ciel. Hindi kaya, may extra ordinary powers talaga ako? "Natural lang yan! Bestfriend mo ako eh!" sagot ko na lang. "Sandali. napansin kong lagi kayong nag uusap ni joshua. May something ba sainyo ? " tanong nya. "Bakit may gusto ka ba sakanya? Nagseselos ka ba?" pang aasar ko naman. "Syempre walang something samin! Ang totoo nyan meron syang nalaman tungkol sakin ng di sinasadya.." Napatingin lang sakin si Micah ng masama. "Nalaman?" sigaw nya. "Don't tell me alam nya na ikaw at si –ay iisa? Pero pano?" "Wag kang magagalit ha? Yun yung gabing nalalag ako sa helicopter pagkatapos ng mission natin kay Mr. Lim. Sya yung nakakita sakin, pero hindi naman nya pinagsasabi yung sekreto ko kaya wag kang mag alala.." sabi ko na lang. "Mabuti naman. Subukan lang nya! Dahil torture ang aabutin nya sa Noire." Matalim na bigkas ni Micah. "G-grabe ka naman.." Kung sabagay, hindi ko pa nga masyadong kilala yung tao na yun. Anong malay ko meron pala syang ibang pinaplano. Hindi ko alam, hindi ko din naman kasi masabi kung nagkukunwari lang sya dahil sa mga kinikilos nya eh. May times na feeling ko totoo sya pero may times na parang hindi. Magulo tsaka sakit sa ulo. Kung idadagdag ko pa sya sa mga problema ko pano na ko makakakilos ng matino? Diba? "Louise, pupunta ang daddy mo sa Palawan. Gusto mo bang sumama?" tanong sakin ni Daddy habang nagko-computer sya. " Palawan ? anong meron ? " tanong ko naman sakanya. " Meron kasi akong nakuhang invitation sa isang resort dun. Galing sya sa isang fan. Sayang naman kung babaliwalain ko lang diba? Ano sasama ka ba?" "Kailan po ba ang alis?" tanong ko naman. "Ngayon." Mabilis na sagot naman agad ni Daddy. "Ngayon? Hindi pwedeng bukas?" gulat ko. "Mas okay ng ngayon mahaba kasi ang byahe. Para bukas andun na tayo." Sayang naman ang chance. Ayoko namang maiwan dito sa bahay dahil boring. Hmm.. sumama na kaya ako? "Okay." sagot ko sabay ngiti. "Good.. umakyat ka na at ayusin ang mga dadalhin mo. 10pm aalis na tayo." "Okay." Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko para ayusin ang mga dadalhin ko. Speaking of dadalhin.. kapag bumabyahe ako, hindi talaga nawawala ang stun gun ko. Mahirap na kasi pag may nangyaring di inaasahan eh. After ng pagaayos, naligo muna ako at nagbihis saka ibinaba ang isang maletang puno ng mga abubot. Wala akong balak mag shorts dahil gabi kaya nagsuot na lang ako ng jeans tapos blouse at jacket. Kuha si ipod then soundtrip. Nagtaxi nga lang kami papuntang airport. Mga ilang oras din ang byahe, 12 na nung nakababa kami tapos andun na din yung magsusundo samin. Nasa puerto prinsesa kami ngayon. isang mayamang babae ang nagpadala ng inbitasyon at sya si Ms. Sonia 46 yrs. old. Loyal fan sya ni daddy. Nakatira sya sa isang malaki at magandang beach house at may ari sya ng isang doll factory. Nung nalaman ko kay daddy yun naexcite ako bigla. Gusto ko kasi ng mga manika eh. "Matulog ka muna Louise, pagising mo makikita mo na yung dagat." sabi ni daddy sakin. "Daddy naman! Para naman akong batang ngayon lang makakakita ng dagat eh! Pero sige po good mornight." "Sweet dreams my princess." sabi nya sabay patay ng ilaw at sarado ng pinto. **** “Bwaah!” sabi ko sabay unat ng katawan. Ang sarap ng tulog ko. Kahit medyo puyat ako eh ang aga ko pa ding nagising. Ang ganda kasi ng liwanag na tumatama sa malaking bintana sa kwarto ko eh. Pagbaba ko ay agaran kong nakita sila na nasa dining room at kumakain na. Merong dalawang anak si Ms. Sonia, Isang may anak at isang dalaga. Si Claire 29 yrs. old at si Hannah 19 yrs. Old. Si Mia naman 5 yrs. Old ang kaisa isang apo nito. Puro sila babae pero andito naman si kuya carlo para bantayan sila. Si Kuya Carlo 49 yrs. Old ang loyal nilang butler. Isipin mong may butler pa din sa panahon na 'to at sa pilipinas pa. Wow ha! “Goodmorning Ms. Louise dito na po kayo umupo para kumain.” sabi sakin nung isang maid. “Ah naku salamat po..” magalang na sagot ko naman saka umupo. “I’m glad na tinanggap mo ang inbitasyon ko Mr. Shiro..” sabi ni Ms. Sonia kay daddy. “My true name is Nash Perrault. Pero tawagin mo na lang akong Nash.” Sagot naman nya. “Oh okay Nash. Gustong gusto kasi kitang makilala ng personal eh at buti na lang dinala mo ang maganda mong anak. Tsak akong mageenjoy sya dito.” sabay ngiti niya ng malaki sakin. Ngumiti lang ako sa sinabi nya saka pinagpatuloy ang pagkain ko. “Hanna, tutal sabado naman samahan mo muna ang bisita natin sa paglilibot..” sabi nya sa kaniyang anak. “Yes mom..” mabilis na sagot naman ni Hannah sakaniya. “ Hi, My name is Hanna it’s nice to meet you..” sabi naman nya sakin. “It's nice to meet you too ako naman si Louise..” sabi ko naman sakanya sabay ngiti. After breakfast, naligo muna ako at nagsuot ng isang white dress tsaka ng summer hat. Feels like summer again! Ang presko sa pakiramdam. At gaya nga ng nasa plano ay naglibot libot ako kasama si Hannah. Mabait sya tsaka maganda din kaya naman hindi ako masyadong naiilang sakanya. Kung saan saan kami napadpad hanggang nakarating kami sa shop nila. Dito nila dinadala ang iba sa product na gawa ng factory nila. Lahat magaganda pero isa lang Ang nakaagaw pansin sakin. “Ang ganda..” sambit ko bigla habang nakatingin sa isang doll na nakalagay sa pader. “Yan din ang favorite ni doll ni mommy. Tinatawag syang Emily doll. Isang beses lang sila nakagawa nyan. Ayaw kasi ni mommy na magkaroon sya ng katulad eh. ” sabi naman ni Hannah sakin. “Ah ganun ba..” Yung doll na 'to kasi mukha syang european doll. Yung Bisque doll na mukhang tao. Feeling ko nakakita na ako ng ganyan dati. Tsaka iba din yung nararamdaman ko sa manika na yan. Maganda sya pero parang sasaniban ng masamang elemento tsaka magiging chaka doll. LOL! Biro lang. “Boo!” gulat sakin ni hannah bigla sabay sulpot sa likod ko. “Hanna naman! Ginulat mo ko dun!” sabi ko sabay hampas sakanya. “Sayo ko lang ginawa 'to! Magagalit kasi si ate lalo pa’t meron may sakit sa puso sa bahay eh. Tara na nga't kumain muna tayo..” sabi sakin ni Hannah. Kumain kami sa isang restaurant. After nun, pumunta naman kami sa beach para magswimming naman. It was a long day at akala ko dun na matatapos yun. Umuwi kami ni hannah ng mga 6pm. Ang daddy ko at si Ms. Sonia ay naguusap pa din sa loob ng library. Habang ang iba eh naghahanda naman para sa hapunan. Nagpahinga muna ako saglit at nakatulog sa sobrang pagod. 8pm na nung may gumising sakin para mag hapunan. After dinner, same routine pa din sila. Samantalang nasa rooftop naman kami ni hannah at dun nagkwe kwentuhan. Bumaba kami saglit para kumuha ng pagkain ng may mapansin akong babaeng dumaan. “Sino sya?” tanong ko kay Hannah. “Si Manang Celia. Malapit din sya kay mommy at tulad ni Kuya Carlo isa din syang loyal servant.” tugon naman niya. “Mabait yan tsaka maalaga kaya wag kang mahihiyang lumapit sakanya kung may kailangan ka ha?” pahabol pa ni hannah. Mabait huh? Ngumiti sakin si Manang Celia at ngumiti din naman ako sakanya, saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos naming makakuha ng pagkain eh umakyat ulit kami sa rooftop para ituloy ang kwentuhan naming dalawa. Pagkuha ko dun sa last chip eh bigla na lang may sumigaw na dahilan naman para mahulog ko ito. “That's my last chip!!” sigaw ko dahil sa panghihinayang. “Ano yun? Tignan natin baka may nangyayari sa baba!” sabi naman ni Hannah. Mabilis kaming tumakbo pababa para malaman kung ano bang nangyari. Tumambad samin ang duguang katawan ni Kuya Carlo na may saksak sa bandang puso at ang nakakagulat pa eh nakahawak sa kutsilyo ang Emily doll na nakita ko kanina lang. Para bang sa ayos nung manika na yun eh sya yung pumatay. Tumawag agad sila ng pulis para imbestigahan ang krimen. Habang ang iba eh nagiiyakan at gulat na gulat pa din sa nangyari. “May kilala po ba kayong naging kaaway nitong si Carlo Fernandez?” tanong nung pulis kay Ms. Sonia. “Wala ho. Naging mabait naman pong taga sunod si Carlo. At tsaka buong buhay nya sa pamilya ko lang inituon ang atensyon nya.” naiiyak na sagot naman nito. Nang malapitan kong maigi ang katawan ng biktima ay kagulat gulat na wala man lang akong nakitang bakas ng mga fingerprints sa manika o sa katawan nito. May alam din naman ako sa gantong bagay dahil isa akong magnanakaw. Pero sa ngayon mukhang magtatrabaho muna ako bilang isang detective. Ang Ipinagtataka ko lang eh kung bakit nandito ang manika na 'to? Tsaka, ano bang kaugnayan nito dito? Delikado din dahil alam kong isa sa mga taong nandito ngayon ang totoong salarin. Kapag hindi ko agad nalaman kung sino sya maaring malagay sa panganib ang mga taong nandito ngayon. Maya maya habang nagtitingin tingin ako sa paligid eh napansin ko ang isang butas at sa loob nun eh may nakalagay na isang tali. Manipis lang ito pero matibay. Pero ano namang ginagawa ng tali na 'to dito? Tanong ko sa sarili ko. Naisip ko lang din, kung matagal ng nagtatrabaho si kuya carlo sa pamilya na 'to hindi ba magiging madali na lang sakanya na ipagtanggol ang sarili sa sinumang umatake? Tsak akong isa din syang expert pagdating sa self defense. Pero, Puro babae naman ang nandito sa bahay kaya madali lang yun.. depende na lang siguro kung mawawalan siya ng malay. Pampatulog? Imposible. Ang sabi kasi nung huling nakakakita sakanya eh naglalakad lang si Kuya Carlo sa corridor na 'to. Ano pa kayang pwedeng dahilan? “ Sayo ko lang ginawa 'to! Magagalit kasi si ate lalo pa’t meron may sakit sa puso sa bahay eh.” Naalala ko bigla yung sinabi ni hannah sakin kanina. Hindi kaya si Kuya Carlo ang tinutukoy nya? ilan naman kaya silang nakakaalam ng tungkol dito? “Excuse me po, Itatanong ko lang po sana kung meron po bang sakit sa puso si Kuya Carlo?” tanong ko bigla kay Ms. Sonia. “Sakit sa puso? Hindi ko alam..” naguguluhang sagot naman nya sakin. “Oo meron!” biglang sagot naman ni Ate Claire. “Pero mild lang naman ito, hindi sya masyadong malala. Bakit, iniisip mo bang inatake lang sya sa puso?” tanong naman nya sakin. “Hindi naman po sa ganun.. Pero pwede na din.” sagot ko sabay ngiti sakanya. Unti unti ko ng nalalaman kung pano pinatay si Kuya Carlo. Tinignan ko ulit yung doll na ginamit sa pagpatay. Pinagmasdan ko itong maigi ng may pansin akong tali sa likod nito. Putol na ito at halatang kamay lang ang ginamit sa pagputol. Pero bakit hindi ako makakita ng fingerprints? Weird. Chaka doll Tama! Madalas mukhang lumilipad ito kapag nambibiktima diba? Hindi kaya ginamit talaga ang manika na 'to para pumatay? Pero asan naman kaya ang totoong salarin sa mga oras na maganap ang krimen? Sa dami ng mga tanong ko sa sarili ko, bigla na lang akong napatingin sa loob ng butas sa pader. May kwarto pala sa loob nun. Naiintindihan ko na.. ngayon kailangan ko na lang malaman eh kung sino ang gumawa. “Ms. Claire asan ka nung mangyari ang krimen?” tanong nung inspector kay Ate Claire. “Nasa labas ako nagpapahangin nun..” sagot naman nya. “Ikaw naman Hannah, asan ka naman ng mga sandaling yun?” tanong naman nya kay Hannah. “Kasama ko si Louise, nasa rooftop naman kami nun.” Sagot naman ni Hannah. “Kasama ni Ms. Sonia si Mr. Perrault sa library, samantalang si Hannah naman ay kasama si Louise. Ang tanging naiwang mag-isa eh si Ms. Claire maaring ikaw ang salarin.” Sabi bigla nung inspector. “Huh? Bakit ako!?” mabilis na sigaw agad ni Ate Claire. “Paanong ako eh nagpapahangin nga ako sa labas!” “Sa prisinto ka na lang magpaliwanag.” sabi ng mga pulis sabay gapos ng kamay nya. sabay napatayo ako bigla sa upuan ko. “Sandali..” sabat ko bigla. Agad naman silang napatingin saking lahat. “Akala mo ba ligtas ka na?” sabay tingin kay Manang Celia. “Bakit iha may problema ka ba?” tanong naman nya sakin ng mahinahon. “Sa tingin ko ay mukhang kailangan ko ng ipaliwanag ang totoong nangyari.” sabi ko sabay sandal sa pader at humalukipkip habang nakatingin pa rin kay Manang Celia't nakangisi. “Bakit Louise may alam ka ba sa nangyari?” tanong sakin naman sakin ni Ms. Sonia. “Ipagpatuloy mo anak.” Sabi naman ni Daddy sakin. “Nakikita nyo ba 'tong taling nakadikit dito sa pader at ang putol na tali sa likod ng manika? Ginamit ito upang takutin ang biktima. Sa paraang kapag may dumaan eh bigla na lang ito susulpot at mangugulat.” ani ko habang palakad lakad sa harapan nila. “Sa ganitong paraan inatake sa puso ang biktima. Gaya nga ng sabi ni Ms. Claire na mild lang ang sakit ni Kuya Carlo at hindi ito nawalan ng malay gaya ng ibang heart attacks pero nagagawa naman nitong pahinain ang katawan ng tao. Kinuha ng salarin ang pagkakataong ito at sinasaksak ang biktima.” paliwanag ko. “Sandali.. Paano naman eh wala nga tayong nakitang fingerprints?” sabat naman nung inspector. Really? Naging inspector ka pero hindi mo malawakan ang pag-iisip mo. How shameful. “Ikaw Inspector, hindi ka ba gagamit ng gloves kapag may krimen kang gagawin? Syempre ayaw mong may maiwang bakas diba?” sabi ko sabay taas ng kilay kay Inspector. Hindi siya nakapagsalita sa halip ay mukhang naliwanagan pa siya. “Ganito ang paraan na ginawa ng salarin. Gumamit sya ng gloves para hindi malagyan ng fingerprints ang alin mang hahawakan nya. Diba manang Celia?” sabi ko sabay tingin kay Manang Celia sabay ngiti ulit. “Pinagbibintangan mo ba ako!?” sigaw nya na niya sakin. “Nung oras na makasalubong ka namin ni Hannah, Alam kong papunta ka na sa corridor para ayusin ang mga gagamitin mo sa plano mo, Hindi ba?” pagbibintang ko pa sakaniya. “Paano ka naman nakakasiguradong ako nga iyon! Dahil nakasalubong mo lang ako, Ako na agad ang may sala? Hindi ka ba marunong gumalang sa matatanda?” nangagalaiting sigaw pa nya. “Bakit hindi mo ipakita ang kamay mo sakin? Tignan natin kung inosente ka nga talaga.” I said then smirked at her. Sa sinabi kong yun, natigilan sya bigla. At yumuko sya tanda ng pagsuko. Alam ko kasi na kung kamay lang ang ginamit nya sa pagputol eh magkakaroon sya ng bakat sa lalo pa’t matibay ang taling ang ginamit nya. Syempre, Iba na ang matalino. Iba na kapag may experience. Magnanakaw ako eh! Proud much, Louise? “Ginawa ko lang naman yun dahil naiinggit ako sakanya. Dahil mas close sya kay madam.. kinain ako ng galit ko kaya ko nagawa yun. Sana patawarin nyo ako.” sabi ni Manang Celia bigla. “Celia. Naging parte ka na din ng pamilya namin at lahat naman kayo dito pantay pantay .. patawad din kung laging si Carlo ang napapansin ko.” sagot naman sakanya ni Ms. Sonia saka tuluyan nang nagpaalam. Case closed. “Salamat sa pagtulong Louise. Isa kang matalinong bata. Manang mana ka sa daddy mo..” puri sakin ni Ms. Sonia. “Salamat po..” sagot ko naman sabay ngiti sakaniya. “Ang galing mo!” sabi sakin agad ni Hannah sabay yakap. Hindi naman, sadyang may experience lang. Minsan kasi nagiging trabaho ko din ang mag-imbestiga sa buhay ng mga bibiktimahin ko. Kaya siguro sisiw na sakin ang mga gantong kaso. Kung hindi lang ako naging magnanakaw siguro kumampi na din ako sa mga awtoridad at naging batang detective. Which is imposible nang mangyari dahil naging magnanakaw na ako. Kinabukasan, umuwi na kami ni Daddy. Nagpaalam kami ng maayos sakanila at nagpasalamat. Kakaibang experience din yun! Bukod pa dun ang dami kong nabiling pasalubong! Ang saya. Meron din akong naging bagong kaibigan. “Hindi ko alam na may talent ka pala sa ganun anak.” sabi sakin bigla ni Daddy habang nasa taxi kami. “Well.. Gaya nga ng sabi ni Ms. Sonia eh.. Mana ako sayo.” bola ko sabay yakap kay Daddy. “Ikaw talaga, pero hanga ako sa ginawa mo. Akalain mong sa unting sandali nalaman mo agad kung sinong gumawa. iba ka anak!” “Syempre iba ng magna—magtetext muna ako.. hehe” sabi ko sabay kuha ng cellphone ko. Oh s**t. Muntikan na ako dun ah! Pag-uwi namin sa bahay ay inakyat ko agad yung maleta ko saka nagpahinga. Mahaba- habang tulog na naman 'to! Off ko muna ‘tong cellphone ko para walang abala sakin nang biglang naalala ko na may binigay nga pala sakin si Hannah bago kami umalis. “Saka muna ‘to buksan kapag nasa inyo ka na ha? sana magustuhan mo.” sabi nya sakin. Naaalala ko kung gaano kalapad yung ngiti nya nung binibigay nya 'to. May iba ata akong nararamdaman ah? Binuksan ko sya, bali katamtam lang naman yung laki nung kahon kaya hindi mahirap buksan. Pagbukas ko nakita ko na isa pala itong bistida na parehong pareho sa damit ng Emily doll. May kasama pa itong sumbero, medyas at sapatos nya. “Hanna!” napasigaw ko na lang sa hiya saka ko napansin yung card na nakalagay din dun sa tabi. “Nung nakita kita nakyutan agad ako sayo. Sana magpadala ka sakin ng picture habang suot yan. BTW, ako nga pala ang may gawa nan sana magustuhan mo .. bye bye. ” May sapak din pala yung babaeng yun sa ulo. Oh well , maganda naman eh. Saka na siguro pag trip ko ng isuot 'to. Sa ngayon, matutulog muna ako. Adios!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD