Chapter 4 -Vétheuil

4552 Words
Last week meron akong naging bagong kaklase. Cute sya ! as in ! her name is Maria Katelyn Refrea o Kate. Kaya sya naging cute kasi medyo maliit sya samin tsaka dahil sa cute curly hair nya. Her face is so angelic. Naaalala ko tuloy yung doll sa palawan. Naging close agad sya sakin kaya naman ako ang kasa kasama nya kapag kumakain o mag-ccr sya. Pakiramdam ko tuloy, isa na akong ate. Ipinakilala ko din sya kala Rio at Micah at okay naman kaagad ang naging turing nung dalawa kay Kate. Hanggang nung isang araw bigla na lang may naisip ‘tong bata ito. “Gusto nyo ba akong samahan sa Haunted Mansion Ghost Hunting Festival? Masaya dun! Tsak na mageenjoy kayo.” sabi nya. “Ano namang meron dun?” tanong naman ni Rio habang abala siya sa pagla-laptop niya. “Ghost hunting.. I mean, para lang pala yung courage test.” sagot naman nya. “Weh? Courage test? Mukhang masaya! Sige sali ako!” sabi ko naman. “Alam kong papayag ka, Salamat Louise!” sabi ni Kate sabay yakap agad sakin. Napansin ko ang mabilis na pagtingin ng masama ni Micah. Natawa ako't gumiti na lang ako para di sya magalit. Mukhang nagseselos ang bestfriend ko ah? “Game ako..” Micah's answered with cold voice. “Sige Ako din!” sagot naman ni Rio. “Me too, Sali din ako!” sabi bigla ni Julian na bigla na lang sumulpot sa likod namin. “Julian!?” sabay sabay na naibulalas naming tatlo sa gulat. “Courage test yan diba? Mukhang masaya. pwedeng maki-join?” tanong nya. “Bakit kailangan mo pang sumali? Magpapasikat ka na naman ba?” matalim na saad naman ni Micah sabay taas ng kilay sakaniya. “Easy lang naman Micah. Kahit kailan, hindi ka na talaga bumait sakin..” at ngumiti siya ng malaki kay Micah. “Ewan ko sayo.” sabi ni Micah sabay simangot. Hindi talaga mabait si Micah pagdating sa mga lalake, lalo na kung si Julian o si Ciel. Just so you know, Clingy at obssessive type kasi 'tong Micah baby ko eh. “Louise?” sita niya sakin na dahilan para mapatingin ako sakaniya. “Telepathy?” sabay natawa na lang ako. Napailing na lang siya't napatingin ulit ng masama kay Julian. “Ciel!” sigaw ko nung nakita ko syang dumaan. Huminto sya sa paglalakad saka tumingin sakin at lumapit. “Ano yun? May kailangan ka ba?” tanong nya with cold voice. Kanina pa nga ako nilalamig dahil dito kay Micah, dumagdag pa ‘tong isa. “Sasali kami sa isang courage test sa Haunted Mansion Ghost Hunting Festival. Baka gusto mong sumama?” aya ko sakanya. Napatingin muna sya kay Julian bago sumagot at sa di malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kaunting tensyon sa pagitan nilang dalawa. “Okay.” sagot nya. “Yun oh! Ngayon kumpleto na tayo! At kasama din si Joshua!” sabi bigla ni Kate sabay yakap sa braso ni Ciel. Aba, hindi ko akalaing may gusto din pala ‘tong si Kate kay Black Prince? “Magkita kita na lang tayo sa tapat ng Haunted Mansion sa sabado ha? 6pm! Walang male-late ha?” sabi ni Kate bago kami nagkanya-kanyang balik sa room na. Pero iba talaga magtitigan si Julian at tsaka si Ciel kanina. Hindi yung sweet na malagkit ha? I mean yung tipong gusto nilang magsapakan anytime nakakatakot na nga eh. Bakit kaya ganun? Oh well. Boys. I will never understand them. Ciel’s POV Niyaya nga pala ako ni Louise kanina na sumama sa isang courage test. Okay na sana kaso may iba pa palang kasama. Bukod pa dun makakasama din nya yung lalakeng yun. Mukha naman syang mabait tsaka laging nakangiti pero masama ang nararamdaman ko sakanya. Una palang ayoko na talaga sakanya. Teka, Nagseselos lang ba ako? Ba’t naman ako magseselos? As if namang may interest ako sa babaeng yun at tsaka kasalanan ng babaeng yun kung bakit ako nag-iisip ng ganto ngayon. Nung una, ngumiti ako sa harap nya. Tapos tumawa pa at yung mga susunod nagagawa ko ng mang-asar hindi gaya ng pinapakita ko sa ibang babae na madalas puro kasungitan lang. Damn it! That little theif is driving me crazy. She's slowly changing me into someone new. Naaalala ko na naman tuloy yung dahilan kung bakit hindi ko magawang hindi sya bantayan. Kahit kasi nakita ko na kung pano sya magtrabaho eh parang hindi pa din ako kampante. Para bang, may pagka tanga pa din yung babae na yun. Tsaka kung nagkataon walang ibang tutulong sakanya kundi ako lang. Nagpapasalamat na lang ako dahil nagagawa kong ipakita other side ko sakanya. Babantayan ko sya kahit mag mukha akong stalker o espiya sa paningin nya. Louise’s POV “Achoo!” sisipunin ata ako eh o baka naman may nag-iisip lang sakin ngayon? Oh well, creepy. Matagal na din akong hindi nakaka-experience ng mga courage test kaya medyo excited na ako. May magpapakita kayang multo sa haunted mansion na yun? Tsaka by partner kaya ang magiging mechanics? Ang tanong.. Sino naman kaya ang magiging partner ko kapag nagkataon? Magugustuhan ko naman kaya ang magiging partner ko? Hindi na ako makapaghintay! Sabado, sabado.. Dumating ka na, Please.. **** Saturday; 6pm, Haunted Mansion Ghost Hunting Festival event place “Are you ready everyone!?” sigaw nung host sa event. “Ang bawat isa ay may kanya kanyang kahon. Buksan nyo yan at malalaman nyo kung sino ang magiging partner nyo. By color ang mechanics nyan.” Blue ang nakuha ko. Napatingin agad ako kanila Micah para malaman kung sinong partner niya. Sana ako! “Red..” wika ni Micah sabay pakita sakin ng papel niyang may nakalagay na “Red” sa gitna. “Pink” masaya at excited na sabi naman ni Kate. “Pink din.” sabi naman ni Rio. “Red..” sabi naman ni Julian sabay tingin kay Micah pero inirapan lang siya nito. Si Micah at Julian pala ang magkasama. Tapos si Rio at Kate naman ang magpartner. Eh ang akin kaya? Hindi kaya si.. Mabilis akong napatingin kaagad sa likod ko. “Hi Partner.” bati agad ni Ciel habang nakangiting wagas habang hawak yung papel na may nakasulat na kulay blue. Okay? Magye-yes ba ako o hindi? Wait nga! Pansin ko lang, bakit parang kami kami lang din ang magkakasama sa dami ng sumali? “Ganto ang mechanics ng game, each group eh may kanya kanyang mapa. Iba din sila ng gamit na hahanapin at ang unang makatapos e syang panalo. Goodluck guys!” sabi nung host at nagstart na yung game. Sabay sabay kaming anim na pumasok pero nagkahiwalay din dahil nga iba iba ng mapa. Malaki ang mansyon kaya malabong magkasalubungan ang alin man sa grupo na sumali. Medyo luma na din itong mansyon tsaka nakakatakot talaga. Pero hindi naman ako natatakot sa multo. Mukhang mas malamig pa ata sa bangkay nga itong kasama ko ngayon eh. “Saan tayo first?” tanong ko sakanya habang naglalakad kami gamit ang flashlight. “Sa impyerno, gusto mong sumama?” walang kahumor-humor na aniya. Sa inis ko eh binatukan ko sya ng kalakas lakas. Pilosopo kang lalaki ka ha! “Joke lang. Sa kitchen tayo.. ” sabi nya habang hinihimas yung ulo nya. “Round as a ball and as deep as a cup, yet all the great rivers cannot fill it up..” napatingin siya sakin. “Yun yung question para malaman kung ano yung hahanapin.” sabi nya. Round as a ball? Deep as a cup? Rivers cannot fill it up? Hmm .. Ano kaya yun? “Strainer..” sagot bigla ni Ciel. Sabay kilos agad sa paghahanap. Ang talino nya! Hindi ko naisip yun ah! Kainis naunahan niya ako! After naming mahanap yung strainer ay dumiretso na kami sa 2nd floor kung nasan naman yung next subject na nasa isang library. “This is the next question.” sabi ni Ciel habang hawak yung next riddle. “Sharp as a thorn, black as a night; Long as the garden worm , You use it when you write.” “Pencil!” napasigaw ko kaagad sabay ngiting wagas. Napangiti lang din sakin si Ciel tsaka nagpatuloy sa paghahanap. After mahanap yung pencil umakyat na kami ng 3rd floor. Last level na to at isang gamit na lang panalo na kami. Nasa isang kwarto yung next subject. Para ngang entertainment room to eh. “I’am honored by men, searched for everywhere. Whoever foolishly wrestles me, sets his strength against mine will soon find himself flat on his back, groveling on ground, without rule of mind, feet, or hands, though still strong in his speech. Tell me what I’am called – I who fell men to the earth, dizzy with my power ! last riddle na to.. ” sabi ni Ciel. Napaisip ako bigla. Halos pumutok na ang mga ugat ko sa utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga yun, kaya naglibot libot na lang ako sa kwarto nang mapansin ko yung mga bote ng mga wine na nakadisplay. Aabutin ko sana yun ng biglang masira yung inaapakan ko at malaglag ako pababa. Medyo masakit yung pagkakabagsak ko kaya medyo nahihilo ako. Napansin kong nalaglag ako sa isang kwartong madilim at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid. “Louise! Ayos ka lang ba? Wag kang mag-alala bababa na ko dyan para tulungan ka!” sigaw ni Ciel. Gustuhin ko mang magsalita ngunit hindi ko magawa dahil sa sakit ng ulo ko at bigla ko na lang naalala yung mga wine kanina. Tama! Wine nga yung sagot sa riddle na yun! Agad kong sinubukang magsalita para marinig ni Ciel yung sagot ko. “Wa..Wine!” pilit na binibigkas ko. Mahina lang ito pero alam kong narinig nya yun. “Wine? Oo nga noh.” sabi ni Ciel sabay kuha nung bote ng wine. Saka bumaba kung saan ako nalaglag. “Sabi ko na eh. Medyo may pagka-Tanga ka nga talaga at hindi nag-iingat. Paano na lang kaya kung wala ako sa tabi mo? Sino na lang ang magliligtas sayo?” tsaka nya ako binuhat. Ang kapal naman ng mukha ng lalaki na 'to. As if namang ginusto kong malaglag talaga dito! But still.. “Salamat..” sabi ko sakanya. Nakita kong ngumiti lang sya sakin saka naglakad pababa ng hagdan at palabas ng mansyon. Nung una akala ko kami na ang panalo ng biglang.. “Congrats Julian at Micah! Iba talaga ang genius pair!” sigaw nung audience. Badtrip! Nagpakahirap pa man kami sa pag-iisip at nalaglag pa ako tapos sila lang pala ang mananalo?! Kung minamalas ka nga naman oh! Bakit kasi si Micah at si Julian pa ang naging mag partner eh! Pang 2nd lang kami. Okay na yun kesa naman walang nakuha. Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng kape tsaka naglakad papuntang park. Malalim na ang gabi nung matapos ang event pero heto at nag-iingay pa din kami. “Ang daya nyo! Dapat pala hindi kayo ang naging mag partner eh!” sabi bigla ni Kate habang nakanguso. “Tama! Unfair para samin! Ang Vice President at ang President pa talaga ang naging magkakampi. Ang daya talaga!” reklamo ko naman sabay nakigaya nadin sa pout ni Kate. Nagtawanan lang kaming lahat sa walang katapusang pagrereklamo namin. Pagdating sa park ay umupo kaming anim sa isang bench. Bali ang ayos eh , Julian-Micah-Kate-Rio-Ako-Ciel. Maingay kaming nagkwe-kwentuhan habang umiinom ng mainit na kape. Naalala ko tuloy yung nangyari dati, yung gabing nakipagkwentuhan din sakin si Ciel. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamula sa mga pangyayaring yun kaya yumuko na lang ako para walang makahalata nang bigla na lang isinandal ni Ciel yung ulo ko sa balikat nya. “Ciel!” sita ko sabay iiwas dapat sakanya nang biglang hinawakan pa nya lalo yung ulo ko para di ako makawala. “Alam kong masakit pa din yung ulo mo dahil sa kanina. Free yang balikat ko kaya wag kang mahiya..” sabi nya sabay ngiti. Mas sasakit ang ulo ko sa ginagawa mo eh! Heart please stop pounding like that! Hindi nakakatuwa! Hindi ako natutuwa! ARGH! Bakit ba ako kinakabahan ng ganto!? “Hindi na masakit yung ulo ko. Salamat.” sabi ko sabay yuko. Ayoko kasing makita nya na namumula ako sa ginagawa nya eh. Nakakahiya kaya! “I insist. Alam kong masakit pa rin yang ulo mo.” “Ang kulit mo! Sinabi na ngang hindi eh. Tsaka pwede bang tanggalin mo na yang kamay mo sa ulo ko? Ang bigat kasi eh..” “Ow sorry..” sabay tanggal ng kamay nya. Bigla na lang akong naramdaman ng kurot sa tagiliran ko. Pagtingin ko sa gilid si Rio pala. Nakatingin sya samin at nagtwi-twinkle yung mga mata nya. Napatuwid agad ako ng upo ko sabay ayos sa sarili ko. “Don’t worry. Secret na lang natin yung nakita ko.” sabi nya sabay ngisi sakin. Mabilis na uminit yung dugo at pisngi ko't napatayo. “Rio!!” sigaw ko agad dahil sa sobrang kahihiyan. Bigla syang tumakbo at hinabol ko naman kaagad. Mukha kaming tanga paikot-ikot sa park. Yung baliw na Scientist na yun! Humanda ka sakin pag nahuli kita! “Kayo ha! Alam kong may something na talaga simula nung makita ko kayong magkasama.” Pang aasar pa nya habang tumatakbo. “Ehh! Shut up! Shut up! Shut up!!” sigaw ko naman. Kasalanan mo ‘to Ciel eh! Ugh! *** After ng mga pamatay sandali ng buhay ko eh isang bagong misyon na naman ang nabuksan para muling magtrabaho si Black Phantom. The Artist's Garden at Vétheuil ito ang pangalan ng painting. Galing ito sa National Gallery of Art sa Washington D.C. mahalaga din ito dahil gawa ito ni Claude Monet. Isang sikat na impressionist painter. Ayon sa researcher namin na si Mina eh isang korean ang nagtatago nito. Matagal ng ninakaw ang painting na yun at sa tingin ko matagal na din nya itong tinatago. Sa ngayon, inahahanda pa lang lahat ng papeles namin para makapunta kaming Korea at mabawi ko ang ninakaw na painting na yun. Medyo kinakabahan ako kasi, ngayon palang ako lalabas ng bansa para sa isang misyon. Pero sa ayaw ko man o sa hindi alam kong mangyayari at mangyayari pa din ito pagdating sa hinaharap. “Friday ng umaga ang flight natin. Ako, ikaw at si Kaira ang pupunta.” Sabi sakin ni Micah habang binabasa ang mga informations na nakuha nya. “Ayaw bang sumama ni Mina?” tanong ko naman sakanya. “Hindi naman. Kailangan lang talagang may maiwan dito para bantayan ang kilos ng Crimson at tsaka andito naman sila Agent Glass eh.” sagot naman ni Mina. “Fair point. Anyway, Don't worry. Magtatagumpay kami dito.” sabi ko na lang. Tapos ngumiti lang sila sakin. Stress na naman para samin yun. Kailangan naming umabsent sa Friday tapos kahit pagod kailangan naming magbyahe sa Sunday para makauwi at makapasok kami sa lunes. Ang hirap ng buhay estudyante. Kung kaya ko lang I give up ang trabaho na ‘to eh matagal ko ng ginawa.. kaya lang, napamahal na din sakin ito lalo na ang mga katrabaho ko. After ng meeting naisipan kong pumunta muna sa park at dun magpahinga kahit sandali lang. Kahit papano eh nakapag enjoy din naman ako dahil sa Haunted mansion ghost festival na yun. Kaya lang panibagong trabaho na naman ‘tong papasukan ko. Problema ko na lang din ngayon e kung pano ko sasabihin kay daddy ang lahat. Sana lang pumayag sya. Sinubukan kong kausapin si Papa habang kumakain kami. Sinarapan ko ang pagluluto para maging good mood sya ng sa gayun eh payagan nya ako. “Dad..” panimula ko. “Magpapaalam lang po sana ako. Pupunta po kasi kami nila Micah sa South Korea this Friday.. okay lang po ba na sumama ako?” Halos mailuwa niya yung kakainin niya dahil sa gulat. Agad siyang napabaling ng tingin sakin. “Korea? Ano namang gagawin nyo dun?” tanong niya kaagad. “Uhm ano.. niyaya kami ni Kaira. Yeah, Nanalo po kasi sya sa isang raffle draw. Sayang naman po kung di gagamitin kaya pumayag na din kami.” palusot ko naman sabay ngiti ng most convincing smile ko ever. “Oh. I see. If that's the case then.. Mag-enjoy sana kayo dun. Wag mong kakalimutan na dalhan ako ng pasalubong ha?” sabi nya sabay ngiti. “Thank you daddy! I love you talaga!” sabi ko sabay yakap sakanya. Hindi ko alam na magaling din palang magsinungaling ang mga magnanakaw. Very bad! Bad girl ka talaga Louise! ***** Friday 8:45 am. Manila International Airport Sumakay na kami ng airplane papuntang Seoul, ang capital city ng South Korea. Natulog ako sa byahe ng saglit para may lakas ako mamaya. Plano kasi kami na bantayang maigi at pag aralan ang mga suspect eh. Sa pagkakaalam namin eh kasalukuyang silang naka stay sa isang apartment at plano nyang dalhin at ibenta ang painting sa isang greek sa linggo kaya dapat mabawi namin kaagad yun bago pa nya maibenta sa iba. Nag rent kami ng apartment na malapit lang sakanya. Halos siguro mga dalawang unit lang ang pagitan nito. Hindi din kami mahihirapan dahil supresang pag atake ang gagawin namin. Pero kailangan pa din naming magisip at mag ingat. Merong silang dalawang bantay at hindi ko alam kung bakit ganun kalaki ang mga katawan nila na parang sa isang suntok lang nila eh magkakabali bali ang buto ko. Sinabi din sakin ni micah na hindi ko na kailangang magpasikat dahil ang trabaho ko lang naman eh ang nakawin ito sakanila at mukha yung lang talaga ang gagawin ko. 10:55 pm Nagsimula na kaming tumingin tingin sa paligid. Nagkabit kami ng radyo para marinig ang bawat paguusapan nila. Mabuti na lang at kasama ko ang geek princess at nagagawa naming maintindihan ang bawat sinasabi nila. Tinatago nila ang painting sa loob ng isang briefcase na nasa isang safety box naman. Hindi kailangan ng password combination ng safety box na yun dahil susi lang naman ang kailangan, kaya lang pano naman namin makukuha ang duplicate o ang susi? or pwedeng kami na din mismo ang mag duplicate diba? Saturday 9:30 am Nagdisguise kaming tatlo na parang mag-jojogging lang at nung saktong binuksan nila ang pintuan eh dun na namin sinumulan ang plano. Kinausap namin sila na parang nakikipag kaibigan. English ang salita! At Nakakaintindi sila don’t worry. Habang na kanila Kaira at Micah ang atensyon nila eh grinab ko naman ang chance para makuha ang exact shape ng susi na nakasabit sa bulsa nya. Hindi ko pwedeng kunin yun dahil mahahalata ako, tsaka kailangan ko lang naman ng shape nya para maduplicate eh. After kong makuha yun, nagpaalam na kami para simulan ang pagduplicate ng susi. Meron nga palang tauhan si Mr. Noire dun na nagpahiram samin ng isang AS50 snipe rifle. Si Micah na ang pinahawak ko nun kasi takot akong humawak ng totoong baril tsaka gagamitin namin yun para makuha ang atensyon nila. Magandang klase ng baril yun dahil nafo-focus talaga nito ang target. Ang target namin eh ang lock ng bintana ng kwarto nila kung saan ako papasok. Sana lang maging ok lahat. “I’ll make a countdown before I shoot. Kaira, kailangan mong dalhin ang chopper on time okay? Exact 09:18:42 pm tayo maguumpisa. Maliwanag?” seryosong sabi ni Micah “Roger!” sagot naman namin ni Kaira sabay saludo sakaniya. Ngayon lang ako magta-trabaho ng may kasama talaga, Kadalasan kasi lagi lang sila sa communicator kaya nae-excite ako kung anong feeling. Sana makuha ko ang The Artist's Garden at Vétheuil ng maayos at matagumpay. 9:00 pm. “Eighteen minutes to go girls! Louise dala mo na ba yung susi?” tanong sakin ni Micah habang inihahanda na niya ang rifle na gagamitin niya. “Oo dala ko na.” sagot ko naman. “Good. Let’s finish this up!” sigaw nya. Nag-umpisa na kaming magtrabaho. Umalis na si Kaira para kunin ang chopper at ako naman, nagumpisa na akong dumikit sa pader ng apartment ng kalaban. Ngayon kailangan ko na lang hintayin ang signal ni Micah. “Five.. Four.. Three..Two..One.. Zero!!” Sabay putok ng baril. Agad pumunta sa front door ang mga kalaban samantalang kinuha ko naman ang pagkakataon upang makapasok. Hinanap ko ang safety box at nung mahanap ko na eh inunlock ko na agad ito at kinuha ang briefcase na naglalaman ng painting pero syempre chineck ko muna yun ng biglang makarinig ako ng tunog ng baril sa likod ko. “ ! Just stay where you are and give me the painting or else I’ll kill you .” sabi sakin nung isang goons. Napaharap muna ako sakanya. Buti na lang at nakapang costume ako na magnanakaw na mukhang ninja kaya hindi nya pansin yung itsura ko pero kinakabahan ako kasi nakakatutok sakin ang isang pistol type na baril. “ ??! Just give me the painting then I’ll set you free ..” sabi sakin nung koreanong bantay. Kailangan kong makawala dito bago pa nya tawagin yung dalawa nyang kasamahan. Teka, bakit ba ako kinakabahan kung meron nga pala akong stun gun dito? Black Phantom iba ka talaga. Aktong iaabot ko na sana yung painting sakanya at aabutin din na nya sana ito ng biglang sinipa ko yung kamay nyang may hawak ng pistol saka binaril sya ng stun gun. No harm naman ito pero It takes 12 hrs. nga lang bago pa sya magising. Sakto pagkatapos ko syang patulugin eh dumating ang private chopper ng Noire. Mission Accomplished! “Muntik na ko dun! Buti na lang at naging okay ang lahat.” natutuwang sabi ko sakanila. “Mabuti naman kung ganun. Ang galing mo talaga Louise! Congrats!” masayang bati naman ni Kaira sakin. “Thank god dahil ok ka lang. Pero mag-ingat ka naman next time okay?” nag-aalala man pero nakangiti paring sabi ni Micah sakin. “Oo salamat.” sabay ngiti ko sakanila. Natulog na lang kami sa isang hotel at kinabukasan, Sunday morning eh nag shopping na din kami bago umuwi. Bibilhan ko din si Daddy ng cute hat at jacket para partner kami. Tapos gusto siguro naman ni Rio ng manhwa, syempre The Bride of the Water God ang binili ko kasi favorite ko yun. Make-up para kay Kate at Bag na lang para kay Mina, tapos Scarf para kay Julian. Eh kay..? “Buy one take one specs” Eh? Nakakahiya naman kung bibilhin ko 'to at ibibigay sakanya. Baka isipin pa nyang couple eyeglass 'to! Pero sayang naman kasi buy one take one na nga! Sige na nga bahala na. “Louise, We need to go. Baka mahuli na tayo sa flight..” sabi sakin ni Micah habang nakatingin sa relo niya. “Okay..” tugon ko naman saka naglakad at umalis. ***** Monday, 10 am St. Sistine Academy. “Ms. Perrault, I see you’re sleeping in my class again. Saan ka ba nagpupunta pag gabi at parang lagi kang puyat?” mataray na tanong sakin ng music teacher ko. Damn. Nahuli pala akong natutulog, Istorbo naman oh! Stress kaya ako noh? Kung alam nyo lang. “Ms. Perrault, give me some known composers or musicians with their known works.” Tanong bigla sakin nung istorbo kong teacher. “Hala ka! Mapapahiya si Louise kay Ms. Pilapil for the first time! Wutwut!” bulong ng mga classmate ko na mukhang natutuwa sila sa mga nangyayari. Mga walang hiya! Tumayo ako't tumingin na parang di man lang ako nasindak o kinabahan sa tono ng pananalita ni Ms. Pilapil sakin. You wish stupid classmates. Asa pang mangyari sakin yun. Kahit hindi ako makinig sa lesson nya eh di hamak naman na mas kilala ko pa ang mga tinuturo niya. “First is Frédéric chopin who composed Waltz in B minor. Next is Wolfgang Amadeus Mozart who is known for its Turkish March. Ludwig van beethoven composed the famous Fur Elise, but I personally like his Pathetique more. Franz Schubert known for its the Ave Maria. Johann Sebastian bach known for the Toccata and Fugue while Peter Tchaikovsky is known for it’s Swan lake , Waltz of the flower , The Nutcracker, Dance of the sugar plum fairy –” “Hep! That’s fine. You can sit now Ms. Perrault.” sabat bigla ng teacher ko na mukhang na-stress siya sa pagsagot ko ng tama. Tumingin ako sa mga kaklase ko ng may ngisi sa mukha. Ano kayo ngayon? Hindi nyo dapat kasi minamaliit ang kakayahan ko. Uwian na lahat lahat pero hindi ko pa din naibibigay yung regalo ko para kay julian at Ciel. Asan na kaya yung mga yun? “Julian!” sigaw ko bago pa makalagpas si Julian sa gate ng school. “Oh ikaw pala Louise, Bakit? May kailangan ka ba?” tanong nya sakin. “Wala naman. Gusto ko lang ibigay sayo ‘tong scarf. Nabili ko yan sa orea. Naisip ko kasing baka kailanganin mo yan kapag bumalik ka ulit ng states. Sana magustuhan mo ..” sabi ko sabay ngiti. “Wow Salamat. I really might need this someday, Pero mas matutuwa siguro ako kung ikaw mismo ang gumawa.” sabay ngiti niya sakin ng malaki. “Huh?” napataas agad ako ng kilay sa sinabi niya. Now what did he mean by that? “Just Kidding.” sabi na lang niya sabay kurot sa pisngi ko. “Salamat ulit Louise. Babawi naman ako sayo next time.” at umalis na sya. Babawi next time? Okay aasahan ko yan. Ilang sandali lang ay dumaan naman si Ciel sa harapan ko. Tinawag ko sya pero di naman sya lumingon kaya hinabol ko na lang sya. “Uy! Snob!” sabi ko habang hawak sa braso nya. Tapos bigla syang tumingin sakin ng masama sabay alis ng kamay ko sa braso nya. Kumunot agad ang noo ko sa ginawa niya. “May problema ka ba?” tanong ko agad sakanya. “Shut up. Leave me alone, I don’t want to see you right now.” matalim na bigkas niya sabay sakay sa kotse ng hindi man lang ako tinitignan. Nagulat ako sa sinabi nya at nanatiling nakatayo dun habang tinitignang umalis yung kotse nya. Anong problema nya? May nasabi o nagawa ba ako? Kasi sa pagkakaalam ko okay naman kami since nung last naming pagkikita. But damn! Grabe, ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso tapos sinabihan pa nya ako ng ganun? Yun ba ang totoong ugali ng tinawag nilang Black Prince? Akala ko ba sakin lang sya nagpapakatotoo? Na hindi siya talaga ganun kasama di gaya ng iniisip nila. Nagsisinungaling lang ba sya sakin nun? “Louise, may problema ka ba?” tanong bigla sakin ni daddy habang kumakain kaming dalawa. Oh crap! Kanina pa pala ako nakatulala! “Huh? Ah wala po! Stress lang po sa school.” sagot ko naman. “Ganun ba? Mabuti pa magpahinga ka na anak, sabihin mo na lang kay daddy mo kapag sumama ang pakiramdam mo okay?” nag-aalalang saad naman ni Daddy. “Thanks Dad.” at umakyat at pumunta na ako sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD