"Beep beep!" tunog nung alarm clock ko.
Lunes na pala ulit kaya pala nag-iingay na naman 'tong alarm clock ko. Well kung sa bagay, Monday is the worst day ever for the students like me. Wala kasing katapusan ang pag aaral eh. Walang break pag gusto mong magpahinga! Ang hirap maging estudyante! Pero kulang pa ang idadakdak ko sa kakareklamo kung gaano kaboring ang bawat pagpasok sa school diba?
"Louise, Breakfast na! Hurry up and let's eat!" sigaw naman ng dad ko na mukhang abala sa paghahanda sa kusina.
My name is Chihaya Louisé Perrault. 16 yrs. old, 3rd year High school student sa isang private school. Hindi ko na sasabihin kung anong itsura ko pero alam kong maganda at matangkad ako. Kaya nga madami ding nagsasabing hindi daw ako mukhang 16 eh.
Meron lang akong Daddy at siya lang ang kasama ko sa buhay. My mom passed away when I was six years old and It's almost 10 year na since then. My dad's name is Nash Perrault, half british and filipino. And you know what? He's also a famous novel writer. Kilala at nirerespeto siya ng lahat. Akala nga nila istrikto siya at seryoso eh pero Oo, medyo hindi nga sila nagkakamali dun. Pero mahal na mahal ako ng daddy ko. He loves me very much like no other in this world, and I love him too naman.
My mom is a Half british-Filipino-Japanese. Kaya nga Chihaya ang First name ko eh. Her name is Marie Allison Perrault. They say that laking england talaga ang mommy ko't siguro dun sila nagkakilala ng daddy ko't dun nabuo ang love story nila pero let's skip that part. Bukod pa dun, Masaya naman kami ni daddy kahit kami lang dalawa pero iba pa din talaga pag may mommy ka.
"Oh male-late na pala ako, Bye Dad!" sabi ko sa daddy ko sabay kiss sa cheeks at umalis na ako.
St. Sistine Academy, this is where I study. Exclusive and kind of Elite school. Very strict sila dito't hindi biro ang mga nag-aaral sa school na 'to. Merong anak ng mga Businessmen, Politicians, Actresses, Actors, Singers at Lahat na siguro ng may kinalaman sa industriya. Kaya don't ask kung may makasalubong man akong mean girls o bully boys dito. Pero isa lang din ang masasabi ko.. Sorry, Wala silang panama sakin kahit kailan.
"Good morning Miss Louise.." bati sakin ng mga babae from 1st year to 3rd year.
"Uh, Good morning din girls. Kamusta ang tulog nyo? Boring ang monday no?" sagot ko naman sabay ngiti sakanila.
"Hindi po nagiging boring kapag nakikita namin kayo Miss Louise." ani naman nila habang kumikinang kinang ang mga mata nila.
"Huh?" at napa-hawak lang ako sa noo ko. Hays Heto na naman po tayo.. "Ah Salamat, Na-appreciate ko yung mga sinasabi nyo pero oras na kasi para pumasok tayo eh, Okay?"
"Sige po, Miss Louise.." sagot naman nila sabay alis.
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ganun sila sakin diba? Ganto kasi yun, Simple lang naman. Yun ay dahil sikat ako sa mga babae. Hindi ako Tibo ha! Ewan ko pero humahanga daw kasi sila sakin eh. Siguro dahil na rin yun sa pagiging karate champion at Black belter ko..
Yes you heard me. Champion nga ako sa mga karate tournament. Bukod pa dun eh, isa din akong Top Student. Matalino at malakas, yun siguro ang dahilan kaya ganun na lang ang paghanga nila sakin.
"Good morning Ma'am Emerald." bati namin sa teacher namin. As usual with matching tayo at yuko pa yan.
"Good morning din class. Well please sit down. Monday ngayon kaya another lesson na naman tayo. Kaya please, I need your cooperation everyone. Just listen and Be quiet okay? Hindi na kayo mga bata." sagot naman ni ma'am na parang nagmamakaawa na siya.
Nga naman, hindi na nga kami mga bata pero 'tong ibang classmates ko daig pa grade 3 kung mag-kwentuhan sa mga kaganapan sa kapaligiran! Makapagkwentuhan wagas! Akala mo wala nang bukas.
"Uy beh. Narinig nyo na ba? May bago na naman daw kinuha si Black Phantom!" rinig kong bulong nung isa kong classmate.
"Talaga? Anong painting naman kaya?" tanong naman nung kausap nya.
"The Luncheon on The Grass by Édouard Manet, yun ang pagkakaalam ko at alam mo ba? Nakuha nya daw iyun sa isang mayamang negosiyante na isa rin palang corrupt! Pero ibinalik naman daw ni Black Phantom yung painting sa museum kung saan ito talaga nakalagay."
"Eh? Really? Ang bait nya! Na-iin love na talaga ako kay Black Phantom!"
"Ako din!"
Na-iin love? Hindi nyo alam kung anong sinasabi nyo. Delikado kayang ma-in love sakanya! Ano ba kayo mga classmates, Hindi nyo ba alam na babae si Black Phantom at ako yun!
Yes You heard it again. Ako at si Black Phantom ay iisa. Part time Job ko eh ang magnakaw ng mga ninakaw na gamit. Mabait naman ako at lahat ng mga ninanakaw ko eh isinasauli ko naman sa totoo at tamang may ari. Pero Minsan hindi ko lang maiwasan na parusahan ang mga taong nasa likod at may kaugnayan sa Crimson.
Ang Crimson ay isang grupo ng mga sindikato na pasimuno ng mga nakawan ng paintings, artifacts at jewelries na agad nilang isinusubasta sa mga mayayaman at makapangyarihang tao dito sa buong mundo. Para na nga akong pulis eh, pero buti na lang at hindi nila alam na babae si Black Phantom. Akala kasi nila lalaki ako. Hindi na ko ma-iinsulto sa halip eh magpapasalamat pa ako. Kasi dahil dun malaya kong naitatago ang totoo kong pagkatao bilang Louise.
"Ehemm." Ubo ng teacher ko sa harap nila sabay taas ng kilay. "Hindi ba kayo nakikinig kanina? Sinabi kong Listen and behave diba? Eh anong ginagawa nyo? Nagkwe-kwentuhan kayo sa gitna ng klase ko! You and you! Get out of this classroom! Now!" sigaw nya at dali daling nagtayuan yung mga kaklase kong babae at lumabas.
Ayan kasi, wala talaga kayong panama kay Ms. Emerald! Iba talaga ang bagsik kapag matandang dalaga ka na. Okay sorry sa pagiging echusera.
9:30 am na nung matapos ang last na klase. Well recess na namin kaya pumunta na ako sa caféteria para kumain. Umupo ako sa harap ng mga kaibigan ko na sina Micah at Rio.
"Kamusta? Natulog ka na naman ba sa classroom nyo?" walang ganang tanong sakin ni Micah habang tinutusok niya yung straw dun sa apple juice niya.
"Ako? Hindi ah! Grabe ka naman! Nakinig naman ako sa teacher ko! Tsaka sa mga nagdadaldalan na din.." sabay nguso ko.
"Nagdadaldalan? About kay Black Phantom right? Don't tell me, Nakinig ka na naman ba para malaman kung anong tingin nila sakanya?" sabay tingin niya sakin.
"Shhss!" mabilis kong tinakpan yung bibig niya. "Oo na!"
"Idiot." Mabilis na puna naman niya.
"Idiot? Ang sama mo naman! Itinuring kitang bestfriend ko tapos ganyan ka magsalita sakin! Rio! Ipagtanggol mo naman ako!" sigaw ko naman.
"Sorry Louise, busy pa kasi ako sa pagka-calculate eh. Maybe next time na lang siguro? Hayaan mo na lang yang si Micah na inisin ka muna sa ngayon. Babait din yan mamaya." sagot naman ni rio na busy sa pagbabasa.
"Pssh.. Fine." sagot ko na lang sabay pout.
Meet Michaella Laurelle o Micah. She's my bestfriend since I was 4 yrs. Old. Professor ang daddy nya at magkaibigan sila ng daddy ko. Maganda siya kaso cold at isang poker face princess. Pero sakin lang nya nagagawang ngumiti at maging normal. Matalino rin siya at kilala rin siya sa campus bilang "Geek Princess". Bukod pa dun, siya din ang vice president ng student council.
Pero lingid sa kaalaman ng iba eh siya ay isa sa mga top reseacher ng Noire ang organisasyon kung saan nagtatrabaho si Black Phantom. Trabaho naman ni Micah ang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga susunod na hakbang na gagawin ng Crimson.
Si Marc Rio Tenorio o Rio ay katulad din ni Micah na nagtatrabaho sa Noire bilang isang magaling na hacker at inventor. Siya naman ang gumagawa ng gadgets na kakailanganin ko sa bawat misyon. Communicators, vehicles, madami pa pero hindi mawawala ang stun gun ko. Hindi naman nakakamatay pero ang bala nito ay nagtataglay ng sleeping chemical na kung saan agad agad makakatulog ang matatamaan for 12 hours. At tsaka, Just so you know, Lalake nga pala si Rio. Cool noh? Besides of being a high school student eh nagagawa naming magtrabaho sa mga delikadong misyon.
"Dumaan na lang kayo sa headquarters mamaya. mauuna na ako. " sabi ni Micah with cold voice.
"Okie." sagot ko na lang sabay subo sa hamburger na binili ko.
Mukhang may bago na namang misyon si Black Phantom ah? Walang katapusang misyon. Pero exciting naman dahil hindi mo alam kung sinong halimaw ang makakaharap mo. Sa isang pagkakamali lang eh maari kang mahuli at mapatay ng di inaasahan. Kailangang mag-ingat, kailangang maging alerto. Dahil sa larong ito buhay ang pinaglalabanan.
********
"Bonjour, Black Phantom." Bati sakin ng isang lalaki na nasa isang malaking flat screen na tv na hindi kita ang mukha.
"Bonjou, Mr. Noire." sagot ko naman sakanya.
Si Mr. Noire ang boss ko. Siya ang nagpasok sakin dito at nagbigay ng trabaho bilang Black Phantom. Malaki ang sweldo nya sakin ha! Hindi ko na sasabihin kung magkano kasi baka mainggit pa kayo. Pero kahit kailan eh hindi pa nya ipinakita ang totoong mukha nya samin. Very mysterious kaya mahirap kilalanin.
"Ibibigay ni Apple ang mga details sa next mission mo. Good luck at sana magtagumpay ka. Yun lang." sabi nya sabay biglang namatay yung tv.
Nga pala, nickname ni Micah yung Apple at Glass naman si Rio. Ewan ko kung bakit ganyan yung mga pangalan nila basta pang protection lang daw yan.. yun yung alam ko.
"Black Phantom's new mission. Painting: Young Woman With A Water Pitcher by Johannes Vermeer. Current owner: Mr. Lim, Major stock holder of Central enterprises." Basa ni Micah sa impormasyong nakuha niya.
"Sandali, ano naman ang kinalaman nya sa crimson?" tanong ko naman kaagad.
"Siya kasi ang nakipagusap sa crimson na kunin ang painting na yun para idisplay sa library nya. He wants it for himself. Dahil alam nyang hindi nya ito makukuha dahil nasa pangangalaga ito ng Metropolitan Museum of Arts kaya inutusan nya ang Crimson upang nakawin ito at bilhin sa halagang.. $300,000,000" paliwanag naman ni Micah sakin.
"Wow. Stock holder lang siya pero nakakuha siya ng ganung pera? At ang nakapagtataka bakit naman siya maglalabas ng ganung pera para sa isang painting lang? Sounds exciting." Sabay napangisi ako.
"Sounds exciting? Tandaan mo, Delikado pa rin ito. Dahil kilala ka na, I'm sure napaghandaan na nila ang pagpunta mo kaya kailangan mong mag-ingat." Ani Micah sakin.
"Yes Agent Apple." Sabay ngisi ko sakaniya. "I'll do my best so you don't have to worry. Teka, Sino bang kliyente natin?"
"Mr. Jules, nagtatrabaho siya sa MMA. Mahirap kasing mawalan ng kahit isang painting sa museum eh kaya lumapit na siya sa Noire."
MMA – Metropolitan Museum of Arts
"Okay Okay. Kailan ba ang date at time?" tanong ko naman.
"Next Tuesday, 10:53:48 pm." Mabilis na sagot naman niya.
"Got It! Ah. Una na ako, baka pauwi na kasi si daddy eh.." sabay tayo ko at kuha ng bag ko.
"Wait sasabay na kami." Sagot naman ni Rio sabay tayo at kuha rin ng bag niya.
Nagpaalam na kami sa ibang staffs ng Noire at umalis. Black Phantom had another mission again. Exciting 'to dahil alam kong malaking pangil na naman ang huhulihin ko at isang kayamanan na naman ang maililigtas ko. Pero gaano nga ba ako kasiguradong magtatagumpay ako sa paraang gusto at inaasahan ko? Sana lang hindi ako maging tanga at pumalpak sa gitna ng misyon.
"Welcome home Dad. Kamusta ang book signing mo? Okay naman po ba?" tanong ko sa daddy ko habang tinutulungang tanggalin ang coat nya.
"Well success naman pero nakakapagod pumirma. Meron palang bouquet ng rose na ipinadala sayo." sabi naman nya sabay abot sakin ng rose.
"Bakit sakin? Sino daw po siya?" tanong ko naman habang iniikot ikot yung bouquet.
"I don't know. Hindi nagpakilala eh." Sagot naman ni Daddy.
"Hmm. Ganun po ba? Well salamat, Kung sino man siya." Ngumiti na lang ako't naglakad papuntang kitchen para kumuha ng vase.
Pagkatapos naming kumain at magligpit ay Naligo muna ako bago ako humiga at nagpahinga. Katawan lang ang napahinga ko pero hindi ang utak ko. Excited na kasi ako sa next mission at hindi tumitigil ang utak ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung nagpadala ng rose. Sino nga kaya talaga iyun? Kalaban kaya? May nakakaalam na kaya ng totoong pagkatao ni Black Phantom? Sana mali 'tong naiisip ko. Sana wala pa!
***
It's time. It's time for Black Phantom to work again. Inayos ko ang sarili ko at nag disguise as a maid para makapasok sa loob ng bahay ni Mr. Lim at Thank god dahil wala pa namang nakakapansin sakin. Gamit ng communicator na gawa ni Rio ay nagagawa kong makipag-usap kay Micah para ibigay sakin ang mga direksyon at kung saan may mga bantay.
Saturday ako nagpadala ng message kay Mr. Lim na kukunin ni Black Phantom ang painting na itinatago nya. Nakalagay doon ang date pero hindi ang oras. Ginawa ko yun hindi para inisin sya kundi para makuha ang atensyon nila. Alam kong medyo mahihirapan ako sa ginawa ko pero challenge din 'to kung gaano na ba kagaling talaga si Black Phantom sa mga gantong sitwasyon. Sa ngayon kailangan ko lang umpisahan ang plano ko para lituhin sila.
"SMOKE BOMB SA GATE 3!! NASA GATE 3 SI BLACK PHANTOM!" sigaw nung isang guard na agad namang pinaliwanaan ng ibang gwardya.
Sa gate 3 ako naglagay ng smoke bomb kasi alam kong dun ang mas madaming gwardya. Hindi nga naman dadaan sa front door ang isang magnanakaw diba? Tsak na iisipin nilang laging nasa likod. Sa ngayon, habang busy sila iga-grab ko na ang chance na 'to para makuha ang tagumpay ko. Papasok na ako sa library na nakapang Black Phantom nang may sumigaw sa harap ko.
"Hanggang diyan ka na lang Black Phantom! Napapaligiran ng laser ang kwarto na 'to at sa isang galaw mo lang eh maari kang mapahamak!" sigaw ni Mr. Lim na mukhang paranoid na.
"Hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito? Ayaw mo bang malaman nila kung gano ka ka-sama at nagawa mong pagnakawan ang kompanya nyo para lang sa isang painting?" I said with husky voice para di mahalatang babae ako.
"Mahalaga para sakin ang makuha ang painting na yun! Kaya hindi ako makakapayag na makuha mo ulit ito!" sigaw niya.
Dumilim ang mukha ko't dahan dahang naglakad papalapit sakaniya."Ikaw na nilalang na punong puno ng kasamaan, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanang ginawa mo." wika ko sabay putok ng stun gun sakaniya at gaya ng inaasahan mabilis itong nakatulog.
Walang kahirap hirap na patulugin ang matandang hindi marunong mag isip tulad nya. Problema ko lang eh kampante syang hindi ko makukuha ang painting dahil sa mga nilagay nyang laser sa paligid. Well anong gagawin ko? Computerized ba 'tong mga laser na 'to?
"Agent Apple? Agent Glass?" tawag ko kanila Micah.
"Easy. Gumagawa na kami ng paraan ni Agent Apple." sagot naman ni Rio sakin sa kabilang linya.
"Anong binabalak nyo?" tanong ko naman sakanila.
"Sinusubukan naming I-hack ang system ng lugar para maging madali na lang para sayo ang makatakas." sagot naman ni Micah.
"Oh. Wow. Thank you." At napangisi lang ako dahil mukhang umaayon ang lahat sa plano.
"Ayan na, wala ng laser dyan pwede mo ng kunin yung painting at please pakibilisan pwede? Meron lang kaming 30 minutes bago nila mabawi ang system." seryosong wika niya.
"Roger!" at Kumilos na ako. Agad kong kinuha yung painting then tumakas gamit ang bintana. Automatic na kasing may lubid dun na nagdudugtong sa helicopter para makaalis. Pero bago ko pala yun ginawa eh nilagyan ko ng masking tape ang bibig ni mr. Lim saka nilagyan ng papel sa dibdib na nakasulat na..
"Major Stock Holder is a Thief!" -Black Phantom
Ganto talaga ako mag parusa, brutal pero hindi kailangang pumatay.
Habang nakasabit ako sa lubid habang umaandar palayo ang helicopter, sa gulat ko eh bigla na lang may bumaril sa likod ko na dahilan upang maputol ang lubid at malaglag ako sa kung saan. Hawak hawak ko pa ang painting nun at the next thing I know is.. Nothing.
*******
Ciel's POV
Habang naglalakad ako sa park to get some fresh air eh bigla na lang may nalaglag mula sa langit na nung una eh akala ko ibon. I catched it and gazed to it. Nagulat na lang ako sa nakita ko na..
I was holding The World's Most famous thief, Black Phantom in my arms. I guess nawalan sya ng malay nung pabasak sya dito. What a strange guy. Hindi man lang marunong mag ingat. Now he's biggest secret finally revealed by one and only me.
Itatali ko na sana sya ng biglang malaglag ang sumbrero nya at malantad ang nakapahaba at maganda nyang buhok.
At First nagulat ako. How come na a guy like him eh magkaroon ng ganung buhok. Until a wicked thought come through my mind. Inalis ko yung mask nya at dun ko nalaman na isa pala syang babae. Isang maganda at kaakit akit na babae.
Black Phantom is a girl. A Teenage girl? Impossible! I said to myself. Pero totoo. Isa nga syang babae talaga. Nung mapansin ko na malapit na syang magkaroon ng malay eh inihiga ko sya sa isang bench, inayos ang sarili at itinabi sakanya ang nalaglag nyang painting tsaka umalis. Magkikta pa ulit tayo Black Phantom.. Pangako yan.
*******
Louise's POV
"Ow " sabi ko sabay hawak sa ulo ko.
Napatayo agad ako sabay tingin sa paligid ko. Sa isang park pala ako bumagsak pero panong napunta ako sa bench na 'to? Hindi kaya? May nakakita sakin? Anyway, Buti na lang at nasa tabi ko ang painting. Bahala na kung may nakakita man ang mahalaga eh nasa akin pa din ang painting na 'to. Kung sino man sya hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mapipilitan akong hanapin at patayin sya. Biro lang.
Bago matapos ang gabing yun eh naibalik ko kay Mr. Jules ang painting na matagal na nyang gustong mabawi. Panibagong sweldo at atraso na naman para kay Black Phantom 'to! Pero hindi pa din ako mapakali sa mga nangyari kanina. May nakakita nga kaya sakin?
********
Papasok na ako ng school ng mapansin ko ang mga magagandang kotse sa tapat ng school ko. Anong meron? May bumisita bang presidente? o sikat na nilalang galing sa ibang planeta este bansa? Nevermind wala rin akong pakialam kung sino pa yang bagong pasok na yan eh.
*********
"Sorry sa nangyari nung isang gabi Louise ha." sabi sakin bigla ni Micah habang nakaupo kami sa usual na pwesto namin sa cafeteria.
"Ha? Bakit ka nag-sosorry? Okay lang naman ako eh" masayang sagot ko naman sakanya.
"Wala kang parachute nun. Bukod pa dun muntikan ka ng mamatay sa katangahan ko."
"Woh! Katangahan? Hindi ka tanga Micah! Walang may kasalanan, Ay hindi sisihin pala natin yung walang kwentang tauhan ni Mr. Lim! Pero okay lang ako. Meron akong kapa sa likod nun kaya nagawa kong mag landing ng maayos.." palusot ko na lang dahil ang totoo eh nawalan ako ng malay nun.
"Mabuti naman kung ganun. Pero pangako! Hindi na talaga mauulit!" sabi nya sakin.
"Of course. Ikaw pa." at ngumisi lang ako sakaniya.
Bigla na lang naputol ang pag uusap namin ng may nagtiliang mga babae sa hallway. Syempre dahil certified echusera ako pinakinggan ko naman yung pinag uusapan nila.
"Alam mo ba, kakatransfer lang nung anak ng Blanc corporation dito! at super gwapo nya grabe! Matangkad, maputi at omg! Nasa kanya na ata ang lahat eh!" sabi nung isang babae.
"Ay Oo! Grabe parang na-love at first sight ata ako nung nakita ko sya! Ano nga ba ulit ang pangalan nya?" tanong naman nung isa.
"Joshua Ciel le Blanc? Half french sya at nasa kanya na lahat pero ang alam ko kilala sya sa pagiging Black Prince."
"Oh Talaga? Ok lang yun! Gwapo naman eh!" at nagtawanan na sila.
Anak ng Blanc corporation? So far so good hindi ko pa naman nababalitaan na nakikipagsabwatan ang daddy nya sa Crimson. Pero yung lalake na yun para bang may iba akong nararamdaman sakanya. Like masamang aura? Oo siguro nga.
********
Alas singko na pasado nang matapos ang training ko sa karate. Nakakapagod man pero ang sarap sa pakiramdam. Kailangan ko din kasing galingan para mga makakalaban ko sa hinaharap eh.
Naligo muna ako bago magbihis ng school uniform ulit. Nung pauwi na ako eh bigla ko namang nakasalubong sa daan ang isang matangkad at mestisong lalake. Gwapo sya at walang dudang anak mayaman. Nagbabasa ito habang naglalakad ng biglang mapatingin sya sakin at mapatingin din ako sakanya.
It was a long stare. Feels like there's a high voltage electricity running down on me. Kinabahan ako bigla ng walang dahilan. Inalis ko na yung tingin ko sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko tatawagin nya ako pagkatapos nun pero assumerang tunay lang pala ako. Maybe he's the guy they're talking about .
Joshua Ciel le Blanc. Kakaibang pangalan pero mukhang delikado. Oh well, wala pa namang nakakatalo sa galing ni Black Phantom eh. Sa ngayon, magpapahinga muna ako. Napagod ako sa last mission masyadong madaming bantay.
Ciel's POV
Habang naglalakad ako ay bigla akong napatingin sa isang babaeng nakasalubong ko. Para bang tumigil ang oras nung tinitigan ko sya. She's the One! Sya nga si Black Phantom! Naalala ko pa din yung buhok, mukha, katawan and her mesmirizing lips! Pero hindi ko akalaing high school pa pala sya at dito pa sya nag aaral. Now this sounds exciting. Mababantayan at mapag aaralan ko na ngayon kung ano syang klase ng tao.
Louise's POV
"Woh!" bigla kong naibulalas. Naalala ko na naman kasi yung nangyari kanina habang pauwi ako. Para bang may alam na kung ano yung lalaki na yun sakin. Para bang alam nya na may tinatago akong sekreto. Weird.
"Alam mo ba dad , kakatransfer lang nung anak ng may ari ng Blanc corporation sa school namin." Sabi ko sa daddy ko habang nagsusulat ako.
Napatingin siya sakin saglit at bumalik agad sa pagbabasa niya. "Talaga? kamusta naman?" tanong niya.
"Fine but hell like I care kung ka schoolmate ko nga sya. Ganun na ba kaganda ang school namin para dun sya mag aral? Tsak na mas hindi makakapag-concetrate ang mga babaeng estudyante dun sa pag aaral ng dahil sakanya!" I said with pissed off voice.
"At bakit? Dahil ba sikat sya? Teka nga Chihaya, Bakit ba masyado kang affected dyan ha? What's the matter? May nagawa ba sya sayo?" mapaglarong tanong ni Daddy sakin.
"Hindi naman sa ganun dad. It's like, there's a weird feeling kapag nakikita ko sya. Nakakainis na para bang may masama syang aura? Ayoko sakanya!" sabi ko at humalukipkip.
"Wag kang magsalita ng tapos. Anong malay natin maging close kayo isang araw diba?" pangaasar nya.
"Ew. Never! As in never! It's never gonna happen over my dead body!" sigaw ko sabay walkout.
The reason why na ayoko sakanya eh, because I don't like his dark aura. Walang duda kung bakit tinawag syang black prince. Tsak akong parehas lang sila ng daddy nya na nagagawang mang api ng iba para sa pansariling kapakanan nila. Call me judgemental pero yun talaga ang nararamdaman ko.
Maya maya bigla na lang tumunog ang telepono't Lumapit agad ako para sagutin saka nag hello.
"Hello, Perrault residence who's this?" tanong ko.
"Ah ikaw pala ang nandyan Louise. Si Prof. Laurelle 'to.. andyan ba ngayon si Nash?" sagot naman nya na daddy pala ni Micah.
"Ikaw pala uncle. Opo, bakit po? May gusto po ba kayong sabihin?" tanong ko naman sakaniya.
" Ah wala, papunta na ako dyan ngayon. Wala palang kasama si Micah sa bahay ngayon pwede mo ba syang samahan?" aniya.
"Oh sure sige uncle. I-inform ko na lang si daddy na pupunta ka. Bye po."
" Bye, Thank you."
Sinabi ko muna kay daddy na pupunta si uncle sa bahay saka ako umalis para pumunta kala Micah. Ano naman kaya ang gagawin namin sa bahay nila ngayon? I'll just call Rio na din para meeting na lang ang gagawin namin. Perfect timing to talk about the next mission.
********
Nang makumpleto na kami ay sa kwarto ni Micah kami nag-usap para sa possible na next mission. Pero theory lang naman yun. No confirmation pa. Masyado kasing mailap ang Crimson ngayon dahil sa nangyari kay Mr. Lim. Sino naman kaya ang maglalakas loob magnakaw para sa pansariling luho?
I can't wait. Everything seems so exciting. Hindi na ako makapaghintay.