Chapter 2 -Royal Gold Cup

4676 Words
Isang umaga sa school, As usual puro klase, lessons at activities. Quite the same. Boring as it usual. After ng last subject namin eh humiga na lang ako sa table ko imbis na mag recess. Napagod ako sa kakapakinig. Kailangan kasing mag aral para hindi mawala ang scholarship ko at hindi masabihang mas inuuna ko ang karate club ko kesa sa study. Maya maya, nagising na lang ako sa ingay ng mga kaklase ko sa labas. They were screaming like fools. Para bang may kung anong meron sa labas! Babalik na sana ako sa pagtulog ko until I heard a voice speak. "Can I have you for a moment?" sabi sakin. Edi napatingala naman ako agad upang tignan kung sino iyun. Napanganga lang ako't napataas ng kilay. Ang anak ng Blanc Corporation pupuntahan at sasabihan ako ng ganun? I must be dreaming, I said to myself but I was wrong. Ngumisi siya't bigla na lang nya akong hinigit palabas ng classroom at isinakay sa isang kotse. Hindi ako nakalaban kasi I was still shocked. A minute later, I wondered around until I realize na nasa isang café pala kami. Café for millionares? Joke. I mean, Bakit naman kaya nya ako dinala dito? Kasalanan ba yung titigan ko sya nung isang araw? Bawal ba yun? Sorry hindi ko naman alam eh! "Ah excuse, what are we doing here? May atraso ba ako sayo?" nauutal na tanong ko sakaniya habang lumilinga linga sa paligid. "No, wala naman. I just want to know you." then he smiled. A wicked smile full of cold and dark aura. "Really? Why me? Madami namang babae sa school ah, Ba't naman ako pa ang napagtripan mo?" nagtatakang tanong ko naman. "I don't know. Maybe you caught my attention when we first met." aniya habang nakangiti pa rin. "Ah, So..Naalala mo pala yun?" humalumbaba ako't tumingin ng diretso sakaniya bago nagtanong. "So may gusto ka bang malaman? Interview ba 'to?" "Sort of.. Well my name is Joshua Ciel le Blanc. You can call me Joshua. Nice to meet you miss? –" pakilala niya. "Nice to meet you too Ciel. My name is Louisé." walang kabuhay buhay na sagot ko naman. "Nice, you prefer to call me Ciel than Joshua. That's unusual." aniya sabay ngiti ulit. This talk is more unusual! Bakit ba ako nakikipag-usap sa taong 'to? Wala akong maintindihan kahit isa! Ni-hindi ko nga alam kung paano ba kami nagkaroon ng interaction na dalawa para maging interesado siya sakin. Not unless.. May alam siya na tungkol sakin na hindi alam ng iba? Shit. "Thank you. But can we talk? Perhaps more private place than this?" I said seriously. "Sure." Naisipan naming pumunta sa part ng park na wala masyadong tao. He sit on a bench while I'm standing facing at him with serious face. "Alam kong may other reason ka pa kaya mo ako kinausap. May nalalaman ka ba tungkol sakin Mr. Blanc?" I asked him directly. "Eh ano kung meron nga? Are you afraid of me telling them your secret?" mabilis na sagot naman niya kaagad. I knew it. Alam niya nga. Mabilis na nagdilim at sumeryoso agad yung tingin ko. "I don't care. As long na may gusto kang kapalit diba?" wika ko. "Yep. You got me." then he smiled widely. I looked at him with a pissed stare. "Kung may gusto ka, then tell it right away. I hate mumbling." "Easy tiger. I just want you to confess your true identity. Gusto ko mangagaling sa bibig mo para sigurado." Saka siya tumayo para matitigan ako ng maayos. Di ako makatingin sakaniya ng diretso, Hindi dahil sa natatakot ako or something pero damn! Ang tangkad kaya! "No way In hell." Umirap ako't humalukipkip. "Oh You don't?" he raised his left eyebrow then smirk. I gritted my teeth and looked at him seriously. Fine! I'm not a fan of games so sasabihin ko na para matapos na 'to. "Okay fine! I' am Black Phantom. Are you happy now?" "Happy." aniya sabay ngisi. Ni Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. Crap! Sa sobrang inis eh tumalikod na lang ako sakanya. Damn it! This guy is really pissing me off! "By the way Ciel. I want to thank you for keeping this secret and for saving me that other night. I don't need your cooperation. Do what you want to do hindi kita pipilitin na itago ang sekreto ko." Sabi ko sakanya. "No problem! Wala naman akong balak ipagsabi ang secret mo. Gusto ko lang i-confirm na ikaw nga talaga yun. Besides I really do admire you." sagot naman niya. "Huh?" Mabilis akong napatingin at napanganga sa sinabi niya. "Just Kidding.." banat pa nya bago pa man ako makapag-react tsaka siya ngumiti't naglakad palayo. I can't believe it! Pinaglaruan nya ako! Pinaglaruan niya ako? Na si Black Phantom?! Unforgivable! Hinding hindi ako papayag na hindi makaganti sa walang kwentang tao na 'to! Pumasok na ako nung afternoon class. Wala nang may nagbalak na lumapit sakin dahil alam nilang badtrip ako. Sa susunod hindi na talaga ako magpapauto sa lalaki na yun! Nadaig pa nya si Black Phantom sa paglalaro! Nakakainis. Akala ko hanggang dun na lang yung pang iinis nya, May kasunod pa pala. Kahit saan ako magpunta kapag nakikita ko sya at nakikita nya ako lagi na lang nya akong nginingitian na akala mo may masama syang balak. Nakakaloko na! Kaya naman hindi na ako nakapagtimpi at hinigit ko sya saka kinausap. Dinala ko sya sa likod ng gym ng school namin pagkatapos nilang maglaro ng basketball. "Hoy lalake, Pinaglalaruan mo ba ako? Alam mo kasi, hindi ko na kasi gusto yung paraan ng pag ngiti at pag tingin mo eh!" iritadong sabi ko sakanya. "Nope, why should I? Ganun lang talaga ako. Bakit na-ooffend ka ba?" sagot naman nya. I clicked my tongue because of iritation. "Forget it! Kakalimutan ko na lang lahat ng nangyari ngayong araw! Kakalimutan ko na lang na nakausap ko ang isang lalaking walang kwentang tulad mo!" sabi ko sabay walkout. He is really pissing me off! Ganun ba talaga sya sa mga babae? Akala ko ba seryoso syang tao? Seryoso my ass! Kung seryoso siya edi sana hindi niya ako pinagtri-tripan! f*****g s**t at bakit ba ako naasar sa pagmamumuka nya eh gwapo naman sya. Well, Oo aaminin ko na.. Gwapo nga talaga sya walang duda yun. Pero ang sama naman ng ugali nya! Nakakaasar talaga! "Louise.." sabi nya bigla na dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapalingon sakanya. "Ano yun!?" tanong ko naman ng pasigaw. "Can you be my friend?" tanong nya sabay ngiti sakin. That was a different smile. Like he was serious and he mean what he said. Hindi kapani paniwala. I mean Hindi karapat dapat paniwalaan dapat! "What?" tanging nasagot ko lang sakanya habang nakakunot ang noo ko. "You heard it. I asked you if can you be my friend? Para naman hindi ka na mainis sakin. Besides ang pangit naman sigurong tignan kung magiging kaaway mo ako tapos alam ko ang secret mo diba?" he smirked. "Fair point." Pero what kind of friend naman kaya? Friend na sunod sunuran sakanya? Kasi kilala ko ang mga aroganteng mayayaman tulad niya! Ganun lagi ang nagiging nangyayari sa mga gantong "friends kuno" s**t shits. Well That's lame! Mataas ang pride ko pagdating sa mga bagay na to noh! Ni si Black Phantom nga hindi magawang sumuko kapag may laban sya eto pa kaya! Pag umuo ako, parang tinanggap ko na din ang pagkatalo ko! No way! Ayoko! "Wait, can you specifically explain me as your friend? Baka kasi magka iba tayo ng nasa isip eh.." I utter while raising my left eyebrow. "Bakit? Naiisip mo ba na friend na girlfriend? Pwede din kung papayag ka." sabay ngisi niya ng malaki. "S-stupid!" napasigaw ko kaagad. "Friend na akala ko magiging utusan mo! Hindi ko naman naisip na girlfriend noh! Baliw ka!" Bigla na lang siyang natawa ng malakas. "Kailan ka ba nakakita ng kaibigang ginawang alalay! Mas baliw ka! Friend as in kaibigan. Umabot ka ng 3rd year pero hindi mo pa din naintindihan yun.. Tss what a lame." "Shut up! Okay fine! Friend! I'll accept it! So stop pissing me off!" sigaw ko at nag-walkout na talaga. "Oh you're already leaving? Ingat Louise!" sabi nya habang kinakawayan ako. I snarled at him. Baliw na lalaking yun! Gusto pa nya akong maging kaibigan ha! Ano ba talagang nasa isip nya? Una alam nya lang yung sekreto ko. Tapos ngayon gusto nya na akong maging kaibigan? The eff! It doesn't really make sense! Anyway, Babantayan ko ang mga kilos mo Ciel. Humanda ka sakin pag may ginawa kang isang pagkakamali. *** Next assignment ko ay ang kunin at ibalik ang ninakaw na Royal Gold Cup o kilala din sa pagiging Saint Agnes Cup. Galing syang France pero nakalagay sya sa British Museum. Dalawang buwan na mula ng nakawin ito ng crimson at nagawa pa nilang pumatay ng walong gwardya para lang makuha ito. Hindi ito agad nalaman ng organisasyon namin dahil sa dumadaming kaso ng nakawan ng mga artifacts, paintings at ng mga alahas. Saka lang namin nalaman ng may narinig kaming may magaganap daw na pagsasalo sa mansyon ng mga Ortega, may ari ng isang hotel sa Cebu dahil sa pagkakaroon nito ng complete replica ng Royal Gold Cup. Pero sigurado akong hindi yun ang replica kundi yung totoo talaga. Kaya naman medyo busy ang lahat ng tauhan ng organisasyon namin dahil sigurado akong hindi madali ang pagkuha ko sa bagay na yun. "Beep Beep.." tunog ulit ng maingay na alarm clock ko. Panibagong araw na naman pala para sakin. Panibagong trabaho. Buti na lang at hindi ako masyadong na-sstress at nahihirapan sa pagsasabay ko sa dalawang buhay na to. Mahirap din kasi na paminsan minsang kumakati yung dila mo. Kapag nalaman ng daddy ko na ako si Black Phantom.. Ewan ko na lang. Pumasok ako sa school gaya ng inaasahan. Matutulog sana ako sa gitna ng History class ng biglang banggitin ng teacher namin ang tungkol sa Royal Gold Cup. Nakinig naman ako at hindi na naiwasang magtanong. "Sir, sa France po ba galing ang Royal Gold Cup?" tanong ko sa teacher ko. "Yes it is and tinatawag din itong Saint Agnes Cup." Sagot naman nung teacher ko. "Eh sir gaano na ba ito katagal? I mean anong year inumpisahang gawin?" tanong ko pa. "1370. Yun ang pagkakaalam ko.. bakit mo natanong Ms. Perrault?" tanong naman niya sakin na mukhang natutuwa siyang nakiki-cooperate ako. Hindi ko sinagot yung tanong niya sa halip ay napaisip ako bigla. Saka ko sinundan ulit ng isa pang tanong. "Sir, kung matagal na tong ginawa tingin nyo lumipas na din ang natural na ganda nito? Yung tipong kumupas na?" "Hindi syempre, gawa ito sa magandang uri ng ginto kaya nagawa nitong mag-survive ng matagal. Seems like your finally interested in my subject Ms. Perrault ha?" pangaasar nya sakin. "I guess so sir.. besides madami pa kong gustong malaman." I said then smirked. Hindi na ako magtataka kung bakit madaming may gusto ng Royal Gold Cup na yun. Pero bakit naman pinalabas lang nila na complete replica lang yun? Dahil ba alam nilang ninakaw ang totoong Royal Gold Cup at ayaw nilang magkaroon ng kumplikasyon? Bukod pa dun paano ko naman malalaman ang totoong Royal Gold Cup sa hindi. Pano kung replica talaga yun? Mahirap magkamali kaya kailangang mag imbestiga pa. ******* Nag meeting ulit kami sa Noire Headquarters ng mga 8pm para I-discuss ang next assignment na gagawin namin. Kasama ko dito sila agent apple at agent glass kasama na din ng iba pang researchers at scientists. Kailangan kasi naming pagplanuhan ang lahat ng hakbang na gagawin para dito. "Kelan nga pala yung party?" tanong ko sakanila. "Thursday. 10 o'clock pm sharp mag-uumpisa." sagot nung isang researcher namin na si kiara. "Eh yung dami nung tao na aatend?" "Based on my calculation, 50% of the expected guest are from the business society and 50% left are disguised agents and guards." sagot naman nung isa pang researcher namin na si Mina. "Ganun kadami? G-grabe naman!" napasigaw ko kaagad. "Wag kang mag panic. May mga paraan din naman si Black Phantom para hindi sya makilala diba?" sabat naman ni Micah sabay ngisi sakin. "Oo pero.. complete replica lang yun diba?" tanong ko. "Kung Oo, eh Bakit kailangan nilang bantayan ng husto? Hindi kaya, tama ang hinala ko na yun talaga ang totoong Royal Gold Cup? Pero pano ko naman malalaman na tama nga ang kukunin ko? Mamaya masayang lang lahat ng effort ko. Ayoko naman ng ganun.." "Easy.. nagawa na namin ang chemical formula para dyan. Kapag ipinatak mo 'to dun malalaman mo kaagad kung tunay ba ito o hindi.." sabi naman ni Rio sabay pakita ng liquid na nakalagay sa test tube niya. "Pano? Anong mangyayari kapag peke at kung totoo?" tanong ko naman sakanya. "Simple. Bubula ito at mabubutas ang papatakan mo kapag peke pero kapag tunay wala syang magiging epekto. Kaya kung ako sayo iingatan ko yan kasi matinding acid ang nilagay namin dyan." ani Rio. "Oh?" sabay napalunok ako. "Salamat susubukan kong gawin ito ng maayos.." "You only have 1 hour before the party starts. Nakalagay ang Royal Gold Cup sa isang room full of cctv cameras, laser detectors and by any chance naglagay din sila ng poisonous gas. Four guards lang ang nagbabantay sa staff room. Dalawa sa harap ng pinto at apat sa iba't ibang facilities. Bukod pa dun meron din silang computerized password system na si Mr. Ortegalang ang nakakaalam. May tanong ka pa ba?" sabi sakin ni Micah. "WHAT?!" napasigaw ko bigla. "Ganun kadami at ganun kahirap? Paano ko naman malalaman ang password ng matanda na yun eh hindi naman kami close! Tsaka wala naman akong psycho meter para malaman ang nasa isip nya noh!" "Investigate. Ikaw si Black Phantom diba? Trabaho mo yan.." "Minsan nagsisisi na ko na tinanggap ko pa ang trabaho na to.." bulong ko na lang. "Fine! Ako nang bahala dun!" Mukhang kailangan ko na namang mag absent sa school para lang mag-imbestiga sa buhay ni Mr. Ortegaah. Pero ano at sino naman ang idi-disguise ko ngayon? Magiging ano na naman kaya ako? Tama! Kailangan kong maging close sakanya para imbitahan nya din ako sa party nya! Great idea Louise, kaya natin 'to! AJA! ******** Agnes resort hotel. Wednesday. 8:45 am Nag-disguise ako as a Jewelry analyst and blogger. Hindi halatang sixteen years old lang ako dahil sa ayos ko. I'm wearing black short wig with glass. Black office suit with short skirts and white high heels with stockings. Pekeng nunal, Check! Nice make up, check! Okay, Simulan na natin ang pag acting. LIGHTS, CAMERA, ACTION! "Good morning sir." bati ko agad kay Mr. Ortega nung dumaan sya kasama ng mga body guards nya. "My name is Aileen, isa po akong jewelry analyst and blogger. Can I have you for a moment please? Gusto ko po kasi kayong tanungin tungkol sa pinagawa nyong replica ng Royal Gold Cup if you don't mind." Bago siya sumagot eh tinitigan nya ako muna ako mula paa hanggang ulo. Aba, Manyakis 'tong matanda na 'to ah? 100% sure ako dun! "Sure" sagot nya sakin. Pumunta kami sa isang private café at dun nag usap. Mabuti na lang at malayo ang mga guards nya sa upuan namin. Ngayon uumpisahan ko na ang trabaho ko. "When I was a child nakita ko ng malapitan ang Royal Gold Cup and I can't believe na nagawan mo ito ng complete replica.. That's why I want to congratulate you for creating a great masterpiece Mr. Ortega." sabi ko sakaniya using my best professional voice. "Thank you Ms. Aileen. Me either, I was amazed when I first saw that gold cup. Too bad for me na hindi ko pwedeng makuha ito kaya naisip kong gumawa ng complete replica." Sagot naman nya habang nakangiti ng malaki. Gaya ng inaasahan, alam kong yan ang idadahilan mo. Hindi mo maloloko sa mga palusot mo si Black Phantom! "Well Ms. Aileen, if you don't mind.. Dahil pareho naman tayong ina-admire ang Royal Gold Cup. Come and see it, magkakaroon ako ng party para sa public viewing nito. Here's the invitation. Bukas na yan, aasahan kita ha?" sabi bigla nya sakin sabay bigay ng letter. "Really? Oh thank you so much Mr. Ortega. I promise I'll be there. Thank you.." sabi ko sabay ngiti rin. Plan #1, accomplished. Ngayon yung plano na lang para dun sa 10 guards na nagbabantay before the party. Besides problemada din ako sa password na yun. Teka, naisip ko lang. May other name pa ang Royal Gold Cup diba? At ang pangalan ng hotel nya.. Iisa lang. Hindi kaya may possibility na yun din ang ilagay nyang password? One try chance lang meron ako or else tapos na. ****** Ortega's Mansion. Thursday. 1 hour and 55 minutes before the party. "Makinig ka Louise.." panimula ni Micah sakin gamit ang communicator. "Ayos na ang sleeping gas na nilagay namin dun sa staff room. The only way para mabilis kang makapunta dun eh ang gamitin ang tunnel sa kisame. Nakuha mo? Exact 9:30 gagana ang sleeping gas kaya dapat kumilos ka na.." "Louise! Nakuha mo ba yung pinadala ko sayong pekeng Royal Gold Cup?" tanong naman ni Mina na umeksena samin ni Micah. "Wag kang sumigaw hindi ako bingi!" sagot ko naman sakanya. "Oo nakuha ko na. Wag kayong mag aalala magagawa ko 'to ng maayos." "Nga pala, wag kang mag-iiwan ng kahit na anong bakas kapag nakapasok ka na sa kwarto ha? Galingan mo nga pala." sabi naman ni Kaira na kapatid ni Mina. "Oo sige salamat." sabi ko saka patay ng communicator. Bago mag 9:45 sinimulan ko ng gumapang papunta dun sa kwarto. Hindi naman ako nahirapan dahil meron akong mapa. Tsaka Lumuluwang na din ang mga bantay sa bawat facilities dahil sa pag dami ng bisita. Syempre itutuon nila ang atensyon nila dun dahil sa takot na makalusot si Black Phantom na hindi nila alam eh nakapasok na at gumagawa na ng hakbang. Exact 9:45 nagsimula ng gumana ang silent sleeping gas. Ito ang oras ko para magtrabaho. Pagkakababa ko mula sa kisame, agad kong pinatulog gamit ng lakas ko yung dalawang bantay sa pintuan. Saka ko naman inisikaso ang password at Buti na lang tsumamba ako sa hula na yun. Pero kahit na nakatulog ang mga gwardya sa staff room eh hindi pa din nawawala ang laser detectors na nakalagay dun. Kapag nagkamali ako ng isang hakbang, tutunog ang alarm at kusang malalock ang pinto tsaka naman gagana ang poison gas na posibleng maging dahilan ng pagkamatay ko. kaya naman isa lang naiisip kong paraan para makuha ang Royal Gold Cup ng walang hirap. Ang umakyat sa kisame at dun gumapang. Spider man ikaw ba yan? Gaya nga ng nasa isip ko, umakyat ako sa kisame at dun gumapang. Nagpapasalamat ako sa ginawang sticky suit ni Rio at nagagawa kong magpaka spider man ngayon. Nang makarating na ko sa kinaroroonan nito, tinuluan ko muna ito ng chemical formula at gaya nga ng inaasahan hindi ito nag react that means ito ang totoo at ang nawawalang Royal Gold Cup. Maingat ko itong kinuha at ipinalit ang pekeng gold cup. After nun same procedure pa din ako hanggang sa paglabas. Problema ko na lang eh yung dalawang bantay sa pintuan. San ko naman kaya sila ilalagay? Kung gisingin ko na lang kaya? Hindi pwede. Katangahan yung gagawin ko eh. Bwisit! "Beep beep.." sabay tunog ng communicator. "Hello Louise, kamusta? Nakuha mo na ba?" tanong ni Micah. "Oo nakuha ko na. Pero baka kasi mahalata nila na peke na yung nasa loob gawa nitong mga tulog na gwardya eh." sagot ko naman. "Ganun ba, kaming bahala dyan. Magbihis ka na at panuoring maiigi ang mga kaganapan sa party.." sagot naman niya Napangiti ako ng malaki sa sagot na binigay niya. "Roger! Ie-enjoy ko talaga ang magandang palabas na 'to." Gaya nga ng sinabi ni Micah nagbihis na ako at nag ayos para sa party. Parang wala nga lang yun eh, hindi kasi nila napansin na iba na yung pinapakita nila sa madla. Boring ang party na 'to.. Umpisahan ko na kaya ang totoong kasiyahan? Biglang namatay ang mga ilaw na dahilan para magpanic at magsigawan ang mga tao. Pero agad naman itong nabalik sa normal. Sa pagbukas muli ng mga ilaw eh nakatambad naman sa harap ng malaking bintana sa taas si Black Phantom. Napatingin at nagulat ang lahat. Nakikita ko ding isa isa ng umaakyat ang mga gwardya papunta sakin. Eto ang masaya. Binaril ko ang pekeng Royal Gold Cup at ito'y nabasag. "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha Black Phantom! Ipapahuli kita at ipapakulong dahil sa kalapastanganang ginawa mo!" galit na galit na sigaw ni Mr. Ortega sakin. "Talaga?" sabi ko with rough voice. "Replica lang naman yan diba? Kaya mo pang gumawa ng panibago yun kung totoong replica lang talaga ang ipinapakita mo.." Sabay nagsimula ng mag ingay ang mga tao na puno ng tanong at pagtataka. "Hawak ko na ngayon ang totoong Royal Gold Cup na nakuha ko sa isang kwarto sa mansyon na 'to na may bulok na seguridad. Ikaw ang nagnakaw sa Royal Gold Cup at ipinalabas na replica lang ang nakuha mo para hindi ka paghinalaan! Isa ka ding magnanakaw Mr. Ortega! Ikaw na nilalang na punong puno ng kasamaang.. pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanang ginawa mo!" sigaw ko naman. "Hindi! Hindi ako ang gumawa! Ang Crimson! Sila talaga ang may kasalanan! Wala akong kasalanan!" sigaw ni Mr. Ortega habang pinoposasan sya ng mga pulis. Sa pagkakataong yun ibinalik ko na sa mga pulis ang totoong Royal Gold Cup at umalis. Tagumpay na naman ako pero hindi ko pa din ang kahit isang myembro ng crimson. Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang Crimson kahit kailan. Gagawin ko ang lahat para mahuli ang pinuno nila! Pagbabayarin ko sya sa atrasong ginawa nya sa pamilya ko. "Hoy!" bigla na lang may nagsalita habang naglalakad ako pauwi samin. Edi napatingin naman ako sa likod ko. "Ciel, anong ginagawa mo dito? Mukhang galing ka sa kung saang party ah?" sabi ko naman. "Ah Oo, Sa katunayan nga niyan eh binantayan pa kita. Ang galing mo palang magtrabaho huh? Malinis at walang palya.." sagot naman nya habang nakangisi sakin. "Binantayan mo ko? Hindi ko alam na may pagka-stalker ka pala.." tumingin ako na parang nandidiri sakaniya. "You wish." sabay tawa niya ng malakas. "Alam mo daig mo pa comic character sa mga pinagsasabi mo kanina. Saan mo nga pala natutunan yun? Anyway, Ang galing mo." "Nang-aaasar ka ba?" I eyed him suspiciously. "Bakit ba hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko?" "Eh kasi hindi naman talaga kapani-paniwala yung mga sinasabi mo!" "Whatever.." saka siya lumapit sakin at nilagay ang coat nya sakin. "Malamig ngayon, Baka humanap sila ng kapalit mo kapag nagkasakit ka." Uminit bigla yung mukha ko at sa di malamang dahilan bigla akong kinabahan. "Tse! Hindi mangyayari yun!" tugon ko naman sabay nguso. "Coffee tayo? Let's enjoy the full moon." Pag-aaya niya sabay hawak ng kamay ko. Tignan mo tong tao na 'to ilang araw pa lang kami nagkakakilala kung makaasta kala mo sobrang close kami. Nga pala, Another info ko.. Most ng araw ng trabaho ko eh full moon. Kaya naman nagkakaroon ako ng kakaibang mental at physical abilities. Ewan ko pero hindi ako alagad ng kadiliman ha! Umupo kami ni Ciel sa isang bench habang humihigop ng mainit na kape. Nasa isang business trip ang Daddy ko kasama si Uncle Laurelle kaya okay lang kahit anong oras ako umuwi. Ngayon mamomoblema muna ako sa kung pano ko kakausapin ng maayos 'tong lalake na to. "Ano ba talagang binabalak mo sakin ha?" tanong ko bigla. Icebreaker ako eh. "Bakit ba lagi mo na lang binabantayan ang bawat kilos ko? Hindi pa ba sapat sayo na alam mo ang sekreto ko?" "Not really. Wala lang siguro akong tiwala sa kakayahan mo. No offense pero yun ang nararamdaman ko.." sagot naman nya sakin. "Oh? Pwes masamang aura naman ang nararamdaman ko sayo!" iritadong sagot ko naman. Ngumiti lang siya sakin't tumingala sa kalangitan. "Fanatic kasi ako ng Noire Fantomé. Alam mo yun? Isang sikat na novel yun na gawa ni Shiro. Naisip ko lang kasi na kapareha mo sya kaya lang magnanakaw talaga sya." sabi nya. Noire fantomé? Yung bang novel na gawa ni Daddy? na ang ibig sabihin sa english eh Black Phantom din? Hindi ko alam na fanatic sya dun. "Ah yun ba, kaya pala interesado ka sa kakayahan ko bilang magnanakaw kasi pinagkukumpara mo kami ni Noire Fantomé. Sorry ka totoo ako sya novel character lang!" I mocked him. "Well for me, mas magaling pa din sya. Mas matalino kasi sya mag isip kumpara sayo." He proclaimed. "Gusto mo talaga ng sakit sa katawan ha? Sabihin mo lang bibigyan kita!" I snarled. Tumawa lang sya ng malakas. Aba nakakaloko na ha! "Ano namang naisip mo at pumasok ka sa gantong trabaho? Bakit, mahirap ba ang pamilya mo at kailangan mo ng pera?" tanong nya bigla. Nung una napatingin lang ako sakanya. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o hindi. Pero nakikita ko naman sa mga mata nya na gustong gusto talaga nyang malaman. Kaya nagsalita na ako. "Dahil kaibigan na ang turing mo sakin sige sasagutin ko yan.." sagot ko. "May kaya naman ang pamilya ko at masasabi kong tamang tama lang ang buhay ko pero kasi, isang araw inalok ako ni Mr. Noire ng trabaho na 'to dahil nakitaan nya ako ng kakaibang lakas at potensyal. Gusto nya akong magtrabaho para sakanya. Nung una hindi ako pumayag dahil masamang gawain pa din ang pag nanakaw kahit sabihin pa nating ibabalik ko naman ito sa totoong may ari pero nung binanggit na nya yung tungkol sa totoong nangyari sa mommy ko saka lang ako pumayag.." "Bakit? Ano bang nangyari sa mommy mo?" tanong naman niya. "Pinatay ang mommy ko ng mga di kilalang lalaki. Hindi na inisakaso ng daddy ko ang tungkol sa kaso nya dahil sa dami ng problema. Pero si Mr. Noire ang nagsabi sakin na ang grupo ng mga sindikato na tinatawag na Crimson ang may gawa nun. Nagresearch ako about sa grupo na yun at nalaman kong tama nga talaga ang sinabi ni Mr. Noire." Seryosong sagot ko. "At naniwala ka naman sakanya? Ng ganun ganun lang?" he raised his left eyebrow at me. "Di ka ba nakikinig? Nagresearch nga ako diba!? Tsaka sa dami ng napatay ng Crimson sa tingin mo ba sila pa din ang good guys? Syempre hindi! Sa mata ko, sila na ang masama. Bukod pa dun kailangang parusahan ang mga may sala. Kung ako sayo pagsasabihan ko ang daddy ko na wag gumawa ng masama kung ayaw nyang matulad sa ibang nabiktima ni Black Phantom.." ani ko sabay ngisi. "Sure. Sabi mo eh." He just smiled and stare at me. Natulala ako't napaiwas agad ng tingin. Ano 'to? Nahihiya ba ako? Kailan pa ako naging affected sakaniya? "Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Wag mo nga akong tignan na para bang may masama kang binabalak sakin." Pagalit na sabi ko sakaniya para maitago ang pagkahiya ko. "Masama bang titigan ang maganda mong mukha? Sayang yan kung itatago mo lang.." he teased. "Ugh! Stop staring at me, You pervert freak!" sabay hampas ko sa braso niya. Nakakainis! Ano bang problema ng tao ng 'to? Akala ko ba mailap sya sa mga babae eh bakit nagagawa nyang paglaruan ako ng ganto? At ako naman, para naman akong tangang nakikipaglaro sakanya! Nasisiraan ka na talaga ng ulo Chihaya Louise Perrault! "Sorry na.. Gusto ko lang maging okay ang pagkakaibigan natin para di ka mailang." Malambing na sabi ni Ciel. Natahimik ako't napatingin sakaniya. "Ganun ba? Sorry. Medyo may pagka-War freak kasi ako eh, tsaka short tempered." "That's alright. I like true people. Just stay what you are.. hindi mo kailangang magbago para matuwa sila sayo." "Yun ang ba ang dahilan kung bakit ka tinawag na Black Prince? Kasi Ayaw mong magbago at maging gentleman gaya ng dapat?" tanong ko naman sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD